“What?!” Ang tanging nasambit ni Adrianna sa mga pinagsasasabi sa kanya ni Brion. Sa isip-isip niya masyado naman pala ito'ng pala-desisyon sa buhay niya. Parang kailan lang niya ito nakilala at ngayon nga ay bigla bigla ay boyfriend na niya agad agad. Isa kaya siyang NBSB (No Boyfriend Since Birth) tapos eh ganun ganun na lang, ni hindi man lang siya niligawan. Ni hindi man lang nagkomento si Brion sa reaksyon niya, hanggang ngayon ay hindi pa niya na-isusubo ang kutsarang may pagkain na hawak niya at nakatunganga lang siya sa harapan ng lalaki na patuloy pa din sa pagkain hanggang sa mapansin siya nito. "Isubo mo na yan kung hindi baka iba ang ma-i-subo ko sa'yo?" Ang natatawang sabi ni Brion kay Adrianna. "What?!" Ang muli niya'ng sambit sa lalaki, minsan kasi talaga ay hindi n