Palabas na ng school si Adrianna pero parang gusto na niya ulit bumalik sa loob ng school ng makita niya ang anak ng mayor na nasa may gate at nakatingin sa kanya.
Pero naisip niya bakit ba siya nag-aasume baka hindi naman talaga siya ang inaabangan nito kaya nagpatuloy lang siya sa paglakad at nilagpasan ito pero agad siya'ng sinundan at sinabayan ng lalaki sa paglalakad.
“Bakit hindi ka na napunta sa munisipyo?” Ang tanong nito habang nakasunod sa kanya.
“Busy ako.” Akmang sasakay na sana sa tricycle si Adrianna ng bigla kinuha ni Brion ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat ng dalaga.
“Teka bakit mo kinuha yung bag ko.”
Baliktad na ngayon kung kanina siya ang sinusundan ni Brion habang naglalakad ay siya na ngayon ang nakasunod dito dahil gusto niya'ng kunin ang bag niya.
Binilisan ni Brion ang lakad hanggang sa nabuksan na nito ang kanyang kotse at inilagay sa passenger seat sa likod ang bag nito.
“Ano ba akin na yung bag ko!” Ang naiinis na sabi ni Adrianna kay Brion habang nakatayo sa gilid ng kotse, pero si Brion ay parang walang narinig at pinagbuksan pa nito ng pintuan ang dalaga.
“Pasok na,” hinawakan pa nito ang isang kamay niya at iginiya para pumasok sa front seat passenger ng kotse.
Tila ba napaso si Adrianna sa hawak na ginawa ng lalaki sa kanya.
Ang init ng palad ni Brion, para makawala ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya ay agad siyang sumunod sa utos nito, pumasok at umupo na siya sa loob ng kotse.
Si Brion na ang nagsara ng pinto ng kotse at agad na din naman umupo sa driver seat.
“Teka saan ba tayo pupunta.” Ang agad na tanong niya sa lalaki.
“Chillax sweetie kakain lang tayo.” Ang relax na relax na sagot ni Brion.
“Na naman.” Ang sagot naman ni Adrianna sa lalaki.
“Eh bawal kang magutom, saka pinagpaalam na kita kay Mama Rose.”
Nagulat naman si Adrianna na tinatawag na din nitong mama ang mama niya. Ang alam niya matagal na yumao ang asawa ng mayor.
Naisip na lang niya na baka namimiss lang nito ang yumaong ina kaya nakikitawag na lang ito ng mama sa mama niya pero naisip niya din na parang may mali bakit siya ang napagti-tripan kulitin ng lalaki kaya hindi siya nagdalawang isip na magtanong dito.
“Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?” Ang seryosong tanong ni Adrianna kay Brion.
“Ha wala pa kong ginagawa sa’yo, kakain lang tayo, alam ko’ng gutom ka na at saka isa pa hindi kita pwedeng ihatid ng gutom ka baka magalit sa akin si Mama Rose.”
Hindi makapaniwala si Adrianna sa mga nangyayari tila ba hindi siya pwedeng umangal sa kagustuhan ng lalaki.
Hanggang sa naka-upo na sila sa isang restaurant. Si Brion na ang nag-order dahil nahihiya na naman siyang pumili.
Habang inaantay ang order ay inilabas niya ang kanyang cellphone at bigla na naman ito’ng inagaw ni Brion.
“Ano ba sumusobra ka na ah, bakit ba agaw ka ng agaw ng gamit ko?”
Pero parang bingi naman ang lalaki at hindi siya pinansin tnry pa buksan ang cellphone niya pero buti na lang ay nilagyan na niya ito ng password.
“Anong password?” Hindi na naman makapaniwala si Adrianna sa kapal ng mukha ng lalaki at bakit kailangan pati ang password ng cellphone niya ay gusto pang malaman.
“Manigas ka, hindi ko ibibigay sa’yo.” Hindi na siya nakapagpigil at natarayan na niya ang lalaki dahil sa mga pinaggagagawa nito.
“Talagang naninigas na ‘to.” Ang sabi naman ni Brion pero hindi naman naintindihan ni Adrianna ang ibig sabihin ng lalaki.
“Ano ba akin na yang cellphone ko.”
“Hindi pwede mag-cellphone habang kumakain.”
“Eh wala pa naman yung pagkain ah.”
“Huwag kang makulit sweetie hahalikan kita diyan.” At dahil sa sinabi ni Brion ay napatahimik nito si Adrianna.
Rumagasa ang kaba sa dibdib ni Adrianna dahil hindi pa niya nararanasan ang mahalikan ng lalaki.
Nakita naman niya na inilagay ni Brion ang cellphone niya sa bulsa ng suot nitong pantalon.
Hindi na sila nag-usap hanggang dumating na ang mga order na pagkain at katulad nung nakaraan na kain nila eh parang pang sampung tao na naman ang ini-order ni Brion.
Dahil sa inis ni Adrianna sa lalaki ay hindi siya kumikilos, magmamatigas siya at hindi talaga siya kakain kahit ang totoo ay nagugutom na din naman siya.
“Kumain ka na, hindi tayo aalis dito hangga’t hindi ka kumakain?”
Tila nagpantig na ang tenga ni Adrianna sa lalaki, sobra na ang pagmamandong ginagawa nito kaya tumayo siya at iniwan ang lalaki.
Bahala na yung bag at cellphone niya, kapag hindi iyon nakabalik sa kanya ay magsusumbong na lamang siya sa mama niya or kaya kay mayor mismo para ipaalam ang ginagawang pagti-trip sa kanya ng anak nito.
Nasa labas na siya ng restaurant ng bigla siyang niyakap ng lalaki mula sa kanyang likuran.
Hindi naman agad nakagalaw si Adrianna sa ginawa ng lalaki halos pakiramdam niya ay triple na ang bilis ng tìbok ng kanyang puso.
“Sorry na sweetie, ibabalik ko na yung cellphone mo, tara na sa loob, kain na muna tayo, tapos ihahatid na kita promise.” Ang lambing pa ng pagkakasabi sa kanya nun ni Brion tila sinusuyo siya.
Inalis na nito ang pagkakayakap at humarap siya sa lalaki pero hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Brion, hinawi nito ang kanyang buhok at inipit sa likod ng kanyang tenga, tila ba nakuryente si Adrianna sa ginawa nito.
Halos hindi na siya makagalaw at makapagsalita hanggang sa hawakan na lamang ni Brion ang isa niya kamay at hila siya papasok ulit sa restaurant at napasunod din naman siya.
Ibinalik na nito agad sa kanyang cellphone pagka-upong pagka-upo pa lang nila.
Akmang lalagyan siya ng pagkain ni Brion sa plato niya pero agad niya itong pinigilan.
“Ako na.” Ang sabi ni Adrianna sa lalaking makulit na anak ng mayor.
Tahimik naman ang pagkain nila hanggang matapos.
Nakasakay na sila sa loob ng kotse, hanggang sa makarating na sila sa labas ng bahay nila Adrianna.
“Bukas sunduin kita ulit.” Ang pag-imporma ni Brion sa dalaga.
“Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?” Ang naiinis ng tanong ni Adrianna.
“Sweetie, sinagot ko kanina ya’ng tanong na ‘yan ah inulit mo na naman.” Ang relax na relax na naman na sagot ni Brion.
“Dahil hindi tama ang ginagawa mo, parang namimilit ka na eh saka nag-sinungaling ka pa sa akin nung last time sabi mo susunod tayo sa group dinner pero wala naman pa lang ganun kaya sumama ako sa’yo tapos yung ginawa mo kanina imbes na pasakay na ko ng tricycle eh bigla mo na lang kinuha yung bag ko at pilit mo naman ako pinasama sa’yo at ang malala pati yung cellphone ko eh basta mo na lang pinapakielaman eh personal at private property ko yun.”
Hindi na napigilan ni Adrianna ang sarili at sunod sunod ng lumabas sa mga bibig niya ang reklamo siya sa ginagawa ng lalaki sa kanya.
Hindi naman agad nakasagot si Brion sa mga sinabi ng dalaga pero ilang saglit pa ay nagsalita din ito.
“Okay, I’m sorry pero sunduin kita ulit bukas.”
Hindi makapaniwala si Adrianna sa kakapalan ng mukha ng lalaking anak ng mayor kaya agad na siyang lumabas ng kotse nito at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.
Dumiretcho agad siya sa kanyang kwarto at halos pabagsak niyang inilapag ang kanyang bag sa may kama dahil talagang naiinis na siya sa ginagawa sa kanya ng lalaki na tila ba hindi siya nito binibigyan ng choice.