Preview

496 Words
Adrianna Bakit sa dinami-dami pa ng tao sa mundong ibabaw eh bakit siya pa? Pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ako sa aming probinsya sa maliit na bayan na aking kinalakihan, ang bayan ng Santa Catalina dahil hindi ako pinalad na magkaroon ng maganda at maayos na trabaho sa Maynila. Palagi na lang ako'ng papalit palit ng trabaho. Hindi ko din maintidihan ang sarili ko parang madali akong magsawa at ang ending ay palagi akong nagre-resign at lilipat na naman. Sa limang taon paninirahan ko sa Maynila eh naka sampung trabaho na ata ako, hindi man lang ako tumatagal ng isang taon sa mga napapasukan ko tila ba may hinahanap ako na di ko mawari. In short I was a failure. Kaya napagpasyahan ko na lamang na bumalik dito sa aming maliit na bayan at nagdesisyon na magtayo na lamang ng maliit na business. Kahit papaano naman ay may naipon naman akong maliit na halaga at sa tingin ko ay sapat na yun para makapagsimula kahit na maliit na negosyo lamang. Nang makarating ako sa aming bahay ay laking gulat ko na hindi na pala nakatira si mama doon at ibinenta na niya at mas lalong nakakagulat ay nakatira na pala ito sa bahay ng kanyang nobyo na wala akong kaalam-alam. At ang pinaka nakakagimbal na balita ay ang kinakasama niya ngayon ay ang dating mayor ng bayan na si Mr. Joselito Buenavista na pinalitan ng kanyang anak na si Mayor Brion Joseph Buenavista. Brion Joseph Buenavista ang demonyong lalaki na hindi ko malimutan dahil meron kaming nakaraan. Siya lang naman ang demonyong lalaki na nagkunwari na may gusto sa akin. Pina-ibig at Pinaasa ayan lang naman ang ginawa sa akin ng demonyong lalaki. At sa hindi malamang pangyayari ay kami ay pinagtagpo muli at sa ganito pang pagkakataon. "Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng KUYA dahil hindi tayo magkapatid!" Bahagya naman ako’ng natawa sa sinabi niya “Kahit ano pang sabihin mo magiging magkapamilya na tayo, malapit ng ikasal ang nanay ko at ang tatay mo! So, ang labas eh magiging magkapatid tayo, KUYA!” Inulit ko pa ang salitang KUYA para ipaintindi sa kanya kung ano ang magiging sitwasyon namin pero nagulat ako ng bigla niya ako’ng isinandal sa pader. “Isa pang tawag mo sa akin n’yan, ewan ko lang kung matawag mo pa ko’ng KUYA sa gagawin ko sayo.” Kinabahan ako sa mga salitang lumabas sa mapupulang labi niya, halos magkadikit na magkadikit na ang aming mga mukha, amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. “A-anong gagawin mo?” Tumawa siya ng nakakaloko, demonyo talaga at inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga at bumulong. “I'll make love to you and I will get you pregnant.” No! Hindi pwede ang gusto niya dahil magiging magkapatid na kami. Magiging stepbrother ko na siya. My Evil Stepbrother na minsan naging Ex ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. He will be the death of me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD