Brion “Alam mo sayang kasi tinanong ko yung inaanak ko eh single pa daw siya eh hindi ba single ka pa din hanggang ngayon, kung hindi lang siguro nagka-mabutihan si Rose at yung tatay mo eh pwedeng pwede pa sana kayo.” Hindi ko nagustuhan ang mga salitang lumabas sa bibig nito na ano'ng sayang like what the fùck eh ano naman ngayon kung nagka-mabutihan si Mama Rose at ang Dad ko, mas maganda ngayon eh di tipid sa biyenan, isahan na lang. Pero dahil Ninong ito ng sweetie ko ay ngumiti na lamang ako at nagpaalam na lalabas na. Nakita ko naman na nasa tapat na ng sasakyan ko si Adrianna na may kausap sa kanyang cellphone habang nakabantay pa din sa kanya ang dalawa ko’ng tauhan. “Hindi ko maintindihan bakit si Brion ang kailangan sumundo sa akin, bakit ba kasi ayaw mo'ng sabihin sa aki