Brion Nasa tanggapan ako ng aking opisina ng mag-ring ang aking cellphone. Mama Rose is calling… Me: Hello Mama Rose Mama Rose: Bumalik na siya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya ang nag-iisa lang naman niya'ng anak na babae. So, she’s here. Adrianna, my ex-girlfriend is here. Me: Nasaan po siya, ma? Mama Rose: Pinapunta ko muna dun sa resto bar ng Ninong Omar, makiki-suyo sana ‘ko sa’yo anak na baka pwede paki-sundo mo muna sa isa sa mga tauhan mo, medyo naguguluhan pa siya eh, alam na niya na ibinenta ko na yung bahay namin pero hindi pa niya alam ang tungkol sa amin ng daddy mo. Me: Sige po ma, ako po bahala! Mama Rose: Maraming salamat ‘nak. At ibinaba na nito ang tawag. Lumabas ako ng aking opisina para magbilin kay Emmanuel na hindi na ako babalik at may importante ak