Adrianna Napaka-demonyo talaga ng lalaking ito, kahit kailan talaga eh hindi nagpapatalo. Hindi ko sukat akalain na para lang ako’ng isang bagay na ipinadamot niya sa dalawang hudyo niya’ng tauhan at binitbit ako palabas sa resto bar ni Ninong Omar na ganun ganun lang. Binitawan lang nila ko ng nasa tapat na ako ng kulay itim na Ranger Rover Luxury SUV Vehicle malamang sa kanya ito eh ubod din ng yabang ang hinayupak na lalaki na yun eh. Habang hindi pa nalabas ang demonyong lalaki ay agad ko’ng idinayal ang number ni mama. Ring ring ring… Shit! Hindi nasagot so idinayal ko ulit. Ring ring ring… Mama: Hello 'nak Me: Bakit si Brion ang sumundo sa akin? Ang agad na sabi ko pagkasagot na pagkasagot pa lang niya ng tawag ko at narinig ko naman sa kabilang linya ang pagpapakawala niya