Chapter 21

1354 Words
LEONA Bihag pa rin niya ang aking labi nang sinimulan niyang kalasin ang tali ng aking salakot. Tuluyan itong nahulog sa damuhan. Magkahalong pananabik at umaapaw na pagmamahal ito ang namamayani sa aming puso sa mga oras na ito. Sa liwanag ng malaking buwan, sa ilalim ng malaking puno na napapalibutan ng mga alitaptap ang ang aming puso at katawan ay iisa ang nararamdaman. Pagmamahal na mali man sa paningin ng karamihan ay patuloy naming ipaglalaban. Tuluyang nalaglag ang mahaba kong buhok. Humiwalay ang kanyang labi at mataman akong tinitigan. Dinala niya sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng aking buhok. “Wala ka bang nararamdamang pagtutol?” Umiling ako sa kanya. “Wala Damion…handa na ako…” Sinimulan niya akong halikan sa aking noo. Dampi lang yun ngunit punong-puno ng pagmamahal. Bumaba ang kanyang halik sa tungki ng aking ilong pababa sa aking labi. “Akin ka lang Leona. Kahit kamatayan ay walang makakapag-hiwalay sa ating dalawa. Isusumpa ko ang mga taong susubok na paghiwalayin tayong dalawa. Kung kailangan bumalik ako mula sa hukay gagawin ko. Wag ka lang nilang makuha sa akin.” Mahinang sambit niya nang maghiwalay muli ang aming labi. “Hindi mo kailangang gawin yun Damion. Dahil hindi ako papayag na paghiwalayin nila tayo. Kung kailangan kong lumayo kasama ka gagawin ko. Kung kailangan ko silang iwan para sa’yo gagawin ko. Dahil iniibig kita Damion.” Hinawakan niya ang aking pisngi at muli niya akong hinagkan. Kung kanina ay may pananabik at makaubos ng hininga. Ngayon ay marahan lamang ang galaw ng kanyang labi. Hangang sa unti-unti na niyang tangalin ang butones ng kamisa ko. Hangang sa tuluyan na rin itong nahulog sa damuhan. Malayo ang kabayahan dito sa may lawa dahil nasa likuran lamang ito ng simbahan. At walang ibang taong nagpupunta rito kaya malaya kaming gawin ang lahat. Bumaba ang kanyang halik sa aking panga pababa sa aking leeg. Hindi ko mapigilan ang mapakapit sa kanyang balikat. Ang tanging suot ko lamang panloob ay corpiño. Sa isang iglap ay nagawa niyang mahubad ang pang-itaas kong saplot sa katawan. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa hiya na aking nararamdaman. Ngunit kinuha niya ang kamay ko at dinala niya sa kanyang labi. “Hindi mo kailangan itago ang ‘yong sarili. Dahil napakapalad ko na inibig ako ng babaeng pinaka-iibig ko. At nais kong sulitin ang oras na ito para sa ating dalawa. Mahal ko.” Hinubad niya ang kanyang baro at inilatag ito sa damuhan. Hinila niya ako at napaupo ako sa latag. “Wag kang matakot, iingatan kita at mamahalin hangang kamatayan.” Hindi na ako tumutol nang tuluyan niya akong ihiga sa damuhan. May kaunting takot dahil wala pa akong karanasan ngunit may tiwala ako sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinagkan niya akong muli sa labi. Unti-unti na rin siyang dumagan sa akin. Hindi ko naramdaman ang bigat niya ngunit ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib. Napasinghap ako nang angkinin niya ang aking dibdib. Habang ang mga kamay ko naman ay nanatili sa kanyang balikat. Kahit malamig ang paligid dahil sa hangin na dumadampi sa hubad naming katawan. Pakiramdam ko nag-aapoy na sa init ang buong paligid. Gumalaw na rin ang kanyang kamay. Bawat daanan ng kanyang palad ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na hindi ko inaasahang maramdaman sa mga oras na ito. Hangang sa namalayan ko na lamang na natangal na rin niya ang natitira kong saplot sa katawan. Umakyat ang kanyang labi sa akin at pinaghiwalay niya ang ng kanyang binti ang dalawa kong hita. Napalunok ako nang maramdaman ko ang kanyang p*********i. Kanina hindi ako kinakabahan ngunit ngayon parang nagdadalawang isip na ako. Hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at malalim ang ginawa niyang paghalik. Halos malunod na ako at hindi makahinga. Pakiramdam ko hinihigop niya ang buong lakas ko. Hangang sa unti-unti na rin niya akong ina-angkin. Nakulong ng kanyang bibig ang impit kong sigaw. Parang may napunit na kong ano sa loob ko na parang humihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. “Paumanhin... nasaktan kita.” Hingal niyang sabi sa akin nang bitawan niya ang labi ko. “Kaya ko…” Sagot ko sa kanya. Sa unang pagalaw ay napapangiwi pa ako ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko na rin ang masarap na pakiramdam. Napapasinghap ako kapag nararamdaman ko ang bawat pagbaon niya sa loob ko. Sa una ay mabagal lamang ngunit habang tumatagal ay bumibilis na rin ang pagkilos niya sa ibabaw ko. At nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng kung ano sa puson ko. Hangang sa ilang sandali lang ay tuluyan na siyang bumagsak sa ibabaw ko. Pareho kaming nanghina dahil sa nangyari. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa tabi ko. At bumaling siya sa akin. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking balikat. At ang kamay naman niya ay nasa aking beywang. “Ako na siguro ang pinaka-masuwerteng nilalang sa mundo.” Sambit niya. Humarap ako sa kanya at tinitigan ang kanyang buong mukha. “Ipangako mong ako lang ang mamahalin mo Damion. At ipinapangako ko ding sa’yo lang ako habang buhay hangang kamatayan.” Kinabig niya ako at muling siniil ng halik sa labi. “Mahal na mahal kita Leona.” “Minamahal din kita Damion.” Sa pangalawang pagkakataon ay muling nag-isa ang aming katawan. Sa labis na pagod ay siya na ang nagbihis muli sa akin. Nakaunan ako sa kanyang braso at nasa noo ko naman ang kanyang labi bago ako tuluyang nahimbing at nakatulog. **** “Walang hiya ka!” Nagulat ako dahil sa malakas na sigaw na aking narinig. Madilim pa ang langit ngunit nagimbal ako nang makita ko si Ama. Kaagad akong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. “Ama! Huwag!” Pigil ko sa kanya nang akmang sasaktan niyang muli si Damion. Duguan na ang labi nito. “Umalis ka diyan Leona! Papaslangin ko ang lalaking yan!” Galit na sigaw ni ama. Saka ko pa lamang napansin si Governador-heneral na nakatayo sa likuran niya at ang ilan lang sundalong kastila. Lumuhod ako sa harapan ni ama. “Ama! Maawa kayo…iniibig ko si Damion…Iniibig namin ang isa’t-isa...” Pagmamakaawa ko sa kanya. “Hangal! Isa kang hangal Leona! Paano mo nagagawa ang ganito kasumpa-sumpang bagay?! Paano mo nagagawang ibigin ang pari na yan?! Hindi ka ba natatakot sa magiging sumpa sa inyong dalawa?!” “Hindi ama! Tunay ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. At iiwan niya ang pagiging pari para sa akin. Itakwil niyo ako kung yun ang iyong nais…ngunit wag niyo kaming paghihiwalaying dalawa…” Humihikbing sabi ko sa kanya. “Hangal ka talaga!” Isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. “Leona!” Kaagad na lumapit si Damion sa akin at inalalayan akong makatayo. Muntik na akong panawan ng ulirat dahil sa sakit ng sampal ni Ama. “Kunin niyo ang anak ko at ikulong sa kanyang silid ngayon din!” Ma-authoridad na utos ni ama. “Hindi niyo siya makukuha sa akin!” Matapang na sabi ni Damion sa kanila. “Nakakarimarim ka Padre Damion! Mataas ang respeto sa’yo ng mga tao dito ngunit isa ka pa lang ahas! At anak ko pa ang unang biniktima mo! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito! Ikulong niyo ang lalaking yan!” Utos ni Ama. “Hindi! Wag ama! Parang-awa mo na! Ama… pakiusap…wag mo siyang ipakulong!” Nilapitan kami ng tauhan ni ama at pilit na pinaghihiwalay hangang sa mahigpit na hinawakan ni Damion ang kamay ko at pilit niya akong inilalayo sa kanila ngunit pati ang mga sundalong kastila ay naki-alam na rin. Sinubukan ni Damion na manlaban at ayaw pa rin niya akong isuko. Ngunit sinaktan na siya ng mga kastila hangang tuluyan na niyang mabitawan ang kamay ko. “Hindi! Damion! Damion!” “Leona! Wag kang mag-alala kukunin kita at ilalayo kita sa kani—” Nanlaki ang mata ko nang hampasin siya ng kahoy sa batok at tuluyan siyang nawalan ng malay. “Hindi!!! Damion! Dami—” “Señorita? Señorita!” Narinig kong sigaw ni Anita nang tuluyang magdilim ang aking paningin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD