Chapter 3

1632 Words
Sunod-sunod na katok sa pinto ang gumising sa akin. Pagtingin ko sa relo ay alas-sais pa lang ng umaga hindi pa gaanong sumisikat ang araw. “Mia! Gumising ka na! Pupunta tayo sa school para magpa-enrol!” Sigaw ni Yaya mula sa labas ng pinto. Nakalimutan ko na hahabol nga pala kami sa enrollment ngayon sa kolehiyo. Napabalikwas ako ng bangon at pinagbuksan ko siya ng pinto. “Sorry Ya, nakalimutan kong mag-alarm.” Pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko dahil may bitbit siyang pang-almusal ko. “Kumain ka na, pagkatapos ay maligo ka na rin. Sasamahan ka namin ni Pablo. Dahil iisa lang ang papasukan niyong university.” Wika niya na ikinagulat ko. “Si Pablo? Nag-aaral siya?” Napabaling ang tingin sa akin ni Yaya. Papasok na sana siya sa loob ng bihisan ko upang ipaghanda ako ng susuotin ko. “Oo, bakit parang gulat ka? Tatlong taon lang naman ang tanda niya sa’yo. Working student daw si Pablo sabi ni Tatang Celso. At nasa huling taon na siya ngayon sa kursong engineer.” “Really?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Akala ko pa naman karpentero siya dahil sa laki ng katawan niya. Saka mukhang sanay din siya sa mabibigat na trabaho. “Oo na kaya bilisan mo na diyan.” Kaagad akong umupo sa kama kung saan niya ipinatong ang pagkain ko at magana akong kumain ng breakfast. Plano ko sanang sa public na lang mag-aral at magpapalit ako ng short course kahit tesda na lang sana pero ayaw pumayag ni ni Tito Jose kaya itutuloy ko daw ang pagdo-doctor ko siya daw ang gagawa ng paraan dahil yun daw ang ipinangako niya kay Dad. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na rin ako ng pantalon at blouse. Kukunin sana ni Yaya ang suklay upang para siya ang magsuklay ng mahaba kong buhok pero hindi ako pumayag. “Ya, hindi mo na po kailangan na gawin ito. ilang months na lang mag de-debut na ako. Saka isa pa kaya ko naman po gawin ang lahat ng ito.” Wika ko sa kanya. Nakita ko sa salamin na nalungkot siya kaya humarap ako sa kanya at niyakap ko siya sa beywang. “Thank you for taking care of me. Hindi mo ako iniwan kahit wala na akong maibigay na salary sa’yo nanatili ka pa rin sa tabi ko.” Wika ko sa kanya. Hinaplos niya ang basa kong buhok mula sa likuran. “Hindi lang naman dahil sa sahod kaya kita inaalagaan. Alam mo naman na anak na rin ang turing ko sa’yo.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “I love you, simula ngayon mama na ang itatawag ko sa inyo.” Nakangiting sambit ko na ikinangiti din niya. Nangingilid ang kanyang luha at niyakap din ako. Kahit paano may nagmamahal pa rin sa akin. Kaya dapat lang na suklian ko din ang pagmamahal niya sa akin dahil itinuturing na niya akong anak. “Naku, mabuti pa bilisan mo ng kumilos. Baka inaantay na tayo ni Pablo sa baba. Magbibihis lang din ako.” Nagmamadaling paalam niya sa akin. Humiwalay ako ng yakap at nagmadali siyang lumabas ng pinto. Nagsuklay na ako ng buhok at kaagad akong nag-check ng bag ko para wala akong makalimutan. Naglagay lang ako ng press powder at liptint at nag-spray na rin ako ng kaunting pabango pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Dumaan naman si Mama Sabel kaya sabay na kaming bumaba ng hagdan. Paglabas namin ay nakita ko si Pablo na halatang inip na inip na sa paghihintay dahil may pag sipa pa siya ng maliliit na bato na nakausli sa lupa. “Pasensya na Pablo kung natagalan kami.” Wika ni Mama Sabel sa kanya. Napabaling ang tingin niya sa akin at sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Okay lang po yun, hindi pa naman normal ang pasok kaya pwede pang ma-late.” Nakangiting sagot niya. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. In fairness nagmukha siyang tao. Nakasuot siya ng pants na itim at polo na kulay powder blue. Siguro ito ang kanyang uniporme. Paglabas namin ng gate na bakal ay naglakad lang kami. Dahil malapit lang daw ang magiging school namin. Wala pang limang minutong paglalakad ay bumungad sa amin ang isang private university. Theodore Memorial College? May mga kasabay rin kaming pumasok sa loob pero ako lang ata ang may kasamang nanay. Nakakahiya naman pero no choice ako dahil hindi ako sanay na mag-isa. Lalo pa’t hindi ko kabisado ang lugar dito. “Akin na ang cellphone mo.” Napaangat ako ng tingin nang sabihin yun sa akin ni Pablo. Medyo may katangkaran kasi siya sa akin. “Bakit?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. “Para ma-tex mo ako mamaya kapag pauwi ka na. Dahil late ka ng nag-enroll siguradong derecho ka na rin pasok ngayon kaya uuwi na si Aling Sabel at maiiwan ka. Isasabay na lang kita sa pag-uwi ko.” Wika niya sa akin. Akala mo talaga may care pero ang totoo snub naman hindi nga ako pinansin nang tawagin ko siya kagabi. “Kaya kong umuwing mag-isa.” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. “Mia, ibigay mo na yung phone mo para mailagay niya ang number mo. Mas safe kung may kasama kang uuwi mamaya.” Kumbinsi ni Mama Sabel. “Sige na nga.” Dinukot ko ang phone ko at inabot ko sa kanya. “Yan, inilagay ko ang number ko para kapag kailangan mo ako ay matawagan mo ako. Mauuna na po ako sa inyo.” Paalam niya sa amin at tinalikuran na niya kami. Nagtuloy kami sa registrar office para magpa-enroll. Pagkatapos ay sinamahan ako ni Mama Sabel para hanapin yung department namin dahil malawak ang university. Pinagtitinginan pa kami ng naroroon kaya nahiya. “Ma, uwi ka na po ako na lang. Madali naman sigurong magtanong dito.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Sigurado ka bang kaya mo na?” Tumango ako sa kanya. Hindi naman ako mahiyain sadyang kapag bago pa lamang dito kaya nahihiya pa ako pero sa mga susunod na araw ay masasanay din ako. Tinanaw ko ang papalayong si Mama Sabel lumilingon pa siya sa akin pero sinisenyasan ko na lamang siyang umuwi na. Inabot na ako ng lunch sa pag-iintay kung saan akong section mapupunta. Kaya nagtanong-tanong na lamang ako kung saan ang canteen. Sa ngayon ay hindi pa namin problema ang pera dahil may natira pa naman na pera sila Dad sa bangko at yun ang ginagamit namin. Malawak at malinis na canteen ang bumungad sa akin sa dulo ng university. Marami na din ang studyante na kumakain ng lunch. Nag-order lang ako ng isang cup ng rice at friedchicken na may mushroom gravy sauce na sinabaw ko sa kanin. At bumili rin ako ng yakult at isang bottled water. Nag-hanap ako ng bakanteng upuan sa dulo at nang makahanap ako ay nagtungo agad ako doon para makakain na rin ako. Kakaupo ko pa lamang nang may mga lalaking tumayo sa harapan ko. “Hi miss, pwedeng pa share ng table?” May dala-dala silang tray ng pagkain at tatlo pa silang lalaki. Inikot ko ang aking paningin dahil may bakante pa naman pero gusto nilang maupo sa table ko. “Puwesto kasi namin ito miss.” Nakangising sabi ng isa pang lalaki. May punto sila sa pagsasalita pero tagalog ang gamit nilang lenguahe parang si Pablo. “Ah, ganun ba? Lili—” “Dito na tayo Mia.” Putol ng pamilyar na boses na nasa likuran ko. “Kilala mo siya?” Tanong ng lalaking nasa harapan ko. “Kilala ko nga siya eh, natural na kilala din niya ako.” Nagulat ako nang kuhanin niya ang plato ko at hilain niya ako patayo sa bangko. Iniupo niya ako sa kabilang table sa harapan niya. “Kumain na tayo nagugutom na ako.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napatingin ako sa tatlong lalaki na naka-smirk pa habang nakatingin sa amin ni Pablo. “Wag mo na silang tignan kumain ka na lang diyan.” Saway niya sa akin kaya itinuon ko na lang ang sarili sa pagkain ko. Nauna silang matapos sa amin dahil mabagal din akong kumain pagkatapos ay umalis na sila. “Sa susunod kapag hindi ka comportable sa isang tao ay umiwas ka kaagad. Kapag masama na yung kutob mo mauna ka ng lumayo. Alam nilang bago ka lang dito kaya kinakausap ka nila ng tagalog para maintindihan mo sila. Pero much better kung pag-aralan mo na din ang salita dito para mas madali kang makipag-communicate lalo na doon sa hindi marunong mag-tagalog.” Seryosong sabi niya sa akin. Pagkatapos ay tumayo na siya sa harapan ko. “Mauuna na ako baka bukas ka pa matapos diyan. Basta tawagan mo ako mamaya kapag wala ka ng gagawin naintindihan mo?” Tumango na lamang ako sa kanya. At tinanaw ang papalayong likod niya. Paiba-iba ang ugali niya. Minsan seryoso, minsan naman nang-aasar at minsan hindi namamansin. Wala din siyang ibang kasama kaya siguradong hindi rin siya palakaibigan. Alas-tres ng hapon nang matapos ang last subject namin. May mga nakakausap na rin akong kakilala pero hindi ko pa sila ka-close. Tama nga ang sinabi ni Pablo kailangan ko din matutunan ang language nila dahil hindi ko sila naiintindihan kapag nag-uusap sila. Pero tagalog naman habang nagtuturo kaya hindi ako nahirapan. Paglabas ko ng building ay kaagad kong dinukot ang phone ko. Inaantay kong sagutin niya ang tawag ko pero natanaw ko siyang papalapit sa akin. Hinahangin pa ang kimpi niyang buhok pati na rin ang kanyang polo. Hindi ko naiwasan na tignan siya habang humahakbang papalapit sa akin. May itsura din pala ang isang to kahit hindi maputi ang balat niya. Tall dark ang handsome pwede na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD