Asha
Paglipas ng isang linggo ay naisipan kong magpasa ng resignation letter sa kompanyang pinagtratrabauhan ko. Matapos kasi ng nangyari sa akin ay hindi ko na magawa pang itapak ang aking mga paa sa gusaling iyon dahil naaalala ko lang ang nangyari sa akin. Hindi ko kasi lubos maisip na ang inakala kong kaibigan ko ay siyang tratraydor sa akin.
Binigay ko sa mga pulis ang aking statement at sinabi ko na sila Tiffany ang may pakana ng lahat ng ito kaya muntik na akong magahasa. Ayon kay Birch ay dumating ang mga pulis sa pinagtratrabauhan namin at hinuli si Tiffany kasama ang tatlong babae na siyang may pakana nito sa akin. Tungkol naman sa mga kumidnap sa akin ay humingi ako ng tawad sa mga pamilyang iniwan nila pero mukhang hindi naman nila ako sinisisi sa nangyari.
Nakita ko sa mga larawan ang nangyari sa apat na lalaking muntik gumahasa sa akin at halos masuka ako sa aking mga nakita. Kung sinuman ang tumulong sa akin ay gusto kong magpasalamat sa kanya pero kasabay nito ay gusto ko ring tanungin kung bakit niya ito ginawa. Pwede namang pinatumba niya na lang ang mga ito kaysa naman ang bawian sila ng buhay.
Hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan ang ginawa nila at ang sinapit nila kaya naman naisipan kong magpakaabala. Gusto akong mag-apply ni Tasha sa eskwelahan na pinagtratrabauhan niya pero sinabi ko na saka na lang. Hindi pa ako handa na pumasok sa isang trabaho lalo na kung mauulit lang sa akin ang nangyari sa una kong trabaho.
Naintindihan naman ako ni Tasha na aking ipinagpasalamat total ay marami pa naman akong ipon at pwede ko itong gamitin kahit pa sa isang taon. Naisipan kong tulungan na lang muna ang aking ina sa gawaing bahay hanggang sa maging handa na ako na magtrabaho ulit. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng aming bahay at nagpapahangin habang bumabalik sa aking balintataw ang nangyari.
Alam ko na may nakalimutan ako pero kahit na ano’ng pilit ko na alalahanin ito ay hindi ko magawa. Parehas na parehas talaga ito sa pagkakataong nasa loob ako ng banyo at kahit ano’ng alala ko ay walang bumabalik sa aking isipan. Sabi naman ni Dr. Sanchez na siyang nag-check-up sa akin ay may mga bagay daw ang utak ng isang tao na gusto nating kalimutan dahil masasaktan lang tayo.
At marahil ay kaya hindi ko maalala ang mga ito ay dahil masyado raw itong pangit para alalahanin pa. Sabi naman ni Dr. Sanchez na wala raw akong dapat ipag-alala dahil normal lang ito at wala raw dapat akong ipangamba. Habang nagpapahangin ako ay napalingon ako nang tawagin ni Mama ang aking pangalan.
“Kumusta ka na iha?” tanong niya.
“Ayos lang ho ako Mama. May ipapagawa ka pa ba sa akin?” tanong ko at umiling siya.
Pagkatapos ay sabay kaming natahimik habang nakatingin sa kawalan.
“Anak?” Basag niya sa katahimikan. “Kapag may bumabagabag sa iyo ay huwag kang magdadalawang-isip na sabihin ito sa akin ha?” Tumango naman ako.
“Ma? Sa tingin mo ay bakit may mga taong kayang lokohin ang isang tao at paniwalain ito na mabait siya kahit hindi naman? Ano kaya sa tingin mo ang tumatakbo sa utak ni Tiffany noong mga panahon na pinamigay niya ako sa mga lalaking iyon? Masaya ba siyang malaman na may nangyaring masama sa akin?” Hinaplos ni Mama ang aking likuran.
“Anak, alam ko na sa kaibuturan ng puso ni Tiffany ay tinuring ka rin niyang kaibigan niya. Pero alam mo kasi ang tao oras na lamunin ito ng sarili nilang inggit at galit ay nagbabago sila bigla. Darating sa punto na lahat ng mga pinagsamahan niyo ay mawawala ng isang iglap,” sabi niya.
“Pero bakit ang ibang tao ay nakakaya naman nilang pigilan ang kanilang sarili? Kung tutuusin nga ay mas nagiging mabait pa silang tao kapag hindi sila nagpapalamon sa galit o inggit. Bagkus ay hahanap sila ng paraan para maging masaya at hindi maging masama,” sabi ko.
“Totoo. May mga prinsipyo kasi ang mga tao anak at ang prinsipyong iyon ang nagiging dahilan kung bakit nagiging masama o mabuti ang isang tao. Marami sa atin na ang prinsipyo natin ay ayaw nating gawan ng masama ang tao dahil naniniwala tayo sa salitang karma.
“Pero ang iba ay makamit lang nila ang kanilang kaligayahan, kasikatan, karangyaan at respeto ng ibang tao ay kaya nilang gumawa ng masama. Nagkataon lang anak na iba ang prinsipyo ni Tiffany at nagpakain siya sa sarili niyang inggit at galit. Pero ikaw anak ay alam kong hindi ka gano’n.” Napangiti naman ako sa sinabi ng aking ina.
“Paano naman ho kayo nakasisisgurado, Mama?” tanong ko.
“Dahil anak kita at alam ko na may mabuti kang puso at kalooban. Mas iisipin mo pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo. Kaya naman dahil doon ay masaya ako na nagkaroon ako ng anak na tulad mo.” Yinakap niya ako sabay hinalikan sa aking noo.
Nang matapos naming mag-heart to heart ng aking ina ay ako na ang nag-alok na magluto ng hapunan bago pa dumating si Tasha. Nang dahil sa sinabi ng aking ina ay medyo gumaan ang aking loob at pinilit kong hindi maalala ang mga nangyari sa akin. Pagsapit ng alas-sais ay sakto namang dumating si Tasha at sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan.
Nang matapos ay si Mama na ang naghugas ng pinggan dahil alam niyang galing lang sa trabaho si Tasha at ayaw niya itong pagurin. Ako naman ay dumiretso ako sa aking kwarto kung saan ay humiga ako habang naka-on ang aking tv. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-browse ako saglit sa mga nangyayari sa bansa nang makarinig ako ng katok sa aking pinto.
“Pasok,” sabi ko.
Agad naman akong napaupo nang makita ko si Tasha na pumasok sa aking kwarto at may dala-dala siyang isang unan. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya kung bakit may dala-dala siyang unan. Tumabi siya sa akin at agad na humiga siya sa ibabaw ng kama ng hindi man lang nagpapaalam sa akin.
“May sarili kang kwarto ‘di ba? Bakit hindi ka roon matulog?” tanong ko sa kanya.
“E ate, gusto ko rin namang makasama ka kahit isang gabi lang. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa iyo ay gusto ko namang magkaroon tayong dalawa ng bonding moment. Kailan ba iyong huli tayong sabay na matulog sa iisang kama?” tanong niya.
Nag-isip naman ako at naalala ko nga na noong lumalaki na kami ay napagdesisyonan na namin na maghiwalay na kami ng kwarto. Noong una ay hindi kami nasanay pero nang tumagal ay hindi na namin hinanap ang isa’t isa. Kunt tutuusin nga ay mas close kami noong nasa iisang kama kami kaysa ngayon.
“Matutulog na ako, Ate. Maaga pa kasi ako bukas. Kaya pwede bang pagising ako kapag late na akong nagising?” Natawa naman ako ng mahina sabay ginulo ang kanyang buhok.
“Oo na. Sige na at matulog ka na at papatayin ko na rin iyong tv total ay inaantok na rin naman ako,” sabi ko.
Pagkapatay ko ng tv ay pinatay ko na rin iyong ilaw sabay nagkumot na kami pareho. Humikab ako bago ako tuluyang natulog at agad na mahimbing na natulog. Lumipas ang ilang oras ay naalimpungatan ako nang gumalaw ang kama tanda na marahil ay bumangon si Tasha para magbanyo. Ako naman ay tumagilid ng higa nang bigla ulit gumalaw ang kama na aking ipinagtaka.
Naisip ko na ang bilis naman yatang magbanyo ni Tasha at bumalik siya agad pero naisip ko rin na marahil ay may kinuha lang siya. Paglipas ng ilang minuto ay naramdaman ko na may humahaplos ng aking pisngi at ramdam ko ang nakapapaso niyang kamay. Naramdaman ko na ito noon pero hindi ko lang maalala kung saan.
Maya-maya ay naramdaman kong bumaba ang init na iyon sa aking dibdib na humihimas sabay naramdaman ko pa ang mamasa-masang bagay sa aking u***g. Pagkatapos ay noong mukhang nagsawa na siya ay bumaba ang init sa aking tyan, puson hanggang sa maramdaman kong pumasok ito sa aking panty. Hindi ko alam kung totoo ba ito pero ramdam ko na ibinuka niya ang aking mga hita nang maramdaman ko ang kakaibang init sa aking p********e.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng kung sinuman pero nasasarapan ako at ayaw kong tumigil siya. Napasinghap ako nang maramdaman ko na may pumasok sa aking p********e at inisip ko na marahil ay daliri ito dahil hindi ito gaanong kasakit. Iyong mamasa-masa na naramdaman ko kanina sa aking dibdib ay naramdaman kong muli sa aking hiyas.
Dumila ito ng pataas pababa at paikot hanggang sa magsimula nang mamasa ang aking p********e. Para na akong nadadarang sa sarap kaya naman sinubukan kong igalaw ang aking kamay pero nagtaka ako na hindi ko ito magawa.
“Oh my…please don’t stop,” sabi ko at mas lalo lang niyang pinag-igihan ang kanyang ginagawa.
Nagtuloy-tuloy lang siya hanggang sa malapit na akong labasan. Makailang dila pa ay nanginig ang aking kalamnan at sa unang pagkakataon ay ito na yata ang pinaka-masarap na naranasan ko. Mas masarap kaysa sa sarili kong mga daliri.
Daliri? Teka? Kung gano’n ay sino itong naglalapastangan na galawin ako? Pagbukas ko ng aking mga mata ay para akong nagising sa isang paniginip at pinagpapawisan ako. Huminga ako ng malalim at nang dinama ko ang aking p********e ay linabasan nga ako at para akong pagod na pagod.
Pagbangon ko ay napansin kong alas-singko na ng madaling araw at kailangan nang gumising ni Tasha. Yinugyog ko siya at agad naman siyang gumising sabay inutusan ko na siyang maghanda nang pumasok sa trabaho. Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa pero nanghihina ako na para bang ang haba ng tinakbo ko.
Napahiga ako at nagtataka ako kung bakit nagkaroon ako ng gano’ng panaginip. Sana lang ay hindi ako narinig ng aking kapatid noong sumigaw ako dahil alam ko ay may sinabi ako. Pwes panaginip lang iyon at marahil ay hindi na iyon muling mauulit pa.
Nang makabawi ako ng kunting lakas ay tumayo na ako upang tulungan ang aking ina sa mga gawaing bahay. Pero bago iyon ay dumiretso na muna ako sa banyo para makapaglinis at nanlalagkit ako roon sa ibaba. Nang matapos ay naabutan kong tapos na si Tasha na maligo at tinutuyo ang kanyang buhok.
“Ate, punta ka sa event namin bukas ha? Sa plaza bukas ang panuod eksaktong alas-nuebe ng umaga.” yaya niya sa akin.
“Bakit ano’ng meron bukas?” tanong ko.
“Opening ng pyesta sa lugar natin at isa ang klase ko sa mga sasayaw mamaya. Gusto ko lang kasing sabihin mo sa akin kung maganda ba iyong sayaw na tinuro ko sa klase ko.” Napangiti naman ako sabay tumango.
“Sige. Makakaasa ka.” Pumalakpak naman siya at kumuha na siya ng kanyang pagkain.
Sinaluhan ko na rin siya at tinawag ko na rin ang aming ina para sabay-sabay na kaming kumain. Habang nasa hapag kainan ay muli akong nakaramdam ng pagkapagod pero ginaganahan naman akong kumain. Mukhang napansin ito ni Tasha kaya naman agad niya akong kinuhanan ng isang baso ng tubig.
“Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa. Nagmumukha tuloy akong donya sa bahay natin dahil palagi niyo na lang inaabot sa akin ang lahat,” sabi ko.
“Wala iyon, Ate. Alam ko naman kasi na kapag ako naman ang nagkasakit ay aalagaan mo rin naman ako. Isa pa ang turo sa atin ni Mama ay palagi tayong magkasakitan lalo na at dadalawa na nga lang tayong magkapatid.” Napatingin naman kami kay Mama na patuloy lang sa pagkain pero halatang nakangiti naman siya.
Nang matapos ay si Mama ulit ang naghugas ng pinggan at umalis naman na si Tasha sa bahay para pumasok na sa trabaho. Ako naman ay nagsimula na akong maglinis ng bahay para naman may magawa rin ako rito na palaging naiiwan.