"Kung mamalasin ka nga naman sa buhay. Magpatiwakal na lang kaya ako rito?"
Napahawak ako sa malamig na riles sa gilid ng hagdanan. I've been roaming around for five hours and I'm so cold. Malamig na malamig ngayon dahil winter na rito. Halos lahat ng tao ay nasa loob at ako lang 'ata ang parang baliw na pagala-gala sa mga oras na ito.
Bumaba na ako at binaybay ang makitid na daan patungong bar. Makapal ang bagsak ng yelo na galing sa langit, dahilan para mas maramdaman ko ang matinding lamig.
I ran away from home and ended up here in New York. My life was never easy from the very beginning. Kung ang dalawang kapatid ko ay nabubuhay na parang mga panginoon ay kabaliktaran naman ako.
They send me here and they want me gone from the family line. It's only Papa who wants me back on track for the business, but he himself was sick and he can't manage the business as of the moment. Isama mo pa si Mama na parang hindi ko tunay na ina.
Pumasok ako sa maliit na bar na meron sa kanto. Agad kong inayos ang sarili bago ako naupo sa bar center. Nilingon ko pa ang paligid at lahat sa kanila ay nakatingin sa akin ngayon. Most of them are men on their age. Ang iba mukhang mga gangster sa paningin ko.
"One shot please."
"Alone?" Sabay lagay ng bartender sa inomin ko.
Tinitigan ko pa siya. Puno ng tattoo ang katawan at malaki ang pangangatawan niya. I know I don't belong here but who cares!
"No, I have someone with me."
Agad naman niyang tiningan ang nasa paligid at napansin na wala naman talaga akong kasama. Tinaas ko lang ang kilay ko at humingi pa ako ng isang shot na inomin ito. Mas tinitigan niya ako at naramdaman ko rin ang tingin ng lalaki na nasa gilid ko.
Huh, great! Ang manyak ng isang 'to.
Ginulo ko ang basang buhok ko at pinikit ang mga mata. Mas mabuti rito dahil mainit kaysa sa labas na malamig.
I had a very bad day today. I got fired from my work and I received a call from Papa's butler. Telling me that Papa was not in good condition. Papa wanted me home but I couldn't. Hindi pa pwede. . .
Kung uuwi ako mas lalong malaking gulo ang haharapin ko sa dalawang kapatid ko. Ayaw ko ng ganoon, dahil wala pa akong ipagmamalaki sa kanila at wala namang pakialam si Mama.
Sumenyas pa ako ng isang shot sa kanya, at agad naman niyang nilagyan pa ang maliit na baso ko. Ininom ko agad ito.
.
"Do you want a company for tonight, Señorita?" mala mexicano na boses niya.
.
Bahagya akong natawa at nilingon ang paligid ko. Ngayon ko lang napagtanto na mexican bar pala ito.
Halos lahat sa kanila rito ay pawang mexicano na nanatili sa Amerika. Nakakatakot pa ang mukha ng iilan sa kanila. Mga mukhang gansgter talaga! Who cares! Sanay na ako sa ganito, dahil sa sobrang gulo ng buhay ko.
.
Umiling iling ako. "I have someone with me," pagpipilit na salita ko.
Tumayo ang lalaki na nasa gilid ko at ngumiti sa akin. Naramdaman ko pa ang presenya ng iilan na nasa likod ko ngayon. Kinabahan na ako at sabay na ininom ang isa pang shot.
"Sorry it took me so long, honey," baritonong boses niya. Agad siyang humawak sa baywang ko at bumulong sa tainga.
"You shouldn't be here, Arabella. . ."
.
Uminit lang ang pisngi ko at agad na tinitigan siya. Kumunot pa ang noo kong lalo nang makita ang pagbabanta sa mukha niya.
.
Who wouldn't forget his alluring face and teasing smile.
The sensational heartthrob during my high school years. Ang pinag-aagawan ng mga babae noong high school pa ako. Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Sebastian 'Savy' Delavega?
.
"Sebastian!" ngiti ko.
Umatras agad ang mga lalaki sa likod ko at pati na rin ang nasa gilid.
"Is she your girl, Sebastian?" tanong ng bartender sa kanya.
"Yes, she is my girl," tiim-bagang na sagot niya nito.
Agad niya akong tinitigan sa mata. Nakamamatay talaga ang titig niya.
"Let's go. . . I will take you somewhere," sabay hawak niya sa palapulsuhan ko.
.
Lumabas kaming dalawa. I must be out of my mind because I didn't event think of the danger. Kung wala si Sebastian ay hindi ko na alam kung ano na lang ang mangyayari sa akin sa loob. To think, walang ibang babae roon maliban sa akin.
.
"Get in. . ." Sabay bukas niya sa pintuan ng kotse.
.
Pumasok agad ako at nilagay lang ang seatbelt. Tinitigan ko pa nang pumwesto siya sa driver seat. Wala paring nagbago sa aura niya. Malakas pa rin ang dating niya sa akin. Seryoso lang siyang nagmaneho at wala kaming imikan. Hanggang sa marating namin ang isang high class na bar.
.
Nang maka-park ng maayos ay agad siyang lumabas at binuksan ang side ko. Lumabas na ako at inayos ang sarili.
I had four shots already and I could handle myself really well when it comes to alcohol. Kaya walang problema sa akin ito.
Ngumiti lang siya sa dalawang bantay nang pumasok kami. Halatang VIP na siya rito dahil iba na ang trato sa kanya.
.
Huminto ako sa gitna nang makita ang gulo at ilaw na nakamamangha sa loob. Kakaiba nga naman ito, at sa lahat ng mga napuntahan ko. Nilingon niya ako, na parang naghihintay na sumunod ako sa kanya. Binilisan ko agad ang hakbang.
.
"Sebastian, baby. . ." Isang babae agad ang yumakap sa kanya.
"Not tonight, baby. I have someone with me."
Nakataas agad ang kilay niya ng tinitigan ako. Umirap pa siya at sinadya pa talagang bangain ang balikat ko.
"Oh, sorry!" maarteng tugon niya.
.
She lifted her eyebrows at me and I rolled my eyes on her. Akala siguro ng b***h na 'to ay aso ako. s**t! Hindi ako katulad mo! Nangungusap kong titig sa kanya.
.
Hindi ko na siya pinansin at sumunod na ako kay Sebastian ngayon. Umupo siya sa VIP centre bar at hinintay ako na tumabi sa upuan niya.
.
"Same as usual, King. And a ladies cocktail."
.
Tahimik ako at ganoon din siya. Medyo maingay nga naman sa paligid pero hindi ito nakakasabagal sa aming dalawa. Binigay agad ang order niya at ang akin. Palihim ko siyang tinitigan habang iniinom ang brandy na hawak niya. Napansin niya agad ang titig ko at bahagya pa siyang natawa. Napalunok pa tuloy akong bigla.
.
"How long have you been here?"
"Isang taon na," sabay inom ko.
"Really?" he smirked.
"What are you up to?"
"Wala lang. . . Nagpapakalayo sa pamilya para mamuhay ng mapayapa," sabay lunok ko.
Umiling iling siya at palihim na natawa.
"Are you somehow lost, Arabella?"
.
Matigas at seryoso ang pagkakasabi niya. Napailing ako sa sarili ko. Somehow what he said was right! Tama nga naman siya. I'm here in New York trying to solve the puzzle of myself and yet, I am still lost! At kahit anong pilit kong ayusin ang sarili ko ay hindi ko pa rin makuha ito.
.
"What about you, Sebastian?" sabay buntong hininga ko.
Sumenyas pa ako ng isang drink sa bartender at agad naman siyang tumugon sa hiling ko. Tumango rin si Sebastian sa kanya.
"I'm here for my business."
Tumaas lang ang kilay ko, business? Huh, ling ko sa sarili.
.
I know Sebastian's family are pretty well off. The Delavega, always have their roll of money on top. Sikat sila walang duda. Lalong lalo na ang pinsan niyang si Charles Aragon Delavega. Baliw si Sebastian kay Isabella noon. Ang alam ko bigla lang siyang nawala noong high school pa kami.
.
"Yes, Bella. . . I have my own business here."
.
Umismid na ako sabay inom sa cocktail drink. Perhaps he's telling the truth. Who knows? Matagal ng panahon na wala akong balita sa kanya, at wala na rin akong alam sa buhay niya.
.
"What sort?"
"The Stellar Hotel."
.
I smirked when I heard that. The f*****g Stellar! Where I just got fired. Tapos siya ang may ari? Huh, what a joke!
.
Nagtitigan kaming dalawa. Nakaramdam agad ako ng init sa katawan ko. Para sa akin kakaibang pakiramdam ito. s**t! At kay Sebastian pa talaga. Umiwas agad ako sa mga titig niya.
.
"Do you want my help, Arabella?"
.
I smirked again. Help? What sort of help, Sebastian? Titig mo pa lang ay alam kong talo na ako, tapos tatangap ako ng tulong mula sa'yo? Isip ko.
.
"No, thanks!" sabay iling ko at ininom ko na ang panghuling inomin ko.
.
Napailing siya at palihim na ngumiti pa. Hindi na siya nagsalita at pati na ako. Hindi ko na alam kung ilang cocktail drinks ang naubos ko. Medyo lasing na ako ngayon pero kaya ko pa naman ang sarili ko.
.
"I can help you in anyway you like, Arabella. Kahit ano. . ." sa mapang-akit na titig niya.
Umayos ako sa pagkakaupo ko at tinitigan siya sa mata. I swallowed hard when I saw how beautiful his stare at me. I know he's teasing me.
"At ano ang kapalit, Sebastian?"
"I will tell you tomorrow. When you're feeling a lot better, Bella."
"At bakit? Hindi ba pwede na ngayon na?" taas kilay ko.
"You're drunk. . . and I don't want to do business when my client is drunk," mapanuyong titig niya.
.
Napako pa tuloy ang mata ko sa labi niya ngayon. Dahilan para mas uminit lang lalo ang pakiramdam ko. Umiwas agad ako at inubos ang panghuling inumin ko. Tumayo na ako. I need to get out of here or else I will lost my plot.
.
"Let me drive you home," sabay hawak niya sa braso ko. Ramdam ko agad ang init na nanalantay sa buong sistema ko.
"No, thank you, Savy. . ." pikit-mata ko.
.
Mabilis lang akong naglakad palayo. Huh, what a fate of coincidence! At talagang si Sebastian pa talaga ang binigay sa akin sa gabing ito.
.
C.M. LOUDEN