Chapter 2. Proposal

1735 Words
Ang ingay ng doorbell agad ang gumising sa akin. Maingat akong bumangon at tiningala ang relo sa dingding ng kwarto. It's past ten already, alas dyes na ng umaga at alam kong late na ang gising ko. But I have nothing to do, at wala na rin akong trabaho. Who will visit me this early? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ang galit na mukha niya agad ang sumalubong sa araw ko. "Mama?" Halos nawala ako sa sarili ko. Who could have thought that Mama is here in America. Agad kong inayos ang sarili ko at mabilis na niyakap siya. Na miss ko si Mama ng sobra. Is she here for me? Binibisita na niya ako? "My God, Arabella! Look at you?" inis na tugon niya. Pumasok agad siya at tiningnan ang buong paligid ng apartment ko. Agad kong sinara ang pinto. Nagtaka ako dahil wala man lang siyang dalang maleta. "Mama, ikaw lang ba? Si Papa? Kumusta na?" Kinuha ko lang ang iilang damit ko na nagkalat sa paligid at mabilis na binuksan ang kurtina, para makapasok ang liwanag ng araw sa loob. "Gusto niyo po ba ng kape?" Umikot agad ako sa maliit na espasyo patungo sa maliit na kusina na meron ako. I put the kettle on and grabbed two cups in the cupboard. Alam ko ang timpla ng kape ni Mama. Ayaw na ayaw niya ng asukal sa kape niya. Maarte kasi siya pagdating sa mga bagay na ganito. Umupo siya sa may upuan, sa gilid ng mesa at nilagay ang bag niya sa ibabaw nito. Namangha pa ako dahil nakakuha siya sa limited edition ng Hermes Birkin. Kahit kailan ay hindi pa rin nagbabago ang ganitong uri ng ugali ni Mama. "Heto, po..." ngiti ko at umupo rin ako sa harapan niya. Mariin ko siyang pinagmasdan. Sa loob ng limang taon na hindi ko siya nakita ay na miss ko na siya. Hindi ko lang inakala na dadalawin niya ako dito. "Hija, umuwi ka na..." Napahinto ako sa paghigop ng kape at tinitigan siya. She never like me and so are my two brothers. Wala silang pakialam sa akin. Pero ngayon... Gusto niya akong bumalik sa bahay? Bakit? "P-po?" "The company needs you. Just do your part. May sakit ang Papa mo at nalulugi na ang kompanya," matigas na tugon niya. Kumunot agad ang noo ko. Ang kompanyang pinakaiingatan ni Papa ay nalulugi na? Paano? "That's impossible, Mama! How did that happened? Papa's business couldn't go bankrupt for a span of five years? Ano ba kasing pinag-gagawa ng dalawang anak mo?" Tumayo na ako at kumuha ng malamig na inomin sa ref. "It has nothing to do with you brothers, Arabella!" "You know better, Mama! At alam kung alam nila iyon. Hindi babagsak ang kompanya ni Papa ng ganito kadali kung inayos ninyo ang pamamalakad dito!" "Makukulong ang kapatid mo, Arabella. At ikaw lang ang tanging makakalutas sa lahat ng 'to anak." "And that's why you're here? At talagang lumipad ka galing Pinas dahil alam mo'ng kailangan niyo na ako! Ganoon ba? At paano naging ako ang solusyon, Mama?" Tumahimik siyang bigla at ininom ang kape niya. At sa sobrang inis ko naman ngayon ay kinuha ko na ang ice cream sa freezer. Umupo ako sa harapan niya at kinain ito. Nakaka-stress na buhay 'to! "Nauubos ang pera sa pagpapagamot ng Papa mo." Namilog ang mga mata ko sa kanya at napako ang paningin ko sa Hermes Birkin niya. "Ibenta niyo ang luho niyo, Mama!" Tumaas lang ang kilay niya at tuwid pa ang pagkakatitig sa akin ngayon. Huh, kahit kailan talaga! "I never asked a single penny from you, Mama. Hindi kailan ako nanghingi ng pera para sa sarili ko. At ngayon na lubog na ang kompanya, ay sa'ka niyo lang ako naalala? Grabe! I couldn't believe this!" Tumayo agad ako at nilagay lang pabalik ang ice cream sa freezer. Hinarap ko ulit siya na nakapamaywang. "Marry Lucio Del Santa Maria son, Arabella. Iyan lang ang paraan para makaahon tayo sa lahat ng 'to!" "What!?" Uminit lang ang tainga ko at halos mawalan na ako ng respeto sa kanya. Never in my wildest dream to marry that old son billionaire scammer! "Iyan lang ang paraan para makuha natin pabalik sa kanya ang kompanya, Ara. Hindi na kayang bayaran natin ito, hija. Masyadong malaki na ang halaga ng utang natin sa kanila." "Huh, over my dead body, Mama! Ayaw ko!" "Arabella! Be a useful daughter! Sa ayaw at gusto mo pakakasalan mo ang anak ni Lucio!" Agad na binuksan ko ang pinto at galit na tinitigan siya. "Get out! Get out, Mama! Bago pa ako mawalan ng kinikilala kong ina." Tumayo agad siya at kinuha ang bag niya sa mesa, at mariin niya akong tinitigan sa mata. "Think about your Papa, Arabella..." Sabay talikod niya. Pabagsak na sinara ko ang pinto. For christ sake! She doesn't need me as a daughter but she needs for a money in exchange. Hindi ko alam kung ina ko nga ba siya! O sadyang wala siyang puso talaga. "s**t! Damn it!" Mabilis akong nag dial sa cellphone ko para matawagan ang bantay ni Papa. Nag ring ito at sinagot naman agad niya. "Lianne? Kumusta si Papa ko?" "Sen-señorita Ara..." "Don't call me by that name, Lianne! Mas pulubi pa ako sa daga ngayon! Si Papa? How was he? Inaalagaan ba?" Siya lang ang tanging maasahan ko sa mga sandaling ito. Palihim akong tumatawag sa kanya para malaman ang bawat detalye ng Papa ko. "Okay naman po siya, Ma'am Ara. Pero kahapon hinahanap niya po kayo... Medyo okay okay na po ang condisyon niya ngayon kumpara noong isang linggo. At baka makakabalik na kami sa normal na kwarto." "What? Anong normal na kwarto? Nasaan ba si Papa?" inis na tugon ko. "N-na-nasa ICU po, Ma'am Ara..." Pinikit ko ang mga mata ko. Kinabahan ng husto ang puso ko at nanlambot lang lalo ang tuhod ko ngayon. I don't know what really happened to Papa. At hindi ko rin alam kong ano ang nangyayari sa kumpanya niya. "Okay, Lianne... Tatawag ulit ako. Alagaan mo si Papa ko." . SUMAKIT lang lalo ang ulo ko nang tinitigan ko ang laman ng pera sa bangko. Ginulo ko pa ang buhok ko sa inis. At sa hindi maintindihang kadahilanan ay dinala ako ng mga paa ko sa bar na kung saan dinala ako ni Sebastian kagabi. Nilingon ko ang buong paligid at hindi siya mahanap ng mga mata ko. Huh, what do I expect? Last night was just full of s**t! Lasing lang siya at ako ng pinag-usapan namin ang tungkol sa proposal na gusto niya. Huminga ako ng malalim. At bakit pa ako umasa na makikita ko siya? Hay naku, Arabella! . Ininom ko lang ang cocktail drink at pa-simpling nakinig sa musika na tugtog. It's Wednesday today and the bar was quite. They don't have the live band for Wednesday. People can only come here for a drink and unwind their selves in peace. May iilang babae rin sa gilid na nakikita ko, at may iilang lalaki rin sa kabilang daku. Tatayo na sana ako para umuwi na nang tumabi siya sa akin. "Expecting me?" Ang ngiti agad ng labi niya ang unang tinitigan ko. Napakurap pa ako at pilit na inayos ang sarili. "No..." Bahagya siyang natawa at um-order ng inomin niya kasama ang sa akin. "Have you think about it?" seryosong titig niya. Ngumiti ako. I'm in a good mood today and probably hearing the side of his story is not bad after all. Kailan ko rin 'to para sa sarili ko, para mas makilala ko siya at makalimutan ko ang dahilan ng pagbisita ni Mama. "Tell me your story, Sebastian..." I smiled. He smirked and his brow lifted. Umayos siya nang postura at mas lumapit sa akin. Pinagdikit niya nang husto ang upuan naming dalawa, dahilan para magdikit ang bawat braso namin. Napalunok agad ako. Naramdaman ko kasi ang kakaibang pakiramdam sa loob ng puso ko. "I want you to bare my child, Arabella..." Namilog ang mga mata kong tinitigan siya. He was joking right? What the hell Sebastian? Baliw ka na ba? Wala ni kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko. Parang napako ang buong katawan ko ngayon sa upuan. "Are you kidding right?" . Umiling iling siya at mas inilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko agad ang init ng hininga niya. The hell Sebastian! Hindi na ako makahinga! "B-ba-bakit ako?" Sabay iwas ko sa titig niya. Ininom lang niya ang alak bago nagsalita. "Papa is dying, Arabella... It's the poor old man's wish..." Sabay buntonghininga niya. Natawa ako. The heck! Pareho ba kami nang pinagdadaanan sa buhay pagdating sa mga Papa naming dalawa? Nakakatawa! . "Wala ka bang girlfriend? Pwede naman siyang maging ina ng anak mo?" taas kilay ko. "Will I offered this to you if I have one? Do you think so?" He smirked sarcastically. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa titig niya ngayon sa akin. Bakit ba ganito ang epekto ni Sebastian sa akin? Kahit noong highschool pa ako ay crush na crush ko na siya talaga. I was only first year and he was on his last year of high school. Kilala sila sa buong campus dahil tumutugtug sila. Ang bandang Code Blue na pinangungunagan niya ay sikat sa panahon ko. It was an accident when I meet him back then. Tinulungan niya lang ako. Ang hitsura ko na parang basang pusa ay napansin niya sa mga panahong iyon. Nakakatawa nga naman talaga kung magbabaliktanaw ako sa nakaraan ko. "At ano naman ang makukuha ko, Sebastian?" Sabay lunok ko. Ang totoo may naisip na ako talaga sa kung ano man ang gusto ko. Nakakahiya nga namang isipin pero kailan ko siya sa mga sandaling ito. I couldn't let Mama ruin me just for her own benefits. I wont let them! "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na kailan rin kita?" seryosong titig ko sa kanya. Bahagya siyang natawa. Parang na insulto pa tuloy ako, pero paninindigan ko na 'to. Bahala na! "Save my Papa's business, Sebastian, and I will bear your child," sabay lunok ko. He nodded and smiled. "That's easy, Arabella..." matinding titig niya. Lahat na 'ata ng balahibo ko sa braso ay nagsitayuan na, dahil sa kakaibang titig niya. Napalunok ako at nag iwas agad ng tingin sa kanya. Shit! Damn it! Ang rupok mo Arabella! . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD