Chapter 3. Moving

1692 Words
"Let me drive you home, Arabella." . I smirked and shook my head. He's teasing me, inaakit na niya ako. Ilang oras din kaming nag usap sa iba't ibang bagay tungkol sa buhay ko, at agad na gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. More likely he's listening to my s**t life story. Huh, nakakatawa nga naman dahil hindi ako nahiya sa kanya nang sinabi ko ang lahat tungkol sa pamilya ko. . I think he needs to know that both of my brother are useless! I'll leave it up to him. He can decide whatever he wants to do in Papa's company. Ang mahalaga sa akin, ay makuha ito sa mga kamay ni Lucio Del Santa Maria. Hindi ako makakapayag sa plano ni Mama. . Nasa paanan na ako ng pinto at alam kung nakasunod lang siya sa likod ko. Inayos ko pa ang boots ko dahil medyo sira ang takong nito. Ewan ko ba kung bakit ito pa ang ginamit ko. As usual, pulubi nga naman ako dito. Huh, the heck! . "Ihatid na kita..." Sabay hawak niya sa baywang ko. . Umalma agad ako. Nabigla kasi ako sa biglaang paghawak niya sa baywang ko. Nanghina lang tuloy lalo ang mga tuhod ko ngayon. Good god, not now Arabella! Ang mainit na titig niya agad ang mas lalong nagpalakas ng kaba sa dibdib ko. Yes, I've agreed already. We made the deal already. So, ito na ba? Magsisimula na ba kami? Damn it! . "It's okay, huwag na... I'll see you tomorrow," sabay kurap ko at iwas sa titig niya. . Bahagya lang siyang natawa na parang hindi makapaniwala sa pag iwas ko sa gusto niya. He even nodded and bit his lower lip while staring at me. Namula lang lalo ang pisngi ko dahil sa labi niya agad napako ang tinitigan ko. Kahit kailan itong mga mata ko talaga! . "I'll see you tomorrow, Savy..." . Kumaway na ako sa kanya at naglakad sa gilid. Totoong malamig, dahil naramdam ito ng mukha ko. Makapal naman ang suot kong winter coat at marami din akong nainom kanina. Kaya okay na ako na maglakad sa makapal na yelo. . Huh, so stupid of you Arabella! And now you'll playing hard to get? E, kanina lang sumang-ayon na ka na sa gusto ni Sebastian. And now? You're hopeless and stupid! . Ilang minuto pa akong nalakad. Medyo malayo rin ang apartment ko sa bar, pero sanay na ako. I walk around here most of the time. Wala akong kotse at madali lang naman ang transportation dito sa syudad. Hindi mo na kailangan ng sarilillng kotse. I let a soft yawn out. I'm fair enough sleepy and I still have to walk a kilometre away to reach my apartment. . Napansin ko agad ang grupo ng mga kalalakihan sa unahan. Normal lang naman ang mga ganitong grupo dito. Pero gabi na kase at wala ng masyadong tao sa paligid. At isama mo pa na babae ako. Huminto ako at tinanaw ang kabilang daku. Gusto ko sanang iwasan sila at tumawid, pero huli na ako dahil ang isa sa kasamahan nila ay nasa likod ko na. . Napalunok ako at pinikit ko lang ang mga mata. Maybe I'm thinking way too much. Wala naman sigurong gagawing masama ang mga lalaking ito. Kaya nagpatuloy na ako sa paglakad malapit sa kanila. Inisip ko lang na hindi na sila pansinin talaga. . "Hi, Miss... Do you want to join us?" . Ang lalaking nakaitim na hoodie agad ang sumalubong sa akin. Tumayo agad ang dalawa pang kasama niya at lumapit sa akin. Napansin ko rin ang presensya ng isa pa sa likod ko. Kinabahan na ako, pero hindi ako papahalata. Kaya ngumiti na ako sa kanila. . "Oh, hi... Sorry boys, I have my period today." . They laughs. I can see straight away that their not in their right mind. Their eyes are red, halatang sabog ang mga ito. Kinabahan na ako at umatras na. Pero tumama lang ang katawan ko sa isa, na nasa likuran ko. Hinawakan niya agad ang tagiliran ko. Damn it! . "Let me go!" Pagpupumiglas ko. . Tumawa lang sila. Mariin naman akong hinawakan sa balikat ng isa na nasa gilid ko at ang isa pa sa kabila. Napamura ako at pilit na binawi ang braso ko sa matinding pagkakahawak ng isa sa braso ko. Kinabahan na ako para sa sarili. Sana nga pala sumama na lang ako kay Sebastian kanina. Heto ngayon ang napala ko sa ka-artehan ko! Fuck! Mura ng isa sa kanila at agad tumama ang katawan niya sa gilid ng semento. Namangha ako nang makita ang sidekick ni Sebastian sa isa pa. Napatitig agad ako sa kanya. . Straight away his stare electrifies me! It's so vivid in my eyes on how he punched and kicked them with flying colours. Pigil hinihangang tiningnan ko ang bawat galaw ng pagsipa niya sa kanila. . Nabitiwan agad ako ng lalaking nakahawak sa braso ko at agad na tumakbo ito. Natumba pa ang isa sa kanila nang pinakawalan ni Sebastian ang kick combination niya. . What the hell! Halos hindi na ako makahinga dahil sa eksena ngayon sa harapan ko. "f**k! Are you okay, Bella?" Nagsitakbuhan na sila at naiwan akong tulala ngayon sa harap niya. I stared at him and touched his face. Napahawak ako sa mukha niya at kinapa ang buong katawan. Hindi ko kasi alam kong may sugat ba siya. Pakiramdam ko namamalik mata ako ngayon. . "Okay ka lang ba?" Sabay hawak ko sa gilid niya. At ako pa ngayon ang nataranta at hinaplos ang mukha niya. Trying to check everything on him if he's okay. Napayakap pa ako sa kanya ng wala sa oras. Ni hindi ako nag isip dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya at ang bahagyang tawa niya. Natauhan agad ako. . "Sorry..." . Mas hinatak niya lang ang baywang ko at mariin akong tinitigan. Ramdam ko pa ang bigat ng hininga niya sa akin. . "Let's go, Bella..." . Napakurap mata pa ako at kusang sumunod sa kanya. Tama na ang pagmamatigas ko. Hindi siguro nangyari ito kung pumayag lang ako na magpahatid sa kanya kanina. . Pumwesto at naupo ako ng tahimik at ni lock ang seatbelt ko. Pinaandar agad niya ang sasakyan. My apartment is not that far from here. Malapit lang naman ito rito. . "Which one?" Napatingin siya sa iilang apartment na nasa gilid ng daan. "Just pull over the gutter." Sabay turo ko sa may gilid. Inihinto agad niya ang sasakyan. Kinalas ko pa ang seatbelt ko habang siya ay mabilis na lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat." "Dito ka ba nakatira?" Nakatingin siya sa harap ng apartment na kong nasaan kami ngayon. Umiling iling ako. "Hindi, sa loob pa..." Inayos ko ang sarili ko at tinalikuran na siya. Humarap ulit ko para magpaalam ng maayos sa kanya. "Sige, salamat... I'm gonna be okay from here," tipid na ngiti ko. . Napatingin siya sa likurang bahagi ko, kaya napalingon na rin ako. May makitid kasi na daan papasok, at dito ang daan patungo sa maliit na apartment ko. Hindi rin naman makakapasok ang sasakyan niya. . "I'll walk with you..." At una na siyang naglakad. "Ha? O-okay..." Agad akong sumunod sa kanya. Huminto rin siya at hinintay ako, para magtabi kaming dalawa. "How long have you been living here?" "Eight months..." . May iilang lalaki naman na nakatambay sa gilid. Ngumiti at yumuko lang ako. Mariin naman nilang tinitigan si Sebastian. Natahimik sila at nilagpasan lang namin. . "Do you know them?" "Ah, oo, don't worry they're harmless." Kilala ko sila at kilala rin naman nila ako. Hindi sila masasamang tao na katulad ng grupo kanina. "Dito ako nakatira... Sa itaas pa, pero okay na rito." . Tiningnan niya ang likuran ko. May hagdanan pa kasi ito papasok sa loob. May iilang unit na nandito at ang unit ko ay nasa itaas pa. . "What's your unit number?" "Um, 18." Nabigla ako nang agad na pumasok siya at umakyat sa loob. "Seb-" . Wala na akong nagawa kaya sumunod na ako. Namangha lang ako ng marating ang unit ko. Nasa paanana na siya ng pinto at naghihintay sa akin. Kinuha ko agad ang susi ko sa bag at binuksan ko ito. Pakiramdam ko kasi gusto lang niyang makita talaga ang lahat sa akin. I'm easy, wala na akong itatago pa. . "Do you want to get in?" mariin na titig ko sa kanya. . Napalunok akong bigla. Hindi ako nag isip at kusa lang na lumabas ito sa bibig ko. Gumuhit agad ang ngiti sa labi niya, na parang natatawa pa sa pag-imbeta ko sa kanya. Pumasok siya, madali lang. He only had a quick glance what's inside in my unit. . "Pack up all your stuff. You'll be moving and I'll pick you up tomorrow." "W-what?" kunot-noo ko. Hindi ko makuha ang gusto niya dahil naguguluhan pa ako. "I don't like you here. So, you're moving with me, Bella..." . Agad napako ang tingin ko sa labi niya. Bahagya lang siyang ngumiti at mas lumapit sa akin. He stare at me deeply and that alone weaken me. Nanghina lang agad ang tuhod ko dahil sa matinding titig niya. Kahit kailan ang lakas talaga ng epekto niya sa akin. . "Good night, Bella," sabay dampi nang halik niya sa labi ko. . Napapikit mata ako at napaawang lang lalo ang labi ko. Rinig ko ang bahagyang tawa niya. Kaya napamulat ako, at ang mga mata niya agad ang nakita ko. Napakurap ako at mas uminit lang lalo ang pisngi ko. . "Not now, Bella..." . Ngumiti lang siya at lumabas na. Parang huminto ang mundo pero bumalik agad ito sa ikot na kung nasaan ako. . What the hell, Arabella! Isip ko. Humugot ako nang hinga dahil kinapos ako kanina pa. Damn it! That was so close. At talagang umasa ako na may mangyayari ngayon sa aming dalawa? Huh, nakakahiya ka Arabella! Tinakpan ko lang ang mukha ko gamit ang dalawang palad. Nabaliw na 'ata ako sa sarili ko. Nakakahiya ang inasal ko! . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD