Kabanata 3 - Mahirap

1483 Words
Nakasimangot pa rin ako kahit noong kausap ko na sina Odette. They invited me in a video call, at himala na nakahanap ako ng spot na hindi gaanong mahina ang signal. Finally! “Ano iyong balitang sasabihin n’yo, Odette?” pagtatanong ko habang naglalakad-lakad sa gilid ng mahabang wooden fence na hindi ko alam kung hanggang saan ang nasasakupan. Masiyado itong malaki. Siguro ay property ito ng mga Altarejos. Tito Iverson’s, perhaps? Kapag lumilingon ako pabalik ay hindi ko na nakikita sina Cleo lalo na at paahon ang isang linya ng sementadong daan na patungo lamang doon sa bahay namin, nangangahulugan na nasa dulo na nga kami ng lupain. “How are you there, Tri?” bungad ng mga kaibigan. “I-I’m fine! M-Masaya rito,” I lied. I cannot afford to let them know how miserable I feel here! “Ano iyong bagong balita? And why is Weston not replying to me?” Mula sa kanilang camera, nakita ko na nasa isa silang party at nasa swimming pool. It’s ten o’clock in the morning here, at ten o’clock naman ng gabi sa kinaroroonan nila ngayon sa US, that’s why they’re out there having night parties. I can’t help but be jealous. Malapit na akong mabulok dito! “Oh, yeah, we’re at Eerah’s party! Sayang nga at wala ka rito!” Then they laughed. Puro sila mga nakabikini, nakalusong sa gilid ng pool, at ang phone ay nakapatong naman sa isang tabi. I can somehow see the background, at nakikita ko roon ang pamilyar na bulto ng isang tao. “Who is that?” pagtatanong ko habang tinitingnan pa rin ang nasa background. It’s a guy... and a girl! Magkahugpong ang kanilang mga katawan na basa sa tubig sa swimming pool. I can only see the girl dahil kalahati na lang ng katawan ng lalaki ang sakop ng frame! Nagulat ang isa kong kaibigan sa itinanong ko. Gumalaw ito sa puwesto para takpan ang camera! “Ano ulit, Tri? Sorry, choppy ka!” Tumango rin sina Odette. Halos pumalatak na ako sa iritasyon. Damn it, is there even something nice that will happen to me?! Ni-recheck ko ang audio and visual ng video call. Hindi naman sila choppy sa akin at ayos naman ang linya! “Is it okay now? Parang may nakita ako sa background kanina...” sabi ko agad. Nilapit nina Odette ang tainga sa call, ngumiwi, at nagpipindot sa screen. “Sorry, girl! Choppy pa rin! Ganiyan ba ka-cheap ang province n’yo riyan? Your signal is weak!” “Oo nga, Tri, we’ll just call you some other day!” “What—” Hindi pa ako tapos magsalita, naputol na ang linya. Napaawang ang mga labi ko at medyo hindi makapaniwala. How dare those... Sa inis ko, binaba ko ang cellphone at nilibot ang tingin sa paligid. Noong matapat ako sa lilim ng puno, sumandal ako sa wooden fence, naiinis pa rin sa naging takbo ng usapan namin ng mga kaibigan! And that random scenery at the background! Ilang sandali pa akong nasa ganoong ayos nang matanaw ang padaang sasakyan, ang kotse namin, kaya naman agad na akong napatuwid ng tayo noong matanto na sina Mommy iyon. “Triana? What are you doing here, hija?” tanong ni Mommy noong binaba ang bintana ng kotse. Si Dad naman, nangingiti. Hula ko ay galing sa date ang dalawa! Napanguso tuloy ako. Dapat pala ay sumama na lang ako. The call didn’t even help me, it just pissed me off more. “Halika na, may dala kaming mga pagkain,” sabi ni Dad, pinapasakay na ako para isabay na patungo roon sa bahay. “Where did you go? Mall? You didn’t tell me!” Sumakay na rin ako sa sasakyan para hindi na maglakad pa. Ngumiti si Mommy. Si Dad naman ay mukhang nasisiyahan na sa wakas ay lumabas din ako ng kwarto at nagpakita sa haring-araw. “So glad to finally see you going outside, hija. Ang tagal mong hindi nasinagan ng araw,” sabi ni Dad at tuluyan nang pinaandar ang sasakyan. Tumawa na lamang si Mommy na lalo kong ikinanguso. “Oo nga pala, naroon ba sina Cleo?” tanong ni Mommy. “Yes, Mom, and uh, his visitors,” sabi ko, tinutukoy ang dalawang lalaking dumating kanina. Tumango naman si Mommy. “Sakto at may naisip akong ihanda para sa meryenda.” Kulang na lamang ay mapasimangot ako at tumingin sa labas. Ibig bang sabihin niyon, hanggang hapon ay nandito sina Silvien at Drix? Wala pang dalawang minuto, narating na namin ang bahay. Hindi pa tuluyang nahihinto ang sasakyan ni Dad, napatingin na ako agad doon sa may wooden fence, at nakita na naroon pa rin naman sina Cleo. Nasa loob na sila ng fence, kasalukuyang nag-uusap-usap nang seryoso tungkol sa kung ano. Ang isang kabayo ay tahimik lamang at naabutan kong hinahaplos ni Silvien. He’s tall enough not get hidden by the horse’s large frame. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko mapigilan na mangunot ang aking noo at magtagal ang tingin sa tanawin na iyon. Kung hindi lang nagsalita si Dad pagkahinto ng kotse ay hindi pa maaagaw ang atensyon ko. Dahil sa pagdating namin, napatigil sila sa kung anumang pinag-uusapan at lumingon sa amin. Noong makababa na, agad ang natutuwang bati ni Dad lalo na noong makita ang mga kabayo na dala kanina nina Silvien. Bumili kaya ng kabayo si Dad? Of course, we’re rich! Like filthy rich! Kaya makakabili kami agad-agad ng kung anong gustuhin. “Don Elonzo,” bati ni Silvien noong lumapit si Dad. Inalis nito ang mga brasong magkakrus sa tapat ng dibdib at bumaling sa dumating. His moves were graceful, ngunit hindi ko alam kung ano bang mayroon sa mga mata nito na kakaiba, like he’s always observing. At hindi lang iyon, tila ba laging nanunudyo. “Maraming salamat, hijo. Pakisabi sa Tito Silvianno mo ang pasasalamat ko!” natutuwang saad ni Dad. Ngumiti si Silvien. “Makakarating ho, Don Elonzo.” Ako naman ay nanigas sa kinatatayuan lalo na noong hinawi nito ang malambot na buhok palikod dahil ginugulo ito ng hangin. Napaangat ang kilay ko at napahalukipkip. Kung hindi lang nagsalita si Mommy na nakikisali na rin sa usapan, hindi pa maaalis ang tingin ko. “Hanggang anong oras kayo rito? Maghahanda ako ng meryenda,” may galak na sabi ni Mommy. Napalingon ako sa kaniya, still trying to hide my violent reaction to that. Napangiti si Drix doon. Si Silvien naman ay hindi sumagot ngunit hindi rin tumutol. “Salamat po, Ma’am Marianna! Pero may lakad itong si Silvien mamayang hapon,” sabi ni Drix. Hindi ko naman maiwasang mapaangat ang aking kilay, tinitingnan kung tatanggihan ba ng Silvien na ‘yan ang pameryenda ni Mommy. I was torn between wanting him to agree or not! Kapag kasi tumanggi, parang nagsasayang siya ng pagkakataong makakain. Aside from the fact that my mom cooks very good, dapat ay hindi tumatanggi sa grasya. Makakatulong din iyon para maitawid niya ang gutom sa loob ng isang araw! Kapag naman hindi tumanggi, nakakainis din. Ibig sabihin, mamayang hapon ay nandito na naman sila! “Ganoon ba? Sayang naman, bumili pa talaga ako ng magagawa para sa meryenda,” sabi ni Mommy. Si Dad naman, agad inakbayan si Mommy. Ako ay nasa gilid lamang ng fence, ilag pa rin sa mga hayop na nasa loob, lalo na roon sa mga baka na parang handa akong habulin anumang sandali. “May lakad kayo, Silvien? Saan ang tungo mo?” pagtatanong ni Dad. Tumikhim naman ito. “Mayroon ho, sa kabila lang.” Tumango-tango naman ang pinsan kong si Cleo. “Oo nga, Tito. Pupunta kami sa kabila, magpapakain ng manok.” Oh! Ibig bang sabihin niyon ay hindi pa ito ang kabuuan ng rancho? Malawak pa? At may bukod na poultry farm? Napailing-iling ako. Ang bilis maimpluwensiyahan ng pinsan ko! “Ganoon ba? Kung matapos ninyo ay sana makabalik kayo rito at mapaunlakan ang imbitasyon ng maybahay ko,” sweet na sabi ni Daddy. It’s one of the things Dad hates the most, kapag may nagpapalungkot kay Mommy! Magiging to the rescue iyan. Hindi ko tuloy napigilan. “Tama si Dad. If you have time, just take the merienda here. Mommy cooks very well,” confident ko pang sinabi. And it’s free. Huwag mag-inarte! Gusto ko pa sanang idugtong but I kept my mouth shut. Tumingin naman sila sa akin. At lalong tumataas ang kilay ko tuwing napapatingin sa akin ang Silvien na iyon. He stared at me with my sudden interruption. Sumeryoso agad ang mga mata nito at pagtapos ay tumikhim. “Alright. Babalik na lang ho kami mamaya,” sagot ni Silvien at hinuling sulyap pa ako. I raised a brow. And suddenly, I wondered again! Bakit kaya wala siyang pasok at puro ganito ang kaniyang ginagawa? He surely has a lot of side jobs, huh? Gaano ba kasi siya kahirap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD