“Ito ang magiging kwarto mo, Tri,” sabi ni Mommy noong binuksan ang isang pinto at pumasok doon.
Katatapos niya lang ihanda ang meryenda para sa mga nasa labas. Naroon din si Cleo na nakikihalubilo at mukhang mabilis nakakapalagayan ng loob ang mga trabahador. Maging ang halakhak ni Dad mula roon sa labas ay naririnig ko pa hanggang dito, like he’s actually having fun here!
Ako naman na wala pa rin sa mood ay hindi magawang makihalubilo kaya nanatili lamang ako rito sa loob. Naabutan ako ni Mommy na halos hindi ihakbang ang mga paa ko papasok sa isang kwarto na siyang nakalaan para sa akin.
Hindi ko pa rin matanggap na rito na kami titira ngayon. I can’t accept it! This kind of life isn’t for me!
Ang sabi nila ay pansamantala lang naman pero hindi ko pa rin maiwasang dibdibin ang nangyayari.
“Come on, Triana Marie. Maayos ang kwarto na ito. Aalisan lamang ng kaunting agiw at babaguhin natin ang disenyo ayon sa gusto mo. It’s also huge!” tila pagpapagaan ni Mommy sa aking loob, kinukumbinsi ako na magiging maayos kami rito.
Nilibot ko nga ang tingin doon sa kwarto. It’s not... huge. May mga agiw-agiw pa! Sakto lang ang laki nito para sa akin pero hindi ako sanay. Ang kwarto ko sa bahay namin sa US ay triple pa nito!
“Huwag nang disenyuhan, Mom... hindi naman tayo magtatagal dito,” walang ganang sabi ko at tuluyan nang hinila ang maleta ko sa loob ng kwartong iyon.
Napabuntonghininga na lamang si Mommy at tumango, extending her patience for me.
“Okay. Magmeryenda ka na rin para makapagpahinga ka na. Join us outside,” anyaya ni Mommy. Tumango na lang ako kahit na wala naman akong balak na gawin iyon.
Iniwan na rin ako ni Mommy at lumabas. Pagpasok ko sa loob, agad akong lumapit sa bintana nitong kwartong para sa ‘kin. Napasilip ako sa baba at nakitang masiyadong mataas itong bintana. Lalo kong narinig ang tawanan at kwentuhan sa labas.
There, my father with those workers. Pati na rin si Cleo na akala mo ay matagal niya nang kaibigan ang mga naroon. They all look like they’re having fun!
Napailing-iling ako. Hahawiin ko na sanang muli ang kurtina kung hindi lang tumingin ang isa sa mga lalaking naroon.
Siya lang ang nakapansin sa gawi ko rito sa itaas habang lahat ay masayang nagmemeryenda, and I feel like a lost kid in the forest so miserable!
Para akong isang batang nakatingin lamang sa labas mula sa bintana, inabandona at hindi maaaring makihalubilo.
Sa inis ko ay sumimangot ako. Nagtama ang paningin namin ng lalaking iyon, iyong sinabing De Alba kanina. Siguro kaya kilala iyon ni Dad ay dahil mula sa pamilyang matagal nang naninilbihan sa mga pamilya rito sa El Amadeo? Pamilya na kilala bilang masisipag magtrabaho at paglingkuran ang amo nila?
Nagsalubong ang mga kilay ko sa lalaki na iyon. I just rolled my eyes, at umalis na sa bintana.
Sa mga sumunod na araw, pakiramdam ko ay napakamiserable ng buhay ko at wala na akong patutunguhan. Ang bilis kong na-homesick, and I miss my life in the US! I miss partying. I miss having fun with all my friends!
Dito, kailangan ko pang magpaalam bago makaalis. Kailangan ko pang bumyahe. I’m not even allowed to drive yet! Kung hindi ako isasakay o intensyonal na ihahatid sa Laia, kailangan ko pang maglakad sa malawak na lupain.
Nakabusangot na naman ako. Sunod-sunod ang mga araw na sa sobrang pagkainis ko, hindi na ako halos lumabas ng kwarto. I’m still having a hard time accepting that we had to leave America.
Isa pa, may internet nga rito pero ang malakas na signal ay may oras lang. Mas mahaba pa ang oras na wala!
Buti pa si Cleo, mukhang masaya lang. Palibhasa kasi walang girlfriend sa Amerika kaya ayos lang ito sa kaniya.
Odette:
Hey, tawag ka naman, Tri. You’ve been missing out a lot!
Lalo akong nalugmok sa natanggap na mensahe mula sa kaibigan. I f*cking hate this place! I want to get out of here!
Me:
I’m really busy. What’s the latest?
Hindi ko maiwasan na alamin pa rin kung ano na nga ang mga na-miss out ko. At ang nakakainis pa, hindi sinasagot ni Weston ang mga mensahe ko. That guy! Mabuti pa mag-break na kami!
Odette:
It’s some crazy news. Kaya sa video call na namin sasabihin.
Dahil naiintriga rin at para mapawi ang boredom, napagdesisyunan ko nga na humagilap ng signal para makapag-video call kami nina Odette.
Isang plaid white skirt ang sinuot ko na may cycling shorts na sa loob at isang saktong size na top. I don’t even know where to go! Bahala na!
Bitbit ang mamahaling cellphone ko ay lumabas na ako ng bahay, wearing my expensive sunglasses again. Hindi ko nakita sina Mommy sa loob ng bahay. Mukhang umalis sila!
Lumabas na ako at agad sinalubong ng hangin sa malawak na lupain. Nakita ko agad ang pinsan kong si Cleo na naroon pala sa labas ng malawak na wooden fence na agad napuna ang paglabas ko ng bahay.
“Saan ka pupunta, Triana?” tanong ni Cleo na naka-topless at hinaharot iyong kabayo na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Ayaw ko nang malaman at usisahin ang tungkol sa rancho, iyong mga hayop na nasa loob ng wooden fence. For all I care! Those farm animals look dangerous to me!
“Diyan lang, maghahanap ng signal sa rotten place na ‘to,” walang ganang sabi ko.
Cleo raised his brow, nasa kabayo pa rin ang halos sa atensyon. Buti hindi siya nabo-bored doon? Ilang araw ko na siyang natatanaw mula sa bintana ko na kumakausap ng kabayo.
“What kind of outfit is that? Feeling main character na knight in shining armour?” sarkastikong puna ko, natuto na kasi siyang mag-topless-topless at mag-feeling action star na nangangabayo!
Naglakad ako nang kaunti palapit sa fence, sapat lang para hindi maabot ng kabayong kasama ni Cleo kung sakaling magdesisyon ito na biglang tumakbo na lamang.
Ang laki, eh! Baka bigla na lang akong sipain at ihagis sa ere!
Tiningnan ni Cleo ang sarili at sinipat ang kaniyang mga balikat, mayabang na pinakita ang muscles doon.
“Oh, bakit? Ang angas nga, eh. Tingnan mo naman ‘yang sarili mo, ang arte ng damit mo, hindi bagay sa gawaing bukid!”
Kusang umirap ang mga mata ko sa aking pinsan dahil siguradong kakasama niya iyon sa mga poor na trabahador, kaya paganiyan-ganiyan na rin siya!
“Sino bang nagsabi na gagawa ako ng gawaing bukid? Just k*ll me instead!” marahas kong sinabi. I can’t even imagine taming those farm animals! Baka habulin pa ako niyan!
“Kakasama mo ‘yan sa mga trabahador dito,” kunot na kunot ang noong sabi ko sa pinsan. Lagi na lang kasi silang magkakasama. For sure, he was influenced by them! “Stop engaging with those kind of people, Cleo! Mamaya ay kakaibiganin ka lang ng mga iyon para makadikit sa mga mayaman!”
Napailing-iling si Cleo na tila dismayado, hindi gusto ang narinig. “Hindi naman lahat ganiyan, Triana. Napaka-judgemental mo talaga.”
Umarko ang aking kilay at pinagkrus ang mga kamay sa tapat ng aking dibdib.
“Totoo naman, ah? Gagamitin lang nila ang koneksyon para makaangat sa buhay,” sambit ko. Napapailing pa rin si Cleo na hindi sang-ayon sa aking sinasabi. I was about to say more, kung hindi ko lang narinig ang malamig na boses mula sa kung saan!
“Cleo, nariyan ba ang don?”
Natigilan ako. Sobrang lamig ng boses na iyon at tila ba seryosong-seryoso. The deep voice resonated in my ears, dahilan para matigilan ako sa pagkausap sa pinsan!
Lumingon ako sa bandang likuran kung saan nanggaling ang nagsalita. At doon ko nakita ang dalawang lalaking bagong dating na sakay ng mga kabayo.
Oh! Hindi ko iyon napansin na dumating, ah?
Tumingin sa akin ang lalaking sakay ng medyo nauunang kabayo. Hindi ko maiwasang matigilan noong makasalubungan ng tingin ang lalaking nagsalita.
He was on top of the horse. At least this time, he’s wearing something!
Nakasuot ito ng malinis na t-shirt, still in his faded jeans, and dark combat boots. Hawak-hawak nito ang tali ng kabayo. Walang bahid ng lupa ang kaniyang katawan ngayon hindi katulad noong una, pero natitiyak ko pa rin na mahirap ‘to. Nakaligo lang siguro ngayong araw.
Tinitigan ko ito, hindi mapigilan ang pag-angat ng aking kilay.
Walang kasinglamig ang kaniyang mga mata, ginagawaran ako ng mga tingin na tila ba alam niya ang mga salitang lumabas sa aking bibig kanina lamang! And no one has ever dared to look at me with that kind of cold look!
The way he looked at me was like a personal attack, mukhang narinig ang mga sinabi ko kay Cleo.
“Oh, Silvien, kayo pala!” Si Cleo na tila hinihintay lang ang pagdating ng mga ito at kanina pa inaasahan. “Kaaalis lang ni Tito. Sa akin binilin ang pagdating ng mga kabayong iyan.”
“Ganoon ba?” tanging sabi nito sa malamig pa ring tinig.
Hindi ko naman maiwasang mapuna ang kaniyang pakikitungo. Naglalamig-lamigan lang ba o malamig talaga?
Bumaba na ito mula sa kabayo na sinundan na rin ng isa pang lalaking kasama niya. Pagtapos ay hinawakan ang tali ng kabayo at naglakad palapit. Sumunod naman ang kabayo sa kaniyang kilos.
Noong dumaan ito sa aking gawi, ginawaran ako ng nakaka-offend na tingin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pinapamukha niyang basura ang opinyon ko o ako lang talaga itong nag-iisip na narinig niya ang naging usapan namin ni Cleo.
The look in my eyes are alerted, and suddenly, I wondered kung ilang taon na ang isang ito. He doesn’t look like a teenager. He’s not one, for sure!
He has a more matured body than boys my age. Matangkad at may malamig na dating, and to think that my cousin is also a gym rat, itong isang ito, mukhang hindi lang gym ang bumanat sa katawan kundi mga trabahong ganito!
For him to develop that kind of body, siguradong ilang taon na itong nagtatrabaho ng mabibigat na uri ng hanapbuhay? So he’s really poor...
“Thanks, dude,” may tuwang sabi ni Cleo noong naitali ang mga kabayo sa may fence.
Tumango si Silvien. Mukhang handa na silang gawin ang iba pang kailangang trabahuin tungkol doon at heto ako, hindi alam kung bakit nandito pa rin sa kanilang harapan.
Sa huli, si Cleo ang nagsalita.
“Oo nga pala, hindi nakapagpakilala ang pinsan ko noong unang araw ng dating namin. Silvien, Drix, si Triana Marie... my cousin,” sabi ni Cleo at tinuro ako.
“Hi, Triana.” Bumati ang isa, iyong Drix.
Gusto ko mang ipakita na hindi ako interesado, lalong nagkakaroon ng dahilan para pagtuunan ko ng pansin itong si Silvien lalo na noong nakita ko ang tila multo ng panunudyo sa kaniyang mga mata. Hindi siya nagsalita.
“Tri, sina Silvien at Drix, they’re kind enough to help us with the few things here,” dagdag ni Cleo.
With bitterness running down my throat, tumango ako. Of course, ano ba ang trabaho ng mga workers at helpers na ito? Hindi ba ang tumulong?
Hindi na rin ako nagkaroon ng oportunidad na makapagsalita dahil nagsimula na si Cleo sa pakikipag-usap kina Silvien at Drix tungkol sa mga kabayo na iyon.
“Gusto ko rin sanang malaman ang iba pang tungkol sa mga hayop dito sa rancho,” sabi ni Cleo at nilinga nila nang seryoso ang wooden fence kung saan pagala-gala ang mga baka. Tumango naman sina Silvien.
Nangasim ang sikmura ko lalo na noong nakitang hindi na nila ako binalingan pa.
“I’ll just find some signal,” sambit ko at wala pa ring gana. Wala namang pakialam sa akin ang pinsan. I caught Silvien glancing at me, napansin ang aking masungit na reaksyon, pero tumalikod na ako at binalik ang sunglasses. I rolled my eyes under them, at naglakad na paalis!
Walang magandang mangyayari sa buhay ko sa lugar na ‘to! Mabuti pa, magpakaladkad na ako sa baka.