Kabanata 4 - Lumamig

1613 Words
“I wanna go with you,” biglang sabi ko noong paalis na sana sila. Napatingin sila sa akin. Maging ako ay nagulat din sa nasabi ko! I said that unconsciously! Babawiin ko pa sana ngunit dahil ayaw mapahiya, pinanindigan ko na! I swallowed hard, lalo na noong pati sina Mommy at Dad ay napatingin din sa akin at napakurap. I cleared my throat, taas-noo pa rin. “Sasama ka, Triana? They will be feeding roosters,” sabi ni Dad, kahit siya ay nagtataka rin at pinagdudahan ako ng tingin. Even Mom! “Oo nga, anak...” Napalunok ako. “I’ll just watch. And I can help, too, incase,” sabi ko pa. Nahagip ng tingin ko ang pinsan na nagpipigil ng tawa. I want to smack Cleo in the face! Sa huli, tumango si Dad, nangingiti pa at mukhang masaya na unti-unti ko nang tinatanggap ang mapait na kinasapitan sa paglipat namin dito. “Well, I think there’s no problem! Ayos lang ba kung sasama sa inyo si Triana, Silvien?” tanong ni Dad. Napamaang naman ako. Hep, hep, bakit sa lalaki na iyan magtatanong si Dad? Ano naman sa kaniyang kung sasama ako? He’s just a worker here, after all. Napatingin ako roon sa Silvien, inaabangan ang kaniyang magiging sagot. Tumingin naman ito sa akin. Tumatalim ang mga tingin ko, naghahamon kung sakaling hindi ito pumayag. Try not to let me... “Ayos lang ho,” matamang sagot ni Silvien. Tumango naman si Dad. Ako naman ay napakurap pa. I didn’t expect he’ll agree immediately! “Then, that’s it. Kayo na muna ang bahala kay Triana. Please, look after my daughter, hijo,” pagpayag ni Dad, at ganoon din naman si Mommy. Tumango si Silvien. Si Cleo naman, napapangisi at iling. Noong iniwan na kami nina Mommy, nagsalita si Cleo. “Sigurado ka bang sasama ka, Triana? Baka madistorbo mo lang ang mga alaga roon sa kaartehan mo.” “Hindi ako mag-iinarte. Doon lang ako sa gilid. At makakatulong pa nga ako,” sabi ko naman, hindi mapigilang mapangisi. Finally, something interesting to do! I guess it won’t be that bad, right? Para naman kahit papaano ay mapawi ang boredom ko. Kahit ngayong araw lang! Pigil na pigil ko ang aking excitement. Pakiramdam ko ay nabuhay muli ang dugo ko. “Silvien, ayos lang ba talaga? Maarte ‘tong si Triana, baka sumakit lang ang ulo mo sa babaeng ‘yan,” tumatawa pa ring sabi ni Cleo. Napaangat ang tingin ko roon kay Silvien. Kumunot ang aking noo, siya naman ay malamig lang ang tingin, may bahid ng sungit sa mga mata, pero mas pansin ko naman na wala siyang pakialam. “Ayos lang,” he said nonchalantly. Tiningnan niya ako ulit sa mga mata at nilagpasan na para lumapit doon sa kabayo. Si Drix naman ay ngumiti, walang kaproble-problema sa pagsama ko. Noong nakalagpas na si Silvien, sinamaan ko ng tingin si Cleo. I will seriously punch this guy! Noong papaalis na, napagtanto ko na tatlo ang kabayo! Para sa kanilang tatlo! Nakasakay na sina Drix at Silvien. Ako naman, I looked lost kung saan ako sasabay! “Kita mo na? Wala nang kabayo. Mabuti pang huwag ka nang sumama,” sabay tawa ng pinsan. What the heck! Gusto kong sumama! At pumayag na sina Dad! I would be embarassed kung maiiwan ako rito habang pinapanood silang umalis. Hindi naman dapat pero biglang nahagip ng paningin ko si Silvien. Napatingin din tuloy siya dahil sa sinabi ni Cleo, mukhang noon lang din napagtanto na hindi sapat ang bilang ng mga kabayo! And wait, I don’t even know how to ride a horse! “Oo nga. Saan si Triana?” tanong ni Drix. Natatawa pa rin ang pinsan ko. Malapit na talagang tamaan ‘tong bwisit na ‘to sa ‘kin! “Wala na, huwag na ‘yan si Triana. Iwanan na lang natin ‘yan!” suhestiyon ni Cleo. Inis akong napabaling. “Maglalakad na lang ako,” sabi ko naman at tiningnan ang flat sandals ko. Napangiwi ako nang kaunti noong mapagtanto na masakit sa paa kung mahabang lakaran! “It’s not that far from here, right? I can manage!” dagdag ko pa, pero nagsalita na si Silvien. “Malayo iyon,” putol niya. Napatingin naman ako, nakaramdam ng kaunting inis. Ayaw ba nila akong isama? Hindi naman ako manggugulo! Saka titingnan ko lang naman. These boys... “Hindi ako marunong kapag dito ka sumabay sa akin. Maaksidente pa tayo,” tutol agad ni Cleo wala pa man. He just learned how to ride horses, sina Silvien ang nagturo. “Talagang hindi ako sasabay! I don’t want to die yet!” matalim kong asik. Magsasalita pa sana ang pinsan ko, ngunit pare-parehas na kaming napatingin kay Silvien noong bumaba siya sa sinasakyang kabayo! He did it so smoothly. Walang saddle o kung anuman ang kabayo na dala niya, hindi katulad ng kina Drix at Cleo. And I know it takes an expertise para ligtas na gawin iyon. “Kung ganoon ay sa akin na,” sabi ni Silvien sa dalawa. Tumango naman agad si Cleo na tila wala talagang balak na isabay ako. Napatingin ako sa kabayo. Kinabahan ako agad. Parang mas magandang ideya yata na tumulong na lang ako sa pagluluto ng meryenda? Kaso noong mapatingin ako ulit kay Silvien, ayaw ko namang mapahiya. He might say I’m duwag and I don’t want that! Nuh-uh! “No saddle?” pagtatanong ko, tinitingnan ang malambot at makintab na ibabaw ng kabayong kulay kayumanggi. “Oo nga, baka mapaano si Triana. Ito na lang, Silvien,” sabi ni Drix at bumaba na rin doon sa kabayong sinasakyan naman nito. Tumango si Silvien, hindi nagreklamo na makipagpalit. Noong kaharap ko na ang kabayong may saddle, medyo nakahinga ako nang maluwag! “Do you even know how to?” tanong ni Silvien sa matigas na Ingles, like he’s fluent in that language. Hindi ko naman mapigilang mamangha at mapatitig dito, bagay na agad niyang napansin kaya napailing ito. “H-Huh? Of course!” sagot ko agad noong makabawi. Ang lakas ng hangin, sinasabog nito ang aking buhok. Mukhang hindi naniwala si Silvien, pero hindi na siya nagkomento pa tungkol doon. “Sumakay ka na.” I nodded. Napatingin ako sa kabayo at napapalunok man, pilit kong pinakita na marunong ako. Kaso lang, hindi man lang ako makagalaw. Nag-init ang buong mukha ko lalo na noong nagtawag si Cleo kung ano na raw ang nangyari sa akin. Bwisit talaga! Noong napansin ko na magsasalita na sana si Silvien, inunahan ko na! “Actually, hindi pa pala ako marunong... nakalimutan ko,” malamig at kalmadong sabi ko. He eyed me. Yumuko siya nang kaunti at lalo akong natahimik, namula ang mukha. Is he... laughing at me? Sumeryoso rin siya. Pagtapos ay tinuro iyong wooden fence na hindi naman ganoon kalayo sa gilid ko. “Iapak mo ang paa mo riyan.” Napatingin ako roon, alanganin. I looked at him again as if I was asking if he’s serious! “Matibay ba iyan?” Silvien didn’t answer. Napabuntonghininga ako. “Fine. Just make sure it won’t break. I might fall!” I said. Iyon nga ang ginawa ko, and thankfully, hindi naman ako nahulog! Matibay rin naman ang fence. Siyempre, mayaman ang mga Altarejos kaya siguradong mamahaling mga materyales ang ginagamit! I wanna praise Tito Iverson’s family for that. Sumakay na ako sa ibabaw ng kabayo. Agad akong sinalubong ng mas malakas na hangin. Nilipad ang buhok ko. Noong tiningnan ko si Silvien, hinawakan niya na ang tali ng kabayo. “Hindi ka ba sasakay?” pagtatanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. He didn’t answer. Napatikom naman ang bibig ko, and I just shrugged. Hindi sumakay si Silvien. Sa halip ay siya ang nagga-guide sa kabayo. Nauuna na tuloy sina Cleo at Drix, pero nakakasabay naman si Silvien. He has long, strong legs, so it’s gonna be fine! At sanay nga siya sa mga mabibigat na trabaho, hindi ba? Hindi ko mapigilang mamangha. Habang nasa ibabaw ng kabayo ay lalo kong nakita ang mga tanawin. It looks like a paradise... it looks... breathtaking! Especially the hills that are surrounding us. Ngayon lang ako namangha nang ganito simula nang nakatapak sa El Amadeo. Tinungo namin ang daan sa kanang gawi ng bahay, may diretso ring wooden fence roon katulad sa sementadong daan kanina. Sobrang lawak pala ng sakop ng fence! Nakita ko ang mas maraming puno. Nakita ko rin na sa likod pala ng kinatitirikan ng bahay ay ang matataas na bulubundukin. Oh, wow! “Ayos ka pa riyan, dude? Pasensya na sa kaartehan ng pinsan ko, ah?” medyo may kalakasang sabi ni Cleo na nauuna na, kalahating seryoso sa sinabi. I rolled my eyes. Chief of being so OA. Tumawa naman si Drix. “Ayos lang. Basta huwag lang mahulog...” matamang sabi nito. Napatingin ako sa kaniya. Mahulog sa kabayo? Of course, I won’t! He was not looking at me. Na kina Cleo ang kaniyang tingin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lalong makita ang mukha nito. And the peeking lights between the leaves from the trees above us hit him. And I realized... Napakurap ako. What’s his self care? Mamahalin ba ang pinanggagamit niya sa sarili? Hindi siya mukhang... “Narinig mo ‘yon, Triana? Kaya huwag kang malikot diyan, isusumbong kita kay Tito,” banta ni Cleo. Kumunot ang noo ko, with bitter expression. “Pwede ba? I just turned eighteen! Matanda na ako!” Noong napatingin ako kay Silvien, my brow raised a bit. Lumamig ang kaniyang tingin. His jaw moved a bit, too. Pagtapos, binalik niya na iyon sa daan, mas seryoso na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD