Kabanata 6 - Antas

3001 Words
Mabilis ang mga sumunod na araw. Namalayan ko na lamang na enrolled na ako sa Amadeo College. I turned eighteen a few weeks ago noong nasa Amerika pa kami at ngayon ay enrolled na ako bilang first year college sa isang business-related course. Mabuti nga at naihabol ko pa sa semester. At mabuti na lamang din dahil kahit papaano, kasa-kasama ko si Cleo kaya may nag-aasikaso ng enrollment. I was too lazy. At dahil iyon sa ayaw ko naman talagang mag-aral dito! Kaso na-process na ni Cleo, kaya no choice, I need to go to school. “Good afternoon, class. This is Ms. Triana Marie Altarejos, your new classmate,” sabi ng isang professor noong pinakilala ako sa unang araw ng pagpasok ko. Ngumiti ako sa mga kaklase, but in my mind, I’m thinking how boring this will get. Ano kayang entertainment ang maibibigay sa akin ng eskwelahan na ito? Dahil kung wala, I’m sure I won’t last in this hell. “Take your seat, Miss Altarejos,” sabi ng professor pagkatapos kong bumati ng magandang tanghali. Noong pinaupo na ako, sinuyod ko agad ng tingin ang mga upuan. Nahuli agad ng mga mata ko ang mga grupo ng lalaki sa likuran na nagngingitian at nagbatuhan ng papel. Ang nahanap ko na bakanteng upuan ay nasa bandang likuran sa tabi ng bintana, kaya naman doon na ako naupo. Ngayon lang ako nanghinayang na hindi ko kaklase si Cleo. Mas madali sana para mangopya na lang ako sa kaniya kapag tinatamad ako. At least, this hell would be less bad! Kaso lang ang pinsan ko, kumuha ng ibang kurso. Nilapag ko ang shoulder bag ko at naupo na sa aking upuan. Napatingin ako sa white board noong nagsalita nang muli ang professor, while some of my classmates are still looking at me. Parang na-glue ang mga mata at sinusundan ako ng tingin hanggang sa kinauupuan ko, like my presence alarmed them. Napakibit-balikat na lamang ako. I heard there are bunch of scholars in this school. Kumbaga, eskwelahan na hindi lamang para sa mga mayaman at may pribilehiyo. May mga nakakapasok din kahit mahirap lang. Ilalabas ko na sana ang yellow pad ko para magsulat ng kung ano-ano pantanggal boredom, kaso lamang ay biglang may kumalabit sa balikat ko mula sa likod. Bahagya pa akong natigilan bago ko ito nagawang lingunin. Nakita ko ang boys sa likuran, ang nag-asaran kanina. Nakangiti sila at tila nag-aabang sa paglingon ko. “Hi, Miss. Ano ulit iyong pangalan mo?” tanong ng kumalabit. Agad umangat ang kilay ko. “Triana,” tanging sagot ko at binalik na ulit ang tingin sa board. I’m not here to make friends. I’m just here to... well, not to study, too! Pansamantala lang naman ito at babalik din kami agad sa US. I don’t need to build friendships here. Makikinig na sana ako sa professor kaso kinalabit na naman ako ng nasa likod. “Ang ganda mo. Crush ka raw nitong seatmate ko,” sabi ng isang lalaki. “Luh, gago mo naman, pre!” asik ng isa at nakarinig kami ng kalansing ng paa ng armchair na parang sinipa. Nagtawanan din sila dahilan para mapatingin ang mga kaklase namin. Pati na rin ang professor na naputol ang sinasabi. “Yes, boys? Do we have a problem there?” Nagtaas ng kilay ang babaeng prof. Nagsitikhiman sila sa likod. Ako naman ay nakatingin lamang sa professor at tahimik na nagbaba ng tingin sa aking yellow pad at tinuloy ang balak na pagsusulat doon. “None, Ma’am,” sagot ng lalaki. Napailing-iling na lamang iyong iba naming classmates. Sa sumunod na subject, nagkaroon agad ng groupings. Kailangan ay tatlo ang magkakagrupo. Tahimik lang naman ako at nakadekwatro habang busy ang lahat. Hinihintay ko na lang na may kumuha sa akin, at kung wala, then I’ll do it individually. At noong lahat may kagrupo na, ako na lamang yata ang wala, nilabas ko na ang sarili kong yellow pad para masimulan ko na rin. It’s a topic in this subject Mathematics in the Modern World. “Excuse me, Ma’am!” Mayroong nagtaas ng kamay. “Pwede bang apat sa isang grupo?” Noong natanto ko kung saan galing iyon, I realized that it was from the boys at the back. May dalawa pang natirang lalaki roon dahil iyong iba sa kanila ay may mga kagrupo na. May isang babae rin doon. Kaya tatlo sila. Napahinga nang malalim iyong professor at nang makita akong nag-iisa, tumango na rin ito. “Okay, I will allow that for your group.” “Yown. Thank you, Ma’am!” “Hi! Sa amin ka na, Triana,” yaya agad ng babae noong marinig ang approval ni Ma’am. Napatingin naman ako sa kanila at dahil sa effort na ginawa nila, tumango na rin ako. “Sure.” Mabilis naming natapos ang pinapagawa kahit binigyan naman kami ng whole day. Mabuti na lamang at kahit papaano, maalam ako sa topic na iyon. “Ang talino mo pala,” nakangiting sabi ng mga kagrupo ko. Tipid lang akong ngumiti. “Tiyamba lang,” sagot ko. Nakalabas na pala iyong iba naming mga kaklase pero kami ay nandito pa sa loob. “Ang talino at humble mo naman!” sabi ng isa sa mga boys. “Pasensya ka na sa kumag na ‘to, Triana, ah? Mga kuto ‘yan ng Amadeo College, huwag mo na lang masiyadong pansinin,” sabi naman ng babae. She’s pretty. Mahaba ang itim na buhok. “Ako nga pala si Lucile. Lucy na lang.” Ngumiti itong nang matamis at inabot ang palad. I looked at her hand. Then, I smiled. I took the handshake. Finally, nakakita rin ng maganda sa lugar na ‘to. “I’m Triana.” “Oh, teka, kami ba hindi kasama riyan?” tanong ng isa sa mga lalaki. May itsura din ang mga ito at parehong matangkad. The typical boys at the back. Kaibahan lang, dahil naging kagrupo ko na sila kanina lang, nakita ko na may ibubuga naman sila. “Vaughn,” pakilala ng lalaki sabay ngiti. “Kier. Nice to meet you, Tri!” pakilala naman ng isa at nakipag-fist bump. Noong hindi ko nilapit ang kamay ko, silang dalawa na lang ang nag-fist bump sa isa’t isa sabay tawanan. “Tara na nga sa canteen,” yaya ni Lucy na nangingiti. Mukhang sabay-sabay na rin silang kakain para sa vacant time. “Sama ka na sa amin, Triana. Sumabay ka nang mag-lunch.” Tumango na lang ako. “Sige, susunod na lang ako.” Tumango sila at lumabas na ng classroom. Tinapos ko na ang pagliligpit ng gamit ko at lumabas na rin. Wala sana akong balak na pumunta pa sa canteen, but since I’m hungry, at sinabi na rin ni Cleo na pupunta siya sa canteen ay pumunta na lang din ako. Dahil wala pang gaanong kilala at matuturing na baguhan, nahirapan pa akong makabili ng pagkain. Wala pa akong mapili dahil hindi ko gusto ang mga nakikitang pagkain. None of them looked appealing to me! The last resort was the burger steak. Pagtitiisan ko na lang muna ‘to. Sana pala nagpaluto na lang ako kay Mommy. I don’t eat foods like these! Habang busy pa ang tindera sa pag-aayos ng mga order, nakaagaw atensyon na sa mga estudyante ang isang mesa kung saan mayroong umiiyak na babae. Kahit ako ay napatingin doon. And there, I saw some familiar faces. Iyon pala ay dahil kaklase ko ang mga iyon. At nakita ko rin ang lumapit doon na babae, si Lucile. May dala itong tubig at nilapag sa tapat ng babaeng umiiyak at inaalo ng mga hula ko’y kaklase rin namin. “Umiiyak na naman si Ava. Hindi pa rin nakaka-move on sa pag-reject sa kaniya ni Leander,” dinig kong usapan ng dalawang babaeng kasama ko sa pila. “Oo nga, eh! Imposible rin na paunlakan ang feelings niya! Bakit niya kasi sinabi na mahal niya si Leander De Alba, eh, wala pang ilang buwan simula noong pumasok ito rito sa Amadeo College?” What? De Alba? Iyong pamilya ng mahirap? Napatingin ako sa dalawang nag-uusap. Nakita kong nagtawanan sila. “Assumera kasi. Akala yata papansinin ni Leander! Asa siya, ‘no!” Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay ko. Hindi ko mapigilan. At noong napansin ng dalawang estudyante na may nakatingin sa kanila, they looked at me weirdly. “Tara na nga,” asik ng babae at inirapan ako. Akala mo naman maganda. “Hija, ito na ang order mo,” sabi ng tindera sa binibilhan ko. Nagbayad na ako at dinala na ang tray. Keep the change na lang dahil sagabal lang sa paghawak ko sa tray ang sukli. “Hija, sigurado ka ba? Limang daan itong pera mo,” sabi ng tindera. “Opo.” Namamangha naman ang mga tindera pero hindi ko na iyon pinagkaabalahan pa. Napatingin na ako sa table kung saan naaagaw ang atensyon ko. “Tama na ‘yan, Ava,” saway nina Kier na tila naririndi na sa mga paghikbi na namumutawi sa table. “Bubugbugin na lang namin si Leander sa labas ng eskwelahan pagkauwian para matapos na ang problema mo,” nakangising sabi naman ni Vaughn na ikinatawa rin ng ilang lalaking naroon sa grupo na iyon. Kumakain na sila at abala sa diskusyon. Lalong humikbi ang babaeng si Ava. Namumugto rin ang kaniyang mga mata at nangingitim ang ilalim ng mga ito, like she actually been spending most of her nights crying! Uupo na sana ako sa isang bakanteng table pero napalingon sa gawi ko sina Kier. “Oh, Triana! Dito ka na mag-table!” tawag nila noong napansin ako agad, walang pakialam sa lakas ng boses. Si Vaughn ang tumayo at sumalubong sa akin. Namalayan ko na lang na nakuha na nito ang tray sa kamay ko at nilapag doon sa table. Pagtapos ay niyaya ako sa grupo nila. “Oh, thanks,” pasalamat ko. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala sila sa ‘kin. “Si Triana, iyong bagong dating kanina! Kaklase natin ito. Tropa na namin ‘to! ‘Di ba, Triana?” sabi nina Vaughn at nag-unahan na maghatak ng upuan at kung saan ako tatabi. Ngumiti lang ako at naupo na. Si Lucy ang tumabi sa akin na natatawa sa inaasta ng boys. “Sino siya, Lucy?” tanong ni Ava habang nakatingin sa akin. May luha pa rin sa kaniyang mga mata at namumula rin ang ilong. “Si Triana Altarejos. She’s our classmate. Hindi mo na napansin kanina kakaiyak mo sa classroom pa lang,” puna ni Lucy. Napatingin sa akin ang iba pa naming mga kaklase. “Altarejos? Kaano-ano mo iyong may-ari ng hotel sa Laia? Mga Altarejos may-ari niyon, ‘di ba?” pagtatanong nila. I just smiled. “Oh, yeah. Sa Tito ko.” “Ah! Pamangkin ka ni Don Iverson Altarejos!” tatango-tango nilang sinabi. “Akala ko ay ikaw iyong unica hija niya, pero bata pa raw iyon, eh. Saka taga-Maynila.” Tumango ako, kinukimpirma nga iyon. I only know my cousin by her name. ‘Di ko pa ito nakikita o nakakausap man lang nang personal dahil tulad nga ng pagkakaalam ko, hindi magkalapit-loob sina Daddy at Tito Iverson. Malayo si Tito Iverson kina Daddy at Tita Finella. “Ang ganda mo, Triana. Ang kinis at puti mo,” puri ng isa ko pang kaklaseng babae at tila tinitingnan din ako mula ulo hanggang paa. “Siyempre, laking ibang bansa ‘yan at mayaman! ‘Di ba?” “Tama na nga ‘yan, pakainin n’yo naman si Triana,” saway ni Lucy dahil napansin niyang hindi ako makakain nang maayos sa kanilang mga tanong at komento. “Ang ganda ni Triana. Siguradong may bago na namang pagkakaguluhan itong eskwelahan. Huwag ka lang tutulad dito kay Ava, ah? Nasiraan ng ulo kay Leander,” sabay halakhak ng boys. Naghiwa ako sa burger steak at sumubo. Then, I looked at the girl, Ava, na noon ay sumimangot dahil sa sinabi ng boys. “Who made you cry, Ava?” curious kong tanong. Ayon sa narinig ko kanina, De Alba raw... napaiyak siya ng ganoong lalaki? She must’ve had a poor taste! Ava looked like one of the rich kids! Napanguso si Ava. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pighati. Naiiyak na naman siya sa aking naging tanong. Nag-ilingan sina Vaughn. Si Lucy naman ay hinaplos ulit ang likod ni Ava. Hindi pa sila nakakasagot, nakita ko na sa parte ng field of vision ko ang ilang estudyanteng pumasok sa canteen. Napatingin ako roon. Grupo ng lalaki. Matatangkad at agaw-atensyon lalo pa dahil noong pumasok ay marami ring lumilingon na mga estudyante at nagsinghapan. “Oh, iyan na pala. Ang dahilan ng pagluha ng kaklase nating ito,” sabay ngisian at halakhak nina Vaughn, walang pakialam kahit mukhang totoong nasasaktan si Ava. Nalipat ang tingin ko sa mga dumating and my eyes automatically locked with this tall guy. Nakasuot ito ng puting polo at malinis na pantalon, paired with decent shoes, and a familiar brand of wrist watch! Natigilan ako noong umangat pa lalo ang tingin sa mukha nito. Nakangisi ito dahil sa tila pinag-uusapan nilang magkakaibigan, like it’s an interesting topic. They were all tall, manly, definitely a little bit older than our batch, and you’ll get why they caught most of the students’ attention! Lalong nakaagaw sa atensyon ko ay ang pamilyar na lalaki, iyong nasa gitna at ngayon ay bumibili ng tubig. S-Si... Silvien? “Lamang lang ng isang paligo ‘yang si Leander sa akin kung tutuusin,” sabi ni Vaughn at umiling-iling. “Teka, bibilhan ko ng tubig itong si Triana.” Halos hindi ko na ‘yon napansin. I was busy looking at Silvien. Halos magulantang pa ako. My lips almost parted! At hindi ko maiwasan na mapaahon nang kaunti mula sa aking kinauupuan. S-Siya nga iyon! The worker at the ranch! He’s a student here? “Ako na!” Nagulat kami sa marahas na pagsasalita ni Ava. Tapos ay tumayo ito habang tila puno ng pait ang tingin na ginawad doon kina Silvien. Nagsalubong ang aking mga kilay, still can’t believe I’m seeing a familiar face here! At talagang si Silvien pa, huh?! “Sinong nagpaiyak sa kaniya riyan?” pagtatanong ko habang pinagmamasdan si Ava na dumiretso nga roon. Unang nakapansin sa kaniya ay ang kasama ni Silvien. Pagtapos ay tinapik nito ang balikat ni Silvien kaya lumingon din ito kay Ava. Silvien had his casual expression. Parang wala lang na tumingin kay Ava. “Hala! Baka umiyak na naman ‘yan! Awatin mo, Lucy!” sabi ng iba naming kaklase. “Oo nga, awatin n’yo si Ava!” Nag-panic na rin ang iba. “Si Leander De Alba.” Si Kier ang sumagot sa tinanong ko kanina kung sino roon ang dahilan ng pag-iyak ni Ava. Tatlong lalaki kasi ang naroon! Nginuso ni Kier ang lalaking nasa gitna, yet I cannot comprehend it! “What?” gulong-gulo kong tanong. Sinong Leander ba? Pinsan ni Silvien De Alba? Na parehong mahirap? “Iyong nakaputi. ‘Yang matangkad na lamang ng isang paligo sa batch namin. Si Silvien Leander De Alba.” Ganoon na lamang ang pagkatigil ko. My lips parted and I was shocked! Silvien... Leander? That’s one person?! Noong binalik ko ang tingin sa nangyayari, naabutan ng mga mata ko ang tingin ni Silvien. And just like that, Ava is already crying in front of him! Lumapit na nga sina Lucy para awatin si Ava na nag-confess nga. At dahil hindi naman kami ganoon kalayo, narinig din namin ang sagot ni Silvien. “I’m sorry,” he said gently. At kahit marahan ang pagkakasabi niya niyon, siguradong tagos sa buto pa rin ang sakit kay Ava. Especially because he looked like he’s really uninterested, and doesn’t care at all! “Ava, halika na!” Sina Lucy sabay hinila si Ava palayo sa grupo nina Silvien at mga kaibigan nitong naagaw na rin ang pansin dahil sa kaklase namin. “Nakakahiya talaga,” I heard some girl students said, at pumailanlang ang kaunting tawanan. Hindi ko mapigilang mapaangat ang kilay at tumalim ang aking tingin. Hindi ko man inasahan iyong pagtungo ng tingin ni Silvien sa aming table dahil sa pagsunod nila ng tingin kina Ava na hinila na nina Lucy patungo rito sa table. Nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi man lang siya nagulat na nakita ako. While I couldn’t but stare at him. Ang linis ng kaniyang suot. His messy hair looked too soft. He didn’t look like he has no money. He looked... different. He gave a totally different person! At walang maniniwala kapag sinabi ko sa kanilang mahirap lang siya, ganoong level! At ang lalong hindi ko maintindihan ay ang nagwalang pintig ng puso ko. Lalo na noong dinaanan ako ng kaniyang tingin! It was cold and serious yet there was something else more in them that I couldn’t pinpoint. Kinuha niya ang tubig na inabot ng tindera at tumingin muli sa akin. Namulsa siya at noong tinapik ng kaibigan ang balikat, lumabas na rin sila sa canteen. Ako naman, naiiwang gulat, tulala dahil sa naalalang nangyari sa poultry farm, at irita dahil sa ginawa niya ngayon lang. How heartless for him to do that! At bakit hindi ko alam na nag-aaral siya at dito pa talaga? And why didn’t he look like the first time I met him? Napasunod pa rin ang tingin ko sa pag-alis nila sa canteen, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mahagilap ngayon sa kaniya ang lalaking pawisan, kupas ang maong, at may bahid ng lupa ang katawan at mga sapatos sa pagtatrabaho. Para siyang ibang tao! But heck, what do I care? Ano naman sa akin kung siya nga ang Leander De Alba na iyon? At ano rin naman kung nagawa niya ngang magpaiyak ng babae kahit ganoon lang naman ang antas ng pamumuhay na meron siya?! At higit sa lahat, bakit ayaw ko ang ayos nito ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD