Kabanata 7 - Naiilang

2486 Words
“Kawawa naman si Ava. Pinaiyak na naman,” naiiling na sabi ng mga estudyanteng nadaanan ko. Uwian na pero nakakarinig pa rin ako ng mga usapan tungkol sa nangyari sa canteen. “Ang sungit talaga ni Silvien. Si Caleb yata ang ‘di masungit sa kanila. Kasi ‘yong panganay sa magpipinsan, tahimik lang din daw iyon! Naging schoolmate dati ng ate ko.” I was walking in front of two students. At para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito, medyo binagalan ko ang aking lakad. Hanggang sa nilagpasan na nila ako, iyon ang kanilang usapan. Sinundan ko ang mga ito ng tingin. And it got me thinking. Silvien Leander, huh? Ganoon ba talaga karami ang pinaiyak nito para maging ganito? I’m never really wrong. Walang taste ang mga babae sa lugar na ito! Iniiyakan ang lalaking ganoon. Can he even take his girlfriends to dates? Treat them? Aha! I get it! Walang pinapansin na confession dahil wala siyang pera pantustos sa girlfriend. Oh, gosh. I’m so smart. Iyon nga marahil ang dahilan! Siyempre kapag nagkaroon siya ng karelasyon, kailangan niyang gumastos para doon. You know, to go on dates, pambayad sa sinehan, at kung ano-ano pa! Praktikal din, ah? Napangisi ako at napailing na lamang. Mas mabuti na iyon. Kaysa naman mag-girlfriend tapos wala ni isang singkong duling sa wallet niya! Mas mabuti na mag-aral na lang muna siya sa halip na humanap ng girlfriend at makipagrelasyon kung kani-kanino. Taas-noo akong naglalakad sa campus, hindi pinapansin ang mga matang sumusunod. Ang mga nakakasalubong at nadaraanang grupo ng mga kalalakihan ay sumisipol pa. Sanay na ako. Hindi ko na pinapansin. Malakas lang ang loob ng mga iyan dahil kasama ang mga barkada nila, pero kapag mag-isa na lang, halos matuod na. “Mommy, wala naman pala sina Tito Iverson at pamilya niya rito sa El Amadeo. Bakit hindi tayo tumira sa mansyon nila?” pagtatanong ko kay Mommy isang araw nang nasa hapag kami. Nagkatinginan ang mga magulang ko. “Well, Tri, papayag man ang Tito Iverson mo kung sakali, mas komportable naman tayo rito. Huwag na nating pakialaman pa.” Napabuntonghininga ako. Nagbaka sakali lang din naman ako. I really hate this house. It’s not that smelly from all the farm animals, pero naliliitan ako. Pakiramdam ko ay walang-wala na kaming pera at naghihirap na! I just can’t feel the luxury here. That also means, hindi na ako makakapagpa-party. Walang swimming pool. At maliit talaga ang bahay. “Why, anak? Ayaw mo ba itong bahay? Maayos naman tayo rito,” sabi ni Dad, nagbabasa ng dyaryo. Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Hindi ko na isinatinig pa ang laman ng isipan ko. “Oo nga, Tri. Saka mas maganda rito. Hindi malayo sa school, saka maraming magagawa. Bakit ‘di mo subukang kausapin ang mga hayop diyan sa labas,” sabi naman ni Cleo na kumakain. Tumalim ang tingin ko sa pinsan. At noong napatingin sa kaniyang pagkain, with that whole new diet, lalo akong napailing. Nagda-diet na rin para lalong magka-muscle. Siguradong impluwensiya na naman ng mga trabahador lalong-lalo na ng Silvien na ‘yon! “No, thanks. Baka maging kaamoy ko pa!” Hindi ko mapigilang sabihin. Napailing-iling sina Mommy. Si Dad naman ay umangat ang mga kilay. “Hija, tama si Cleo. Why don’t you try to explore around? Marami namang magagawa rito bukod sa pag-i-internet. Hindi mo lang ginagawa dahil nagkukulong ka sa kwarto mo.” Pumait naman ang aking ekspresyon. “Dad, nagpunta kami sa poultry farm, pero anong ginawa ng mga manok doon? Hinabol ako!” Tumikhim sina Mommy. Lalo akong nakaramdam ng pagbabaga ng mukha at iritasyon noong pare-parehas silang nagpigil ng tawa, pati na rin si Mommy! God! I wonder, ganoon din kaya ang reaksyon ni Silvien? Lalo pa at sa kaniya ako nagpabuhat. Anong magagawa ko? Siya ang naroon? Mas mabuti bang umakyat na lang ako sa bakod? Hindi mapigilan ni Cleo ang humalakhak. “At magugulat kayo, Tito, sa ginawa ni Triana noong hinabol ‘yan ng manok.” Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong tinaliman ng tingin si Cleo! “Ano ba ang nangyari, Cleo? At bakit nga ba pulang-pula ang mukha ni Triana noong bumalik kayo rito? Hindi ko pa iyan nakitang napahiya nang ganoon,” sabay halakhak din ni Dad. “Darlings, stop picking on Triana. Lalo na iyang hindi pupunta roon,” saway ni Mommy kahit natatawa rin. “Hindi ganoon iyon, Mommy. At hindi ako napahiya. Dapat nga lang na sila ang mahiya sa akin dahil ginano’n ako ng mga manok doon! They should’ve made our visit safer!” “Sinabi naman kasi namin sa ‘yo. They will be feeding roosters.” Napailing sila sa akin. Napapikit na lang ako nang mariin noong maalala na naman ang pagmumukha ni Silvien noong binuhat niya ako. And the heck, hindi ko makalimutan ang ayos niya roon sa paaralan! With all that look! I even refuse to believe na ang Leander na iyon na nagpaiyak kay Ava at ang Silvien na trabahador sa rancho ay iisa. “Mommy, promise, hindi talaga ako napahiya. I could’ve gotten into a serious accident, kaya wala silang karapatan na pagtawanan ako at ituring iyon na pagkakapahiya ko,” matalim na sabi ko. Tumango na lamang si Mommy kahit nagpipigil pa rin ng tawa. “Alright, dear.” At papatunayan ko sa kanila iyon. Babalik ako sa roon sa farm. I will prove to them that it wasn’t embarassing! Magiging nakakahiya lang iyon kapag inisip kong nakakahiya! I will decide for that matter. For the rest of the weekdays na may pasok ako, mabilis din akong naging close sa mga kaklase ko, lalo na sa grupo nina Lucy. Pagdating ng Biyernes, magkasabay ang oras ng klase namin ni Cleo kaya naman hihintayin niya ako sa uwian. Iisa lang din ang dalang kotse dahil bibilhan pa ako. May sasakyan naman sana roon kina Tito Iverson, but for some reason, ayaw talaga nila Dad. “Palabas ka na rin ba, Triana?” tanong nina Vaughn at ibang classmates namin. I smiled at them. “Yup. Kayo ba?” I asked, nililigpit ang mga gamit ko. “Palabas na rin kami ng gate. Tara, sabay ka na.” At kinuha na nga nina Vaughn ang bag at mga gamit ko. Pinag-agawan pa nila kung sino ang bubuhat sa mga iyon. Hindi na ako nagreklamo. Lumabas na rin ako ng classroom. Nahawi naman agad ang daan dahil kina Vaughn. “Oh, tabi-tabi!” hiyaw nila para makadaan ako. Uwian na kasi kaya maraming estudyante sa hallway. I didn’t mind each of them. Kahit sumusunod ang kanilang tingin. Poor people. Ngayon lang nakakita ng maganda? At iyon namang mga umiirap na babae, hindi ko rin pinansin. Kung anong iniisip nila, it’s their problem, not mine. Nakita ko sina Lucy sa may bulletin. Agad din silang napailing-iling noong makita ang boys sa likuran ko na nagkukulitan. “Oh, Triana! Uuwi ka na?” tanong nina Lucy. Tumango ako at ngumiti. “Yup! My cousin’s waiting for me. Kayo ba?” “Hindi pa, eh. Gagala sana kami ngayong araw. Pupunta kami sa mall sa Laia,” sabi nina Ava. Agad namang nangislap ang mga mata ko sa narinig. Did I hear mall?! “Talaga? Ngayong araw na?” tanong ko, umaasang makakasama ako roon! “Oo, eh. Pero babalik din kami sa Linggo. Mas marami kasing mapupuntahan sa Laia kapag Linggo,” saad nila. “ “Gusto ko talaga sanang sumama... kaso baka sa Linggo na lang ako,” sabi ko at napakagat sa labi. The excitement that I felt made me smirk! Sisiguraduhin ko na makakasama ako sa Linggo. “Ganoon ba? Oh, sige, sa Linggo. Come with us, huh?” “Sure, oo naman! I’ll treat you on Sunday.” Ngumiti ako kaya natuwa sila. “Yown! ‘Yan ang babe ko!” Si Vaughn sabay akbay sa akin noong narinig iyon. Natawa na lang din ako lalo na sa hiyawan nila para tuksuhin kami. “Sira talaga ulo mo. Mahiya ka naman kay Triana, Vaughn!” Sina Lucy. “Hayop ka, pre. Ako ang naunang makakita kay Triana noong pumasok siya sa classroom. Mang-aagaw, gago!” Si Kier sabay inalis ang pagkakaakbay ni Vaughn. Ako naman, natatawa na lang sa kanila at naiiling. Kami ang pinakamaingay roon sa may bulletin. At mukhang hindi lang din sikat sa classroom sina Vaughn. Napansin ko na sa buong Amadeo College iyon dahil kahit nasaan sila, lagi silang sinusundan ng tingin ng mga estudyante. Especially Vaughn. I think he’s the tallest and most attractive among our male classmates, and I think most of our girl classmates like him. At balita ko ay mayaman daw ito. Anak ng negosyante rito sa El Amadeo. “Mauuna na ako. Enjoy kayo,” paalam ko kina Lucy. Kukunin ko na dapat ang mga gamit kina Vaughn, but they insisted dahil hanggang gate rin daw sila. Nagpaalam na rin sina Lucy. The boys followed me hanggang sa makarating na kami malapit sa gate, kaso naglalakad pa lamang, natanaw ko na sina Cleo na nasa labas ng sasakyang naghihintay sa may sidewalk dito sa loob ng campus. Akala ko ay sa labas ng gate sila naghihintay, kaya nagulat ako noong nakita ko ang pinsan at.... hindi ito nag-iisa! Napahinto ako sa paglalakad. Sa malayo pa lamang ay nang-aakusa na ang tingin ni Cleo at umiiling-iling para iparating na isusumbong niya ako sa kaniyang nakikita. Pero sa halip na intindihin iyon, dumako ang tingin ko sa lalaking nasa tabi niya. In his white clean t-shirt, Silvien Leander De Alba was standing there! Nakasandal ito sa pintuan ng kotse, nakapamulsa, at nang mag-angat ako ng tingin sa mukha nito ay halos mapatulala ako sa seryosong ekspresyon nito habang nasa amin ang tingin. His eyes were clearly not amused. Naroon din sina Drix at iba pang mukhang kaibigan nila o kaklase. At parang gusto kong magtatakbo palayo habang sinasalubong ang tingin ni Silvien na nagsalubong ang kilay. “U-Uhm, boys, hanggang dito na lang, thank you!” sabi ko na halos hindi na matingnan sina Vaughn. Gusto ko na silang palayasin! “Sige, Triana!” Si Vaughn sabay kindat nang inabot ang shoulder bag ko. Binigyan na rin nila sa akin ang libro ko. At pagtapos ay umakbay sa aking balikat si Vaughn. “Sup, bro?” Si Cleo na bumati kina Vaughn. “Ikaw iyong pinsan ni Triana?” And they shook hands. Tumango naman si Cleo, ngumingiti pero ramdam kong kukutusan ako nito mamaya. “Ako nga, bro.” Ngumiti si Vaughn. “Nice to meet you, bro.” At noong napatingin kay Silvien, wala na itong nasabi. Hindi naman nagsalita si Silvien pero nahulog ang kaniyang tingin sa braso ni Vaughn sa aking balikat. “Paano, Tri? Dito na kami. Sunday, huh?” Vaughn smirked at me. Sumaludo pa sila kina Cleo at saka nagsialisan. “Sinong gunggong ‘yon?” tanong ni Cleo, pareklamo habang sinusundan ng tingin ang mga kaklase ko lalo na si Vaughn. “Isusumbong kita kay Tito, Triana! Tsk!” “They’re just my classmates,” sagot ko. Noong napaangat ang tingin ko kay Silvien, nakita kong napailing-iling na lamang ito at hindi ko alam kung bakit ngayon, apektado ako sa ginawad niyang tingin sa akin na tila nang-aakusa! “Mauuna na kami,” may lamig na sabi ni Silvien at umalis na mula sa pagkakasandal sa kotse. Tumango naman si Cleo. “Sige, dude. Dito na rin kami at isusumbong ko pa ‘tong si Triana!” Silvien nodded. Pati iba nilang kasama roon ay paalis na rin. “Mabuti pa nga,” dinig kong bulong nito. His jaw moved a bit. My mouth almost dropped open. Napatitig ako sa kaniya. “Kaklase ko nga lang ‘yon!” bigla kong sinabi. Nagsalubong ang kilay ni Silvien noong napansin na sa kaniya ako nakatingin nang sinabi ko iyon, kaya noong binalingan niya ako ulit ng tingin, nag-iwas ako at nilipat agad ang tingin sa pinsan. “And they just brought my things! Don’t be freaking OA, cous,” I said to Cleo. Kahit ang buong senses ko ay hindi ko alam kung bakit nasa lalaking Silvien ang pangalan! Damn, I’m starting to hate him! “Ewan ko sa ‘yo, Triana, isusumbong kita!” Si Cleo pa rin. Pero ang tingin ko ay naroon na ulit kay Silvien nang mapailing-iling ito, seryoso pa rin at malamig ang tingin. “Una na kami,” he casually said. His jaw moved again at parang galit ang tingin. At dahil tila nagmamadali nang makaalis, ako naman ay agad na pumigil. And to my very unconscious mind, napahawak ako sa kaniyang braso para pigilan ito. “Wait!” Napatigil si Silvien. His eyes dropped to my hand. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong naitulak ang braso niya palayo sa kamay ko. Oh, my God! Namula ang buong mukha ko pero para hindi mapahiya ay nagtaas ako agad ng kilay. Umangat ang tingin niya sa mukha ko, naghihintay sa sasabihin ko. At sa lahat pa ng pagkakataon, ngayon lang ako name-mental block nang ganito! “Yeah?” he says nonchalantly. Ano iyong sasabihin? May sasabihin ba ako? Ano iyong sasabihin mo, Triana? Damn, speak up! “Bakit mo pinaiyak si Ava?” Iyon ang kusang lumabas sa mga labi ko. And even I, pinanuyuan ng lalamunan sa aking naging tanong. It slipped out of my f*cking tongue! Pero kahit ganoon, nilakasan ko ang loob ko. Hindi ko pinahalata sa kaniya na nalulutang ako sa mga sandaling ito at hindi ko na alam iyong sinabi ko. Inangatan ko siya ng mga kilay at malditang tiningnan. Agad nawala ang pangungunot ng kaniyang noo. Amusement crossed his eyes. “Ano naman?” marahan niyang tanong. “You made her cry to death. Minahal ka lang naman ng tao?” This time, nainis na akong totoo. Ang yabang, eh! Silvien stared at me. “Anong gagawin ko sa pagmamahal niya?” matamang tanong niya. At hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang bitawan ang mga salitang iyon sa marahang tinig. Mabuti na lang at wala si Ava at baka napahagulgol na naman ito. “You’re such a heartless jerk,” puna ko. Umangat ang kaniyang mga kilay, at sa halip na mainsulto, sumilay ang kaunting ngisi sa kaniyang labi. Napailing-iling ako at binuksan na ang pinto, niyaya na si Cleo na umalis na kami. Hindi na rin muli pang nagsalita si Silvien kaya naman wala nang dahilan para magsalita pa ako. At kahit noong makaalis na kami ni Cleo, hindi mawala sa aking utak ang nangyari. And why am I f*cking nervous? Kailan pa kinabahan ang isang great Triana Marie Altarejos sa presensya ng isang lalaki? He’s just a worker for Pete’s sake, Triana. Hindi mo ito dapat na kailagan. Siya dapat ang naiilang sa akin at hindi ako! Dahil sino ba siya sa inaakala niya? Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD