Pagdating namin doon sa poultry farm, may nakita na agad akong mga manok. Mayroong mga gumagala roon sa labas, at may mga iba na rin palang trabahador doon.
“Magandang hapon po!” bati ni Drix bilang pag-aagaw-pansin ng mga naroon at minaniubra ang mga kabayo papasok pa sa farm.
Maging si Cleo ay bumati rin. Ako naman, namamanghang nakatingin sa mga chicken. Wow! Ang dami nila!
“Oh, nariyan na pala sila.” Si Mang Ador. I know him. Siya iyong sumalubong sa amin noong una kaming dumating dito sa El Amadeo. Hindi naman nakakagulat na nangangalaga ito sa farm na ito, o siguro nga ay sa buong rancho.
Bumaba na sina Drix sa sinasakyang kabayo. Ako naman ay nanatili sa ibabaw ng kabayong kinaroroonan ko, hindi pa rin nawawala ang atensyon sa mga manok.
“Silvien,” pagtawag ni Mang Ador at lumapit na sa amin. Noong malingunan si Silvien na hawak ang tali nitong kabayo, napatingin sa akin si Mang Ador. “Oh, hija?” puna ni Mang Ador noong nakilala ako.
Because it’s hard for me to think about what to stay, I smiled, napatingin na kay Silvien na wala pa ring hudyat kung bababa ba ako o ano.
“Pinayagan ka ba ng don, Triana, hija?”
Tumango ako. “Opo, pinayagan...”
Tumango-tango si Mang Ador. Napatingin kay Silvien habang may multo ng ngiti sa mga labi. Si Silvien naman ay tiningnan ang mga nakakalat na manok.
“Ganoon ba! Mabuti naman! Interesado ka bang matutuhan ang buhay sa bukid?” pagtatanong ni Mang Ador.
My brows furrowed, ngunit nang maalala ang kausap na matanda, pilit akong ngumiti. “Pwede naman ho—”
“Naku, Mang Ador! Umasa pa kayong gustong tumira sa bukid niyan ni Triana. Halos isuka niya nga itong probinsiya,” sabay halakhak ni Cleo.
Tinaliman ko ito ng tingin. I’ll remember later to give him a f*cking punch in the gut!
Nagkatingin ang mga trabahador. Pati si Mang Ador at natatawang tumango-tango na lamang.
“Sa tingin ko ay normal lang iyon, dahil sa United States naman permanenteng naninirahan ang pamilya ni Don Elonzo, hindi tulad nina Don Iverson,” sabi ni Mang Ador.
Gusto ko pa sanang magtanong, pero nauna ko nang tinitingnan nang masama si Cleo.
“Oh, siya, simulan na natin ito!” panimula nina Mang Ador.
Napabalik kay Silvien ang tingin ko. I’m still on top of the horse, and I don’t know how to get off! Tatalon ba ako?
“Paano bumaba?” I asked, looking at either side of me. Kaso mataas talaga!
Si Silvien naman ay napatingin sa akin. “Sandali lang, kukuha ako ng mounting block,” sabi niya at noong akmang aalis, nanlaki ang mga mata ko. I immediately stopped him!
“Wait, no! Are you going to leave me here?”
Nagtama ang paningin namin. Ang lalim niyang tumingin! “Sandali lang ‘to. Kukunin ko lang. Huwag ka lang maglikot diyan.”
“W-Wait, Silvien! Huwag mo akong iwan dito!” Napatingin ako sa ulo ng kabayo. F*ck! Kapag ito tumakbo, pagdilat ko ay si San Pedro na ang kaharap ko!
Napahinga nang malalim si Silvien. Dahil matangkad siya, halos mahawakan ko pa ang kaniyang balikat. I just got afraid kaya roon na ako kumapit sa tali ng kabayo.
“Alen, pasuyo naman ng mounting block,” sabi niya roon sa dumaan. Nakahinga ako nang maluwag. Halos manigas ako sa ibabaw ng kabayo sa takot na gumalaw ito lalo pa’t hindi hawak ni Silvien.
“S-Sige.” Tumango iyong trabahador na napapakurap habang nakatingin sa akin, but I was too occupied with the chickens!
“Lahat ba ‘yan may itlog?” bigla kong tanong. Hindi ko agad narinig ang sagot ni Silvien. Napatingin ako sa kaniya, and saw that his brows furrowed. Tiningnan ko ulit ang mga manok. “The chickens!”
Kunot pa rin ang noo ni Silvien. “Hindi ko naintindihan ang tanong mo,” aniya na naiiling.
Huh? Ano ba ‘yan? Gwapo pa naman siya kaso slow!
“Lahat ba ng chickens ay mayroong itlog?” medyo irita kong tanong.
Napatitig sa akin si Silvien. The dark color of his eyes made the way he looks a bit... intimidating? Pero may bahid pa rin naman ng pagiging banayad at friendly ang mga mata.
“Reconstruct your sentence. Itinatanong mo ba kung lahat ng manok ay nangingitlog?” Napailing-iling siya, ngunit hindi nakatakas sa akin ang tila kagustuhang matawa.
My cheeks blushed. “Are you questioning my Tagalog? For your information, I know how to speak Tagalog! Malalim ‘to!” iritado kong sinabi. I know a lot of deep words, dahil kahit sa ibang bansa lumaki, wikang Filipino pa rin ang pananalita namin sa bahay.
Napailing-iling si Silvien. I saw the slight amusement in his eyes.
“Ito na ang m-mounting block, Shi,” sabi ng trabahador na pinakisuyuan kanina. Nauutal pa ito at noong tumango na si Silvien, umalis na rin ngunit may pahabol pang tingin.
Muntik pa itong matalisod dahil hindi nakatingin sa dinaraanan. I tried so hard not to smirk.
“Thank you,” nakakahinga nang maluwag na sabi ko at bumaba na nga nang tuluyan. Medyo nangangatog pa ang tuhod ko pero dahil iyon sa excitement. I’m an extreme sports lover. I like everything a bit... dangerous. Kung saan mas nakakapanabik, iyon ang gusto ko.
I like it thrilling. Plain things are strictly no for me! It’s an Altarejos thing they wouldn’t understand.
Pigil na pigil ko pa rin ang mapausal dahil sa pagkamangha. I looked at the chickens. Hinahanda na yata ang pagkain nila.
“Hindi mo sinagot ang tanong kanina. So, ano? Nangingitlog silang lahat?” tanong ko habang tinitingnan ang mga manok.
Naglalakad na kami palapit. Mayroon na ring kumuha sa kabayo at tinali sa isang puno.
“Roosters don’t lay eggs.”
Napatango ako sa sinabi ni Silvien. Nakikitingin ako noong nilabas na ang pagkain ng mga iyon. Mukhang gumagamit sila ng commercial poultry feed.
“Ito na ang mga pagkain, Silvien. Kayo na ba ang bahala rito?” pagtatanong ni Mang Ador sabay tingin sa aming apat, mukhang nahinuha na gusto ko ring masubukan.
Tumango sina Drix. Kaya naman pinaubaya na nina Mang Ador at ilang trabahador. Pumasok sila sa may silong kung saan mukhang mas maraming chicken.
“Lumayo-layo ka, Triana. Baka matuka ka. Tukain mo pa pabalik. Nakakatakot pa naman ang tama mo,” Cleo remarked. He always acts like my older brother, samantalang magkaedad lamang kami at mas matanda pa nga ako nang ilang buwan!
“Mind your own business, cous,” I said, rolling my eyes.
Tumawa naman si Drix. “Sayang, wala rito si Sanders. Abala sila sa talyer, sina Ivan at Sanders! Makakasundo mo rin ang mga iyon, Triana!”
Oh, they’re one of those workers noong unang dating namin. They also work in a talyer?
Nagsimula na sila sa pagpapakain sa mga manok, mix of roosters and hens. Nag-uusap-usap din sila tungkol sa pagpapatakbo ng farm. Maraming tanong si Cleo.
They were talking about the raising of the farm animals. Kung saan mas magandang ipagbili at mga proseso roon.
“Balita ko’y malaki ang kita ng rancho. Reigan must be really good, para lalong mapalago itong rancho,” sabi ni Cleo. Napaangat naman ang kilay ko pero dahil medyo malayo ako sa kanila at nasa isang tabi lamang, hindi ako makapag-react.
Ang dami agad natutunan ng pinsan ko, huh? Ganoon ba ako nalugmok sa sobrang pagkaayaw ko sa lugar na ito? Para wala pa akong matutunan kahit isa?
Tumango si Silvien. Then, he smirked. He looked proud, too
Sino kaya iyong Reigan? Kasosyo ba iyon dito sa rancho? Is he a great haciendero, too? Siya siguro ang role model ni Silvien sa buhay? Pangarap niya rin bang magmay-ari ng ganitong mga ari-arian at maging isang rancher?
Well, if he keeps on working hard at pinagpatuloy ang pagsisikap kahit mahirap lang, siguradong yayaman din siya at magiging haciendero.
Trabahador turns into haciendero, huh?
Hindi ko rin tuloy mapigilang mapabilib sa mga Altarejos, especially Tito Iverson. Siguradong malaki ang parte niya rito sa rancho.
Napatingin ako sa kanila at nakita kong tinawag ni Mang Ador sina Cleo. Sumunod na rin si Drix at mukhang may ipapatulong doon sa loob.
Napatingin si Silvien sa gawi ko. Ilang mga hakbang ang layo ko sa kinaroroonan niya malapit sa fence.
When our eyes met, I suddenly had the urge to swallow the lump on my throat. Siya naman ay naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Napatuwid ako nang kaunti sa pagkakatayo at binalik ang tingin sa mga chicken.
Kaso bago pa tuluyang makalapit si Silvien, naging agresibo na ang isang rooster.
“Hey, huwag kang gahaman. Mabibigyan ka,” sabi ko sa isang manok na tinuka ang para dapat sa isa! I tried to shoo it a bit.
But then, all of a sudden, one of the roosters started walking towards me!
Hindi ito tumigil sa paglapit patungo sa paa ko, lumilipad-lipad nang kaunti. I immediately panicked. Umatras ako nang umatras sa takot na matuka o maramdaman ang mga paa nito sa aking balat, pero hindi tumigil ang manok. Saka ko napagtanto na hinahabol ako nito!
My eyes grew wider. Sa sobrang gulat at takot, napatili ako. Nabitawan ko ang pagkain nila na nasa kamay ko. I started running! Oh, my God!
“Ahh! Mommy!” tili ko at nagsimula na ngang tumakbo pero talagang hinabol ako ng manok! The rooster was aggressively chasing me!
“Anong—”
“Silvien! Oh, my God, help me!” Nasalubong ko agad si Silvien. Nagulat din siya. Wala akong pakialam kahit nagising ang mga ibon ng El Amadeo sa mga sigaw ko!
I ran to him. Akala ko ligtas na ako noong nakarating ako sa kinaroroonan ni Silvien na patungo na rin dapat sa pwesto ko kanina pero pagtingin ko ay nandoon lang ‘yong manok sa paahan ko!
Sa sobrang takot, kumapit ako kay Silvien! I didn’t even think anymore! Nagtatalon na ako dahil sa dalawang manok na humabol at para hindi maabot ang mga paa ko, inangat ko ang sarili sa ere.
“Oh, my God! Ahh! Shoo it away!” halos pasigaw kong utos, ni hindi alam kung sino ang inuutusan.
“Tri!” tawag mula sa kung saan. Pagtapos ay nagsilapitan na ang ibang trabahador para mailayo ang manok sa akin!
Nanginginig ako. Hot tears pooled in my eyes, gulat at matindi pa rin ang kaba! Hijo de perra!
“Anong nangyari?” pagtatanong ni Cleo noong lumapit sila sa amin at napatingin sa nailayong mga manok.
“They ran after me! The chickens!” I said, still in panic. Ang lakas ng t***k ng puso ko!
“Ayos ka lang, hija?” nag-aalala ring tanong ni Mang Ador.
Nanginginig pa rin ako, namutla.
“Drix, kumuha ka ng tubig.” Si Mang Ador at tumalima naman ito agad.
I’m still calming myself. Ni hindi ko namalayan ang ayos ko. Naramdaman ko lang noong gumalaw si Silvien para maglakad at tinungo ang isang tabi. Sumunod naman sina Cleo habang buhat-buhat ako ni Silvien!
Sobrang higpit ng hawak ko sa laylayan ng kaniyang manggas. It was when I realized that I’m really being carried by Silvien, na sa kaniya ako tumakbo at sumampa!
Naramdaman ko ang braso niya sa aking likod, ang isa ay sa likod ng mga tuhod ko. His arms carried me effortlessly!
Pero tulala pa rin ako dahil sa nangyari kaya wala roon ang atensyon ko. Kunot ang noo niya at mabilis ang kilos. Dinala niya ako sa may mesa at pinatong doon.
Kinuha ni Silvien ang inabot na tubig. Pagtapos ay binigay niya iyon sa akin. I accepted it even when my hands are still pretty much shaking. Napainom ako sa tubig ngunit nabasa ko lang ang lalamunan ko. I’m still shocked!
Those roosters are aggressive!
“Natuka ka ba?” tanong nina Drix.
Umiling ako.
“Did you get hurt?” pagtatanong ni Silvien, kinuha ulit ang baso ng tubig. Hindi pa ako mapapatingin sa binti ko at sa paanan kung hindi lumuhod si Silvien at tiningnan iyon. Binaling-baling niya pa ang paa ko para i-check.
Out of words, I shook my head, bahagya nang humuhupa ang pamumutla pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib.
“It just h-hit me with its f-feathers.” Damn. F*cking roosters!
“Bakit hinabol si Triana?” pagtatanong ni Cleo, tinitingnan din kung okay pa ako.
Doon ko lang napansin na naantala ko na rin yata sina Mang Ador. I felt so embarassed! At lalo naman noong nagkatinginan kami ni Silvien.
“Malapit na ang mating season, and she might have fed one of the hens,” kalmadong paliwanag ni Silvien kung bakit naging agresibo ang rooster.
He sighed heavily, bakas sa kaniya na hindi rin inaasahan iyong nangyari at nabigla rin siguro sa paggamit ko sa kaniya bilang proteksyon.
“Ayos ka lang?” he asked seriously.
Tumango ako kahit tulala pa rin. At kahit seryoso naman siya at hindi ako pinagtatawanan, nakaramdam pa rin ako ng labis na hiya. At nag-init ang bawat sulok ng aking pagmumukha nang maalala kung paano ako nagpakarga sa mga bisig niya!