“Ilang taon na si Silvien?” pagtatanong ko kay Cleo noong makakuha ng tiyempo. Nandito kami sa isa sa mga stone bench sa loob ng Amadeo College.
Kasalukuyan akong nagbabasa para sa lecture mamaya at umiinom ng isang chocolate drink. Si Cleo naman ay may kalandiang babae. Nakahiga ito sa kaniyang kandungan habang naglalandian sila at nagbubulungan ng mga kung ano.
Napaangat ang tingin ni Cleo. Nakaunan siya sa kaniyang bag at nakasandal sa puno. Ako naman ay may ilang hakbang mula sa kanila. Marami ring ibang estudyante rito, ang iba ay nag-aaral, ang iba naman ay natutulog at nagpapahinga, at ang iba naglalandian din.
“Si Silvien? Twenty-one na iyon. Bakit?” takang tanong ni Cleo.
I just raised my brow. Magsasalita pa sana ako nang humagikgik iyong babaeng nasa kandungan ni Cleo. Hinaplos niya pala sa buhok.
Umirap ako, napailing-iling.
Twenty-one... samantalang si Ava ay kaedaran ko na eighteen. That guy is older! Ano naman kaya ang nakita ni Ava sa lalaki na iyon? Hindi niya ba alam na mahirap lamang ito?
“Bakit, Triana? Huwag mong sabihin na tinamaan ka rin kay Silvien? Come on, cous, hindi type ni Silvien ang maaarte. Zero ka agad doon,” sabay ngisi ni Cleo.
Kung malapit lang ito, baka nasapok ko na.
“I’m just asking, okay. Wala akong sinabi na type ko siya,” marahas kong saad.
“Come on, dear cousin, spare my new friend of your attitude. Maawa ka sa mga lalaking gusto lang magmahal nang maayos. Walang panama sa kaartehan mo,” sabi ni Cleo.
Of course. Hindi niya talaga makakaya ang kaartehan ko. Baka nga ‘di kayang makipag-date ng lalaking ‘yon. Saan naman siya kukuha ng pera, ‘di ba? Imbes na pang-aral at pangkain niya na lang, ipangde-date niya pa! Huwag na lang. Konsensya pa ng babae!
“Oo nga, Triana. At saka ang mga type kasi ni Leander ay may malalaking dibdib at may malaki ring pang-upo,” singit ng babaeng nasa kandungan ni Cleo. Napatingin tuloy ako rito at nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig ko.
M-Malalaking dibdib?
Napatingin ako sa aking dibdib. Unti-unti akong napatikhim. At nakaramdam ako nang matinding galit at iritasyon. Huminga ako nang malalim.
“Kung ganoon, manyakis naman pala iyon. Big boobs pala, huh?” Hindi ko namalayan ang medyo pagkainis sa aking boses at marahas akong humigop sa chocolate drink na aking iniinom, hindi namalayan na natalsikan na pala ang malinis kong suot.
Napaangat ng tingin sa akin iyong babae ni Cleo at pati na rin ang aking pinsan. Nagtaas naman ako ng kilay sa kanila.
“Bakit? Totoo naman! Kung dibdib ang habol, malamang ay manyakis ‘yon! What else it could be?” Sinabayan ko iyon nang matinding irap.
Hindi pa rin sila nagsalita, at doon ko napagtanto na hindi pala sila sa akin nakatingin kundi sa aking likuran.
“Cleo, iyong hinihiram mong libro,” ang malamig na boses mula sa pamilyar na lalaki.
I was frozen in shock. Para akong natuod at ‘di ako makagalaw. Unti-unti ko ring naibaba ang aking libro patungo sa kandungan ko, umaasa na mali ang iniisip ko.
“Uy, dude, s-salamat! Hehe, ‘di ko alam na ngayon mo na mapapahiram?” sabi ni Cleo at bahagyang bumangon. Nakaupo ako sa mismong pabilog na stone bench. Sila naman ng babaeng kasama nito ay naroon sa baba sa may puno.
Sa bandang likuran ko, ang bagong dating. Ramdam ko mula rito ang presensya ng isang lalaki, at higit sa lahat, nalanghap ko ang pamilyar na pabango nito na nanuot sa aking pang-amoy!
Gusto kong lumingon. I was so tempted to meet his eyes and catch his reaction, lalo pa’t bakas na bakas sa kaniyang tinig ang lamig. At noong nagkaroon ng sapat na lakas ng loob, nilingon ko nga siya.
I was not wrong. Halos mapaatras pa ako noong makita ang tingin sa akin ni Silvien. Bahagyang salubong ang kaniyang mga kilay at tila nahuli na naman ako sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Umigting ang kaniyang panga at nakitaan ko agad ng galit sa kaniyang ekspresyon.
“Ibalik mo na lang kung ‘di mo na kailangan,” sabi niya pa kay Cleo na nakuha na ang libro.
“Thanks, dude! You’re the best!” Si Cleo na kulang na lang ay ituring na master si Silvien. I realized that they are in the same college department dahil itong si Cleo, mukhang nilamon na rin ng impluwensya ng lalaki na ito.
Halos ‘di ako makapagsalita. Lalo na noong hindi inaalis ni Silvien ang tingin niya sa akin kahit kinausap niya si Cleo.
Nakasuot siya ng malinis na puting polo. Desenteng-desente ang kaniyang dating. Malinis din ang kaniyang sapatos. Nakasuksok ang kamay sa bulsa at kita mula sa pulsuhan niya ang isang makintab na relo. There was nothing to point out about his looks. Walang palya!
And I hate to admit it, too. He’s so good-looking.
Na-gets ko ang mga estudyante na natutulala sa kaniya. At ang pagiging atentibo ng mga narito sa gawing ito ng paaralan dahil sa pagdating ni Silvien. Mukhang nanghiram ang makapal kong pinsan ng libro mula sa kaniya!
“Kailan tayo ulit sa rancho, dude?” tanong ni Cleo.
Silvien was still looking at me. Humigpit naman ang hawak ko sa aking libro at nawala ‘yong tapang ko. Para akong nilalagnat sa dilim ng tingin niya. He was so intimidating this time!
“Kahit anong araw, ayos lang,” sabi ni Silvien. Sinasagot niya ang mga iyon pero nasa akin ang kaniyang tingin at kahit alam niya na nakikita ko iyon, wala siyang pakialam.
My lips parted when his eyes dropped to my chest. At halos manlaki ang mga mata ko noong nagtagal ang tingin niya rito.
Hindi siya nagsalita, pero sa tingin pa lang na iyon ay sapat na upang mamula ang buong mukha ko. I don’t know why but I felt so f*cking embarassed!
“A-Anong tinitingin-tingin mo?” marahas kong tanong. Tumaas pala ang boses ko at maging ibang estudyante ay napalingon sa amin!
Is he checking my b**bs out?
Naalala ko iyong sinabi ng babae ni Cleo, na ang type raw ni Silvien ay malaki ang dibdib at pang-upo!
“Minamanyak mo ba ako? Why the hell are you checking my b**bs, Silvien?!” inis na inis kong tanong at namula ang mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit. Eh, kasi siya nakatingin sa dibdib ko!
May narinig akong mga singhap tapos ay bulungan.
Nangunot naman ang noo ni Silvien, bumalatay rin ‘yong gulat sa mga mata niya sa aking binintang. The corner of his lips rose.
“Anong ibig mong sabihin, Triana?” Si Cleo na nagulat din sa sinabi ko.
“He’s checking my boobs out! At, oo, kahit maliit ‘to ay lalaki rin ‘to kaunting panahon lang,” iritado ko pa ring sinabi. Pakiramdam ko ay kinumpara niya ang dibdib ko sa mga babae na type niya.
Did he really think that my boobs are too small? Iniisip ko pa lamang ang tumakbo sa isipan ni Silvien, lalo nang nag-init ang aking ulo. Hindi ko alam kung bakit affected ako. Hindi naman sobrang liit ng dibdib ko, ah? Pwede na rin naman ‘to.
“What are you saying, Miss?” Si Silvien. Binalingan ko siya ulit at marahas na tinitigan.
“Ikaw! Huwag kang magmaang-maangan. Nakita kong nakatingin ka sa dibdib ko!” sabi ko pa rin.
Bumaba ulit ang mga mata niya, this time ay sa bandang collar ko. Bumuntonghininga si Silvien. Gumalaw ang panga niya dahil sa nakukuhang atensyon mula sa mga estudyante.
“May dumi ang damit mo,” saad niya.
“W-What?”
Napatingin ako sa aking damit at parang nalaglag ang panga ko noong nakita ang bakas ng ininom kong chocolate drink kanina sa aking dibdib. Oh, my God...
“Naagaw lang ang tingin ko dahil sa dumi sa damit mo. Kung nabastusan ka, pasensya na, hindi ko intensyon...” Naging malamig lalo ang kaniyang tinig. Bumigat din ang paghinga habang sinasabi iyon.
I was literally in shock. Napatulala ako at napatingin kay Silvien. Pakiramdam ko ay nagbabaga na ang aking pagmumukha.
Napatingin ako sa mga estudyante. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Dinampot ko agad ang aking gamit at agad akong umalis. Nilagpasan ko rin si Silvien na sinundan ako ng tingin.
Oh, my God! You did not, Triana! Hindi mo pinahiya ang sarili mo sa harapan ng lahat! Kung maaari lamang lumubog sa lupa ay baka nagawa ko na!
Napatakip ako sa aking mukha pagdating ko sa girl’s restroom. Nanginginig pa ako sa pagkakapahiya ko, ngunit lalo ring umiinit ang ulo ko.
Eh, bakit kasi tumitingin pa siya sa dibdib ko? Kung napansin niya isang beses, sana sinabi niya na agad! Kahit sino namang tingnan sa dibdib ay maiinis.
Pilit kong nilulunok ang hiya. Iniibabaw ko ang galit ko kay Silvien. Gosh, this is all his fault!
Humarap ako sa sink habang pilit pinupunasan ang dibdib ko na nabasa sa chocolate drink. Sobra nitong dumi. Para akong nasa kindergarten na natapunan ng inumin sa oras ng recess.
“It’s not coming off,” frustrated kong saad. Noong binasa ko naman, lalo lamang kumalat. Pero wala pa rin doon ang aking buong atensyon.
My mind is still occupied with the thought of Silvien. K-Kasalanan niya ito... kasalanan niya...
Wala akong baong damit kaya naman wala akong choice kundi ang lumabas muli sa girl’s restroom na ganoon ang lagay. Mas malala pa yata dahil kinalat lamang ng tubig ang dumi sa aking damit.
Noong lumabas ako, kusang napatigil sa paghakbang ang mga paa ko. I immediately saw Silvien. He was standing just outside the restroom. Nakatalikod siya sa aking direksyon at likod niya ang una kong nakita.
“What the hell are you doing here?” naiirita kong tanong, para lang mapagtakpan ang labis na kaba sa aking dibdib.
Noong binalingan niya ako, gusto kong mapalunok. But I stood my ground. I raised my brows at him at humalukipkip ako.
“I’m not going to say sorry. May mali ako at may mali ka rin. You should’ve told me earlier!”
Tumiim ang tingin niya sa akin. “Paano ko iyon gagawin? Sobrang sama ng tingin mo sa ‘kin.”
Napalunok akong muli. Sa kabila lang din nitong girl’s restroom ang sa boys.
Napatingin ako sa hawak ni Silvien. That’s when I found out he has something for me.
“It’s my extra shirt. Just give it back to me,” malamig niyang sinabi. Hindi ko pa sana iyon tatanggapin pero pinahawak niya na.
Nasa mga mata ko ang tingin niya noong napatingala ako dahil sa kaniyang tangkad.
“At hindi ko tinitingnan ang dibdib mo kung iyan ang inaakala mo. I’ve already seen more than that, hun. It wouldn’t do anything...” Silvien smirked.
Napaawang ang labi ko. Nagulat ako sa kaniyang sinabi.
“And I don’t like younger girls... kaya pasensya na sa kaklase mo, pero hindi ako pumapatol sa mga bata. I like girls who are matured, at higit sa lahat, iyong hindi nambibintang nang basta-basta,” makahulugan niyang sinabi. He stared at me more, sinuksok ang kamay sa bulsa saka humakbang paatras, bago niya ako tuluyang tinalikuran.
Naramdaman ko ang pag-aapoy ng aking mga pisngi, habang pinagmamasdan ang imahe ni Silvien na papalayo.
He said... what?