Kabanata 1 - Trabahador

2635 Words
“Daddy naman! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan natin itong gawin!” Hindi ko na mapigilan ang pagtataas ng aking boses dahil sa halo-halo kong nararamdaman. “Triana Marie,” saway ni Mommy. Dad just sighed, nakaupo pa rin sa kaniyang swivel chair dito sa opisina niya. Ang mga katulong ay nililigpit na rin ang mga kagamitang pang-opisina at nilalagay na sa mga kahon. Maging ang mga nakakabit na frames sa dingding ay unti-unting inaalis. Lahat ng displays sa opisina ni Dad. “We have to do this, Tri. At saglit lang naman tayo sa El Amadeo. Pansamantala lamang. Just until there’s no threat in our lives,” sabi ni Mommy na pinapaintindi iyon sa akin. I know I’m not the best daughter out there. Hindi rin naman kami palaging nagsasagutan ng mga magulang ko, but this time, I feel like this is too much for me to handle! “Dad, please. Hindi ako mabubuhay sa El Amadeo! Mamamatay ako roon, Dad!” naiiyak kong sinabi. Nabalitaan kong doon pa kami titira sa sulok na parte ng probinsiya at hindi sa syudad. Ilang oras pa ang byahe niyon para makapunta lang sa mall. I will be so bored there! Napailing-iling si Mommy. Si Daddy naman ay nanatiling kalmado. “Hija, katulad ng sinabi ng mama mo, sandali lang tayo roon. And you will not be bored there. I assure you, maganda ang papasukan mong paaralan doon, Triana,” pang-aalo ni Dad. Napasinghap ako. Lalong nanlaki ang aking mga mata. “Paaralan! M-Mag-aaral ako sa El Amadeo?” Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Dad looked like he just had a slip of tongue! Wow. At balak pa nila na itago muna iyon at sabihin na lamang kapag naroon na kami sa Pilipinas? “Maayos pa naman tayo rito sa US, Mom, Dad. The threats might not be real. Tinatakot lang tayo! Daddy, please, magdagdag na lang kayo ng security at babawasan na namin nila Cleo ang madalas na paglabas! Huwag na tayong umalis dito sa US,” pakiusap ko. “Mas magiging ligtas tayo kung malayo tayo sa mata ng publiko, Triana. Hindi tayo mabubuhay nang payapa rito.” Unti-unti nang nagiging istrikto ang tinig ni Dad. It must be getting serious. Hindi naman ang aking ama ang tipo ng matatakot sa mga kalaban sa negosyo o sa industriya ng show business. He’s Elonzo Altarejos, after all! “But—” “No more buts, Triana Marie. Mag-impake ka na,” pinal na pahayag ni Dad. Napabuntonghininga naman si Mommy kaya halos mawalan na ako ng pag-asa. Ilang beses pa akong nagbibigay ng suhestiyon ngunit sa huli, iyon pa rin ang nanaig. Ang desisyon nila na bumalik kami sa Pilipinas at mamuhay nang payapa roon. Bakit kasi ganito ang buhay namin? Dad is in showbusiness! Ang Tita Finella ko naman ay pumasok na rin sa showbiz at mabilis ang pag-angat ng kaniyang pangalan. Iyan tuloy ngayon, lalo kaming na-e-expose sa publiko. Minsan ay gusto ko na lamang mainggit sa nakatatandang kapatid ni Daddy, si Tito Iverson. Sa pagkakaalam ko ay lumagay na sa tahimik si Tito Iverson kasama ang asawa nito at anak. Can’t we be like that? “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nating umalis dito sa Amerika. All my friends are here!” sabi ko habang nilalagay pa rin ang aking mga gamit sa maleta. Cleo, my cousin, ang anak ni Tita Finella sa pagkadalaga, just smirked. Parang wala itong kapaki-pakialam, palibhasa ay masaya kahit saan mo ilagay sa buhay. He’s adventurous, isang bagay na nananalaytay sa dugo ng mga Altarejos. “Friends? Baka naman ay dahil lang ayaw mong hiwalayan si Weston?” sabi ni Cleo. Lalo akong napabusangot. Oh, yeah, I have a boyfriend here. Paano na kami ngayon ni Weston? My American boyfriend! “Hiwalayan mo na ang boyfriend mong girlfriend ang lahat. Sabagay, parehas kayong baliw kaya bagay kayo,” savage na sabi ni Cleo. Sinamaan ko ng tingin ang pinsan. Magkaedad lamang kaming dalawa pero kung minsan ay mas matanda pa siya sa akin kung umarte. Dahil sa career ni Tita Finella, si Cleo ay rito na naninirahan sa amin kaya para na kaming magkapatid at magkasangga sa lahat ng bagay. “Palibhasa wala kang girlfriend dito kaya hindi mo maintindihan!” Tahimik lamang ako sa pag-alis namin sa bahay namin dito sa US. Pansamantala lang naman daw. Iyon talaga ang pinanghahawakan ko. Sa airport ay tahimik lang din ako. Hindi naman ako pinipilit nina Mommy at Daddy na kausapin at hinayaan na lamang muna. From Manila, it was a six hours drive to the province of El Amadeo, ang hometown ng mga Altarejos. Dito talaga nakatira ang pamilya nina Daddy noon. Life just happened, and throughout the years ay nakalayuan nila ng loob si Tito Iverson. Pero hanggang ngayon ay malapit naman si Daddy at Tita Finella na bunso nilang babae. Hindi namin sila close family. Actually, I only know Tito Iverson from his name, at hindi ko rin kilala ang pinsan ko mula kay Tito Iverson. Kung anuman ang nangyari sa nakaraan, marahil isa iyon sa dahilan kung bakit ganito ang kanilang set up. Dahil sa anim na oras na byahe na iyon, lalong sumama ang aking loob. Naiinis na naman ako dahil pakiramdam ko ay patungo kami sa pugad ni Tarzan. It’s unbelievable! Hindi ako nakatulog sa buong byahe dahil sa aking pag-iisip. My mind is completely against this idea! Pagdating namin sa probinsya ng El Amadeo, halos mapalunok ako habang tinatanaw ang buong kapaligiran habang umaandar pa rin ang aming sasakyan. Sobra nitong lawak, ang bahagi na ito ay malayo sa kabihasnan. It was... something. Malayong-malayo ito sa nakagisnan ko sa tinitirhan namin sa Amerika. Malawak na plantations ang nakikita ko. Puro mga damuhan at mga bulubundukin. Wala ring matatanaw na mga building sa gawing ito. It was as if we’re in the countryside. Hindi ko mapigilan na mamangha, pero dahil sa pag-iisip sa kamalasan na ito, nakakabig ko rin ang sarili ko at napapabusangot. “We’re here,” anunsyo ni Mommy noong ang sasakyan namin ay tinatahak na ang isang linyang daan. Napagigitnaan ito ng malalawak na damuhan na nahaharangan ng fence. Sa isang banda ng malawak na wooden fence, nakakita ako ng mga baka na pagala-gala. Agad kong tinapik si Cleo. Nagising naman siya at napaahon sa backseat. Mangiyak-ngiyak na ako. Ano ba itong nangyayari sa buhay ko? From having fun with my American friends, ngayon ay ito naman ako at makikipagtitigan sa mga baka? What a life! Nauna nang bumaba sina Mommy at Daddy sa sasakyan. May sumalubong agad sa kanila na tila caretaker. Ang matindi pa rito, hindi mansyon ang titirhan namin. It’s just a house! Inside this hacienda! Malaki naman ito kahit papaano ngunit hindi talaga ito isang mansyon. At mukha kaming magiging tagapangalaga ng mga bakang nakita ko. “Mang Ador! Kumusta ho?” Si Daddy na agad nagagalak na bumati sa isang matandang lalaki na mukhang naghihintay na sa pagdating ng sasakyan namin. “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nating umalis sa States. Tingnan mo nga itong lugar na ‘to! Liblib! May mall man lang ba rito?” pagtatanong ko habang salubong ang mga kilay. Si Cleo naman ay namamangha na. Palibhasa kaamoy niya ang mga baka. Nilabas na agad ni Cleo ang cellphone saka kumuha ng mga litrato. Ako ay nag-iinit na naman ang ulo. “Huwag kang maarte, Tri. Nandito tayo sa lupain na puro mga pribado ang nagmamay-ari kaya talaga lupa lamang at mga puno ang makikita mo. Mas tagabundok ka pa yata kaysa sa mga nakatira sa bundok,” sabi naman ni Cleo. Tinaliman ko ng tingin ang pinsan. Tinawag na kami nina Mommy. Napipilitan man ay tumalima ako. Dahil mainit pa at may araw pa ay sinuot ko na ang aking shades. My fedora hat is missing. Mangingitim na yata talaga ako nito! “Triana! Cleo! Come here!” ani Mommy. Sinara ko na ang pinto ng sasakyan pagkababa. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin, which in fairness ay hindi gaanong kaamoy ng baka. The fresh air kissed my skin. Isang pink tank top ang suot ko, maikling leather skirt, at itim na leather boots. Ang mahaba kong buhok ay agad inalon ng hangin. Halata ang lamig at pagkakabusangot sa aking mukha, which I didn’t bother to hide. Mukhang hindi lamang ang tinawag na Mang Ador ang naroon. Mayroon din yatang ibang mga trabahador. May ngiti sa mga labi nina Mommy at Daddy pati na rin si Mang Ador habang nagkukumustahan sila, like they were all happy to be reunited after so many years. “Ito ang nag-iisa kong anak, si Triana Marie,” pakilala sa akin ni Daddy. Ngumiti naman ako kahit pilit lamang iyon. “Kaedad ba ito ng anak ni Iverson?” pagtatanong ni Mang Ador. Umiling si Mommy. “Mas matanda nang dalawang taon si Triana. I heard Iverson and Katrina were here a few months ago?” pagtatanong ni Mommy. “Bakit nga ba umalis ang kuya rito sa El Amadeo? Nakarating sa amin ang balita.” Si Daddy. The thing about me, napakabilis kong mabagot. One uninteresting thing and I’ll be out. Pakiramdam ko’y kailangan ko ng constant entertainment. And that is the biggest problem here, parang ang daming boring places and boring things sa lugar na ‘to. Habang nag-uusap-usap ang mga matatanda, napatingin ako sa pinsan kong si Cleo na nakikipag-usap doon sa mga lalaking... uhmm, trabahador? Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga ito. Apat na lalaki ang naroon na tingin ko ay hindi naman sobrang nalalayo ang edad sa amin ni Cleo. May binubuhat silang mga sako at basket at ang isa’y may tulak pang hand-pulled cart na mukhang may lamang mga palay o kung ano. “Nagkasakit si Katrina kaya lumuwas muna pa-Maynila ang pamilya nila. Sabi ni Tatang Checo,” sabi ni Mang Ador. Tumingala ako sa magiging bahay namin. I cannot believe it. Napatango naman sina Mommy sa nabalitaan. Ibig sabihin, wala rito ngayon sa El Amadeo sina Tito Iverson? Hindi ba’t may mansyon sila? Bakit hindi na lang kami roon tumira? “Ganoon ba,” sabi na lamang ni Daddy, bakas na malayo ang loob sa pamilya na iyon. “Siya nga pala, ito naman si Cleo, ang anak ni Finella. Kasing-edad ni Triana,” pakilala naman ni Daddy sa pinsan ko bago napuna ang mga kalalakihan na naroon. Mukhang may trinabaho rito. Sino nga bang may-ari nitong lupain? Pag-aari kaya ito ng mga Altarejos? Wala namang nabanggit si Dad na may property siya rito sa El Amadeo. Napansin agad iyon ni Mang Ador kaya malawak itong ngumiti. “Ito nga pala ang mga binata rito. Naku, masisipag na mga bata ito, maalam sa mga gawaing bukid! Maasahan ang mga iyan pagdating sa kahit anong gawin,” pagbibida ni Mang Ador na tila proud sa mga lalaking iyon. “May isinasaayos ba ngayon, Mang Ador?” tanong ni Dad. Ang mga trabahador ay bumati ng magandang hapon. “Pinahatid ni Don Silvianno itong ilang harvest para sa inyo,” sabi ni Mang Ador, at doon ko napansin na fresh fruits pala ang laman ng ilang basket. “At nililigpit na rin ang ibang natambak na palay rito para ilipat sa kamalig.” “Si Silvianno talaga, nag-abala pa,” sabi ni Dad at bakas na nagagalak sa mainit na pagtanggap sa amin. Napaangat nang kaunti ang aking kilay. Nakasuot pa rin ako ng shades, so I had the chance to look at them one by one. They were all... pawisan. Hindi ko maiwasang mapuna ang dumi sa kanilang damit pati na rin sa mga kamay. Ang dalawa pa ay topless. Akala mo naman talaga. Mukhang natuwa si Daddy, to see some young men na masipag daw. Agad ang kaniyang nagagalak na ekspresyon at tinapik niya agad sa balikat ang isa. “Tiyak na makakasundo n’yo itong si Cleo,” sambit ni Dad. Napatingin naman sila sa akin dahil sa hindi pagbanggit ni Dad. Tumikhim lamang si Mommy, siguradong mamaya lamang ay pagsasabihan na naman ako nito sa aking asal. Hindi ako kakikitaan ng excitement, ni hindi ko ito mapeke. I looked like I just lost all the wars I had with myself. “Ito sina Ivan, Drix, at Sanders. Ito naman si Silvien,” sabi ni Mang Ador sabay tinapik ang balikat ng isang lalaki. My eyes immediately drifted to the guy. Binanggit sila mula kanan patungong kaliwa at iyong huling lalaki ay ang sinabing Silvien. Parang awtomatikong napatigil dito ang aking tingin at bahagyang umangat ang kilay ko. Matangkad ito. Katulad ng isa pang naroon ay walang suot na pang-itaas. Nangingislap ang katawan dahil sa pawis na natatamaan ng sinag ng panghapong araw. Ang kupas na maong na pantalon ay may bahid ng lupa. His black combat boots made him look taller and... manlier! He looked like those men who can pass as a young model. Ngunit ang higit na nakaagaw sa aking atensyon ay ang tingin na ginawad nito. He looked at me, nangilala siguro sa dumating lalo pa’t nagbulungan nang kaunti ang ilang kasamahan nitong nasa tabi. His eyes were cold, no trace of amusement. Hindi katulad ng mga kaibigan na halos mapatitig sa akin at nagsisikuhan. “Silvien?” puna ni Dad. “Ang pamangkin ni Silvianno?” pagtatanong ni Daddy, namamangha agad at napatingin sa lalaki na iyon na ngumiti lamang biglang senyales ng paggalang. Okay. Now, I’m sure hindi ko ito kaedad. Sa tingin pa lamang nito, I know he’s older. Gusto kong kabahan dahil lamang sa presensyang hatid nito. “Ito na nga, Don Elonzo, ang pangalawa sa magpipinsang De Alba,” proud na sabi ni Mang Ador. Dad was too amazed. Agad niya itong tinapik sa balikat. “They are all grown up, huh!” Halos hindi kakitaan ng ngiti ang lalaking iyon. Kahit nakasuot ako ng shades ay hindi ko maiwasan na gawaran ito ng naiiritang tingin. Sa tingin pa lamang nito ay nayabangan na ako agad. “Magandang hapon ho, Don Elonzo,” bati nito, malalim na malamig ang boses. That’s right! He should greet my Dad that way! Gwapo sana ito. Dark and thick brows, maganda ang mga mata, at may matangos na ilong na tila ba may lahi. Pero hindi ko mapigilan na punain ang luma nitong maong at narumihang sapatos. Maybe he’s a worker here? May bakas din ng lupa ang pawisang katawan na parang maghapon silang nagtatrabaho. Napansin yata nito ang pag-angat ng aking kilay. Lumipat sa akin ang tingin nito. Hindi ko naman maiwasang mapuna ang mga bagay-bagay rito. Who are the De Albas, anyway? I’m sure he’s poor! His cold eyes were strict, and I was a bit moved by it. Napalunok ako, nakaramdam ng kaunting iritasyon. Siya naman ay nakatingin lang sa akin at sa bawat maarteng kilos ko. Napansin yata ni Mommy ang disgust sa aking ekspresyon. Kaya hinawakan niya ang siko ko at ngumiti. “I told you, Tri, maganda rito, hindi ba?” nanghihikayat na sabi ni Mommy. I just sighed. Ang tanging naisip ko lang ng mga sandaling iyon ay lahat ng hindi ko gusto sa nangyayari. “Sakto lang po,” mapait kong sambit, dahilan para bahagyang umangat ang mga kilay ng lalaki. At hindi ko alam kung namalikmata lang ako ngunit napailing ito nang kaunti, like he’s judging me as a spoiled bratinela! “Oh, siya! Maghahanda ako ng meryenda para sa inyo.” Si Mommy na nagpatiuna na sa loob. Ang pinsan ko namang si Cleo, nakikipag-usap sa mga trabahador na iyon. Napailing-iling na lamang ako at taas-noo silang nilampasan. I don’t like talking to strangers, more so when they look arrogant kahit mahirap naman. “Iyon nga pala ang pinsan ko. Maarte ‘yon kaya pagpasensyahan n’yo na,” ang huling dinig ko mula sa pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD