Kabanata 9 - Aayusin

2105 Words
“Totoo ba, Triana? Pinagbintangan mo si Silvien na tinitingnan ang dibdib mo?” gulat na tanong nina Lucy. Kanina pa sila sa classroom hindi mapakali. Mukhang kanina pa nila gustong magtanong tungkol sa nangyari kahapon. Mabilis na namula na naman ang mukha ko, naalala na naman ang pagbintang ko kay Silvien. Why? Eh, talaga naman kasing tumingin siya sa dibdib ko! Malay ko ba na may dumi pala ang damit ko. I didn’t know, alright! “Totoo ba? Minanyak ka no’n? Sabihin mo, Triana, nang maabangan namin ‘yang si Leander sa labas ng eskwelahan!” marahas na sabi ni Vaughn na naghatak ng upuan pagkarating namin sa canteen. Naupo siya sa monoblock chair. It was a bit harder to tell if he’s just joking dahil nagsasalubong din ang mga kilay niya, pero halata rin naman na nagbibiruan na naman sila. Nakatayo sina Kier at minamasahe ang mga balikat ni Vaughn na tila susuportahan ito. I sighed. Naupo ako sa aking pwesto. Halos inookupa nila palagi ang pwestong ito sa canteen, marking this table as their own, kaya ang iba estudyante ay hindi na rin ito halos inuupuan pa. Kapag nakita nila ang grupo nina Vaughn na darating dito sa canteen, awtomatiko na silang umaalis para magbigay pwesto. “Ano, Triana? Aabangan na ba namin si Leander?” tanong nina Kier na ginagatungan pa si Vaughn. “Ano namang pinaplano n’yo?” tanong nina Lucy. “Makikipagbugbugan ako para kay Triana!” Hinarap ako ni Vaughn. Sinuklay niya ang buhok palikod at parang batang ngumunguso sa inis. “Basta magdala kayo ng stretcher at medic.” “Bakit? Para kay Leander?” tanong ni Ava, medyo nagpa-panic dahil ayaw siguro itong masaktan. “Hindi. Para sa ‘kin,” sagot ni Vaughn dahilan para batukan siya nina Kier na nagmamasahe sa kaniyang balikat. “Parang gago naman, pare!” ungot ng boys. Naghalakhakan ang iba. Sina Lucy naman ay napapailing na lamang. Tahimik pa rin ako. I don’t know what to say about Silvien. Halos ‘di ko pa nga maisip na nag-aaral iyon dito! “Ano nga, Triana? Totoo ba talaga na tinitingnan niya ang dibdib mo?” Si Ava na mukhang hindi kumbinsido na magagawa ‘yon ni Silvien. Tumikhim na lamang ako. I bit my lip to stop feeling embarassed. “Yeah. It was a misunderstanding, though. May dumi kasi ang damit ko,” sabi ko na lamang. “Hindi naman playboy si Leander, hindi katulad ng pinsan niyang si Caleb. Si Killian naman ay patagong babaero. Si Silvien Leander ang pinakamatino sa kanila! He’s really just friendly, at matulungin din. Hindi niya magagawang mambastos ng babae,” pagtatanggol ni Ava kay Silvien na sinang-ayunan din naman nina Lucy. “Eh, ‘di ba ni-reject ka ng lalaking iyon? Bakit pinagtatanggol mo pa, Ava?” may tunog inis na tanong ni Kier. “Because it’s unfair to him. Hindi naman siya ganoong klase ng lalaki,” sabi ni Ava at medyo tumalim ang tingin sa akin. Napalunok ako, and for some reason, I was really deeply embarassed! I knew that what I did was wrong! But I genuinely thought he was looking at my breasts! Hindi ko alam! Kung alam ko lang, hindi ko naman siya masasabihan nang ganoon! “Anong sabi ni Leander? Nagalit ba siya sa iyo, Triana? Medyo naging usapan kasi ngayong umaga na sinabi mo raw na minanyak ka ni Leander kahapon...” sabi ni Lucy. Malalim akong humugot ng paghinga. “We settled it. Pinahiram niya ako ng damit niya dahil na narumihan ang suot ko. It was really a misunderstanding,” paliwanag ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Vaughn. “Aba, teka, teka, pinahiram ka ng damit? Nagpapapansin iyon, Tri. Baka naman ay binastos ka talaga niya at gumagawa lang ng rason?” Napatingin ako kay Vaughn. Magsasalita pa nga sana ako para depensahan na rin ang nangyari. I know Silvien didn’t really intentionally checked my boobs, dahil bukod sa wala pa naman talaga ako niyon ay may dumi talaga ang damit ko! Nagkataon lang na sa bandang dibdib iyon! Bago pa ako makapagsalita, napaangat na ang tingin nina Lucy sa bandang likuran ko, sa gawi ng entrance ng canteen. Napatigil naman ako at lumingon na rin doon. At halos malaglag ang puso ko sa kaba noong makita ko kung sino ang tinitingnan nila. Napadiin ang kapit ko sa dulo ng mesa, trying to get a hold of myself. Lalo na dahil pagpasok pa lamang niya, napatingin na siya sa ‘kin. I could feel his stare even from miles away! Ganoon ulit ang suot niya, white short sleeves shirt na may puting t-shirt panloob at malinis na pants. Ang linis niyang tingnan. Madalas nakasuksok ang mga kamay sa bulsa at nasasabay sa uso ang kaniyang gupit. He looks... devilishly handsome. Hindi ko maitatanggi na kahit hindi marangya ang pamumuhay, ang galing niyang pumorma. “‘Di ba may minanyak daw si Silvien?” tanong ng isa sa mga estudyante na malapit sa amin. Nag-uusap-usap sila. “Oo. Iyong bagong babae. Sabi nga raw, tinitigan talaga ang dibdib niya! Hindi tinatanggi na minanyak nga raw!” Halos magsalubong ang mga kilay ko. What? I did not say that! Sinabi ko na nga na misunderstanding lang iyon. Mayroon bang nagpakalat na iba ang sinabi ko? “Tsk, ‘di ko alam na ganoong lalaki pala siya. Sayang naman, crush ko pa naman siya,” rinig kong sabi ng isa sa mga estudyante na malapit sa amin. “Ako, okay lang kahit manyakin niya ako palagi kapag naging kami,” sagot ng isang babae at ngumisi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa pagdating ni Silvien. He was looking at my direction, pero hindi naman siya kakakitaan ng pagkaagresibo na susugurin ako. He was just a bit disappointed at seryoso rin ang kaniyang ekspresyon. Tumahimik sina Vaughn noong makita nga si Silvien. Katulad noong nakaraan, mukhang bibili siya ulit ng inumin. Akala ko ay sa mineral water siya ulit pero sa halip ay tinungo niya ang soda vending machine. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa aking isipan. Tumayo ako. “Uy, Tri!” pabulong na asik nina Lucy at natakot yata sa balak ko. I don’t know why. Maybe it was my conscience eating me up! Sinabing hindi ko nga sinasadya! At hindi ko alam na ganito katsismoso ang mga tao sa paaralang ito? “I’ll just talk to him,” sabi ko sa mga kaklase at naglakad paalis sa table namin. Vaughn tsked. Wala namang pumigil sa akin, at wala rin namang nakakapigil sa ‘kin when I want to do something! Humugot ako nang malalim na paghinga at lumapit kay Silvien. Mag-isa siya ngayon at wala ang kaniyang mga kaibigan. Palapit pa lamang ako, naamoy ko na ang bango niya. He always wear this nice perfume na kaunti na lamang tatanungin ko na kung saan siya nakakuha ng budget para makabili ng ganoong pabango. “Hi!” bati ko. May mga napatingin sa aming mga estudyante. Mas marami pa rin namang abala sa kaniya-kaniyang ginagawa rito sa canteen. Medyo maingay rin kaya hindi nila masiyadong maririnig ang pag-uusapan namin. Napatigil si Silvien. Nasa tapat na siya ng vending machine at nilabas ‘yong wallet niya. Ako naman ay ngumiti sa kaniya noong binalingan niya ako sa kaniyang gilid. Shocks, ang tangkad niya! Nagsalubong agad ang mga kilay niya, at noong magtama ang paningin namin, lumamig din iyong ekspresyon niya. Hindi na siya nagsalita kaya napatingin ako kina Lucy na sumesenyas na kabaliwan ang ginagawa ko. “Ano ang bibilhin mo?” sabi ko kay Silvien at pinasadahan ng tingin ang mga choices ng inumin, pilit pinapasigla ang boses ko. “Anong kailangan mo?” malamig niyang tanong. Sa halip na ma-offend at mainis, nagpakumbaba muna ako. Of course, I’m guilty! Kumuha siya ng barya sa wallet niya. Napatingin ako roon pero bago pa ako makakuha ng tiyansa na makita ang laman ng kaniyang wallet, tinago niya na iyon. Ang bilis! Napakurap ako. Maghuhulog na sana siya roon sa vending machine pero inunahan ko na siya. Naghulog ako roon kaya halos maglapat pa ang mga kamay namin. “What drink?” pagtatanong ko. “What do you need from me, Triana?” tanong ni Silvien at noong nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakasalubong ko ang madilim niyang tingin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano! Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa diin ng boses niya o sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Is this the first time he called my name? Hindi ko alam kung anong nangyari, I felt the resonating echo of it through my stomach. Oh, my freaking hell! At ano ang kaibahan nito sa ibang tumatawag sa pangalan ko?! Nagagalit nga ba siya roon sa nangyari? Dahil siyempre, napag-uusapan ng mga estudyante na minanyak niya ako! “Fine, I-I want to say sorry... uhm, about what happened,” I sincerely said. Siyempre ay konsensya ko rin talaga ito. I don’t want to stay awake every night thinking about him! Dahil siyempre ay hindi naman ako papatulugin ng konsensya ko kung sakali. Hindi siya sumagot. Nag-iwas siya ng mga mata, and pressed one of the drinks a bit harshly. Nagkamali lang ba ako na hindi siya agresibo? Sunkist ang kaniyang pinili kaya napakurap ako. Noong nahulog iyon ay kinuha niya agad. Pagtapos ay naghulog pa ng mga barya. Ako naman, nasa tabi niya pa rin. Napatingin ulit ako sa sumisitsit na sina Lucy na binabalaan na lang ako bago pa ako mapahiya. But I kept my cool. Tiningnan ko ulit si Silvien at hindi ko na mapigilang mapataas ang aking kilay. “Are you mad?” tanong ko, naiinis na nang kaunti. “Dapat ba?” he asked with threat at tiningnan ako. Aba’t... hinuhuli niya ba ako? Kung totoo nga na talagang pinagkalat ko na minanyak niya ako? I didn’t even say that! Sadyang tsismoso ang mga tao rito! Gawa-gawa pa ng kwento! Hindi na ako nakapagsalita. I admit he was really intimidating, at ang nakakainis rito ay hindi pa ako na-intimidate nang ganito sa isang lalaki. Ngayon pa lamang. At ang lalong nakakainis, sa isang katulad niya pa na hindi naman... kayamanan! “Of course not! I mean, I already said sorry...” sambit ko, napagtanto na oo nga, hindi biro ang kumakalat tungkol sa kaniya. Dahil wala na akong masabi, tiningnan ako ni Silvien ulit. Halos magulat pa ako noong may mahulog na panibagong inumin mula sa loob ng vending machine. He leaned over to get it from the pick up box, pagtapos ay tiningnan ako. His broad shoulders were enough to tell me that I stand no chance to him physically! Nilahad niya ang naunang nakuha na inumin, iyong sunkist orange. Napakurap naman ako dahil iyon ang lagi kong binibili rito sa vending machine. Pepsi ang kinuha niya. At noong binalingan niya ako ulit, wala na akong nagawa kundi kunin ang sunkist orange ko. “I didn’t know na ganoon ang sasabihin ng iba. I’m sorry,” pahabol ko, still trying to make my point. Silvien didn’t answer. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hindi naman siya apektado sa sinasabi ng iba o dahil pinipili niya na lang na huwag pumatol sa babaeng katulad ko. Besides, he has a good reputation in this school, lalo pa’t bago lamang siya rito sa Amadeo College. Siguro ay scholar siya rito. Siguro ay may pinangangalagaang scholarship! Oh, gosh. What have you done, Triana?! “Uhm, how can I pay for it?” sabi ko sa kaniya, kinakabahan na. Pinagpawisan pa yata ako sa pag-iisip na matatanggalan ‘to ng scholarship! Posible ba iyon? “I-I will talk to them at sasabihin ko na hindi mo talaga ako minanyak...” Silvien’s brows furrowed. Doon yata siya nainis. He bit his lower lip, sinuklay ang buhok na tila hinahabaan ang kaniyang pasensya. “I promise... I will fix this!” saad ko. Naiisip ko kung ano ang masisira ko kapag lalo pang kumalat ang usapin na ‘yon. Paano na ang pag-aaral niya kapag natanggalan ng scholarship? Ng good moral record? Kung makarating sa mga professors at higher ups?! Paano niya na maiaahon ang sarili niya sa kahirapan? I’m so careless! Napatitig siya sa akin. May amusement sa mga mata pero pinipilit na magseryoso, kahit may multo ng ngisi sa kaniyang labi na tila naaaliw. “Ikaw ang bahala,” tanging sabi ni Silvien bago tuluyang umalis. He shook his head a bit, at iniwan na ako roon sa tapat ng vending machine habang hawak ko ang sunkist orange at pinagtitinginan ng mga estudyante.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD