CHAPTER 4

1284 Words
Kimberly’s POV “Time of death, 10: 15 am,” anunsyo ng attending doctor. Isa-isa na nilang inalis ang mga aparatong ikinabit nila kanina. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sugurin ang labi ng aking ama at subukang eh CPR siya pero wala naman akong kaalaman doon. Nabibingi ako sa flat line na tunog sa cardiac monitor niya. Akala ko handa na ako mawala siya. Akala ko tanggap ko na hindi pa pala. Pinaubo ko muna ang inay at ang anak ko sa bench sa labas ng emergency room. Nilapitan ko ang doktor, na siyang nag anunsyon sa tatay ko. “Dok?” Pinunasan ko ang aking mga luha. “I am sorry for your loss, ma’am.” Tinakpan na nila ng puting tela ang bangkay ng aking ama. Para nilakumos ang aking puso. Ang sakit-sakit pala. “Iuuwi na po namin ang Itay.” Saad ko. Malungkot siyang tumango. “Dadalhin ho muna siya sa morge para maasikaso ang death certificate niya. May mga pagpipilian po kayo purinarya na mag aasikaso sa labi ng iyong tatay, ma’am.” Mahabang eksplenasyon niya. Kagat labi akong tumango. Para pigilan ang panibagong luhang papatak sa aking mga mata. “Salamat, po Dok.” Tinapik niya ako sa balikat at umalis na siya. Sinundan ko na rin ang stretcher na magdadala sa itay sa morge. Habang nakasunod ako panay ang impit ko sa pag iyak. Pakiramdam ko ay, naputulan ako ng isang bahagi ng aking katawan. Ang itay ang nagsisilbing sandalan ko noong mga panahon na lugmok na lugmok ako, sila ng inay. Ngayong wala na siya, hindi na buo ang aking pagkatao... Nakapili na rin ako ng purinarya na mag babalsamo sa itay, pati ang chapel kung saan siya ilalagak. Konte lang ang kilala ko sa aking kamaganakan kaya hindi rin magtatagal ang burol niya. “Kim?” Nag angat ako ng tingin. Hagunos naman si Leonel patungo sa pwesto namin sa labas ng morge. Tumayo ako. Sinalubong niya ako ng yakap. Doon na ako kusang bumigay. Yumakap ako sa kanya at humagulgol nang iyak… ***** Si Lionel ang nag asikaso ng lahat. Wala akong ganang kumilos. Hinayaan ko na lang siya. Ito na rin ang ikatlong araw at huling lamay ng Itay. Bukas ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan. Iniisip ko pa lang iyon, ang sakit na. Lalo ko siyang mamimiss. “Kim kain ka muna.” Alok ni Leonel may dala siyang sandwich at presto na juice. Tingnan ko iyon, at ibinalik ko ang aking tingin sa kabaong ng itay na tila ba mawawala sa paningin ko. “Wala akong ganang kumain,” matabang kong sagot. “Baka ikaw naman ang magsakit, ayaw ng itay mo iyon.” Pamimilit niya sa akin. “Leonel!” Babala ko sa kanya. “I just want to eat kahit konte lang, Kim.” Hinila rin niya ako paupo. Kaya nagpatianod na lang ako dahil pinag titinginan na rin kami ng ibang nakikilamay sa itay. Kinuha ko ang sandwich na alok at pilit kong inubos dahil walang akong pansala. “Mieee,” tawag ni Miguel kaya napatingin ako sa aking likuran. “Come, anak.” Aya ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. Halos hindi ko siya makausap. Para wala nga akong gustong kausapin. Kahit ang inay. Si Leonel lang ang matiyaga sa kasungitan ko. “Lolo is gone; will he go to heaven, miee?” Inosenteng tanong niya. “Oo, anak lolo will go to heaven. He will be our angel from now on,” buong tiwala kong sagot. Hindi ko rin alam kung totoong may angel nga ba… ***** KINABUKASAN, nakahanda na ang lahat. Dadalhin na si tatay sa simbahan para sa huling pagbabasbas. Habang papalapit kami doon, panay ang agos nang masaganang luha sa aking mga mata. Hawak-hawak ko ang kamay ni Miguel sa kaliwa ko ang inay naman hawak ko ang kamay sa kanan. Walang tigil din ang iyak niya. Halos twenty years din silang nagsama at first love nila ang isa’t-isa. Kaya kung masakit sa akin ang pagpanaw ng itay alam ko ilang libong beses na mas masakit iyon sa inay. Nang makarating kami sa simbahan, tulala ako mula sa sermon ng pari hanggang sa pagbabasbas ng holy water. Hanggang sa ako na ang huling may hawak noon. Sobrang lakas ng iyak ko habang winiwisik ang bendetta na inabot ng pari sa akin. “Itay… Itay…” Parang akong hihimatayin. Sobrang sakit. Hanggan sa tuluyan na akong mawalan ng malay… Pagmulat ko ng aking mga mata nasa sementeryo na kami. “Itay! Itay ko….” Malakas kong sigaw habang binababa ang kabaong niya. “Itay! Itay!” Halos mapatid ang ugat ko sa leeg sa kakatawag dito. Walang lakas ang tuhod kong tumayo. Inalalayan ako ni Leonel pero wala, napasalampak ako sa lupa. Ilang beses kong himanpas iyon at pagtawag sa pangalan niya... **** LUMIPAS ang ilang linggo, nandito na ulit ako sa harapan ng puntod ni Itay. Ika-forty days niya ngayon. Sa bawat pagdaan ng araw, unti-unti kong natanggap na wala na siya. Nag alay ako ng bulaklak at dasal. “Anak gusot mo kumain sa labas?” Napatingin ako sa inay, nagpunas siya ng luha at pilit na ngumiti at pinasigla ang mukha. Napatingin na rin si Miguel sa lola niya. “H’wag na miee. Sa bahay na lang po tayo.” Tumango ako. Nagpaalam na kami sa itay. Nilakad namin hanggang labasan ng sementeryo. Kasi bandang dulo pa siya inilibing. Nang makarating kami sa bahay, may malalaking mesa at puno ng pagkain ang nakahain. Bukas ang bahay namin. “Kim,” tawag ni Lionel. Naka apron pa ito. “Ano?” Mataray kong tanong. “Forty days ng itay mo, kaya naisipan kong maghanda para sa kanya. Please don’t get me wrong.” Inunahan na agad niya ako. “A—anak please.” Segundang pakiusap ni Inay. I rest my case. Tumango na lang ako. Pinaghila rin ako ni Leonel ng upuan. Tinawag rin niya ang aming kapitbahay para pagsaluhan ng dala niyang napakaraming pagkain. Two months ang hinihingi kong bakasyon sa eskwelahan at pinayagan rin naman ng principal namin dahil alam rin niya na ikakasal na ako Lronel. Gusto kong umurong pero hindi magawa dahil baon na baon na kami sa utang. Matapos naming pagsaluhan ang pagkain, kanya-kanyang balot na rin ang aming mga kapitbahay. Dahil tatlo lang kami sa bahay hindi rin namin mauubos iyong pagkain. “Leonel?” mahinang tawag ko sa kanya. Kami na lang natira sa balkonahe. “Kim?” Tumingin ako sa kanya. Nababasa ko ang takot sa mga mata niya. “Salamat sa lahat ng tulong mo sa amin. Humihingi rin ako ng dispensa sa mga ikinilos ko noong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala ka sa tabi ko.” Tapat kong saad sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay at pinisil iyon. “Lagi akong nandito para sa Kim, hindi ako lalayo kahit kailan.” Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya at kusa naman niyang binitawan iyon. “Thank you ulit. Tungkol pala sa kasal—” “Tsaka mo na iisipin iyon, Kim. Makakahintay pa naman ako.” Pagputol niya sa sabihin ko. Akala niya ata iurong ko ang kasal namin. “Hindi yan ang sasabihin ko, ituloy na natin.” Nagliwanag ang mukha niya. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Hindi mo akalain na kwarenta’y otso na si Leonel. Kahit ang kanyang mama, akalain mong seventy na. Dahil mayaman at mapostura hindi halata sa edad niya. Hindi ko pa rin nakikita ang kapatid niya. “Talaga? Itutuloy na natin?” Sobrang saya ng boses niya. Kakalimutan ko na ang lalaking iyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD