CHAPTER 3

1472 Words
Kimberly’s POV “Let’s eat,” aya ng mama ni Leonel. Pinaghila niya ako ng upuan. Naka- smirks agad ang mama. “So, I invited you here to discuss some arrangements with you.” Prangkang pahayag niya. Napatingin ako sa gawi niya. Nilalagyan siya ng pagkain sa plato niya. “O—opo.” Tipid kong sagot. “Ma!” Babalang tawag ni Leonal sa maldita niyang ina. “Oh, come on, Lionel, she will not be a princess in my kingdom; she should know that by now!” Mataray niyang sagot sa anak sa niya. Parang binundol ng kaba ang puso ko. “H’wag ho kayong mag-alala madam, alak ko naman ang lugar ko sa buhay ng anak niyo.” Walang paligoy-ligoy kong sagot sa kanya. Na ikinataas ng kilay niya. “Enough!” Utos niya sa katulong. Yumukod ito at umatras. “Please ma, kumain muna tayo. Gutom na ako.” Pakiusap ni Leonal sa ina. “You eat, while I am talking to Kim about the rules I want to implement in my house.” Pangbabara nito kay Leonel. “Let’s go Kim, nawalan na ako nang gana.” Hinawakan ni Lionel ang pulsuhan ko para sana kami aalis na. “Seat down! No one leaves while I am not finish!” Makalas niyang sigaw. Napaupo ako. Dahil kitang-kita na lumuwa na ang mga mata niya sa galit. “Leonel…” Tawag ko sa kanya at napilitan rin itong bumalik sa upuan. Umangat ang kamay nito at may inabot ang katulong sa kanya ang dokumento. “After you eat, sign this prenuptial agreement. Wala kang makukuhang ni singkong duling sa kayamanan ng anak ko. I am old I am not gonna stay on this hell hole forever.” Matapobreng sabi nito. “Hindi naman po ako interesado sa yaman ng anak niyo, Madam. Binili niyo ang negosyo ng tatay ko. Kasama doon ang pagpapakasal ko sa anak niyo. Pwede naman ho nating hindi ituloy. Mamatay din naman ang tatay ko at tanggap na namin iyon. Gusto lang namin makasama siya ng matagal-tagal.” Walang emosyon kong sagot sa kanya. Tumaas ang kilay niya at nag smirk sa akin. “Still!” sambit nito… Pagtapos namin kumain pinapunta niya kami ni Leonel sa office niyo. Pagkabukas ni Lionel ang pintuan itinuro niya ang upuan sa umupo kami doon at inumang na niya ang ballpen. “Hindi ko na pipirmahan yan. Hindi na rin matutuloy ang kasal.” Seryoso kong saad. Biglang nagbago ang aura ng mukha niya. “Ma, why do you need to do this? It’s my money, my life! Bakit lagi niyo na lang akong pinaghihimasukan?” Puno ng sumbat ni Leonel sa kanyang ina. “Son, I am just after your well-being. Dahil baka yaman mo lang ang habol sayo ng babaeng iyan.” Nangigil na sagot ng nanay niya. “Hindi ka magkakaganyan Leonel kung nandito ang kapatid mo!” “Well, he’s not here, ma. So please let her be.” Puno nang pakiusap ang boses ni Lionel. “I will sign.” Pagpuputol ko sa pagtatalo nilang dalawa. Nang pumirma na ako. Kita ko ang galak sa mga mata ng mama ni Leonel na tila ba nanalo sa lotto. Hinila na ako ni Lionel palabas ng opisina ng mama niya kaya, hindi na ako makatanggi. Gusto ko na rin lumayo sa bahay na iyon. Pakiramdam ko sinasakal ako at hirap na hirap sa paghinga. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Leonel sa passenger seat. Inalalayan niya rin ako papasok. Dama ko ang mainit niyang kamay sa aking siko. Pumihit si Lionel patungong driver seat at pinaandar niya ang sasakyan, hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng bahay nila. Ang mataas na gate, mamahalin rin tingnan. Ilang metro ang layo namin sa bahay nila nang itinigil ni Lionel ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Madilim iyon kaya kinabahan ko. Hindi ko lang pinapahalata. “Bakit ka tumigil?” Tanong ko sa kanya. Laking pasalamat ko na hindi niya nahalata ang kabang naramdaman ko. Isang malalim na buntong hininga pinakawalan niya. Yumupyop sa manibela. “Leonel?” Mahinang tawag ko. Unti-unting naging kalmado ang t***k ng puso ko. Humarap siya sa akin. Hindi ko aninaw ang mga mata niya. Napakislot ako ng lumapat ang palad niya sa pisngi ko. “I am sorry, Kim,” hinging tawad niya. Hindi ako kumibo. Bigla na lang niya akong kinabig at niyakap. “Just let me hold you for a while please.” Pakiusap niya. Dinig ko ang lakas ng t***k ng puso niya. Ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon at siya na ang kusang bumitaw sa akin. Inayos ko ang aking damit at umiwas ng tingin kahit pa hindi ko naman siya naaninag dahil madilim. “Sorry, kung pinilit kitang pakasalan ako. Sorry kung sinamantala ko ang sitwasyon mo. Mahal na mahal kita Kim. Una pa lang kitang nakita noong buntis ka pa mahal na kita.” Madamdamin niyang sabi. Parang hinaplos ang puso ko. Dapat masuwerte ako dahil sa kabila ng lahat may lalaking tatanggap sa akin kahit isa akong dalagang ina. “K—kung matuturuan ko lang nag puso kong mahalin ka Leonel ginawa ko na. Pero ayokong linlangin ka. Ayokong magkunwari na mahal kita pero hindi naman pala.” Tapat kong saad. Kahit alam kong sugat at sakit ang dala ng mga katanggang binitawan ko. “I know, that’s why I admire your honesty, Kim. Hindi ka tulad ng ibang mga babae. Wala naman akong pakialam sa nakaraan mo. Ang mahalaga lang sa akin mahal kita ako ang kasama mo. Kahit hindi mo ako mahal. Sapat na ang pagmamahal ko sayo. Pangako gagawin ko ang lahat mapasaya ko kayo ng anak mo. Ituturing ko siyang parang tunay kong anak.” Mahabang pahayag ni Leonel. Doon pa lang kampante na ang puso ko. Siguro ganun nga ang buhay. Tumango-tango ako… Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan kahit hindi ako sumagot. Nirepesto niya ang pananahimik ko. Isa iyon sa gusto ko sa kanya. Hindi niya ako pinilit sumagot. Itong kasal lang na ito ang gusto niya… Nang makarating kami sa tapat ng aming bahay. Agad na akong bumaba ng hindi naghintay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan. Pero lumabas pa rin siya ng kotse at tinanaw akong makapasok sa bahay. Nang maisara ko ang pintuan napasandal ako doon. Ito na ba ang kapalaran ko? Umakyat ako sa ikalawang palapag at tinungo ko ang silid ng anak ko. Tulog na tulog pa rin ito siguro dahil matinding pagod sa paglalaro buong maghapon. Pagkalinis ko ng katawan, humiga ako sa kama. Patang-pata ang katawan ko. Nakatingin lang ako sa madilim na kisame. Pumasok sa balintataw ko ang gabing iyon. Isang gabi na hindi ko makakalimutan. Napadpad ako sa isang bar na iyon at nangyari ang hindi dapat mangyari. Gusto ko lang makalimot sa panloloko ng ex-boyfriend ko. Pero ang ending naisuko ko ang bataan ng wala sa oras. Ang matindi ba nagbunga ang gabing iyon. Lucian Miguel… buti na lang naunawaan ng mga magulang ko… KINABUKASAN tamad na tamad akong bumangon. Linggo ngayon at walang pasok pero pero kailangan kong matapos ang gawain ko kasi mag reready pa ako ng lesson plan. Dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Ala sais ng umaga. Nasa labas sina nanay at tatay nag papaaraw si Miguel naman naglalaro ng bola. Nagsangag ako ng kanin, tuyo, pritong itlog at mga hilabos ang niluto ko, okra, talbos ng kamote at talong. Gumawa na rin ako ng sawsawan bagoong na may kalamansi, sibuyas at kamatis. “Nay, tay, Miguel kakain na!” Saktong ala syete ng mahanda ko ang aming agahan. Masaya kaming nag-almusal. Hinugasan ko na rin ang aming pinagkainan. Dinig ko mula sa lababo ang tawa ni Miguel… Napatingiti ako. “Kimberly!” Nabitawan ako ang plato. Hagunos akong pumunta ng sala! Nakayuko na ang itay. Iyak nang iyak naman ng inay! Mabilis akong lumabas ng bahay! “Tulong! Tulong! Please tulungan niyo kami!” Parang umikot na ang paningin ko. Basta na lang ako sumakay sa ambulansya at yakap-yakap ko ang aking anak na iyak rin nang iyak… Nang makarating kami sa ospital sinalubong kami ng mga nurses at doktor. “Please tulungan niyo po ang tatay ko.” Pakiusap ko. Kahit alam ko naman na wala nang pag-asa. Pero nagbabakasakali pa rin ako. Nanonood lang ako sa pagsalba nila sa tatay ko. Inintubate, nilagyan ng cardiac monitor. Ilang beses ring compression sa dibdib niya. Salitan ang mga nurse hanggang sa mag flat line na. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kanina lang masaya pa kami. Sarap na sarap pa ang itay sa agahan namin. Pero iniwan na niya kami. “Anak, anak wala na ang tatay mo,” hagulgol ng inay sa akin. “Lolo gising ka please, lolo!” Tawag ng anak ko. Tay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD