Kimberly’s POV
“Kim, ikaw na?” tawag sa akin ni Leonel. Nandito kami ngayon sa isa sa pinakasikat na boutique para sa aking wedding gown. Inilapag ko ang magazine na tinitingnan ko kanina.
Napatingin ako sa mama ni Leonel na abala rin sa kakabuklat ng fashion magazine na puro gown din ang laman at ibang pang party na mga kasuutan.
“This way, Madam.” Giya sa akin ng bading na kukuha ng aking measurement. Tahimik akong sumunod sa kanya.
Pagbukas niya ng pintuan, tumambad sa akin ang magarang silid. Mga de kalibreng plaque at life-size real wax na imahe ng designer.
“Darling, you’re so beautiful!” Matinis na bati niya sa akin. Pilit akong ngumiti.
“Naku mahiyain ka pala. Samaniego family was my long-term client, mula sa mga ancestors ko at mga ninuno nila dito na sila nag pampagawa sa amin. Buhay prinsesa darling.” Puno na pagmamalaki sa boses niya.
“So, darling let me explain, gusto ng biyanan mo ang pinakamahal kong gown buong bayan ata ng Talisay ang imbitado.” Pagbibida niyang kwento sa akin.
“P—puwede po ba yung sakto lang? H’wag na po iyong mahal. Isang araw lang naman susuutin,” pakiusap ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.
“Leonel was lucky! Yung ex-fiance niya na bruha lagas yaman ni Leonel doon, pero iniwan din.” Pangbubuko ng baklang designer. Na curious akong magtanong pero pinigilan ko ang aking sarili.
Hindi ko na rin napigilan ang humanga sa disensyo niya. Para siyang goddess of all fashion designers. Mala ball ang tabas noon, pinakita rin niya ang sleeveless na mag pagka see-through ang yari.
Pagkatapos niya akong sukatan, ay dinala niya ako sa isang pang pribadong silid. Bumungad sa akin ang mga engrandeng gown na tingin ko milyones ang bawat isa noon. Nagkikislapan pa kapag natatamaan ng ilaw na parang diyamante.
“Wow po, ang gaganda naman ng gawa niyo!” Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi humanga. Talaga naman ang husay at pulido ang pagkakagawa ng mga traje de boda na nasa harapan ko.
Ilang minuto ko pang pinagsawa ang aking mga mata doon, bago kami nagpasyang lumabas na dalawa. Tuwang-tuwa naman siya sa reaksyon ko. Sino bang hindi, ang isang gown ay katumbas ng isang bungalow house o higit pa.
“Mamita! Tapos ko na siyang sukatan. Ang sexy at ang ganda ng mamanugangin niyo.” Tinulak nila ako ng bahagya sa balikat ko.
“Of course, darling, I want what’s best for my son Leonel. Diba, son?” Maldita niyang tanong sa anak, na nanghihingi pa ng validation.
“Of course, Mommy knows best right?” Sagot naman ni Leonel at kinindatan pa ako. Napayuko na lang ako sa hiya.
Nang matapos kaming magpasukat nag punta kami sa malaking mall sa bayan. Gusto daw ng mama ni Lionel na samahan ko siya. Ayoko sana pero wala akong ibang choice dahil nakiusap sa akin si Lionel. Nagpaalam rin ito na may meeting pang pupuntahan.
“Cut the innocent look, Kimberly. Wala na ang anak ko.” Sita ng bruheldang mama ni Leonel.
“Hindi ako inosente madam, besides I have a son. Hindi inosente ang tulad kong dalagang ina.” Walang kagatol-gatol kong sagot.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ng anak ko, bakit ikaw ang napili niyang asawahin, napaka plain naman ng hitsura mo. Sabi mo nga hindi ka inosente dahil inanakan ka lang at iniwan. Why you?” Taas kilay niyang tanong.
“Hindi ko rin alam madam, bakit ako sa dami-dami ng babae diyan. Nakakapagtaka rin naman na pumayag kayo.” Bwelta kong sagot. Wala na sana akong balak pakasalan si Leonel dahil patay na rin naman ang itay ko. Kaya lang ang kasunduan ay kasunduan…
Pagkatapos naming mamili ng kung anu-ano halos hindi na ako magkanda umayaw sa kakabuhat ng bawat nagustuhan niya. Kahit sobrang bigat na nang dala, wala siyang pakialam. Nakangisi pa siya kapag nakita niya akong nabibigatan na.
Gabi na nang matapos kaming magshopping. Inihatid na rin ako sa amin. Mag aalas nuebe na nang gabi at hindi man lang niya ako pinakain. Sama ng ugali!
“Bring all those things, para sayo!” Malamig niyang sabi. Nagulat naman ako hindi na ako kumibot o sumagot man lang.
“Larry, bring it to her house.” Utos ng mama ni Lionel sa driver niya. Tumalima naman agad ito.
“Good night, Madam.” Paalam ko sa kanya.
“Mauna na kayo, madam ako na po magdadala nitong lahat." Imporma sa akin ng driver kaya hindi na ako nag pumilit pa…
Tulog na ang anak ko nang dumating ako. Sinilip ko si Nanay at tulog na ito. Umakyat ako sa taas, at sinilip ko si Miguel na mahimbing na ang tulog. Kinumutan ko siya at Hinalikan sa noo.
“Good night, anak! I love you!” Maharan akong lumabas ng kanyang silid at maingat na isinara ang pintuan. Naghalf bath lang ako at hindi ko na pinansin ang gutom. Dahil sa matinding pagod nakatulog agad ako.
KINABUKASAN maaga akong nagising dahil papasok pa ako sa eskwelahan. Mabilis akong gumayak. Naligo at nagbihis buti na lang plantsado na ang uniform ko. Pagbaba ko bihis na rin ang anak ko. Napatanaw ako sa labas nag hihintay na ang tricycle. Humigop lang ako ng kape at dinampot ko ang gamit ng anak ko.
“Anak hindi ka ba muna kakain?” Tanong ng inay. May bahid na pag-alala sa boses niya.
“Dadalhin ko na lang ito nay sa school. Male-late na ho kami ni Miguel.” Sagot ko dito. At hinawakan ang kamay ni Miguel. Nagmano kami sa inay.
“Bye Lola, see you later!”
“Bye apo, mag-iingat kayo ha? Kimberly.” Paalala ng inay sa akin at tumango naman ako.
“Mommy, nasaan po si daddy?” Para akong binuhusan ako ng malamig na tubig sa biglaang tanong ni Miguel. Hindi naman niya nabanggit dati ang daddy.
“Ah—eh anak, nag work sa malayo si Daddy.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Laking pasalamat ko ng huminto ang tricycle sa tapat ng gate.
“Anak dito na tayo.” Agad akong bumaba sa tricycle. Hawak ko si Miguel sa kamay at inabot ko ang bayad sa driver.
Hinatid ko na rin siya sa classroom niya bago ako pumasok sa aming opisina. Isa-isa kong pinatas ang gamit ko.
“Good morning sis,” bati ni Thelma sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
“Late ka ata,” tanong ko. Inikutan lang ako ng mata. Nang makaupo siya ayon na.
“Alam mo naman si Makoy, hindi ako paalisin kung hindi maka quickie, buti sana maliit lang ang kargada aba, namamaga na ang puday ko bago ako tinigilan! Mula sa kwarto, banyo pati hagdan hindi pinalampas!” Parang M16 ang bibig ni Thelma.
Para akong kinilabutan, agang -aga ang baho ng bibig puro agad ginagawa ng mister niya sa kanya.
“Thelma yang bibig mo naman.” Saway ko sa kanya.
“Opps may dalagang Filipina pala dito oh, yeah!” Lakas niyang tukso sa akin. Tumayo na ako para pumasok sa room ko para sa first subject ko.
“Wait lang naman!” Pagpigil ni Thelma sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at diretso lang ang lakad ko. Isinukbit niya ang kamay niya sa siko ko.
“Oh, para sayo.” Inabot niya ang maliit na paper bag sa akin. Nabasa ko ang salitang happy birthday. Tumigil ako at ganoon din siya. Niyakap ko siya.
“Sis, salamat. Nawala na talaga sa isip ko ang birthday ko,” saad ko sa kanya. Saka ko narealize ang nangyari kahapon. Napatakip ako ng aking bibig.
“What?”
“Yung dala ko kahapon, na binili ng nanay ni Leonel sa mall ibigay lahat sa akin.” Oh my gosh!