CHAPTER 2

1281 Words
Kimberly’s POV “MOMMY!” Sigaw ni Miguel sa akin. “Yes, anak?” Ganting sagot ko sa kanya. Naglalaro siya sa dalampasigan ng sandcastle kasama ang inay. “Gusto niyo, tay?” Iniabot ko sa kanya ang barbecue na bagong luto. Mainit-init pa. Tumango siya at iniabot ang bigay ko. “Masarap po ba?” nakangiting tanong ko. “O—o—o,” nauutal na sagot ni Tatay. Hindi na siya maayos magsalita. Dahil umakyat na rin ang cancer cell sa lalamunan niya. Matamis ko siyang nginitian. Nakikita ko ang saya sa mga mata niya. Kahit pa hirap na hirap siya sa kalagayan niya, hindi ito nag rereklamo. Basta sa ikakasiya namin oo agad ang sagot niya. “Nay, Miguel, kakain na!” Tawag ko sa dalawa. Nag rent lang kami ng cottage. “Miee, tinawag kita kanina hindi ka pumunta?” May himig na tampo sa boses ng anak ko. “Sorry, anak kasi nag luluto pa si Mommy eh, diba sabi mo gutom kana?” Ngumisi siya sa akin. Pinisil ko ang cute niyang pisngi. “Ouch, miee! That hurts naman!” Reklamo niya, humaba pa ang nguso niya. “Cute mo!” dinig kong tumawa ang mga inay at itay. “Yes, I know, miee.” Maangas niyang sagot, agad sumubo ng hotdog. Nilagyan ko na rin siya ng kanin at pink sauce. Pinaghalong mayonnaise at ketchup. Masaya kaming kumain ng tanghalian. Ang bibo ng anak. He is five years old now. Hindi ko akalain na ang isang gabing pagkakamali ko ay nagbunga ng isang cute na cute at makulit na Miguel. Pagkatapos naming kumain. Iniligpit ko na ang pinagkainan namin, ang mga plastic at cellophane at itinapon ko na sa basurahan. Gusto ko man ayain si Tatay kahit mag tampisaw man lang hindi na pwede. Mahina na rin siya. Tinanggal ko ang aking puting t-shirt. Tumakbo sa papuntang dagat. Desente naman ang suot ko. Maikling shorts at long sleeve na rush guard. “Tara anak swim tayo? Aya ko sa kanya.” Pero umiling lang siya at pinagpatuloy ang paglalaro sa buhanginan. Sumisid ako, pailalim sa tubig. Gusto kong kalimutan ang nangyari sa akin kahapon sa talipapa. Siya ang nalalaking nakakuha ng aking pagka birhen. Buti na lang naniwala siya na hindi ako ang babaeng hinahanap niya. Puno nang agam-agam ang puso at isip ko. Mabuti na lang noong gabing iyon ay makapal ang make up ko. Maiksi pa ang buhok ko. Naka ilang lap din ako bago ako nagpasyang umahon. Wala na doon ang anak ko at ang inay. Baka nag bihis na sila. Hingal na hingal ako sa ginawa kong paglangoy ng walang humpay.. “Miee, next week ba mag swim ulit tayo?” Tanong ni Miguel. Pasakay na kami sa inarkila naming multicab. “Hindi ko sure anak kung kaya pa ni Lolo? Tanungin natin siya ha?” Naghihikab siyang tumango at yumakap sa akin habang nasa byahe kami. Inabot rin kami ng halos bente minutos bago nakarating sa aming bahay. Nadismaya ako ng nakatayo si Leonel sa gilid ng sasakyan nito at hinihintay kami. “Mang Rafael tulungan niyo na po sina Itay, tulog po kasi ang anak ko.” Imporma ko sa kanya at inabot ko ang bayad sa upa ng kanyang multicab. “Basta ikaw ma’am asikaso yan.” Diga niyang sagot. Binuhat ko si Miguel. “Let me carry Miguel, Kim.” Salubong sa akin ni Leonel. Hindi na ako nag matigas pa iniabot ko naman sa kanya ang anak ko na may kabigatan na rin. Nauna akong maglakad para buksan ang pintuan. Agad kong binuksan iyon at pumasok sa loob. Tinungo ko ang ikalawang palapag at sumunod naman si Leonel sa akin. Binuksan ko ang silid ni Miguel. Itunuro kong ilapag niya ang natutulog kong anak sa kama. Nang mailapag niya, tinanggal ko naman ang rubber sandals ni Miguel at inilagay sa shoe rack niya. Ini-on ko na rin ang electric fan niya. Wala na doon si Leonel. Kaya lalo akong na konsensya sa panggamit ko sa kanya. Bumaba ako, napasulyap ako sa kanya na matiyagang naghihintay. Dumiretso ako sa kusina para ikuha sya ng maiinom. Gumawa na rin ako ng sandwich tuna spread. Nagtira ako kanina. Nang matapos ako dala-dala ko ang tray ng meryenda ni Leonel. Nabungaran ko siyang may kausap. Seryoso kasi ang mukha niya. Inilapag ko ang aking dalang meryenda. Akma akong tatayo para bigyan siya nang privacy pero sumenyas siyang h’wag umalis kaya napabalik ako sa aking kinauupuan. “Okay, got it, ma.” Nanay pala niya ang nasa kabilang linya. “Meryenda ka muna.” Alok ko sa kanya. Ngumiti siya ng matamis sa akin, at dinampot ang sandwich. “How about you?” Tanong niya. “Busog pa ako. Sige lang kain kana.” Tanggi ko. Ang dami ko kasing kinain kanina. Kaya hanggang ngayon busog ako. Nanlaki ang mga mata ko wala pang isang minuto ubos na ni Leonel ang sandwich at inisang lagukan ang isang bagong juice. “Parang hindi ka nag lunch.” Natatawang komento. “No, you’re right, dito na agad akong dumiretso pagkagaling ko ng airport.” Kumunot ang noo ko. Noong isang araw lang sila pumunta rito. “I had an emergency meeting sa planta namin sa Cebu. May kaunting aberya kaya pumunta ako agad.” Tila nabasa niya ang laman ng isip ko. “Ganun ba?” Tumango siya at tumayo. “Kausap ko pala si Mama, inimbitahan ka niya sa bahay mag dinner.” Nahihiyang imporma niya sa akin. “Ah—kasi ano Leonel, marami pa akong gaga—” “Please? Mabilis lang iyon. Ihahatid agad kita dito.” Napilitan akong tumango. “Sige magbibihis lang ako.” Sagot ko sa kanya. “No need, you look perfect.” “Perfect ka diyan. Nakakahiya sa Mama mo.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya, tumayo ako at umakyat sa kwarto para magbihis. Isang floral v-neck, sleeveless. Pinaresan ko iyon ng black wedge three inches heels. Nag wisik rin ako ng pabango. Nag powder at liptint na rin ako. Sinilip ko rina ng aking anak, mahimbing itong natutulog. Sunod kong pinuntahan ang silid ng mga inay. Kumatok at binuksan ang pintuan. Nakahiga si Tatay. Nababakas sa mukha niya ang pagod. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Sakto namang lumabas si nanay mula sa banyo. “Kim, anak?” “Nay inimbitahan po ako ng Mama ni Lionel mag dinner sa kanila.” Paalam ko dito. Kita ko agad ang pag-alala ko sa mukha niya. Kahit may edad na maganda pa rin siya. Kulubot na ang mukha niya pati ang mga kamay niya. “Sure, ka ba anak? Kilala mo naman na matapobre ang nanay ng mapapangasawa mo. Ayoko sanang ipakasal ka sa kanya.” Malaki ang disgusto sa boses niya. Pilit kong pinapasigla ang boses ko. “H’wag kayong mag aalala, nay kaya ko po ang sarili ko.” Paniniguro ko sa kanya. Para hindi siya mag alala sa akin. Malala pa naman siya mag over think. “Sige po. Alis na muna ako.” Nagmano ako sa kanya at sinulyapan ko si Tatay. Lumabas na ako sa silid niya at tumayo naman agad si Leonel ng makita ako. “You look perfect.” Papuri niyang komento. “Sorry natagalan ako.” Hindi ko na pinansin ang papuring iyon. “No big deal. Shall we?” Tumango ako at sabay kaming lumabas ng bahay. Habang nasa daan, wala kaming imikan na dalawa. Inabala ko rin ang aking mga mata sa mga nakakasalubong naming sasakyan. Hindi na rin nagtangkang kausapin ako ni Leonel. Hanggang sa makarating ako sa mala palasyong bahay. Kung bahay pa ngang matatawag iyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD