Kimberly’s POV “Kim, hija gising…” Tinapik-tapik ako ni Aling Glenda, sa balikat ko. Nagpupungas pa ako. Halos wala pa akong tulog. Dahil sa ginawa ni William sa akin buong magdamag. “B—bakit po?” Naguguluhang tanong. “Umalis si William, umalis kana anak, naaawa na ako sa pinaggagawa ng alaga ko sayo. Dalhin mo si Miguel. Kilala ko si William. Hindi ka Makakaalis dito.” Mahabang salaysay niya. Wala rin naman sana akong balak umalis pero hindi ko na kaya ang guilt na nararamdaman ko. Bukod pa doon, hindi niya tatantanan ang katawan. Diba gusto mo naman? Kastigo ng sutil kong isip. “Si Miguel po?” Agaran kong tanong. Hindi ako aalis ng wala si Miguel. “Pinasundo ko na maneho, mag ayos kana ng gamit mo. Naayos ko na ang kay Miguel.” Utos niya sa akin. “Pero hindi ko po alam saan kami p