Kimberly’s POV MARAHAN niya akong pinaupo sa upuan. Lahat ng mga katulong ilag at halos takot ang nababanaag sa mga mukha nila. Sinipat ko ang bawat isa sa kanila, halos hindi nila ako sinubukang tingnan mata sa mata. “Yaya Glenda, kayo na po ang mag asikaso kay Kim.” Napakunot ako ng noo. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni William pero hindi man lang magkasalubong iyon. “Andiyan na hijo,” hindi mapagkakaila na may kaunting taranta sa boses ni Aling Glenda. “Okay lang po ako, kaya ko na po.” Tanggi ko sa matanda. “Kim?” Babalang tawag ni William sa pangalan ko. “Ano? Hindi naman putol ang kamay ko para hindi ko kayang kumain,” mataray kong sagot. Hindi na siya nagpumilit pa. Nilagyan ni William si Miguel ng pagkain at sumandok na rin ako ng akin. Parang may dumaang anghel sa gitna