CHAPTER 38-SELOSAN

1512 Words

Kimberly’s POV Pagkatapos akong angkinin ni William, basta na lang siyang lumabas ng kwarto. Walang ni isang salita siyang sinabi. Ang liit-liit ng tingin ko sa aking sarili. Diring-diri ako. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Halos sambahin niya ang katawan ko pero parang basahan niya lang akong iniwan nang makaraos siyang init ng katawan. Nagbabad ako sa bathtub, habang tumutulo ang luha ko. Ilang beses kong hinampas ang dibdib ko. Dahil hindi ako makahinga. Nalulunod ako sa sarili kong emosyon, sakit dahil ang taong mahal ko ginagamit at pinapasakitan ako. Guilt dahil niloloko ko ang asawa ko. Awa dahil kahit anong gawin ni William sa akin, tanggap lang ako nang tanggap dahil mahal ko. Nang lumamig na ang tubig umahon na ako. Itinapat ko ang aking katawan sa dutsa at sa bawat pag agos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD