CHAPTER 7

1243 Words
Kimberly’s POV: ISANG LINGGO na ang nakakaraan matapos ang pa surprise, birthday ni Lionel at ng mama niya. Buong puso rin ako nagpasalamat sa ginawa niya sa akin at sa pamilya ko. Kahit paano nakalimutan ko ang lungkot, na iyon ang unang pagkakataon na hindi ko sa special na araw ang aking itay. “Oy excited na siya,” natatawang tukso ni Thelma. Mas excited pa ata siya sa akin. Hindi ko na rin tinatanong dahil napansin kong masaya naman siya lately at siguro nagkaayos na rin sila ng asawa niya. “Kinakabahan ako alam mo ba?” Matapat kong amin sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mabigat akong hindi maipaliwanag na pakiramdam. “Normal lang na kabahan ka kasi ikakasal ikaw ba naman Ikakasal sa pinakagwapo, mabait at mayamang lalaki sa buong Talisay, and take note Kim, hindi lang dito sa Talisay ang negosyo nila kundi sa buong bansa. Donya ka Kim!” Ang bibig talaga nito walang ka preno-preno. “Hindi naman yaman ang habol ko sa kanya! Tse!” Nayayamot kong sagot. “Alam ko naman iyon, ito naman hindi na mabiro, pero masuwerte ka nga sa kanya.” Hindi ako nakaimik. Swerte nga ba? Pinilig ko ang aking ulo para makalimutan kung anuman ang nagpapagulo sa isip ko. Whatever it is, kakayanin ko naman siguro. “Kain na kaya tayo gutom lang yan.” Aya ko sa kanya. “Maid of honor ako ha? Magtatampo talaga ako sayo! Tsaka wala kang choice ako lang kaibigan mo!” Sinabayan pa niya iyon nang malutong na halakhak… “Ms Kimberly, after mong mag lunch punta sa office ko,” imporma sa akin ng aming principal. Bigla akong kinabahan pero hindi ako nag pahalata. “Yes, ma'am.” Tumalikod na siya. Nagkatinginan kami ni Thelma. Kahit siya nagtataka rin bakit ako pinapapunta sa opisina. She barely talks to me, ngayon naman kakausapin ako. Wala naman akong maisip na ibang ginawang kasalanan. Pagkatapos namin kumain bumalik na ako sa opisina namin para mag-ayos ng konte dahil pupunta ako sa principal’s office. Hindi mapagkakaila ang niyerbos ko. Napahawak ako sa aking dibdib para kahit paano sana ay pigilan ko ang lakas ng tambol noon, but no use. My heart still beating heavily. Kinakapos na rin ako sa paghinga. Kahit malamig sa opisina namin para akong pinagpapawisan ng malapot. “Ano ka ba naman Kim, para kausapin ka lang para ka naman, i-fire ka sa hitsura mo.” Komento ni Thelma. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. “H’wag ka nga magloko ng ganyan baka mamaya magkatotoo pa!” gagad kong sagot. “Paano? Isa ka sa pinakamagaling na teacher dito, sa ilang taon mo dito never ka nag file ng leave noong lang nawala si fatherhood mo. Pero kahit may sakit papasok at papasok ka pa rin! So anong maging dahilan para tanggalin ka aber? Explain!” Gigil niyang tanong sa akin. “Aba malay ko! Kaya nga ako pinatawag dahil kakausapin ako. Ang dahilan hindi ko rin alam. Pero kinakabahan ako!” Sagot ko na puno ng pag alala. “Bilisan mo pumunta kana doon, papasok na ako sa klase ko, kwento mo na lang mamaya during breaktime.” Tinulak pa niya ako palabas ng office. Heto ngayon binabaybay ko ang office ng aming principal, ang taas ng anxiety level ko at kung may sakit lang ako sa puso inatake na ako dahil ang lakas ng palpitation ko. Mahinang katok ang ginawa ng nasa harap ako ng office ng aming principal. “Come in,” dinig ko boses niya mula sa loob. Marahan kong pinihit ang seradura, “Good afternoon, Mrs Pangan,” bati ko dito. “Maupo ka Kimberly,” walang emosyon sagot niya sa akin. Yung kabang naramdaman ko kanina, nag-uumapaw na ngayon. “Salamat po ma'am, ba—bakit niyo po ako pinatawag?” Kabadong tanong ko. Panay rin ang pilipit ko sa panyong hawak ko. Kasi kanina pa pinagpapawisan ang aking mga palad dala ng nerbyos at takot. “Bueno hindi na ako magpaligoy­-ligoy pa, kinausap ako ng mama ni Lionel, ang maging byanan mo, gusto niyang h’wag kanang magturo.” Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. “Pe—pero ma'am, wala naman akong ginawang mali bakit ako tatanggalin.” Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Parang nilakumos ang puso ko. Parang tinanggalan ako ng pakpak, this is my dream. It was taken away from me, dahil lang mag aasawa ako ng anak ng may ari? “I’m sorry Kimberly, I like you, our school; your students need you, pero wala akong magagawa. Nakiusap sa akin si Madam, sino ako para tumanggi siya ang may ari ng eskwelahan?” Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya. “Pero ma'am sana sinabihan niyo na kausapin ako, hindi naman po pwede na padalos-dalos siyang mag desisyon sa buhay at career ko.” Panay ang pag-agos ng masaganang luha sa aking pisngi. Nagsusumamo ako kay ma'am. “I know this is unfair and unjust, Kimberly; what would you do if you were in my position?” Natameme ako sa tanong niya. Ano nga ba? Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Ni wala akong lakas ng loob magtanong, magsalita, puno ang isip ang puso ng isang katanungan, bakit? “Kausapin mo ang mama ni Lionel, siya lang ang may hawak ng career mo, I know this is your passion a dream job for you, it is out of my control, Kimberly sana maunawaan mo.” Nagpunas ako ng aking mga luha at tumango. Hugot ako ng malalim na buntong hininga at tumayo na. Magalang akong nagpaalam kay ma’am, niyakap niya ako at humingi siya ng dispensa sa nangyari. Wala na rin akong magagawa kundi personal na kausapin ang mama ni Lionel. Hindi na ako pumasok sa klase ko, pagdating sa opisina mabilis kong niligpit ang gamit ko. Nag-iwan rin ako ng note sa table ni Thelma baka kasi hanapin ako. Lugo-lugo akong palabas ng school, napatingin ako sa buong eskwelahan. Ito ang naging tahanan ko sa loob ng ilang taon. Mabigat ang aking mga hakbang nang sumakay ako sa tricycle. “Manong, sa mansyon ng mga Samaniego.” Tumango lang ang driver. Ang dami kong gustong sabihin sa mama ni Lionel. Huminga ako ng malalim ng tumigil ang tricycle sa tapat ng malaking gate nina Lionel. Napatingala ako, sa sobrang taas noon. Nag doorbell ako, sinilip din ng guard kung sino, nang makita ako agad siyang ngumiti at binuksan ang pedestrian gate nila. “Kayo pala ma’am, kanina pa kayo hinihintay ni Madam.” Bungad nitong saad sa akin. Ang walanghiya pala desisyon sa buhay ko! Hindi man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko! Inis ang namayani sa puso ko habang naglalakad ako papunta sa bahay nila. Napalingon pa ako sa gate nang isara ng guard. Pagdating ko sa harapan, kusang bumukas ang mahogany double door nila. “Pasok na kayo, ma'am nasa living po si madam hinihintay kayo.” Kagat labi akong tumango. Gusto ko na lang umatras, nawala bigla ang tapang ko. Yung kaninang Nagpupuyos ako sa galit ngayon naman naduwag ako. “Glad you're here,” maarte niyang bunga sa akin. Itinuro ang kanilang mamahaling sofa. Nakapunta ako dito pero lalong gumanda ang masyon nila sa paningin ko. Ang marmol na sahig na ubod ng kintab pwede kang manalamin. Ang mamahaling vase, ang engrande ang pagkakaayos ng kanilang living room…Shit…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD