Kimberly’s POV:
“Well?” Pukaw sa akin ng mama ni Lionel. Hindi ko man lamang mabanggit ang pangalan niya. Madam Catalina.
Tumingin ako sa kanya, “bakit?” Isang simpleng tanong lang ang lumabas sa bibig ko. Kanina, gustong sumabog ang puso ko.
“Bakit?” Inulit niya ang tanong ko. Seryoso ang mukha niya, hindi nakikitaan ng takot.
“Bakit hindi ako pwedeng magturo, I love my job,” sagot ko. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko.
“Simple, hindi mo kailangan magtrabaho, at kaya kang buhayin ng anak ko. Para saan pa ang gagawin mo? Kung kayang bilhin ng anak ko ang luho mo?” Prangka at walang ka emo-emosyon niyang pahayag.
“Luho? Excuse me, Madam Catalina, pero hindi ako maluho sa buhay. Simple lang akong tao, nakukuntento sa kung anong meron ako. Dahil iyon ang pagpapamalaki sa akin ng aking mga magulang!” Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Nagpupuyos na ang aking damdamin sa tindi ng emosyong bumabalot sa puso ko sa mga oras na ito. Tapos ang Kaharap ko ay kampanting naka upo lang. Hindi man lang natinag sa lakas ng boses ko. I see nothing but a composed woman, mataas ang level ng self-confidence.
“I know that too, well Kimberly! Kaya kahit ayoko sayo, dahil mahal ka ng anak ko, tatanggapin kita!” Walang kagatol-gatol niyang sagot.
Wala na akong naisagot pa. Hindi ko na rin pinilit pa ang gusto kong mangyari. Kahit anong gawin ko sila ang may-ari ng eskwelahan. Wala akong laban doon.
Tumayo ako ng hindi nagpapaalam, pero bago ako tuluyang buksan ang magara nilang double door, “Hindi ako aasa, at maging palamunin ng anak niyo. Kaya kong magtrabaho!” Malakas kong pahayag.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmartsa na ako palabas ng mansyon nila. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Halos hingal na hingal na ako pagkarating ko sa malaking gate.
Binuksan ni manong guard iyon. May nakaabang nang tricycle sa labas. “Salamat manong.” Sumaludo lang siya at ako naman sumakay sa tricycle…
*****
“Nay? Miguel?” Tawag ko sa mga ito. Pero walang sumagot. Binuksan ko ang pintuan at madilim na bahay ang bumungad sa akin. Napakatahimik ng buong bahay. Inilagay ko ang aking sapatos sa shelves at pabagsak akong umupo sa sofa. Patang-pata ang katawan ko, animo’y sumabak ako sa giyera at umuwi akong talunan.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pag-iisip at pagod. Isang maliit na kamay ang humaplos sa aking pisngi.
“Miee, dito na kami ni Lola,” mahinang saad ni Miguel. Ngumiti ako sa kanya kahit nakapikit pa ako.
“Hello, anak ko? Saan kayo galing ni Lola?” tanong ko dito.
“Kay Lolo, pagkasundo ni lola sa akin kanina at bumili kami ng kandila at bulaklak tapos pumunta na kami sa sementeryo, para hindi na sad si Lolo.” Paliwanag ni Miguel at lalong lumapad ang ngiti ko. Umupo ako at kinandong ko siya.
“Sorry anak, hindi na kasama si Mommy, may pinuntahan kasi ako,” tugon ko sa kanya.
“Saan ka pumunta miee?” Inosenteng tanong niya at hinayaan niya akong yakapin siya.
“Hmmm, diyan lang.” Pagsisinungaling ko.
“Anak bumili na ako ng lutong ulam sa palengke para hindi kana magluto.” Sabi ng inay sa akin.
“Okay po,” tipid ko at nagtama ang tingin naming dalawa.
“Anak ligo na ikaw, asim mo na.” Kiniliti ko siya.
“Mieeee!” Tumayo siya at tumakbo papalayo sa akin.
Umupo si nanay sa tabi ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinaharap sa kanya. Umiwas ako ng tingin pero pinigilan niya iyon.
“May problema ba, anak?” Gusto ko sanang magsinungaling at itago sa kanya pero kilala niya ako eh. Wala akong maililihim sa kanya.
“W—wala na po akong trabaho, nay.” Pagtatapat ko sa kanya. Pero hindi na siya nagulat sa ipinagtapat ko. Animo’y alam na niya ang sasabihin ko.
“Sinabi na ni Donya Catalina, dumaan siya dito kanina. Akala ko nga uuwi ka dito kaya maaga kong sinundo si Miguel para sana dalawin ang tatay mo. Kaya lang naisip ko na baka susugod ka sa mansyon ng mga Samaniego at hindi nga ako nagkamali.” Mahabang pahayag niya.
“Sabi ni Donya Catalina, ibabalik niya sa atin ang hardware, iyon na lang ang pagtulungan nating palaguin anak. Para sa alaala ng iyon ama.” Natahimik ako saglit. Nanghihinayang ako sa ilang taong inaral ko. Hindi naman pera lang ang batayan ng isang tao, pero wala na rin akong magagawa.
“May magagawa pa ba ako inay?” Tanong ko dito, niyakap na lang niya ako. Hinagod ang aking likod para gumaan ang bigat nang nararamdaman ko…
PAGKATAPOS naming maghapunan inilagay ko sa isang malaking dora box ang mga gamit ko sa pagtuturo. Hindi ko alam pero tingin ko not anytime soon makakapagturo ako ulit.
Nakahinga na ako, pero gising pa rin ang diwa ko. Wala akong alam sa pag nenegosyo at hindi naman pwede na wala akong gagawin sa buhay ko. Paano ang kinabukasan ng anak ko?
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero paggising ko ang bigat ng aking pakiramdam, para akong binugbog. Pilit akong bumangon, pumasok ako sa banyo para maligo. Isang panibagong araw sa tulad kong from teacher profession to jobless to business owner ng hardware na walang experience.
Isang plain white T-shirt, skinny jeans at flat sandal ang suot ko. Nagsuklay lang ako, naglagay ng konting fresh powder at liptint. Hinayaan kong nakalagay ang lampas balikat kong buhok.
“Nay si Miguel?” Bungad kong tanong.
“Pinahatid ko na kay Kevin, hindi na kita ginising anak.” Sagot nito habang nagluluto ng almusal. Pasalampak akong umupo.
“Kunin mo iyong nasa paper bag, dinala yan ni Lionel kanina, pasalubong daw sayo.” Pero hindi ko sinunod ang sabi ng inay, kumuha ako ng mug at Nagsalin ng kape. Hindi ako interesado sa regalong iyon.
“Ahhh! Ang sarap ng kape,” mahinang usal ko. Inilapag ng inay ang tocino, daing na bangus at pritong itlog. Ang bango rin ng bagong sangad na kanina, lalo pa maraming bawang!
“Ang sarap niyong magluto talaga nay, mukhang tataba na ako nito.” Puri ko sa kanya.
“Kow! Nambola ka pa! Hala kain na.”
“Perfect breakfast!” Komento ko at nilantakan ang pagkain sa harapan ko. Walang kiyeme akong naka kamay, at maasim na suka na may maraming bawang para sa daing na bangus! Heaven!