Kimberly’s POV “Tell me, what are you thinking? Is something bothering you? Are you sick?” Sunod-sunod niyang tanong. Ilang beses akong nagtangka na ibuka ang bibig ko at sabihin na ang totoo, pero pumasok sa isip ko ang masayang mukha ng anak ko. He is now finally calling Leonel a daddy. Pagkakatanda ko Tinanong niya sa akin isang beses ang tungkol sa daddy. “Hey, I am here, you’re spacing out, Kim?” Paalala niya sa akin at pinisil ang kamay ko. “M—maliligo lang ako.” Tumayo na ako, at hindi ko hinintay ang sagot niya. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Ilang oras din akong nagbabad sa tub, dumadaloy sa diwa ko ang lahat ng kinatatakutan ko. Una ang ilayo ng mama ni Miguel. Pangalawa ang malaman ni Leonel na niloloko ko siya. Pangatlo ang nangyar