Kimberly’s POV NAGBONDING sina Leonel at Miguel sa playroom na pinagawa nito para kay Miguel. Wala ako sa mood para makisali. Nakatunghay lang ako sa dalawa na masayang-masaya sila. “Miee join ka dali!” Sigaw ni Miguel. Kung kanina tahimik siya ngayon naman masaya siya at gusto ko sumali ako sa kanila. Gusto ko sanang tumanggi pero baka ma dismaya na naman siya at ayaw akong kausapin. “Sige ba!” Sagot ko at lumapit sa kanila. Naghubad ako ng sandal at lumusong sa playpen na puno ng maliliit na bola. “Now, find the treasure!” Sigaw ni Leonel kaya nag umpisa nang sumisid si Miguel. Ako naman nag lakad-lakad. Pero laking gulat ko ng yakapin ako ni Leonel mula sa likuran. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. “I miss you, wifey!” Malambing nitong sabi at nakapulupot ang mga braso