Two

1293 Words
"Balang araw makakasama ko rin ang lalaking itinadhana sakin. Balang araw makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako habang buhay. Yung kahit kulubot na yung mukha ko, maputi na yung buhok at makakalimutin na ako, ako pa din yung mamahalin niya. Aalagaan niya ako kahit hindi na kaya ng katawan niya, ipagtitimpla niya ako ng gatas at papaypayan sa mga gabing hindi ako makatulog. Papatawanin niya ako sa mga araw na nalulungkot ako. Kapag nakakalimot ako sa mga bagay-bagay, imbis na magalit siya iintindihin niya na lang ako at tutulungan sa mga ginagawa ko. At sa mga araw na may sakit ako, handa siyang magpuyat para lang maalagaan ako. Basta balang araw magiging masaya ako, lahat ng masasakit na pinagdaanan ko, buburahin niya, lahat ng sugat na dulot ng nakaraan, pagagalingin niya. Magiging okay din ang lahat balang araw." Napapalatak na lang si Prince sa sinabi ni Georgia. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kayo lang ang susuyuin, lalambingin, aalagaan at gagastusan. Kailangan din ng mga lalaki yun, mas mabilis mag tampo ang mga lalaki kesa sa mga babae. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kayo lang ang dapat unawain, kayo ang magpapataas ng pride, kayo ang iintindihin. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon mag effort ng husto ang mga lalaki tapos yung mga babae wala masyadong ginagawa. Minsan mas gusto ng mga lalaki na ma effort yung babae. Yung tipong pag may problema kayo eh babae at lalaki ang mag effort. Gagawa ka din ng paraan para mag kaayus kayo. Mas kailangan namin makita ang mga Effort nyo. Kahit simpleng effort lang. Yun bang pag may problema o away susuyuin nyo din kami. Oo, mabilis mag selos ang mga lalaki kahit kaibigan mo lang yung kasama mo nagseselos agad kami. Bakit? Kasi gusto namin. Kami lang ang kasama mo. Yun “Tayong dalawa lang ang magsasama at wala ng iba”. Alam namin na mataas yung pride namin pero binabaan ng mga lalaki yun pag ayaw na nila palakihin ang gulo. Pero ayaw namin na natatapakan na yung pagkalalaki namin kasi masakit din yun." "Eh, ba't nakikisali ka? Yung sinasabi ko lang naman ay yung ka destiny ko ah!" Pangangatwiran pa ni Georgia. "Syempre, para alam mo ang side naming mga lalaki.. Magka idea ka kung bakit minsan di kayo magkaintindihan, kung bakit magkaiba kayo ng pananaw sa buhay." "Ganun! Kaya pala ginagamit mo pakong pananggalang sa babaeng yun." "Iba naman kasi si Mia.. Takot ako dun eh.' Nagkakamot ng batok na sabi pa ni Prince sa kanya. "Sus.. Anlakas mong mang asar sakin pero sa Mia na yun tiklop ang mga tuhod mo. Eh, kung ganyan ang karamihan sa inyong mga lalaki, panu ng future? Panu magkaka lablyf kung to torpe torpe naman pala kayo?" "Hindi naman kasi showey ang mga lalaki pag na iinlove kasi parang na kokornihan kami, pag gusto naming umiyak gusto namin yung mag isa lang kami at walang nakakakita, nababaduyan kami pero yun ang nadadama namin. Ang mga lalaki malakas maghinala, mabilis mag selos, etetext ka minuminuto. Gusto niya siya ang masusunod pero hindi eh, babae parin ang Boss sa isang relasyon. Pag may away dapat ba lalaki lang ang susuyo? Unawain nyo naman din sana yung mga lalaki. Wala namang mawawala kung mag eeffort kayo mas nag effort kami pag nasa isang relasyon na. Intindihin ka kahit hindi naman talaga naiintindihan. Dadamayan ka pag may problema at bibigyan ng mga sweet lines." "Lalim ng hugot natin ah! Siguro di kayo bati ni Mia nuh? Kaya sakin mo binubuhos lahat ng sama ng loob mo sa kanya." "Oy! Hindi ah! Ok na ok kami ni Mia, wala kaming kaproble problema." "Ah ganun ba! Eh, bakit ansama nyang makatingin satin? Parang gustong gusto nya tayong litsunin ng buhay.. haha." Sinundan ng tingin ni Prince ang kanina pa sinusulyapan ni Georgia. Napatalikod sya bigla dun ng makita ang nagbabagang mga mata ni Mia na nakatingin sa kanilang dalawa ni Georgia. "Kanina paba sila dyan?" Halatang pag aalala sa mukha ni Prince. "Kanina pa. Ikaw naman kasi eh! Dapat dimu na sinabi sa kanya na girlfriend mo ako, halata naman kasing patay na patay sayo ang babaeng yun in denial lang talaga." Napasulyap ulit si Prince sa kinaroroonan nila Mia at Sm. wala ng dalawa dun. Napabuntong hininga na lang sya. "Georgia, sa tingin mo ba mapapatawad nya ako kung sakaling aminin ko sa kanya ang totoo?' "Oo naman, bakit hindi. Lam mo kasi, kaming mga babae ay mataray, snober, tahimik, shy type kasi kami, pero pag kami nakasundo mo, maiirita ka sa bunganga namin sa sobrang daldal. Pag nagsabi sayo ng problema ibig sabhin may tiwala sayo, pag mahal ka talaga kahit si Alden Richard o si Justin beiber pa… ikaw pa rin ang pipilin, grabe kami mag laan ng oras para sa mahal namin, pag mahal ka ikaw talaga ang first priority.. mas uunahin ka niya kesa sa ano pang bagay. Selosa, may mag text lang sayong babae grabe magtanong o kaya may nag comment lang ng "Cute" sa sss mo grabe ng magtampo, daig pa si detective conan kung mag imbestiga mahal ka eh! Maiinis ka kasi ganyan kami? masyadong selosa? dapat nga maging proud ka kasi pag ang babae selosa sign yan na mahal ka talaga niya.." "Eh! Parang hindi naman ganun si Mia, Ikaw yata ang ganun eh! Kasi ugaling ugali mo ang idenetalye mo sakin hahaha." "Temang! saktan kita dyan eh.." Nakaamba ng kamao ni Georgia kay Prince ng mahagip ng kanyang tingin ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang lalaking pantasya ng buhay nya.. Ang lalaking bida sa kanyang nobela. "Prince!" "Nexus?" Nabaling ang atensyon ni Prince sa pinsang naglalakad palapit sa kanila ni Georgia na ng mga oras na yun ay nangangarap na naman ng gising. Nakalutang na naman sya sa hangin. 'I saw you. My knees started to feel like jellies as everything went slowmo. You don’t look my way but I felt contented looking at you at the corner. The strands of your hair that dance with the wind. Your fair skin, so fair you look so clean and good. The way you dress up, so simple yet captivates anyone who sees you. The way you walk, the way you talk, everything about you, it can be simplified in just one word. Perfection. As perfect as how my heart beats so fast yet feels so good. Is this what they called love at fist sight? Maybe. Suddenly, you looked at me and smiled. You caught me staring at you deeply. Have you seen my heart through my pupils? Or are there flying hearts all over me? Or does my chest pumps so hard it’s actually obvious through my shirt? Am I pretty? Or just okay? Or am I ugly? Stop looking at me! Omg stop! I’m melting. I’m literally melting. I can feel how my neck perspires. Stop smiling oh my god I’m dying. And no please, don’t talk to me because I can feel how my blood jumps out of my veins. You’re killing me, yes you are.' “Hi!” Bati ni Nexus kay Georgia na nakatulalang nakatingin sa kanya 'And everything turned black. Then white. Then pink. Is this heaven? How could an angel say hi to me? Am I going to say hi back? Or I love you? Oh my god! This is insane. Okay. Goodbye. And oh! I love you!' Biglang tumalikod at naglakad palayo si Georgia sa dalawang lalaking nakasunod ang nagtatakang tingin sa kanya. "Anong nangyari sa babaeng yun?" Si Prince na nakakunot pang noo. "She's weird." Sabi naman ni Nexus na natatawa na lang sa ginawang pande deadma ni Georgia sa kanya. Tinapik nyang balikat ni Prince. "Let's go..." "Tara pasyalan natin ang mga baliw sa Hainsha" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD