One

1759 Words
"What kind of guy do you look for?" Tanong ni Prince sa bestfriend nyang si Georgia, na abalang nagta type sa laptop nito para sa ginagawang bagong nobela. "Guso ko... Yung lalaking willing tumugtog at turuan akong maggitara. Hindi sa gusto ko talga yung lalaking expert sa gitara pero turn on talaga sa akin yung lalaking naggigitara, kahit siguro hindi siya marunong pero basta may interes siya sa music, ok na yun para sa akin. Yun bang game siyang sabayan ako sa pagiging self-proclaimed singer ko. Tapos kapag tuturuan niya ako, gusto ko may pasensya siya sa akin, pareho kasing kaliwa yung kamay ko pagdating sa gitara eh. At kung hopeless na talaga ako para matuto, gusto ko gugugulin na lang namin yung natitirang oras sa pagkanta ng kung ano anong kanta. Yung tipong hinaharanahan ko siya at hinaharanahan niya din ako sa pamamagitan nun. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki." Nakangiting bumaling pa ng tingin sa kanya si Georgia. "Marunong akong mag gitara at kumanta." Napasimangot kaagad si Georgia. "Eh, ano naman ngayon kung marunong ka? di kita type nuh! Duh! Excuse me..." Umirap pa ito sa kanya. "Hoy! Tuturuan lang naman kita, di ako nag aapply maging dream boy mo, suplada nito." "Tse! Ayoko pa rin sayo! Gusto ko yung lalaking hindi aangal sa pagiging bookworm ko. Hindi sa gusto ko talaga yung lalaking bookworm din kagaya ko pero turn on talaga sa akin yung lalaking hindi ooppose sa pagbabasa ko. Yun bang hindi siya magagalit kapag nagbabasa ako. Mahilig kasi talaga akong magbasa at minsan, nagsusulat din ako. Gusto ko yung lalaking hindi kill joy sa hobby kong ito. Gusto ko supportive siya sa akin. Ayaw ko ng lalaking negative tungkol sa mga pinagpapantasyahan kong fictional characters at happy ending. Ok na sa akin kahit hindi niya ako sabayang magbasa, hindi ko siya pipilitin. Ang gusto ko lang talaga eh hindi niya ko pagbabawalan sa hilig ko. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki." "Ganun ako eh! Kaya nga nagustuhan mo ako diba? Hehe." "Hoy! Prince Saji, ikaw ang nagpumilit at nagsiksik ng sarili mo sakin para lang tanggapin kitang bestfriend, hindi ako. Gets mo ha?" Nakataas ang kilay nyang singhal sa makulit na binata. "Sungit naman nito.. siguro may regla ka ano? kaya nagsusungit kana naman sakin.. Araay!" Biglang binatukan nyang katabi. "Wag mokong stressen. Panira ka ng araw eh! hmp." "Sige, hindi na nga.. Bilis talaga ng kamay nito." Hinimas himas ni Prince ang nasaktang bahagi ng kanyang ulo. Para namang walang narinig si Georgia na patuloy lang sa ginagawa nito. "Hmm.. Anupa bang gusto ko sa isang lalaki... Ah.. Yung lalaking payag maging vain kasama ako. Hindi sa gusto ko talaga yung lalaking super vain pero turn on talaga sa akin yung lalaking hindi mahihiyang magpapicture kasama ako. Mahilig kasi talaga akong kumuha ng pictures eh lalo na kung may event o kahit wala lang, kumukuha pa rin ako. Gusto ko kasing epreserve yung memory ng araw na yan sa pamamagitan ng picture. Kasi sa picture, hindi mo siya mababago pagdating ng panahon eh. Kumbaga, isa yang proof na nangyari din pala yang mga bagay na yan. Gusto ko yung lalaking payag maging vain basta ako ang kasama. Gusto ko ipreserve yung memories, hindi lang sa pamamagitan ng pag-aalala sa aming mga puso kundi sa pamamagitan na rin ng pictures. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki." Hindi na lang umimik pa si Prince, pasulyap sulyap na lang ito ngayon kay Georgia. "Saka, yung lalaking walang pakialam sa pagiging baboy ko. Maliit lang yung katawan ko pero seryosong usapan? Ang lakas lakas kung lumamon lalo na pag gutom ako. Ako yung tipong payat pero malakas kumain. Wala eh. Mahilig akong kumain. Gusto ko sana yung lalaking hindi ako ikakahiya dahil sa pagiging matakaw ko. Gusto ko yung lalaking masasabayan ako sa talent kong to. Yun bang proud siyang sumabay ng kain sa akin kasi mahal niya ako at wala siyang pakialam kung mas malaki pa yung lamon ko kaysa sa kanya. If ever tataba ako, gusto ko yung lalaking mamahalin pa rin ako sa kabila ng size ko. Gusto ko yung lalaking kapag kasama ko sa pagkain eh hindi ako makakaramdam ng insecurity kasi alam kong okay lang sa kanya na ganun ako. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki." "Hahaha.. nga naman baboy ka ngang kumain, daig mo pa nga ako eh! Tsk.. dapat hanapin mong lalaki yung galante, para may tagalibre ka palagi. Kuripot kapa naman." "Heh! Gusto mong masaktan ulit?" Singhal nya kay Prince na kaagad dumistansya ng upo sa kanya. "Sige lang, tuloy mo lang yang pagsusulat mo dyan. Dito lang ako." Sabi ni Prince sa dalagang masama ang tingin sa kanya. "Gusto ko yung lalaking sasabayan ako sa kahit anong trip ko. Maloko akong babae. Mukha lang akong seryoso pero kapag kasama ko yung mahal ko, expect me to be a clown. Kengkoy ako, kung ano ano na lang yung trip na naiisip ko. Minsan bibigla na lang akong nagsisigaw na parang baliw.. Hindi naman ako nahihiya sa pagiging ganun kasi nag eenjoy ako. Yun yung isa sa mga way ko para magpatawa. Gusto ko sana yung lalaking kaya sumakay sa mga trip ko. Yun bang hindi siya maiinis sa mga pinaggagawa ko at dahil ganun ako eh tatanggapin niya ako. Yung mamahalin pa rin ako sa kabila ng kapilyahan ko’t pagiging clown. Gusto ko matawa siya sa pinaggagawa ko. Gusto ko maappreciate niya pagiging ganun ko. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki. Saka yung tanggap ang childish side ko. Kahit na matanda na ako, meron pa ding puwang sa puso ko yung pagiging bata. Sinasabi ng iba kailangang magseryoso sa buhay lalo na kung tumatanda ka na pero diba mas mabuting maging young at heart ka para ka hindi maging madaling tumanda, yun bang seneseryoso mo yung buhay pero at the same, eneenjoy mo din? Masarap kasi maging bata eh, o magbata-bataan. Gusto ko yung lalaking hindi maiirita sa pagiging childish ko. Gusto ko tanggap niya ako sa pagiging ganun. Yun bang proud pa din siya sa akin kahit minsan eh ambata ko mag-isip. May mature side ako oo pero gusto ko tanggap niya ko sa kabila ng pagiging ganito kasi para sa akin, ayokong burahin ang pagiging childish ko. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki." "Gusto mo ihanap kita ng ganung lalaki?" Sabat na naman ni Prince na umusod pa ng upo palapit kay Georgia. "Hmp.. parang alam ko ng ganyang diskarte mo, paaasahin at paglalaruan mo na naman ako eh." "Hindi ah.. serious nako ngayon, saka syempre ayoko namang nadedehado ka. Bestfriend tayo.. Remember?." "Sige, basta gusto ko yung lalaking hindi mahihiyang sumayaw sa akin. Isa sa mga hilig ko eh yung pagsasayaw. Hilig lang at hindi talent. Hindi ako ganun kagaling sumayaw tulad ng ibang professionals dyan pero sumasayaw ako. Minsan pang jologs na yung mga steps ko pero wala akong pakialam dun. Gusto ko sana yung lalaking hindi ako ikakahiya kahit ganun ako. Yung tipong proud pa siya sa akin. Yung sasabayan pa niya akong gumiling tapos maghahalakhakan kaming dalawa kasi pareho lang kaming kaliwa ang paa. Gusto ko yung lalaking hindi mahihiyang isayaw ako sa harap ng maraming tao. Kahit ano pa man yung suot ko, kahit naka-couple shirt kami o kahit nakapajamas lang ako. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki. At saka yung lalaking hindi mahihiyang ikiss at ihug ako. Clingy akong babae. Minsan pasweet ako. Out of the blue yung pagiging ganun ko. Minsan sing tamis ng candy yung pagiging sweet ko. Bet na bet ko yung pagha-hug. Gusto ko kasi talaga yumakap eh. Hindi sa pagiging maharot pero gusto ko din yung may humahalik sa akin. Hindi ko ibig yung halik sa labi, actually mas gusto ko yung halik sa noo o sa cheeks. Gusto ko yung lalaking willing magpakita ng sweetness sa akin kahit pa nasa harap kami ng maraming tao. Yung simpleng yayakapin lang niya ako o hahalikan sa noo. Yun bang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba? Hindi ko naman sinasabi na gusto ko ng lalaking manyak at walang respeto pero gets mo naman siguro ako. Basta gusto ko ng ganun. At saka yung lalaking walang pakialam kahit pangit ako. Hindi ako yung tipong sobra ang kagandahan. Hindi ako yung klaseng babae na dumugin, maraming nagkakacrush at model material. Sakto lang ako. Saktong ganda at saktong pangit. Ang bloopers ko pagdating sa mga stolen pics. Ampanget ko, in short. Pero gusto ko sana yung lalaking hindi magsasawa sa mukha ko. Yun bang para sa kanya eh ako yung pinakamaganda. Yun bang hindi siya magsasawang titigan yung mukha ko. Yung proud, kasi ganyan yung hitsura ko. Hindi ko hinihiling na purihin niya ako ng todo. Ang akin lang, hindi niya sana pagsawaan yung hitsura ko. Gusto kong maging effortless sa hitsura ko. Yun bang kahit ganito lang ako, eh tanggap niya ako ng buo. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki. Gustong gusto." Sasagot na sana si Prince para asarin na naman si Georgia ng biglang mag ring ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Kaagad nyang nilabas yun at ng makitang ang pinsan nyang si Nexus ang caller kaagad nyang sinagot ang video call nito. "Hey! Wazup Bro, napatawag ka?' "Yow! Cousin, I have a mission there in the Philippines, can I stay first in your condo?" Pagkarinig ni Georgia sa baritonong boses ng kausap ni Prince, pasimple syang sumilip sa hawak nitong cellphone. Napatutop sya ng kanyang bibig ng masilayan ang pinaka gwapo na yatang lalaki na nakita nya sa kanyang tanang buhay. "Yeah, sure.. why not!.. Anytime, welcome ka sa kaharian ko haha." "Thanks.. See you soon... bye." Naibalik na ni Prince sa kanyang bulsa ang cellphone. Nakatanga pa rin si Georgia sa kawalan. Napatuwid lang ito ng upo ng tapikin ni Prince ang kanyang balikat. "Nung nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni Prince sa dalaga. "Sino yung kausap mo sa phone?" "Pinsan ko, bakit?" "Anong full name nya?" "King Nexus Larkin. Why?" "Kasi, sya ng bida sa love story ko." "Ganun? Kala ko pa naman ako.. Paasa ka talaga sakin." Pagdadrama pa ni Prince. "Tse! Dika bagay maging bida, dapat sayo kontrabida." Pagkasabi nun ni Georgia basta na lang itong umalis ng walang paalam kay Prince. "Kita mo yung babaeng yun.. Basta na lang akong iniwan dito.. Hoy! Georgia! Hintayin mo naman ang bestfriend mooo..!" Dere deretso lang ang lakad ni Georgia, wala na syang pakialam sa kanyang paligid.. Okopado kasi ni King Nexus Larkin ang kanyang isipan. Maya maya napangiti sya sa kanyang naisip... 'Nakita ko ng ka forever ko sa wakas.......' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD