Three

1421 Words
"Date someone who is interested in you. I don’t mean someone who thinks you’re cute or funny. I mean someone who wants to know every insignificant detail about you. Someone who wants to read every word you write. Someone who wants hear every note of your favourite song, and watch every scene of your favourite movie. Someone wants to find every scar upon your body, and learn where each one came from. Someone who wants to know your favourite brand of toothpaste, and which quotes resonate deep inside your bones when you hear them. There is a difference between attraction and interest. Find the person who wants to learn every aspect of who you are, and hold onto them." Napaisip ng malalim si Georgia sa sinabi ni Prince sa kanya. Napahanga sya dito, kasi may sense lahat ng sinabi nito. "Sino bang ka date mo Georgia ha? Baka adik yan ha, o di kaya tambay dyan sa kanto.. Nakuuu... makakapatay ako ng sanggano kapag nagkataon." Malakas nyang hinampas sa dibdib si Prince. Na napaubo bigla sa kanyang ginawa. Nakakatuwa talaga ang pagka protective nito sa kanya. "Tado! Para nagtanong lang ako ng opinyon mo, may ka date agad? Naman... Hindi ako kaladkarin ano." "Aba'y dapat lang naman! Kasi hindi ka naman kagandahan para pilahan ng mga kalalakihan hahaha.." Matalim ang matang sinulyapan ni Georgia ang mahangin nyang kaibigan.. Naiinis na naman sya dito. "Gagong 'to sipain kita dyan eh! Ganda ko kaya, mas maganda pa sa Mia mo." Napaseryoso bigla si Prince pagkarinig ng pangalan ni Mia. "Ay wala namang ganyanan, ibang usapan na pag na involved ang Mia ko." "Mia mo? Haha.. Eh ni hindi ka nga makalapit sa kanya diba? Kasi, nga allergy na sya sa pangit na pagmumukha mo hahaha." "Ayan tayo eh! Dyan tayo magaling eh! Sa panlalait. Hoy! Georgia, siguraduhin mo lang na superman yang ide date mo dahil kapag naging si Shrek yan... Patay ka sakin.. Hahaha ka rin." Hindi nagpapatalong banat na naman ni Prince sa napipikon ng si Georgia. "Ay talaga! Superman ang makaka date ko. Luluwa ang mga mata mo, saka tutulo ang laway mo sa inggit." "Weh! Di nga? Tingnan lang natin kung may matitisod na mala Superman sa beauty mo.. Hahaaha." Yun na! Nasagad ng pagtitimpi ni Georgia. "Ahhh... Letche ka! Nakakainis kana talagaa..." Sinugod na ni Georgia ng sipa at suntok si Prince na naluluha na kakatawa, dina ininda ang sakit na tumatama sa kanya. Sayang saya kasi sya kapag ganitong pikon na pikon ng kaibigan. "Huwag kasi masyadong assuming para dimo masabing... It really hurts hahaha.." Gumiling giling pa si Prince na lalong ikinainit ng ulo ni Georgia. "Peste ka! Wag ka ng magpapakita pa sakin." At nag walk out na naman si Georgia. "Ay grabe sya, pikon na pikon na kaagad. Hoy! Georgia! dipa tayo tapos mag usap... Hoy! bumalik ka dito!" Inis na inis talaga sya ngayon kay Prince, ang ipinagtataka nya pa, kung bakit parang nadagdagan ang pagka alaskador nito ngayon, dati naman kasi hindi ito ganun. Pumasok sya sa isang cafe na nadaanan nya lang. Bigla kasi syang nagutom sa pakikipag argumento sa damuho nyang kaibigan. Kinuha nyang cellphone sa kanyang bag saka nag Google ng article na makapag pakalma sa kanya. Nakahanap naman sya kaaagad saka binasa nya yun.. Kaibigan... Ang kaibigan, kailangan pahalagahan dahil sila yung nandyan sa oras na kailangan mo sila. Maaring hindi mo ramdam pero may kaibigan kang nag aalala sayo, may kaibigan ka na akala mo walang pakealam sayo pero sa totoo lang siya pala yung totoong nagaalala sayo. Ang kaibigan, sila lang yung taong kilalang kilala ka. Maaring hindi mo kilala ang sarili mo at naguguluhan ka sa sarili mo pero tanungin mo sila at masasagot nila kung sino ka ba tala–negative man iyan o postive tanggapin mo dahil balang araw masasabi mo sa sarili mo na tama sila. Ang kaibigan, sila yung magiging pamilya mo sa buong buhay mo na hindi mo kadugo pero alam mo sa sarili mo na mahal mo sila. Kasi sila yung mga taong nandyan sa iyo kahit na tinataboy mo sila, kahit na minsan ay nagkakagalit kayo sa isa’t isa hindi matatapos ang araw na hindi kayo magbabati. Ang kaibigan, sila yung sumasakay sa bawat trip mo, lokuhin ka man nila, kahit na naasar ka na hindi mo maitanggi sa sarili mo na okay lang, sige pagtripan niyo ko. Kasi alam mo sa sarili mo na kahit magalit ka sakanila, hindi mo sila matitiis. Ang kaibigan, pwede mo silang pagkatiwalaan, yung mga kaibigan na sigurada ka hindi ka huhusgahan, yung pagkatao mo hindi huhusgahan, yung kaya isarili nalamang ang sekreto. Kahit kokonti lamang ang kaibigan mo basta totoo saiyo at hindi nanaksak pagtalikod mo, basta alam mo sa sarili mo na totoo sila, na totoo yung pinapakita nila saiyo. Ang kaibigan, sila yung laging nandyan hanggang pagtanda mo, mamahalin ka gaya ng pagmamahal sayo ng mga magulang at kapatid mo, sila yung magstastay sa tabi mo pag nasa panahon ka ng kadiliman. Sila yung mga taong kaya kang protektahan. "Kaibigan..." Bigla tuloy nyang na miss si Prince. Kasi, kahit naman ganun yun. Si Prince lang ang nag iisang kaibigan na meron sya. Mas gusto kasi nyang kaibigan ang lalaki kesa sa babae. "Excuse me, puwedeng maki share sa table mo? Wala na kasing bakante eh! Pwede ba?" Napaangat ang tingin ni Georgia mula sa pagkakatotok nya sa kanyang cellphone. Napaawang ang kanyang labi ng makilala ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. 'OMG! Namamalik mata lang ba ako?' "Well, can I?" Tanong ulit ni King kay Georgia na tila nanigas na sa kinauupuan. Ngumiti sya't inilapag ang hawak na tray sa mesa. Dun na parang natauhan ang dalaga. Kumurap kurap muna ito bago alanganing ngumiti din sa kanya. "S - Sure! Sige upo ka lang, bakante naman ang upuang yan." Kinakabahang sabi nya habang titig na titig sa mukha ni King. "Thank you... Ako nga pala si King Nexus Larkin." Inilahad nitong kamay sa harapan ni Georgia na halatang di mapakali kaya napangiti sya ng lihim. "I'm Georgia Guthrie, nice to meet you King." Nakipagkamay sya sa binatang malapad ang pagkakangiti sa kanya. "Lamig ng kamay mo.. Tao ka ba o bampira? Haha joke lang ha!" Imbes na mainis natawa din sya sa sinabi ni King. Di nya akalain na mabait din pala ito at magaan kasama. Parang si Prince lang din. Sabagay mag pinsan nga sila diba. "So, magkakilala pala kayo ng pinsan kong si Prince, girlfriend kaba nya?" Naibuga nyang juice na iniinom pagkarinig ng tanong ni King sa kanya. Mabuti na lang konti pa lang ang naiinom nya kaya konti lang ang natapon at di umabot kay King ang juice na naibuga nya. Inihit pa sya ng ubo, kaagad namang tumayo si King saka lumapit sa kanya at hinagod ang kanyang likod. "Sorry Georgia! Okay ka lang ba? I'm so sorry... may mali ba sa tanong ko?" Sabi kaagad ni King pagkabalik sa upuan nito ng maging maayos ng kalagayan ni Georgia. "Aham... Bakit mo naman nasabing girlfriend ako ni Prince?" "Well, obvious naman sa kilos nyo, bakit hindi ba kayo?" "Hindi! At kahit kelan hindi magiging kami. Madrimeya... Kinilabutan ako sa tanong mo. Ohooo.. Kahit sya na lang ang matirang lalaki sa mundo hinding hindi ko papatulan ang kupal na yun.. Yucks...kadiri.." "Hahaha... Dika naman galit sa lagay na yan ha?" "Ay hindi! Bakit naman ako magagalit? May dahilan ba para magalit ako ha?" "Hey! Relax! Masyado kang high blood.. Okay, drop the topic at stress kana masyado." Hindi umimik si Georgia, kumukulo pa rin ang dugo nya kay Prince.. 'Ang laiterong yun, makikita mo, gaganti ako sayong kupal ka.. grrr.' "Georgia! Hello.." Ikinaway kaway pa ni King ang kamay sa harap ni Georgia para kunin ang pansin nito. "Sorry King, l have to go.. tatapusin ko pa kasing script ko at may deadline kasi akong hahabulin." Nagmamadaling inimis nyang gamit at dere deretsong lumabas ng cafe. "Wow! Grabe naman ang mood swings ng babaeng yun, di man lang ako naka first base." Sinundan na lang nya ng tingin si Georgia. Hindi nya alam at hindi rin nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, kung bakit ba sya interesado sa dalaga? eh ayaw nga nyang naaaksaya ang oras nya. Pero bakit pagdating kay Georgia, ayos lang sa kanya kung ilang oras man ang masayang nya makausap lang nya ito? 'Ganun na ba ako kaapektado ng karisma nya para lang maging stalker nako ng babaeng yun? Putragis hindi na maganda 'tong nangyayari sakin. I need a break asap.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD