AVERY Tahimik na tumayo ako at pinulot ang nagkalat na mga damit ko sa sahig. Kahit masakit ang katawan, sinikap kong pumasok sa banyo at maligo. Mabigat ang dibdib na sinuot ko ang damit pantulog na binili ni Sir Xander para sa akin. Masyado itong manipis at para na nga akong walang suot, pero minabuti kong mahiga na lang at mag-talukbong ng kumot. Lasing na si Sir Xander, pero matapos ang nangyari sa amin ay muling inabot niya ang baso at nagsalin ng alak. Uminom na naman siya, kaya iniwan ko na lang sa sala. Wala naman kasing dahilan para manatili ako doon dahil tapos na ang serbisyo ko sa kanya. Hindi ko maiwasang huwag makaramdam ng lungkot. Bumigat ang pakiramdam ko sa dibdib ko at hindi ko napigilan ang luhang kusang tumulo mula sa mga mata ko. Pinilit kong huwag maawa sa sa