AVERY Hindi ko nakita si Dimple sa labas ng pintuan nang lumabas kami ni Sir Xander sa penthouse niya. Tahimik na pumasok ako ng elevator, gano'n rin ang lalaking kasama ko. Para kaming hindi magkakilala at hindi nag-usap hanggang sa lumabas at sumakay sa kanyang magarang sasakyan. Inutusan akong sumakay ni Sir Xander sa harap, katapat ng driver seat. Siya ang nagmamaneho. Himala yata, wala akong nakitang tauhan niya na nakasunod sa amin ngayon. Ewan kung ano ang iniisip ni Sir Xander at bakit siya ang naghatid sa akin. Hindi naman niya ako kinausap hanggang sa nakababa ako ng sasakyan nang ihatid niya ako dito sa labas ng hospital. Nadatnan kong gising na si Ailee. Umuwi muna saglit sa bahay si Arnel para magluto ng pagkain nila sa tanghalian, habang ako muna ang bantay dito sa bunso