AVERY Pareho kaming walang kibo ni Sir Xander nang lumabas na ang abogado niya at naiwan kaming dalawa. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin talaga ako ng husto sa mga nangyayari at lihim na tinatanong ko sa sarili ko kung ano na ang mangyayari sa akin, ngayong pumirma ako ng kontrata para maging babae ni Sir Xander. "I'm leaving the country soon, Avery. You can stay here if you want, or kung gusto mong doon ka muna sa bahay ng parents mo habang wala ako, then I'm okay with that," sabi ni Sir Xander na siyang pumutol sa katahimikan naming dalawa. Lihim na natuwa ako dahil sa narinig ko. Malaking bagay sa akin na aalis siya at hindi ko makikita ng ilang araw o linggo. "Sa bahay na lang muna ako, Xander," nakayukong sagot ko. "Fine, but expect na anytime ay tatawagan kita. Keep your ph