AVERY Mabuti na lang at agad na dumating si George nang tawagan ko. Nagpalipat-lipat ang mga tingin niya sa amin ni Sir Xander, na hindi na naman maipinta ang mukha at matalim kung nakatitig sa lumapit sa amin na kaibigan ko. "Aves, may kasama ka pala dito. Sino siya?" mahinang sabi at tanong ni George nang makalapit sa akin. Napatingin ako kay Sir Xander nang bigla na lang ay kabigin niya ako papunta sa tabi niya, kaya para tuloy akong yakap niya habang nakapulupot ang mga braso sa bewang ko, kaharap ang nagulat rin na kaibigan ko. "Oo, ano kasi, George, uuwi na ako," awkward ang pakiramdam na sagot ko para magpaalam sa kanya. "Teka, ano bang nangyari, Aves?" naguguluhan na tanong ni George at palihim na sumulyap sa katabi ko. "May emergency lang, pasensya ka na, ha?" naka-ngiwing