AVERY Pakiramdam ko ay biglang natunaw ang inis na nararamdaman ko para kay Sir Xander kanina. Walang salitang namagitan sa aming dalawa habang nakapulupot ang mga braso niya sa bewang at katawan ko bilang suporta at nakakapit naman ang mga kamay ko sa balikat niya. "Are you afraid of me?" bigla ay tanong ni Sir Xander. "Oo," walang paligoy-ligoy at tapat na sagot ko. "I'm sorry for what happened earlier," hinging paumanhin ni Sir Xander sa akin. "I can't promise it won't happen again, if I see you with other men. But I can assure you, I won't hurt you, Avery. That is not something I can do to you." "Salamat, pero hindi mo dapat ginawa yun kanina. Kaibigan ko si George. Isa pa, nakakaawa ang hitsura niya dahil sa ginawa mo," nakasimangot na sagot ko. Hindi sumagot si Sir Xander.