AVERY Wife? Baka gano'n na rin ang ibig sabihin niya kasi base sa kontratang pinirmahan namin ay magsasama na kaming dalawa. Tumango na lang ako at bahagyang itinaas ang basong hawak ko. Mabilis naman niyang pinagdikit at pagkatapos ay sinabing inumin ko. Sinunod ko ang sinabi ni Sir Xander. Mabilis na dinala ko sa labi ko ang baso at tinungga ang alak na hawak ko at agad nilagok. Magkahalong pait, tamis at init ang naramdaman kong dumaloy sa lalamunan ko. Kakaiba ang lasa, hindi ko maipaliwanag, pero kahit first time kong natikman ito ay nagustuhan ko. "How is it?" tanong ni Sir Xander. "Okay naman," mahinang sagot ko dahil bukod sa lasa ng alak na nasa isip ko ay distracted rin ako dulot ng mainit na palad ni Sir Xander, na marahang humahagod at manaka-nakang pumipisil sa naka-e