AVERY Halos takbuhin ko para lang makarating sa kama at makalayo sa lalaking kasama ko pero ang nakakainis, kahit nakahiga na ako ay naririnig ko ang lintik na ungulan ng palabas na pinapanood ni Sir Xander. Kumuha na ako ng malambot na unan at nakadapang sumubsob para hindi ko marinig ang malalaswang tunog mula sa palabas, pero malas talaga na naririnig ko pa rin pati ang bawat ingay na pumupuno sa malawak na silid na ito ni Sir Xander. Inis na bumangon ako habang nakasimangot na tinapunan ng masamang tingin ang lalaking nag-e-enjoy manood ng pòrn. Dilat na dilat pa ang mga mata niya habang paminsan-minsang umiinom. Nagpipigil akong huwag siyang batuhin ng unan. Kaya pala lagi na lang akong kinakalabit kasi may ugali siyang manood ng ganyan. Lukot ang mukha na hindi ako nakatiis