AVERY Tinanggap ko ang inuming inabot sa akin ni Sir Xander. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa, habang parehong nakaharap sa labas, kung saan pinagmamasdan namin ang madilim na kalawakan. Pakiramdam ko, napaka-tahimik ng lugar na ito. Walang kahit anong ingay akong naririnig maliban sa kalmado at mabagal na tîbok ng mga puso namin ng lalaking kasama ko. Hindi na ako nagtanong kay Sir Xander kanina kung bakit mukhang masama ang mood niya. Hinayaan ko na lang na lumipas ang tungkol doon para hindi na maging dahilan para maging iritable na naman siya. Hawak ko ang kopita na may lamang alak ng maramdaman kong kinabig ako ni Sir Xander palapit sa kanya, hanggang sa bigla na lang ay natagpuan ko ang sarili ko na nakasandal sa dibdib niya ang ulo ko. "May boyfriend ka ba, Avery?" bigla ay t