Ibang-iba
Lumabas rin naman kaming dalawa pagkatapos magpalitan ng number at nagpasya nalang na magkita ulit bukas pagkatapos ng kanyang klase total mukhang bakante rin ang schedule ko. I'm not sure though...
Early that morning I received a text from Cholo kaya napaaga rin ang pag-alis ko sa bahay with my service car.
"Hi, Keyla!" Isa sa mga babae ang nasa 30's ang bumati sa akin pagkapasok ko sa isang office.
Sino ang feeling close na ito? I don't know her.
I smiled timidly. Si Cholo ay malawak ang ngisi sa akin habang nakaupo kasama iyong tatlo pang lalake at tila may pinag-uusapang importante.
"Have a seat, Keyla," ani Cholo na iminuwestra ang katabing upuan niya para sa akin.
Hinaplos ko ang aking buhok at naglakad doon. Umupo ako ng maayos at tiningnan ang mga lalakeng napangiti na sa akin, in a friendly way of course. Anong kailangan nila?
"Anyway, this is Mr. Clerk Alejandro, the owner of Sweet Collections..." pagpapakilala sa akin ng babae.
Naglahad ng kamay ang lalakeng naka attire sa akin kaya tinanggap ko agad iyon at ngumiti.
"Mr. Kris Quizon and Mr. Gino Lariosa..."
Kanya-kanya ring lahad ng kamay dalawa pang lalake at naglahad ng kamay sa akin.
"You're more prettier in personal, hija," ani Mr. Alejandro na ikinangiti ko ng matamis.
Tumango-tango naman ang dalawa pa bilang pagsang-ayon habang maayos nang umuupo.
"Thanks po..."
"'Di ba at ikaw ang kapatid ni Kaedy Rocales? That teen actress?" si Mr. Quezon.
Tumango ako.
"Opo..."
"Oh... Anak ni Lucille Rocales... No wonder ang gandang bata," si Mr. Lariosa.
Marahan akong natawa. Si Cholo naman ay malapad ang ngisi ganoon rin ang babae. I think she's Mr. Alejandro's secretary.
Ipinagsalikop ni Mr. Alejandro ang kanyang mga kamay sa lamesa at nasa akin na ang mga mata.
"Anyway... Let's get to our main topic. Your manager Cholo agreed to our terms and conditions but of course he still needs your approval. We would like to offer you to model our brand..."
Napakurap ako roon. A project... A blessing!
Binigyan agad ako ng folder noong babae.
"Jessica," she muttered on a low voice.
Tumango ako sa kanya at tiningnan iyong folder. May kontrata roon at nakalista ang mga terms and condition. Naroon rin ang matatanggap ko sa bawat projects at kung ano-ano pa.
"Read it carefully," ani Mr. Alejandro.
"If Cholo already agreed then wala na po iyong kaso sa akin. Tinatanggap ko po ang offer," sabi ko nang walang pag-aalinlangan.
Napangiti ang mga matatanda. Cholo nodded proudly at me.
"Nagtataka ako ba't ang rami mong basher kung ang bait mo namang bata," ani Mr. Lariosa habang nakatitig sa akin.
Bahagya akong tumawa at hinaplos ang aking buhok.
"Ganoon talaga pag sikat, may basher talaga... Lalo na't ang ganda ganda nitong si Keyla..." ani Jessica.
I chuckled sweetly. "Tama po..."
Natawa ang tatlong matanda sa pagsang-ayon ko.
"I like her!" si Mr. Quezon.
"Pero kahit maraming bashers si Keyla, she handles her job very well naman. 13 years old pa lamang siya noong isalang siya sa pagmomodelo kaya well trained na at noong 16 ay rumarampa na sa mga runway," paliwanag ni Cholo.
"I'm sure your Mom is very proud to have a gorgeous daughter like you..." si Mr. Lariosa.
Tanging ngiti ang naibigay ko. Makahulugan ang tingin ni Cholo sa akin. I hope so...
Habang busy na sila sa pag-uusap ng kung ano-ano tungkol sa magiging projects ko at inaayos narin ang aking schedule ay tinext ko naman si Kaizen lalo na't nagkasundo pa kaming magmeet today.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Puntahan mo ako ngayon na.
Well what time is it? I think tapos na ang klase niya since it's Saturday.
Nagbeep ang aking cellphone. Sumulyap saglit si Cholo sa akin pero ibinalik rin sa kanyang mga kausap. Ipinatong ko ang aking hita at sumandal sa upuan para mas maging komportable pa.
Binasa ko ang text ni Kaizen.
Kaizen:
Saan?
Isinend ko sa kanya ang address. Mabilis lang rin naman itong hanapin lalo na't medyo well known rin ang kompanyang ito pagdating sa clothing line.
Nagtext siya ulit ilang minuto ang nakalipas.
Kaizen:
Nasa loob ka?
Napairap ako. Tiningnan pa ako ni Cholo at palihim akong nilakihan ng mga mata to warn me. Ibinalik ko ulit ang tingin sa screen at nagtipa ng sarcastic.
Ako:
Did you see me outside?
Kaizen:
Teka hahanapin kita.
Oh... Good grief! This... Ugh.
Tumayo ako at inayos ang aking suot na Ava ruffle linen mini dress na may square neckline na pinaresan ko ng puting nike shoes. Sumulyap sa akin si Cholo kaya nagpaalam nalang muna akong lumabas. I just mouthed Kaizen at kuminang agad ang mga mata niya sabay tango.
Nagtext akong muli kay Kaizen.
Ako:
Magkita tayo sa parking lot.
Lumabas ako at nagtungo sa parking lot. Ipinasok ko sa slingbag ang cellphone. I can't believe Kaizen is just so... ano bang term sa kanya? Innocent?
Iginala ko ang mga mata pagdating sa parking lot. Ilang sandali lamang ay may nakita akong lalake na nag ha-half job patungo rito. Tumaas ang aking kilay at humalukipkip ako sa aking kinatatayuan.
I was about to burst in my anger when something caught my attention. Napatitig ako sa kanyang labi nang tuluyan siyang makalapit. Medyo hinihingal siya at inayos pa ang nagulong buhok suot ang isang fit na itim na Tshirt, black jeans at nike shoes. Well he's very attractive but his lip is really bothering me.
"Pasensya na. Kanina ka pa?" Medyo hingal niyang tanong at naipikit ang isang mata.
Kumurap ako, napagtantong masyado ko nang tinititigan ang kanyang labi.
"Nagpalagay ka ng..." Tiningnan ko iyong muli.
"Ah..." Hinawakan niya iyon na nakalagay sa gilid ng pang-ibaba niyang labi.
"Tatanggalin ko? Ayaw mo ba sa ganito?" tanong niya at mukhang may plano na talagang tanggalin.
Umiling agad ako. "No... Your lip piercing ring is fine since... bagay sa'yo," sabi ko na ikinagulat niya.
Inalis kong muli ang aking mga mata roon lalo na't masyado na akong nadidistract. How can an innocent guy like him put some lip piercing on the side of his lowerlip? He looks like a badboy who acts like a good boy. Nipis lang naman iyon pero sobrang nakakaakit tingnan. Si Raiden may piercing sa tainga at sobra na iyong nakakaakit sa akin but seeing Kaizen's piercing... Bigla akong natutuliro.
"Nagpalagay kasi ang pinsan ko sa dila niya kaya tinry ko narin..." aniya, kahit hindi ko naman tinatanong.
Nagkasalubong ang aking kilay nang nagawa pa iyong haplusin ng kanyang dila. I'm really bothered but whatever.
"Where's your car? Nangangalay na ako," reklamo ko at iginalaw ang aking mga paa.
Tila natauhan agad siya at nagmadaling dukutin sa kanyang bulsa ang susi. Isang pindot lang at tumunog na ang isang puting kotse. A graduating college student with a luxurious BMW car... Hmm, he's really interesting.
Naglakad ako roon. Nauna naman siya sa akin para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Pumasok ako at sinalubong agad ng mint na pabango ang aking ilong.
Pinanood ko siyang umikot papuntang drivers seat. Pumasok siya roon at dumerikta agad ang aking mga mata sa dila niyang nilalaro ang gilid ng pang-ibabang labi niyang may piercing.
"Ayaw mo bang kumain?" tanong niya habang umaayos sa pag-upo.
"If you're going to treat me..."
Tumango agad siya at inistart na ang kanyang kotse.
Nagtext ako kay Cholo.
Ako:
Kakain lang ako.
Nagdrive siya ng mabagal. Nilingon ko siya at nakikita ko parin ang kanyang lip piercing lalo na't nasa right side iyon. Kaizen's side profile is breathtaking. Kahit saang anggulo niya ata ay magmumukha siyang guwapo. I'm not sure if he can top my Raiden... Siguro makukumbinsi na ako pag nagtabi sila? Medyo nakakalimutan ko kasi ang kabuuan ni Raiden lalo na't ilang araw na kaming di nagkikita. Parang kahit anong kalkal ko sa aking utak ay nangingibabaw ang tindig ni Kaizen.
But I don't really like him romantically. Nakakaappreciate naman ako ng kagwapuhan but liking him... nope. I am loyal at iyon ang kailangan kong iclarify sa kanya mamaya.
Pumasok kami sa isang Restaurant. Pansin na pansin ko ang paglingon ng iilang customer doon at may iba pang naglalabas ng cellphone para kunan kami ng picture. Ganyan nga. Spread our photos together for some media exposure...
Pinaghila ako ni Kaizen ng upuan bago siya umupo. Hindi naman masyadong matao at hindi kami maririnig sa bandang ito lalo na't may pagka VIP rin. I need a private moment with him.
Naglahad ng menu ang waiter ganoon rin kay Kaizen na bahagya pang ngumiti sa waiter at pinasalamatan ito. Medyo nagulat ako sa kanyang ugali pero binalewala ko nalang iyon at nag-order ng makakain.
Noong umalis na ang waiter dala-dala ang aming order ay seryoso ko siyang tiningnan. Saglit na nalaglag ang aking mga mata sa lip piercing niya pero mabilis ko ring ibinalik sa kanyang mga mata. Concentrate, Keyla!
"So... Katulad ng napag-usapan natin kagabi, I'm going to introduce myself carefully dahil baka dagsain ka ng reporters at mali-mali ang sagot mo ay mabuko tayo," sabi ko na ikinatango niya.
"But wait... You didn't agree to me last night—"
"Payag ako, Keyla," putol niya, siguradong-sigurado ang boses.
Natutop ang aking bibig. Okay... Good. Napakamasunurin niya. That's better.
May kinuha akong maliit na notebook sa aking slingbag at ibinigay iyon sa kanya. Kinuha niya iyon at nagtataka iyong tinitigan.
"Open it," sabi ko at humilig sa lamesa.
Sumulyap siya sa akin saglit pero ibinalik rin doon at binuksan.
"Naglista ako ng kakabisaduhin mo tungkol sa akin. Nariyan lahat ng full information ko kaya dapat alam mo."
"Kylene Angela Rocales? Full name mo?"
Tumango ako. Obviously...
"But everyone calls me Keyla since iyon rin ang stage name ko sa modelling."
Tumango siya at pinasadahan muli iyon ng tingin. Nakita ko siyang ngumiti at kinagat ang pang-ibabang labi. Nagkasalubong ang aking kilay. I can't remember putting something funny...
"Gusto mong maging ballerina at... mahilig ka sa unicorns?" he chuckled.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What's funny?"
Umiling siya at tila tuwang-tuwa pero napawi rin iyon, tila may nabasa nang kakaiba sanhi para mabura ang ngiti.
"Namatay ang Daddy mo noong 8 ka pa?"
Tumango ako. "He saved me."
Tumitig siya sa akin, hindi ako nagpakita ng pagkalungkot kaya tinantanan niya rin naman ako. He leaned on his seat cooly. Seryoso na siyang nagbabasa ngayon lalo na't bumabalandra na iyon sa kabuuan ng kanyang mukha. Maya-maya ay napangiti siyang muli. Darn him! Nabubwesit na ako sa pangiti-ngiti niya.
Dumating rin naman ang pagkain kaya doon natuon ang aking atensyon habang si Kaizen ay todo parin sa pagbabasa. I think he's taking this seriously... I am not expecting him to be like that pero masyado siyang masunurin.
Nagbrowse muna ako sa internet at tama nga ang hinala ko. Our photos got leaked again na may caption na 'The rumored couple Kaizen and Keyla are spotted dating on a fine Restaurant' na may picture pang nakaattach. May positive feedbacks at meron ring negative.
keraluisse:
Hindi nga naghoholding hands. Baka diring-diri si Kaizen.
klairebacorro:
Baka ginagamit lang ni Keyla si Kaizen para makalusot siya sa issue. :(
janesanchez:
Hindi mo kami maloloko. Hindi nga kayo sweet eh.
Umirap ako. Iyon lang naman pala... Gusto lang ng sweet moments. I'm going to upload later para mainggit sila but for now... Nevermind.
Walang karanasan si Kaizen sa babae pero gentleman naman siya at alam na alam kung paano rumespeto. Iyon nga lang, he looks shy and innocent. Ano... Ako pa ang magtuturo sa mga gagawin niya?
"Wala ka ba talagang ediya sa mga babae?" biglaan kong tanong.
Sumulyap siya sa akin at natigil sa pagbabasa gamit ang kanyang mga mata. Mukha talaga siyang suplado pag masyadong seryoso.
"Meron. May kapatid akong babae," aniya.
"I mean... Hindi ka ba nagka gusto?"
Hindi agad siya nakaimik. Binasa niya ang pang-ibabang labi kaya nadistract na naman ako sa lip piercing niya sa gilid.
"Ikaw... Nagkagusto kana ba?" tanong niya pabalik.
Tumango ako at kinuha ang baso para uminom ng tubig. Inilapag ko iyong muli at nginitian siya.
"Of course! And I have a boyfriend named Raiden."
Kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat, tila hindi inaasahan iyong sasabihin ko. Hindi ko ba ito nabanggit kagabi? Di ko narin maalala...
"Akala ko ba ako ang boyfriend mo?" dismayado niyang tanong, ang mga mata ay namungay agad.
Kumurap ako. Hindi niya ba gets ang issue? Ang lahat-lahat? Akala ko napupunto niya na ang mga ito. Good grief...
Binitiwan niya ang notebook at itinabi iyon. Nagkakasalubong na ang kanyang kilay, halos sumimangot na sa aking harapan.
"Hindi naman pwedeng dalawa ang boyfriend mo. Dapat isa lang... O dapat... Ako lang," he added with so much frustration.
"Kaizen, listen... I asked you to pretend as my boyfriend in public because the fans love you," paliwanag ko.
"Eh ba't mo inanunsyong boyfriend mo ako kung may boyfriend ka naman pala?" seryoso niyang tanong.
Oh... Di niya talaga gets. Sabagay, magulo ang showbiz. O magulo rin talaga ang utak niya?
"Do you know my issue? Bago iyong hinalikan kita?"
Tumitig lamang siya sa akin, tila wala nang planong sumagot. Nevermind. I think I'll need to explain the whole story.
"I have a boyfriend at sikat rin siya. Nag leaked iyong photos na pumasok ako sa condo niya kaya binash ako. My boyfriend is my sister's ka loveteam kaya maraming nagalit kasi they're shipping them. Ayaw nila sa akin so ayon... Lumaki ang issue and my Mom got mad kasi nadadamay ko sila since sikat din ang Mommy ko and ayun na the rest is whatever."
Kaizen, in his serious face, stared at me like I really did something cruel to him. He's serious face is quite intimidating... idagdag pa iyang lip piercing niya. It's bothering me alot.
Humalukipkip ako sa aking upuan. Ginagalaw-galaw niya na ngayon ang kanyang mga daliri na nagta-tap sa mesa, tila inaanalize ang aking sinabi.
"Ah... Di mo naman dineritso na kailangan mo ng panakipbutas..."
Nalaglag ang panga ko roon.
"Akala ko kasi gets mo," giit ko.
Umiling siya at pinaglaruan ang lip piercing gamit ang kanyang dila. Ilang minuto siyang tahimik kaya tumahimik rin ako lalo na't nakatingin lang siya sa akin.
"Pumayag ang boyfriend mo?" tanong niya bigla.
Nagkibit ako. "I'm not sure..."
"Eh ba't hindi niyo nalang ipublic ang relasyon niyo?"
"We can't, Kaizen. Sikat siya at may ka loveteam. 'Tsaka nagagalit ang Mommy ko sa akin kaya no choice ako kundi sumunod."
"Kaya mas pinili mong isalba ang career kaysa sa lalakeng... mahal mo?"
Nagulat ako sa kanyang sinabi. It made me shut-up for a moment. Bigla akong natulala. Nangalkal agad ako ng pwedeng isagot sa kanya.
"Ayoko lang sirain ang reputasyon ni Raiden at ng kapatid ko."
Humilig siya sa mesa, hindi parin nagbabago ang seryosong mukha. Mas lalo siyang gumagwapo at masyado na talaga iyong nakakadistract. Ngayon lang ako nadistract sa kagwapuhan ng isang lalake na halos hindi ko na matagalan ang paninitig sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ko gets ang pinaglalaban mo pero hindi rason ang reputasyon para sirain mo ang kaligayahan mo."
Mabilis ko siyang tiningnan. Ano bang... alam niya sa pag-ibig?
I chuckled softly.
"Wala ka namang karanasan ah? You never had a girlfriend..."
Tumango siya. "Wala nga pero alam ko naman ang kailangang ipriority. Priority ko ngayon ang pag-aaral kaya binibigay ko muna ang buo kong atensyon doon. Walang sideline. Ganoon rin pag nagkagirlfriend na ako... Alam ko kung saan magfofocus at ano ang priority ko." Nagkibit siya.
Umawang ang aking labi. I never... expected him to say something so serious. Ganoon siya magmahal... Seryoso at naroon ang buo niyang atensyon. Alam ko namang pwedeng ipagsabay ang pag-aaral at pag gi-girlfriend pero di niya ginawa dahil alam niya ang priorities niya at iyon ang pag-aaral.
Kaizen is really something. Bigla kong nakwestyon ang mindset ni Raiden.
"U-Understanding kasi akong girlfriend," sagot ko nang maibalik ko na ang aking composure.
"Pasensya na... Ako hindi eh. Kahit kapatid ko pa ang ka loveteam niya hindi parin ako papayag. Papahintuin ko nalang siguro siya sa pag-aartista at ako nalang ang magta-trabaho."
Natawa ako roon. Humilig narin ako sa mesa kaya medyo naging malapit na kaming dalawa.
"Ah... Seloso," bulong ko sa nakakaaakit na boses.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at kahit iyong lip piercing niya ay natamaan narin ng kanyang dila.
"Kung ibabahagi mo sa iba ang para sa'yo, hindi na yan pagmamahal kasi ang alam ko sa pag-ibig dalawang tao lang dapat. Ikaw... Ako... Tayo lang dapat."
Napalunok ako sa sobrang seryoso ng boses ni Kaizen. Nalaglag ang tingin ko sa lip piercing niya at halos nablangko na ang aking utak. How does it feel kissing someone with a lip piercing? I'm... I'm curious...
Tumawa na lamang ako ng marahan para madistract ang aking sarili sa aking pinag-iisip.
"Nakakainlove ka naman..." pagbibiro ko.
Bumuntong siya ng hininga at tahimik nang kumain. Kumain narin ako. Tumawag pa bigla si Cholo kaya uminom ako ng tubig at sinagot iyon pagkatapos.
Pasulyap-sulyap si Kaizen sa akin habang may kausap ako.
"Yes?"
"Nasaan kayo ni Kaizen baby?"
Natawa ako roon.
"You have no baby. At kumakain ako ngayon..." Sumulyap ako kay Kaizen na mabilis ring ibinaba ang mga mata. Hinawakan ko nalang ang pendant ng suot kong kwintas at iginala ang tingin.
"Ipakilala mo naman ako. Bring him here. Ako na ang magpapaliwanag ng set-up niyo dahil baka kung ano-ano na ang pinagsasabi mo sa kanya."
If I know... nangangati lang talaga ang baklang ito. He just want to see him.
"Arayt... I'll text you later after this," sabi ko.
Naririnig ko na siyang tumitili kaya natatawa kong in-off ang aking phone. Inilapag ko iyon sa gilid ng aking plato at dinampot ang kubyertos.
"Boyfriend mo 'yon?" tanong niya, medyo matabang ang boses.
"Nope... Raiden is busy since marami silang guesting ng kapatid ko. Two days na kaming di nagtetext. He's busy but nevermind."
"Ba't hindi ka niya priority?" Kunot-noo niyang tanong na ikinabusangot ko.
"Shut-up, Kaizen." I glared at him.
Mabilis na natutop ang kanyang bibig. Umirap ako. He's ruining my imagination...
"Katulad mo, focus rin siya sa work. Ganoon..." paliwanag ko.
"Kaya nga dapat hindi pinagsasabay..." aniya sa makahulugang boses na ikinasimangot ko.
"You shut-up, okay? I'm cool with it. Understanding akong girlfriend..." paglilinaw ko.
Tumango naman siya at binigyan ako ng tissue. Itinuro niya ang left side ng labi ko kaya kinuha ko iyon at pinunasan ang sarili.
"'Di ba girlfriend narin kita?" tanong niya.
Tumango-tango ako habang nangangalkal ng salamin sa aking sling bag. Tiningnan ko ang aking mukha para masiguradong walang dumi. Ramdam ko naman ang mga mata ni Kaizen na nakatitig sa akin.
"Yes, I'm your girlfriend..." I said nonchalantly.
"Okay. Dapat hindi ka understanding. Gusto ko ng selosa. 'Yung ipagdadamot mo dapat ako sa iba."
Halos malaglag ako sa upuan sa kanyang sinabi. My eyes widened. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at sumubo na. Kinagat ko ang aking labi at humagalpak.
"Oh my God... Are you serious?" Tumawa ako habang umaayos sa pagkakaupo. Ipinatong ko ang aking hita sa isa at aksidente ko pang natamaan ang kanyang binti sa ilalim ng mesa pero hindi naman iyon malakas.
"Oo..." sagot niya.
I chuckled softly while touching my wavy hair. Hindi ko inaasahang mag-eenjoy pala ako kay Kaizen. Akala ko kasi maiinis ako dahil hindi naman siya si Raiden pero sa inaasta niya, I really find him interesting... His different side is showing. Ibang-iba sa inaasahan ko...