2

3192 Words
First Kiss Mag gagabi na noong dumating si Mommy at Kaedy. Napansin ko agad ang matamis niyang ngiti habang kausap ang aking kapatid.  "Mommy, Kaedy..." Tawag ko sa kanila habang bumababa ako sa hagdan.  Napawi ang ngiti ni Mommy at binalingan ako. Ngumiti agad ako ng malapad sa kanilang dalawa. "I already fixed the issue!" proud kong anunsyo na ikinakurap ni Kaedy. "Sino iyong si Kaizen?" tanong niya sa akin.  Naging seryoso ang mukha ni Mommy habang nakatitig sa akin. I smiled sweetly. "Uh, nakita ko lang 'yon sa Bar kaya ginamit ko nalang para palabasing boyfriend ko para matigil na ang fans niyo. And I suceeded! Nakita niyo ba ang twitter? We're trending—" "Cholo told me hindi ka pumayag sa plano niya. Sino ba ang manager sa inyong dalawa, Keyla? Ikaw ba at mukhang mas nagmamarunong ka pa?" putol ni Mommy sa akin na ikinaawang sa ere ng aking bibig. Makahulugan na ang tingin ni Kaedy sa akin. Doon lang iyon lumihis noong may lumapit na kasambahay at kinuha ang dala niyang bag pero ibinalik rin sa akin ang mga mata.  "Mommy... Cholo's plan is crazy! He wants me to latch onto someone who's not my type—" "At iniisip mo pa talaga ang kapakanan mo kaysa sa career ni Kaedy? The fans might think you're just making-up at mas maghihinala sila na may relasyon talaga kayo ni Raiden kung binitiwan mo na agad ang lalakeng napulot mo. God Keyla... Use your brain!" Mariin niya akong tiningnan, ang maputing mukha ay nakukulayan na ng pula dahil sa galit. Natutop ang aking bibig. Nilingon ko si Kaedy na tahimik lang ring nakatingin sa akin. I know this is coming but I still tried... Iyon pala, ganoon parin ang magiging kinalabasan ng choices ko. Mommy will disagree about it.  "Sanay na ang fans na marami kang issue pero si Kaedy ay hindi. Sanay kana sa bashers si Kaedy hindi. Mas lalagapak ang career ni Kaedy sa katangahan mo kung papairalin mo ang pagiging makasarili mo, Keyla." Nahulog sa sahig ang aking mga mata. Gusto kong umimik man lang sana si Kaedy at ipagtanggol ako dahil alam kong makikinig si Mommy sa kanya but she remained silent.  "Pero wala na kasi akong oras kay Raiden, Mommy—" "God, you stubborn brat! After the scandal gusto mo pa talagang lumapit-lapit kay Raiden? May project sila ni Kaedy at kamuntik nang maboycot dahil sa'yo. You need to lie-low on him, Keyla. You're going to ruin their career if you keep on being so insensitive!"  Mariin akong napapikit sa lakas ng boses ni Mommy. Sunod-sunod na tango nalang ang aking ginawa para hindi na siya mastress at makita niyang sang-ayon na ako sa kanyang gusto, na sinusunod ko na siya.  "Sundin mo nalang si Mommy, Keyla," malambing na sabi ni Kaedy.  Nagloosen ang aking balikat. Dumilat ako at umahon ang aking mga mata. Mom looks very disappointed at me. Si Kaedy naman ay nakay Mommy ang buong side kaya wala rin akong kakampi.  Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Sige... I'll tell Cholo to contact Kaizen—" "Go to room now, Kaedy. Magpahinga ka ng maaga dahil may guesting ka pa bukas. Sasamahan kita ulit, don't worry..." sabi ni Mommy kay Kaedy kaya natutop ang aking labi. "Okay Mommy... Goodnight." Hinalikan niya ang pisngi ni Mommy saka sumulyap sa akin. "Goodnight, Keyla..." Tumango ako at ngumiti. Sumulyap pa si Mommy sa kanya kaya hinintay ko munang matuon ang buo niyang atensyon sa akin. Nilingon ko narin ang pag-akyat ni Kaedy sa hagdan.  "Have a good sleep, hija..." pahabol pa ni Mommy sa mahinahong boses. Lumingon si Kaedy at ngumiti. Ngumiti rin ako saka ko ibinalik ang tingin kay Mommy na napawi agad ang ngiti nang magkasalubong na ang aming mga mata.  "Oh ano? May lakad kana naman?" Nailing siya at umalis na sa aking harapan. "Do what you want, Keyla. Stop stressing me..." aniya sa dismayadong boses.  Ang tangi kong nagawa ay sundan nalang ito ng tingin. Kinagat ko ang aking labi. She really doesn't care as long as Kaedy is fine.  Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Susundin ko nalang ang gusto niya nang matuwa rin siya sa akin at lumamig ang kanyang ulo. Cholo won again... Mapapasunod niya na naman ako sa gusto niya dahil kay Mommy. Sa lahat rin ng opinyon, kay Mommy lang naman ang pinapakinggan ko. Sa rami-rami ng bashers ko at kung ano-ano pa ang binabato sa akin ay hindi naman ako nasasaktan. Aside from Mommy's words... At isa pa, I'm busy with myself that's why I don't have time to read some hurtful words. Sila ang napapagod kakatype ng kung ano-ano eh hindi ko rin naman binabasa at kung may mababasa man ay wala rin akong pakialam. Sa personal baka nga ay manliit sila sa sarili nila dahil nasa akin lahat ng pinapangarap nila.  I texted Cholo that night na pumapayag na ako at maaga narin akong natulog para mapanood man lang ang guesting ni Kaedy with Raiden. So kaya ba hindi rin ako pinapansin ng boyfriend ko dahil sinabihan rin siya ng ganoon ni Mommy? It's okay Keyla. Hayaan mo nalang munang palamigin ang issue nang hindi narin nadadamay si Kaedy at Raiden sa issue mo. Plus, Mommy will surely like it if nag lie-low narin muna ako kay Raiden.  Kinabukasan ay maaga na akong tumunganga sa sala para panoorin ang guesting ng aking kapatid. Humikab ako habang nagtitilian ang kanilang fans. Nahagip pa ng camera ang pagngiti ng matamis ni Mommy kasama ang staff na nanonood rin.  Napatitig ako roon ng ilang sigundo. Mommy is really pretty in her 40's. Seems like she never aged. Ang kinis niya at wala pang wrinkles ni isa. Payat siya at nasa tamang hugis ang katawan. Kaedy really look like her unlike me na nakuha ang freckles ni Daddy. Hindi naman sila masyadong klaro lalo na't kaonti lang rin ang meron sa mukha ko sa ibaba ng aking mga mata at meron rin sa bridge ng aking ilong  pero pag tititigan ako sa malapitan ay kapansin-pansin talaga iyon.  Bagsak na bagsak ang buhok ni Kaedy unlike me na may pagka wavy pero Cholo said mas maganda ang mga labi ko dahil masyadong manipis at saktong sakto ang hugis. Mas matangos rin ang ilong ko at mas matangkad ako kay Kaedy kahit na siya ang panganay na lamang ng dalawang taon sa akin. My eyes were more lighter than her brown eyes at halos maging golden brown na ang akin. Namana ko ang mga mata ni Daddy ganoon rin ang kapal ng kanyang kilay kaya ang ganda ng hulma ng akin kahit hindi na ayusin.  Sa mga mata ni Mommy, mas maganda raw si Kaedy kasi mana sa kanya and I don't want to argue about it kaya iniisip ko rin na less attractive ako. May anggulo naman ako ni Kaedy pero nangingibabaw rin talaga ang sarili kong features, ang features na namana ko kay Daddy.  Doon lang ako natauhan sa aking pinag-iisip nang magring ang aking cellphone. Tumatawag si Cholo.  Umirap ako sa ere at sinagot iyon. Humalukipkip ako habang tumititig sa pagtawa ni Raiden sa tv dahil sa simpleng tanong sa kanya tungkol kay Kaedy.  "Napagalitan ka 'no?" Panimula niya. "Papayag ba ako sa plano mo kung hindi?" Bobitang bakla!  Hindi ko na iyon isinatinig lalo na't umalingawngaw na ang tawa niya sa kabilang linya. "Sabi ko naman sa'yo... Kung magdesisyon ka kasi akala mo di mo kabisado ang Mommy mo. But anyway... I called to tell you na icontact mo si Kaizen sa social media account niya. Hindi naman siya nakadeact sa IG..." "Okay. 'Yun lang ba?" matabang kong tanong. "Oo 'yon lang at balitaan mo agad ako ha?" Bumuntong ako ng hininga. "Papatayin ko na."  "Wait!" O kung ikaw nalang ang patayin ko? "Ano?"  "You know ako lang ang kakampi mo, Keyla so stop being so bratty..." "Oo na. I'll contact Kaizen and whatever." Pinatay ko na agad ang tawag.  Inopen ko ang icon ng IG at sinearch ulit ang pangalan niyang Kaizen Red.  Magrereply ba ito? Of course! May 100 thousand plus akong followers sa IG kaya malalaman niya agad na ako iyong humalik sa kanya. Siguro naman updated siya sa kumakalat na scandal namin sa Bar. I kissed him and our photos got leaked. I can't properly recall the taste of his lips at hindi ko rin maalala kung anong pakiramdam noon. Can't blame myself... Walang makakapantay sa masarap na halik ni Raiden.  Nagmessage ako. Ako: Hey! Remember me? The one who kissed you? Hindi agad ito nagreply kaya nanood nalang ako ng catwalks sa youtube. Ang tagal-tagal niyang nagreply na nakatapos pa ako ng dalawang video! Noong nainip na ako ay nag-akma ulit akong magtipa ng mensahe sa kanya nang makita kong nagseen na siya. Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo hanggang sa nag pop out na ang reply niya.  May klase kanina. I'm sorry. Tumaas ang aking kilay. He replied and say sorry for... maybe for making me wait. Okay... Mukhang mabait. Shut-up, Keyla. Bumabait lahat ang lalake pag magandang babae na ang kumakausap sa kanila. If he thinks I'm into him then I need to make everything clear nang hindi siya mag-ilusyon.  Nagtipa ako. We need to meet.  Mabilis agad siyang nagseen, tila inaabangan nalang ang aking reply.  Ngayon? Is he a fuckboy? Baka kung ano-ano na ang iniisip niya sa term kong 'meet'.  Nagtipa ulit ako. Yes. We'll just talk don't worry.  Nagseen agad. Sumandal ako sa sofa at sumulyap saglit sa tv. Tapos na ang interview at nagpapaalam na sila. Ibinalik ko ang tingin sa screen ng aking phone dahil sa reply niya. Okay.  Wow... Masunurin! Sigurado akong papayag rin siya sa alok ko. Well I'm not going to accept a No answer. Dapat ay yes. He needs to cooperate with me.  We'll meet later, kung saan din kami unang nagkita. Bawal ang media sa loob ng Bar na iyon kaya safe kami roon at makakapag-usap kami ng maayos besides I also need some photos with us. I'm sure may kukuha ng picture sa amin sa loob at mas better kung makita nilang magkasama kami.  Kinagabihan ay naligo ako at nag-ayos. I wore a broderie day dress daisy and matched it with leather jacket paired with black boots. Iniribbon ko nalang ang lace para mas maging git tingnan sa parteng tiyan at nahubog ang maliit kong beywang.  Nagmake-up ako ng kaonti saka ko hinayaang lumugay ang buhok kong medium length. Hindi ko na tinakpan ng make-up ang aking freckles total gabi narin naman at masyado silang nipis para makita sa malayo.  Nagpahatid ako sa sariling service car ko habang nag-oonline ako sa i********: to message him.  Otw Ilang sandali lamang ay nagseen ito.  Otw? Napairap ako sa ere. God!  On the way.  Iyon na ang isinend ko. Saang planeta ba siya galing at mukhang wala siya sa mundo? Pati otw hindi alam.  Ah... Sige. See you. Good grief! Kung hindi lang talaga dahil sa scandal ay hindi ako mapupunta sa ganitong set-up! Iniisip ko pa lang na hindi si Raiden ang aking kausap, na hindi si Raiden ang lalandiin ko ay naiirita na agad ako.  Nagtipa ulit ako ng mensahe. I am wearing a black leather jacket and white dress. Anong suot mo? Nagseen siya at nagtipa narin. Nakasuot rin ako ng damit katulad mo.  Nalaglag ang aking panga. Halos magkasalubong ang aking kilay. If he's just being sarcastic then he's really pissing me off!  Nagtipa ako sa panggigigil. Umayos ka nga ng sagot. Kaizen: Maayos naman ah? Ako: Stop being so sarcastic! Paano kita hahanapin kung hindi ko alam ang suot mo?  Pumipintig na ang ugat sa aking ulo. Nag pop out ang kanyang reply. Ikaw nalang ang hahanapin ko total madali lang naman kitang makikita.  Kumalma ako roon. Don't tell me he's my fan? Fuckboy talaga ang datingan nito!  Hindi na ako nagreply pa at inayos nalang ang aking sarili. I am looking forward for his face. Mas maganda parin na makita ko sa personal ang mukha niya para masabi kong gwapo talaga at kung sapat na ba ang mukha niya para sabihin ng ilang fans na mas gwapo siya kay Raiden. As his girlfriend I highly disagree with them! Palibhasa hindi nila nakakasama si Raiden at sa tv lang nila nakikita.  Pagkarating sa Bar ay mabilis akong pumasok lalo na't alam kong may ilang media lang na umaaligid. Sumalubong agad sa akin ang lamig ng loob at ang tamis na amoy. 3DBar is famous for having some elites party goers at iyon lang ang alam kong background ng Bar.  Gumala ang aking tingin. Napansin ko agad ang pagsulyap ng iilan sa akin sa dim na ilaw, tila namumukhaan ako.  "Siya iyong modelong girlfriend ni Raizen, 'di ba?" "Siya pala 'yon..." "Ang sabi maldita raw iyan at sobrang brat." "Marami siyang bashers at sinasabi nilang kaya lang daw 'yan nakapasok sa modelling dahil sa connection ng Mommy niya." Isa iyon sa mga narinig ko idagdag pa ang kanilang mga mata sa akin. Hindi ko nalang pinansin dahil totoo rin naman.  Iginala ko ang tingin sa mga couches na nasulyapan ko at inilipat rin sa counter nang wala akong mahanap na pamilyar. Paano ko siya hahanapin eh hindi niya sinabi sa akin ang suot niya.  Oh right... He's going to find me.  Nagtungo ako sa counter at doon pumwesto. Nagulat pa ang bartender nang makita ako. Sumulyap ako saglit sa dance floor. May mga sumasayaw roon at halos wala nang pakialam sa paligid idagdag pa ang lights na sobrang likot.  Nag-order ako ng maiinom. Titig na titig ang bartender sa akin pero hindi ko na iyon pinansin at nagconcentrate sa aking cellphone.  Nagtipa na ako ng mensahe. Nasaan kana? Find me.  Sumimsim ako sa inumin at napangiwi sa lasa noon. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong may bumakante sa aking tabi. Naamoy ko pa ang pabango nito na inukupa agad ang paligid. Hindi ko nalang iyon nilingon kahit na pamilyar ang pabango. Nagseen ito kaya hinintay ko ang reply. Tumitig ako roon kaso ang tagal. Nagtipa akong muli. Hey! Nagtipa narin ito. Tinabihan na kita.  Oh great! Ba't hindi man lang siya nagsalita?! Naiinis ko siyang binalingan ganoon rin siya na lumingon sa akin. May sasabihin na sana ako nang dumaan ang ilaw sa kanyang mukha at nakita ko siya ng malinaw sa aking mga mata. Nanatiling nakaawang ang aking mga labi, nakalimutan kung ano na ang sasabihin habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Binasa niya ang pang-ibabang labi bago magsalita at naglahad sa akin ng kamay.  "Kaizen." Pagpapakilala niya sa baritonong boses.  Kumurap ako. Ilang beses akong kumurap para lang matauhan at nalaglag sa kanyang kamay. Nang napagtanto niyang wala akong balak na makipagkamay ay ibinaba niya rin iyon.  O... Okay... Ang... Ang gwapo niya nga! Naalala ko bigla ang litrato ng kanyang ama pero younger version lang in his 20's. He looks like a fanart with his perfect face structures at kahit anong kurap ko ay hindi talaga nagbabago ang kanyang mukha. "We... We need to talk about the issue." Halos naging singhap nalang ang pagsasalita ko.  Kumunot ang kanyang noo, tila hindi ako narinig. Bahagya siyang lumapit sanhi para mas manuot sa aking ilong ko ang kanyang pabango. Sa sobrang bango ay nakalimutan ko na ang amoy ng loob lalo na't nangingibabaw ang kanya.  "Ano?" tanong niya sa malalim na boses. "I said... We need to talk about the issue!" sigaw ko.  Tumango agad siya at lumayo na sa akin. Napunta ang tingin ko sa suot niyang vneck tshirt na kulay itim habang sa kabilang balikat ay nakasabit doon ang isang denim jacket plus dark jeans at itim na sapatos sa ibaba. He got this messy hair pero bagay na bagay sa kanya. Mas malakas ang appeal sa  akin ng mga badboy looking pero hindi ako makapaniwalang ang katulad niyang mabait tingnan at kung hindi ngingiti ay magmumukhang suplado ay may dating rin pala!  "Dito tayo mag-uusap?" tanong niya kaya napunta ang tingin ko sa labi niya.  Wake-up, Keyla! Baka naman masyado lang dim! I'm sure mas gwapo pa talaga si Raiden pagdating sa liwanag. Baka gwapo lang itong Kaizen sa dilim.  Umalis ako sa stool. Napasunod ang tingin niya sa akin. "Let's talk somewhere... Iyong private," sabi ko.  Tumango siya at umalis narin sa pagkakaupo sa stool. Matangkad siya nang lumebel siya sa akin. Hanggang leeg niya lang ata ako kahit na matangkad rin naman ako at sobra niya talagang bango kahit na may espasyo naman sa aming pagitan.  Sumunod ako sa kanya lalo na't mukhang alam niya rin ang hindi mataong lugar sa Bar na ito. Tumigil kami sa isang pinto na may nakalagay na 'staff only.'  "Pwede tayo sa loob?" tanong ko na ikinatango niya. Tumawa ako ng nakakaloko. "Bakit... Staff ka ba rito? Bartender?"  Umiling siya at binuksan ang pinto. "Hindi pero kilala ko lang ang may-ari," sagot niya sa mahinahong boses. Ah... Hindi na ako sumagot pa at tuluyang pumasok. Sumunod rin naman siya saka niya isinara ang pinto. Humalukipkip ako at iginala ang tingin. May mga lockers at mukhang dito nagbibihis ang mga empleyado. Sumandal siya sa pinto at humalukipkip rin kaya tiningnan ko siya.  Ngayon na may liwanag na ay mas malinaw ko na talagang nakita ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ito o sadyang mas lalo lamang siyang gumwapo. I can't even concentrate! Panay ang pagkurap ko pero wala paring nagbabago. I can't believe he's not a model when he looks so perfectly fine! Ano Keyla... Compare your man now... Nevermind. "Aware ka naman siguro sa issue 'di ba?" tanong ko nalang para matigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. He nodded attentively. Ang kanyang mga mata ay nakasentro sa akin lamang.  "So... Wala kang girlfriend?" Umiling siya. "Wala. Kapatid lang." Kumunot ang aking noo pero hindi ko na masyadong binigdeal. "That's good! Pero nagkagirlfriend kana?" Umiling siyang muli. Seriously... Is he a... virgin? Or maybe not.  "So fuckboy ka? Patikim-tikim lang?" Bahagya siyang humagalpak at umiling. Mas lalo siyang naging gwapo sa simpleng pagtawa niya.  "Eh ano? You're gay?" I almost gasped. Ngumuso siya at umiling, tila natutuwa sa aking mga hula sa kanya. "Hindi lang talaga ako mahilig sa... sa babae..." he explained nicely.  "Kaya nga gay. Mas hilig mo ang boys," sabi ko sa siguradong boses. Humagalpak siyang muli at umiling. Bahagya akong namangha sa mukha niya pero mabilis ko rin iyong sinipa paalis sa aking sistema.  "Ayaw ko lang talaga muna. Bata pa naman ako..."  Bata? Ilang taon na ba siya? 18? 17? 16? "Ilang taon kana?" "I just turned 21," sagot niya. Oh, so 2 years ang gap namin since turning 19 ako this year at kaedad niya lang rin si Raiden. Alam kong hindi siya modelo at graduating sa taong ito, katulad ng sinabi ni Cholo. Wala siyang  girlfriend, may kapatid at walang interes sa babae. Nagdududa na ako na may mga lalake pa palang kasing gwapo niya ang walang hilig sa babae. Baka naman nerd ito? "Kung gusto mo ng tulong para patayin iyong issue ay ipapautos ko nalang sa Tito ko nang—" "No!" putol ko kaagad sanhi para maiwang naka half open ang kanyang labi. "Let the rumor. Hindi iyon ang favor na hihingin ko sa'yo." Seryoso ko siyang tinitigan.  "Ano 'yon?" "I need you to act as my real boyfriend."  Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.  "And you can't say no!" pahabol ko. "The fans love you kaya I need you to ride along with me." Nanatiling mahinahon ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at mukhang nag-iisip na.  "Hindi tayo magse-s*x don't worry." Kumunot ang noo niya. Teka... Kung wala siyang experience sa babae, ibig sabihin ay... virgin siya? Natawa ako sa sarili kong naisip. "Ako ba ang first kiss mo?" I've seen how he blushed a bit. Sumeryoso ang kanyang mukha at nag-iwas ng tingin. Humagalpak ako.  "Oh my God this is unbelievable! I can't believe hindi ka pa nakakahalik ng babae. I'm your first kiss!" Halos sumimangot na siya habang namumula ang pisngi. Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos na lamang ang buhok. "What's wrong if you're my first kiss?" he said clearly on a low baritone voice. Napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD