4

3180 Words
Monthsary Pagkatapos kong kumain ay dinala ko rin naman si Kaizen sa office. Naroon parin sila pero may mga pagkain nang nakalatag sa kanilang mesa. Kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga ni Jessica nang makita kung sino ang nasa likuran ko, ganoon rin si Cholo na halos lumuwa ang mga mata sa imahe ni Kaizen. "Um... This is Kaizen..." Pagpapakilala ko sa kanila lalo na't pati ang tatlong matatandang lalake ay nasa kanya narin ang tingin. Marahang yumuko si Kaizen para magbigay galang. Nakasuot na siya ngayon ng denim jacket kaya ang gwapo niya nang tingnan lalo idagdag pa talaga iyang lip-piercing. Dapat nga ay magmukha siyang adik or what but it really looks good on him. "Oh, your rumored boyfriend?" ani Mr. Alejandro. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Tumayo naman agad si Cholo. "Hi. I am Keyla's manager," aniya sa baritonong boses at naglahad ng kamay kay Kaizen. Napangisi ako at nilingon si Kaizen na tinatanggap na ang kanyang kamay. I saw how Cholo squeezed his hand pero wala lang ata iyon para kay Kaizen. Cholo doesn't look like gay, anyway. Lalakeng-lalake rin kasi manamit at masyadong presentable kaya hindi mo talaga siya pag-iisipan ng kung ano-ano. "Ang gwapo niya pala talaga sa personal!" si Jessica na manghang-mangha parin. "Hijo, are you a model?" tanong ni Mr. Quezon. Umiling si Kaizen at bahagyang ngumiti. Si Cholo naman ay masyado nang malagkit ang titig kay Kaizen. Mas matangkad pa si Kaizen kaysa sa kanya kaya kapansin-pansin talaga ito. Nangingibabaw. "O baka gusto mong maging modelo?" ani Mr. Lariosa na mabilis kong ikinalingon kay Kaizen. Wow... How lucky. Siya na mismo ang inaalok ng kontrata sa pagiging modelo. It's a big opportunity for him! Umiling lamang si Kaizen, ni hindi man lang ata pinag-isipan at siguradong-sigurado sa desisyon. "Hindi na po. Priority ko po kasi ang pag-aaral," aniya. Dumaan ang pagkagulat sa matatanda. Kahit si Cholo ay napasinghap ganoon rin si Jessica na hindi iyon inaasahan. Sino bang hindi magugulat kung tinanggihan ang isang malaking offer? Hindi lahat ay makakatanggap ng ganitong opportunity. "Pwede naman nating asikasuhin ang sched mo," si Mr. Alejandro. I think nakitaan siya ng potential. Oh please, Keyla. They want him because of his look. Sa tindig palang ni Kaizen, sa mukha, may lugar na ang kagaya niya sa industriyang ito. He won't have any trouble with marketing since marami na siyang fans. The people love him na lagi siyang trending. Maraming bibili ng ieendorse niyang product for sure... Tumanggi parin si Kaizen. He's really focus on his priorities. Walang kaso sa akin kung model siya or not total natatakpan narin naman naming dalawa ang issue ko noon. Mas nakasentro na ang fans sa amin kaysa sa nagawa kong scandal noon. Ganoon kabilis napaamo ni Kaizen lahat ng tao sa kanya. Pinauwi ko narin ito total uuwi narin ako. Sumabay naman si Cholo sa akin at kanina pa siya hindi makamove-on sa imahe ni Kaizen. Naalala ko iyong una niyang nakita si Raiden. Manghang-mangha siya at nagniningning pa ang kanyang mga mata pero ngayon... kulang nalang ay mabaliw siya kaka 'Kaizen.' "Hiwalayan mo nalang kaya si Raiden?" biglaan niyang suhestyon pagkatapos ng bukambibig niya na puro Kaizen. Binalingan ko na talaga siya at pinaningkitan ng mga mata. "No way," sabi ko sa matinis na boses. "Eh si Raiden lang naman ang problema mo ngayon, Keyla. Kung kay Kaizen ka, wala kang magiging problema. Wala pang sabit dahil ang priority lang ay ang pag-aaral!" aniya sa nagniningning na mga mata. Umiling ako. "No. Hindi ko hihiwalayan si Raiden. Forever na kami," sabi ko habang nagt-twitter sa aking cellphone. I'm going to upload a photo with Kaizen. "Raise your standard, Keyla! Bulag ka talaga kung hindi mo malinaw na nakikita na mas lamang si Kaizen kay Raiden sa lahat ng anggulo! Mala Diyos ang tindig at sobrang perpekto! Ang hot niya pa sa lip piercing niya." Umiling-iling ako habang nagtitipa na ng caption sa picture namin kanina ni Kaizen sa Restaurant. It was just a simple picture habang nakangiti kaming dalawa pero ewan ko ba, ang lakas talaga ng karisma niya. Siguro kung wala rin akong boyfriend maiinlove ako kay Kaizen kaso meron eh and I'm loyal. "Si Raiden ang mahal ko at wala akong pakialam sa hitsura. Hindi naman talaga si Raiden ang pinaka gwapo at may makakalamang talaga sa kanya pero para sa akin pinakagwapo siya." Nakita ko ang pag-irap ni Cholo sa akin. I just smirked at inupload na ang picture namin na may caption na 'I love you'. Trending parin si Kaizen. Nangunguna siya palagi at ang pangalawa naman ay ang loveteam ni Raiden at Kaedy. So they're shooting some movie right now? May kissing scene ba roon? Sa third spot naman ay ang binuong loveteam ng fans na KeyZen. This is me and Kaizen. Ganoon na sila kabaliw sa amin na may sarili na agad kaming fandom. "Pag pumasok sa showbiz si Kaizen, sigurado akong malalamangan niya agad si Raiden. Baka nga mas mahigitan niya pa at maagaw ang mga fans nito..." ani Cholo na kakaiba na ang ngisi sa akin. "Sumikat si Raiden dahil sa looks at dahil narin kay Kaedy. Nadiscover naman si Kaizen dahil sa'yo. Siguro kahit sabihin na nating nagbreak kayo ay nakay Kaizen agad ang buo nilang suporta at ikaw ang sisisihin nila dahil sinaktan mo siya." Tumaas na ang aking kilay. "I can stand out without Kaizen, Cholo. Sumikat ako—" "Sumikat ka dahil sa apelyidong dala-dala mo, Keyla. Pero kahit gaano ka pa kaganda kung wala kang connection sa showbiz ay hindi ka basta-bastang makakapasok lalo na kung wala ka namang talent..." "So you're saying wala akong talent?" Tumawa siya. "You're a well trained model because your mother wants you to be a model pero paano kung hindi ipinilit ng Mommy mo ang pagmomodelo? Anong talent na maipapakita mo kung ganoon?" Umirap ako. Ano ngayon ang pinupunto ng baklang ito. "Kaya nga marami kang bashers dahil tingin nila ay naging madali sa'yo ang lahat. Hindi mo pinagpaguran talaga na makapasok dahil may connection kana. Your bashers believe na wala ka namang talento sa pagmomodelo at kaya ka lang sumikat dahil sa legacy na nagawa ng Mommy mo. Pero kung hindi ka anak ng Mommy mo tingin mo magiging madali sa'yo ang lahat kahit na maganda ka, Keyla?" "Shut-up, Cholo." Umirap akong muli at kulang nalang ay sipain siya palabas sa aking service. This 27 year-old gay is getting on my nerves. "So kung gusto mong mapabango lalo ang pangalan sa industriyang ito, gamitin mo lahat ng alas na meron ka. Latching onto Kaizen will make you on top, Keyla... Believe me. Your Mom will going to be so proud of you..." Natutop ang aking bibig doon. Wala pa naman akong nagagawang tama sa industriyang ito. Palagi akong nasasangkot sa mga issue at ewan ko ba kung bakit ako palagi ang paborito ng mga bashers. Hinahanapan nila ako palagi ng butas kaya kaonting mali ko lang bigdeal na agad hanggang sa nasasanay na ang lahat. Until napunta ako sa pinakamalaki kong scandal sanhi para mahanap ko rin si Kaizen. I don't know if it's a blessing in disguise or what... Naging usap-usapan sa twitter ang in-upload kong picture namin ni Kaizen at ang nagaganap na shooting ni Kaedy at Raiden. This is her big break as an actress. Ito ang pinaka-unang bigscreen niya na siya talaga ang bida. Noon kasing nabuo ang loveteam nilang dalawa ay mas dumami na ang projects. I don't know how it happened pero bigla-bigla nalang silang pinagpapartner. Dahil narin siguro close si Raiden sa pamilya namin kaya kinilig agad ang mga fans pinasikat agad ang kanilang loveteam. Hindi na ako nagtaka noong pag-uwi ko ay walang katao-tao sa bahay. Tutok na tutok si Mommy sa shooting ni Kaedy at sumasama talaga siya. I never had a chance to invite her on my runway. Binigyan niya ako ng sarili kong manager which is si Cholo para may umasikaso sa akin maliban kay Kaedy na si Mommy talaga ang manager niya. Hindi naman ako nanglilimos ng atensyon pero aaminin ko na ang laki talaga ng inggit ko kay Kaedy. She has Mom's full support and attention. Nagtipa ako ng mensahe kay Raiden habang pumapanhik ako sa aking kuwarto. Ako: Hi. Goodluck on your shoot babe! I know you're busy and don't mind me. Bumuntong ako ng hininga. First boyfriend ko si Raiden at sa kanya ko nakuha lahat ng atensyong ipinagkait sa akin. I can't just throw him just because things are hard. I'm going to understand him. Maingay ang aking twitter at pinagkakaguluhan na naman ang aking post. Ipinost ko rin iyon sa aking i********: at minention ko si Kaizen. Binisita ko narin ang account niya at nagulat nalang ako lalo na't 50k plus agad ang naging followers niya. Wala pa nga siyang exposure sa tv ay ang rami na agad nababaliw sa kanya. Noong una kong tiningnan nasa mga 1k plus lang naman ang followers niya pero within two days after being exposed in social media nagdagsaan na agad ang followers. Cholo is right... Latching onto Kaizen will make me more popular. Mas maraming projects ang dadagsa sa akin dahil marami nang sumusuportang fans. Ako ang pinaka hatest model dahil sa dami ng bashers ko but now... in just a snap, people are getting to like me because of Kaizen. But anyway, I don't really care at all. Kung ako lang talaga ang masusunod ay idedespose ko na agad si Kaizen dahil ayaw ko rin siyang gamitin sa mga ganitong bagay kaso madadamay naman ang career ng kapatid ko at magagalit din si Mommy. And Kaizen understands my situation anyway so whatever. Humiga ako sa kama habang naghihintay ng reply kay Raiden. Nagbabaka-sakali ako na magreply man lang siya kaso mas dumating pa ang text message ni Cholo Cholo: May sched ka tomorrow. Rest, Keyla. We're going to have a long day. Hindi na ako nagreply pa. I'm going to be busy again... Busy si Raiden, busy ako. Busy kaming dalawa. Nagbeep ang aking cellphone. Akala ko ay si Cholo iyon pero hindi. It's Kaizen. Sumandal ako sa headboard ng kama at umayos ng upo. Anong kailangan niya? Binuksan ko ang kanyang text. Kaizen: Monthsary natin ngayon? Huh? Monthsary? Nagtipa ako. Ako: Wdym? Kaizen: ??? Napairap ako nang mapagtantong hindi pala ito marunong sa acronym. Ako: What do you mean? Mabilis siyang nagreply, tila nakatunganga lang rin sa kanyang cellphone. Kaizen: Nilagay mo rito na naging tayo noong October 1. February 1 ngayon kaya monthsary natin? Oh... Kinabisado niya pala talaga iyong mga pinaggagawa kong pakulo sa aming dalawa na incase mainterview siya ay parehas kami ng sagot. Nagtipa ako ng mensahe. Ako: Don't be so serious about it. Ginawa ko 'yan para lang sa makukulit na mga reporters. Pwede ka namang hindi sumagot just in case... Ilang sandali lang ay nagreply agad siya. Kaizen: Saan ba ang mas maganda? Sumagot o hindi sumagot? Napaisip narin ako. Does it really matter to him? Ako: Sumagot. Sa side ko hindi talaga ako sumasagot sa mga reporters because they're annoying. Pero sa side ni Kaizen mas better kung sumagot siya nang marealize ng fans na totoo ang sinasabi niya. Kabisado na ako ng fans na kung sasagot man ako ay pina sarcasm rin since I always diss my bashers. Nagreply agad si Kaizen. Kaizen: Magcecelebrate ba tayo ngayon? Natawa ako ng bahagya. Why is he so innocent? Biruin ko nga... Nakangisi akong nagtipa ng mensahe. Ako: Sige. Punta ka rito. Bring some flowers and chocolates. Nagreply naman agad siya. Hindi niya man lang ata pinag-isipan. Kaizen: Okay. Napakurap ako at humagalpak. Seriously... Napakamasunurin talaga! Nagtipa akong muli. Ako: I was just joking. Kaizen: Sige lang. Seryoso naman ako. Tumawa ako sa kanyang text. Seryoso ka saan Kaizen? For pretending as my social media boyfriend? Ako: Okay. I'll wait you. Binitiwan ko ang aking cellphone at nagpasya nang magbihis ng pambahay. I just wore a simple sando and pajama prints. Binura ko narin ang aking make-up at naghilamos. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at nagiging visible na ang aking freckles dahil sa pagkabasa ng aking mukha. Lumabas ako at kumuha ng malinis na towel saka ko pinunasan ang aking mukha. Naisip ko agad na kunan mamaya ng picture si Kaizen na bumibisita sa bahay para may mapost ulit ako. The bashers will surely hate me more because of their insecurities. Mabuti nang sila ang unang mamatay sa inis kaysa ako ang mauna. They will never affect me. I'll get on their nerves even more. Umupo akong muli sa kama at dinampot ang aking cellphone. I called Mom. Nakailang ring ito. Sa unang subok ko ay hindi agad niya sinagot kaya inulit ko ulit. Nakatatlong ring iyon hanggang sa sinagot niya na. "What is it, Keyla? I'm busy..." pagalit niyang sabi. Maingay ang background at naririnig ko ang boses ng kung sino na sumisigaw ng Take 4. "Um, gusto ko lang magpaalam na papapuntahin ko rito si Kaizen, Mommy. You know him naman 'di ba? Iyong sinabi kong—" "Yes... Yes. Papuntahin mo na. I'm busy, Keyla," mariin niyang sabi sa nagmamadaling boses. "Okay, sorry... Goodbye!" Pinatay ni Mommy ang tawag. Nagkibit nalang ako at nagpasya nang bumaba. Papalubog na ang araw noong dumating si Kaizen. Pinapasok ang kanyang sasakyan sa loob ng aming mansyon lalo na't may permiso rin ni Mommy. Paglabas ko, bumungad siya roon sa may veranda dala-dala ang mga sinabi ko. "Wait! Kukunan kita ng picture," sabi ko at dali-daling sinet-up ang camera. He stood there patiently, staring at me while I'm taking him some pictures. The sunset on the background made him like a silhouette while he's holding the bouquet of roses and some chocolates. Gumamit rin ako ng flash nang kinunan ko siyang muli para mas maging malinaw siya. He smiled a bit at me at nagawa pang kagatin ang pang-ibabang labi na tila ba nahihiya siya. Iyon iyong klase ng ngiti na kahit tipid lang ay makikita mo ang pangingislap sa kanyang mga mata. He's really attractive... "Boyfriend material." Tumawa ako pagkatapos ko siyang picturan. Sinenyasan ko ang katulong na kunin iyong dala ni Kaizen. Ibinigay niya naman iyon ng maayos saka ko ipinakita sa kanya ang mga nakuha kong pictures. "Look... Ang galing kong photographer 'di ba?" Tumango siya at ngumiti. "Ipopost mo sa i********: mo?" tanong niya. "Yes. Para makita ng bashers na masaya tayo." Malawak na ang aking ngisi habang nagtitipa ng pangcaption sa IG. Sumilip narin si Kaizen. Amoy na amoy ko na naman ang kanyang pabango at nakakadistract talaga iyon. Nagpatuloy ako sa pagtipa. Aww, he remembered our Monthsary! Thank you :* Ipinost ko agad iyon kasama ang dalawa niyang picture. Nang mamataan ko ang katulong ay tinawag ko pa ito para kunan kami ng picture ni Kaizen lalo na't ang ganda narin ng sunset sa aming likuran. Nagtatalo ang kulay orange sa pulang langit at may humahalo ring yellow doon. Niyakap ko sa gilid ang beywang ni Kaizen na ikinagulat niya. Ngayon na hindi ako naka heels ay hanggang balikat niya lamang ako kaya tiningala ko siya. "Do something sweet, Kaizen," sabi ko habang nakangiti na ikinagulat niyang muli. "Anong gagawin ko?" he asked while blushing. Nagkibit ako. "Ikaw..." Yumuko siya at bigla akong dinampian ng halik sa aking noo na ikinagulat ko. Natuliro ako ng ilang sigundo dahil sa pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. Ang aking tiyan ay parang hinukay dahil sa pakiramdam na iyon at hindi ko maipaliwanag ang pumapapaibabaw sa aking emosyon. Mabilis akong lumayo sa kanya. Nagulat siya sa aking ginawa pero nakabawi rin naman siya at kinalma na ang ekspresyon sabay bulsa ng mga kamay. Namumungay ang kanyang mga mata habang ako itong kumukurap-kurap pa. "Oh... That's... That's sweet!" Tumawa ako ng medyo awkward. Tahimik niya lang naman akong tinitingnan, tila tinitimbang lang ang aking ekspresyon. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan ang aming katulong na tila naguguluhan sa cellphone ko. "Ma'am... Mukhang navideo ko ata..." Nagkamot siya ng ulo na ikinatalim ko agad ng tingin. "Ano? Dapat picture!" Naiinis akong lumapit sa kanya at hinablot ang aking cellphone. "Pasensya na, Ma'am... Nacarried away ako sa panonood sainyo... Pero ang ganda po noon!" aniya. Umirap ako habang kiniclick iyong gallery ko. Video nga at mukhang hindi lang simpleng video iyon kundi iyong slow motion pa! "Dapat hindi video!" inis kong sabi at p-in-lay iyon. Sa 8 seconds ay nakuha ang pagyakap ko kay Kaizen, kung paano ako tumingala habang nakangiti at may sinasabi sa kanya. Kaizen looked shock at namumula ang pisngi hanggang sa nagslowmo at hinalikan niya ako sa noo. I've seen how my smile faded at nafocus pa sa sunset sanhi para maging silhouette kaming dalawa pero malinaw doon kung paano niya ako hinalikan sa aking noo. "Oh 'di ba, Ma'am! Ang sweet niyong tingnan!" ani Aling Nena. Ngumuso ako at sumulyap kay Kaizen na tahimik lamang na nakatitig sa akin. Ang guwapo niya rito sa video... Sobrang perfect niya kahit na half profile lang ang nakita ganoon din ako. He looks so perfect... "Fine. Ito nalang ang i-uupload ko." Nag-iwas ako ng tingin kay Kaizen at bumuo na ng caption sa aking ig. Ilang sandali akong tumitig roon pero wala akong maisip na caption. Ganoon na ako kablangko na ang tangi ko nalang kinlick ay mga emoji na puso. Hindi matanggal-tanggal sa aking isipan ang video na iyon kahit na ilang minuto na ang lumipas habang nanatili kami sa veranda. May mga inilapag nang pagkain ang katulong at kumakain naman si Kaizen na nakapwesto sa aking harapan habang ako itong nakahalukipkip at nakapatong ang isang hita sa isa pa. "Is this really your first time kissing someone?" tanong ko at napisil ang aking labi. Tumango naman siya. "Bakit?" Nagkasalubong ang aking kilay. Eh ba't parang magaling siyang magbigay ng kakaibang pakiramdam? He can handle a girl very well. Or baka naman... Ako lang itong binibigdeal ang ginawa niya at ako lang ang nakaramdam ng kakaiba? No! I am loyal to Raiden and this is just a media exposure. I am aware with my feelings. I am not crushing on him. Umiling ako. "Nevermind." Kumunot naman ang kanyang noo at tila nacucurious na. Tuluyan nang kinain ng dilim ang paligid hudyat na gabi na and he's still here. I can even smell his scent on me. Dumikit ata iyon sa akin noong niyakap ko siya kanina. "Bakit? Ayaw mo ba sa ganoon? Dapat ba... sa..." Napatingin agad siya sa aking labi. Mabilis akong umiling. "No. We can't kiss. Hindi naman tayo, Kaizen. We're just acting, you know..." Hinaplos ko ang aking buhok at ngumisi. Natutop ang kanyang bibig at tumango. Dinampot ko nalang ang aking cellphone na sobrang ingay na at sinilip ang aking social media. Nagulat ako sa views ng video. Nasa mga 50k views na agad iyon sa loob ng kalahating oras at nadagdagan pa sa bawat pagtakbo ng oras. Woah... Kaizen is really something! Ngumisi ako nang makitang trending ulit kami sa twitter na may hashtag na #KeyZenKissOntheForehead. Sa ikawalang spot naman ay ang #KaizanLipPiercing. Nagtrending rin iyong upload ko kanina noong nasa Restaurant kami dahil naexpose ang piercing niya sa labi. "You're so famous! Ang rami mong fans," gulat kong sabi sa namamanghang boses. Nagpatuloy ako sa kakascan habang kumakain siya at sumusulyap sa akin paminsan-minsan. Kinuha ng pagbukas ng gate ang aking atensyon at pumasok ang isang pamilyar na kotse. Napatayo agad ako lalo na't kabisadong kabisado ko kung kanino ang kotse na iyon na kahit ang aking cellphone ay nabitiwan ko na sa inuupuan ko. Huminto iyon at naunang lumabas si Raiden sa driver's seat saka mabilis na umikot patungo sa front seat. Pinagbuksan niya ang kapatid kong matamis ang ngiti sa kanya. Oh my God he's here! My boyfriend is here! "Raiden!" sigaw ko sa sobrang excitement at napatakbo na sa kanilang kinaroroonan. Napawi ang kanyang ngisi at napalingon sa akin habang si Kaedy naman ay nagulat. "You're here!" sigaw kong muli at tuluyang niyakap si Raiden nang makarating na ako sa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD