1

3043 Words
Viral Panay ang pagring ng aking cellphone sanhi para magising ako. Kinuha ko ang suot na sleep mask at humikab. Nakita ko ang 10:09 AM na oras sa bed side table ko at kumikirot rin ng kaonti ang aking ulo dahil sa bahagyang paggalaw ko nang inabot ko ang aking cellphone. What did I do last night? Ang sakit ng ulo ko... Bumangon ako ng kaonti at sumandal sa headboard. Tiningnan ko ang screen at ang rami na palang missed calls ni Cholo roon. May text rin siya kaya iyon ang binuksan ko. Cholo: You're viral again. Oh... Expected. Mabilis akong nagtungo sa aking social media account at bumungad nga sa akin ang mga stolen photos ko kagabi na may hinalikang lalake at may mga videos rin na nagleak kung paano ako binuhat ng lalake papunta sa kanyang kotse. I can't see the whole face of the guy lalo na't nakaside view siya noong hinalikan ko at kalahati lamang ng mukha ang nakita. Hmm, he has a nice angular jaw! And I like his hair... his style of clothing plus the proportion of his body. He's lean and tall. Matangos ang ilong at may kaputian. I smirked. Buti nalang pala at kahit lasing ako kagabi ay matino parin ang nabingwit ko. Binaha na naman ng notifications ang aking social media. Dumadagsa ang mga tao sa last photo na uploaded sa aking i********: at panay comment doon. leynasanchez: Ilang months na kayo ni Kaizen? loraneil: Baka naman tinatakpan lang ang issue? chanloren: Ang gwapo ng boyfriend mo! chinchin: Model rin ba si Kaizen? Parehas kayo ng agency? lili: To be honest mas gwapo pa si Kaizen kaysa kay Raiden. No hate. Tumaas ang aking kilay roon. Mas gwapo kay Raiden? Is this a joke? Raiden is very handsome. Kaya rin siya mabilis na nakakahakot ng fans dahil sa angking kagwapuhan. Napaka perfect ng mukha niya, sa buhok niyang may pagka maalon, sa tangos ng ilong, sa perpektong panga, sa tindig, sa kabuuan ay laglag panga ka talaga. I don't think someone will top him for being the most handsome men for me. I disagree with her. So his name is Kaizen? Maraming leaked na accounts noong lalake kaya mabilis kong nahanap ang kanyang IG. Hmm... Kaizen Red? I browse some of his photos since ang mga recent post niya ay mga kung ano-ano lang. Nadismaya ako ng husto nang wala man lang pictures doon! Meron man pero nakatakip rin ng kamay ang kanyang mukha. God! What's his face? I badly want to see it. Nagtungo rin ako sa twitter at trending nga si Kaizen! Siya ang halos nasa list! #Kaizen #GorgeousKaizen #KaizenOrRaiden #HotKaizen The f**k? Where's my name on it? Ako ang nagpaviral pero ang pangalan ko ang wala! God! Mabilis akong nagpost lalo na't ang rami nang tweets ng mga fans. I need to post something... nice. Luckiest girl! Ngumisi ako sa simple kong post na mabilis agad dinagsa. Puro na naman sila Kaizen Kaizen at walang bukambibig kundi iyon lang. Why are they so hype up with him? Tumawag muli si Cholo kaya sinagot ko na. Humalukipkip ako. "Yes Cholo. Kakagising ko lang-" "Omg girl! You latched onto someone who's very gorgeous last night! Ang guwapo noong Kaizen!" Tumili si Cholo. Mabilis kong nailayo ang aking cellphone sa aking tainga at napangiwi. Ang tinis tinis ng boses niya kumpara sa nagdaan na araw na lumalabas ang baritonong boses pero ngayon... tumitili siya! Ganoon ba talaga ka... good looking? "Shut-up, Cholo. No one can beat my Raiden when it comes to-" "No you shut-up, Keyla. If you don't like Kaizen then you need to raise your standards! Hindi mo ba natitigan ng maayos ang nabingwit mo kagabi?!" Okay... Ngayon ay kinukwestyon niya na ang taste ko sa lalake. Noong nalaman niyang boyfriend ko si Raiden ay sinabihan niya akong napakaswerte ko at girlfriend ako ng nag-iisang Raiden Chavez. Ngayon na lumutang iyong Kaizen na inanunsyo kong boyfriend para lang sa isang media play ay kinukwestyon niya na ang taste ko! What kind of sorcery is this? I'm sure nakapagbackground check siya sa Kaizen na iyon... Nangati na ata si Cholo at pupunta na talaga rito sa bahay dala-dala ang kanyang mga impormasyon. I stopped from browsing my media accounts. May text rin pala si Raiden na ikinagulat ko pa. Raiden: Who's Kaizen? God... My baby is jealous! Kasalanan talaga ito ni Cholo! Siya ang nakaisip ng planong ito! Nagtipa ako. Ako: H'wag kang magselos. Pakulo lang iyon para malipat ang atensyon ng fans at masave kita sa issue. I'm sorry if I caused trouble. I love you :( Hindi nakareply agad si Raiden. Lumabas ako ng kuwarto. Nagsulyapan agad sa akin ang mga kasambahay. "Handa na po ang breakfast niyo sa baba Ma'am Keyla..." Isa sa mga katulong. Tumango ako. "And please include some meds for my hangover," sabi ko. "Sige po..." Mabilis agad itong kumilos pababa ng second floor. Tumigil ako sa may fence at dumungaw roon sa ibaba. Is my Mom around? I'm sure nakarating narin sa kanya ang viral videos and since it's trending I'm sure she already knows about it. "Nasaan si Mommy?" tanong ko sa namataan kong kasambahay nang bumaba ako. "Sinamahan niya po si Kaedy sa isang Morning Show sa tv, Ma'am..." Oh... May guesting pala ngayon si Kaedy? She's probably with Raiden. Umupo ako sofa at ipinatong ang aking hita sa isa pa. Ang kasambahay ang nag on ng tv para sa akin. "Dito po ba kayo magbi-breakfast, Ma'am?" Tumango ako. "Yes. Just place it on the table," sabi ko. Tumango rin naman ito at umalis na. Timing ang pag on ng tv at nasa isang Morning talk show agad iyon. Mukhang papatapos na ata dahil sa oras pero may naabutan pa naman ako. Nagtitilian ang mga naroon habang ngumingisi naman si Raiden na nakayuko at hawak ang mic suot ang isang black tshirt na panloob at denim jacket, dark pants plus a black shoes. He really looks like a badboy in his image idagdag pa ang isang piercing sa tainga. His wavy hair is perfectly fix at halos tumagal ang titig ko sa kanya kung hindi lang inilipat ng camera man ang spotlight sa kapatid ko. Kaedy, wearing an offshoulder mustard dress, she really looks amazing on her fresh look lalo na't naka high ponytail pa ang kanyang buhok at lumilitaw ang kaputian lalo na't sobrang kinis ng kanyang maaliwalas na mukha. Her eyes were sparkling as she smiled sweetly. Ano bang tanong? Bakit ganiyan ang mga ngitian nila? "Umamin na kasi kayo..." sabi ni Lara, isa sa mga sikat na showbiz pagdating sa isang talk show. "Sa ngayon... We're good friends po," sagot ni Kaedy at tiningnan si Raiden na may hindi mabura-burang ngiti. Hinaplos ni Raiden ang buhok at bahagyang natawa. Umahon siya sa pagkakayuko at bahagyang inilapit ang mukha kay Kaedy para bulungan ito sanhi para magtilian ang mga manonood. Tss... Para lang naman iyan sa promotion ng kanilang loveteam. There's nothing to get jealous, Keyla... Their fans are just oa. Ni minsan hindi naman talaga ako nagselos sa nangyayari sa kanila sa camera dahil ang behind the scene naman noon ay ako lahat ang nakakaranas ng sweet moments na ginagawa ni Raiden para kay Kaedy. We're even kissing and such! I'm cool with it since para rin naman iyan sa mga ikakabango ng pangalan nila sa showbiz. They need to get the fan's attentions so kung ano ang gusto ng fans ay iyon ang kini cater nila. May nagdoorbell na kaya nalihis ang aking atensyon. Tumayo ako. Pinatay naman ng kasambahay ang tv. Ang nakangising si Cholo agad ang sumalubong sa akin. Ibang iba ang ngisi niya... Parang tuwang-tuwa talaga siya sa mga nakalap niyang balita. "Sa may pool area nalang tayo," sabi ko at nagtungo palabas ng pool area. Inutusan ko nalang ang kasambahay na doon dalhin ang aking breakfast at dalhan narin ng kape si Cholo. Pagka-upo namin ay tumiling muli si Cholo, halos ipangalandakan na sa akin na baklang-bakla talaga siya. Sumandal ako sa aking upuan at ipinatong ang aking hita sa isa pa habang nakapatong rin ang aking mga bisig sa magkabilang balikat ng upuan. "Hindi basta-basta ang nabingwit mo, Keyla!" Manghang-mangha niyang sabi. "Bakit? Sikat iyon na model? I never heard his name in the model industry-" "Hindi siya modelo at nag-aaral palang ng kolehiyo. Graduating na ang gwapong si Kaizen this year..." aniya habang binubuksan ang inilapag niyang folder sa mesa na dala-dala niya. May ibinigay siya sa aking picture. Kinuha ko iyon at tumaas agad ang aking kilay sa seryosong mukha ng lalake. Is this an Id picture? Wala ba iyong mas detailed ng kabuuan niya? "He looks-" I trailed off. "May picture ka pa bang iba?" Tiningnan ko siya. "Wala na. Pero ang real topic dito ay ang background ni Kaizen!" Mas lumawak na ang kanyang ngisi. Inilapag ko ang picture at nilingon ang kasambahay na may dalang tray at papunta na rito. "He's the son of a retired model, Keyla!" Napabalik ang tingin ko kay Cholo. May inilabas siyang panibagong picture. "Do you know Miel?" Miel? Umiling ako. I can't recall... May ibinigay siyang panibagong picture sa akin. Isa iyong babae na may foreign features at modelo ata. Ni hindi ko na sinulyapan ang pagkaing inilalapag ng katulong sa mesa dahil natuon na ang aking mga mata sa picture. Okay? She's very pretty. "That's his Mom. Ellie Klaire Fortalejo, retired model in America. Hindi lamang iyon, Vincent Fortalejo, her cousin, ay naging model rin ng Calvin Klein!" Wow... I'm not expecting that one... May ibinigay siyang panibagong picture sa akin. Ngayon naman ay pamilyar sa akin ang babae. This is Lisanna, modelo ng bench. If I'm not mistaken... "Pamilyar ka ba sa kanya?" Tumango ako. "Lisanna?" "Correct! At kapatid siya ng ama ni Kaizen!" At binigyan ako ng panibagong litrato. "Iyan naman ang ama niya. Wala iyang background sa pagmomodelo pero nakakalaglag panty ang mukha, Keyla! Halos carbon copy ni Kaizen ang kanyang ama! Bawat anggulo... Magkamukhang-magkamukha sila!" Kinuha niya pa iyong picture ni Kaizen at itinabi sa ama nito. His Dad is very... very goodlooking! Sa edad kong 18, bigla akong nagka crush sa 40 plus na lalake na mukhang nasa 20's lang! Seryoso ang mukha nito sa suot na corporate attire. Ilang minuto ko iyong tinitigan kung hindi lang talaga kinuha ni Cholo sa akin ay hindi na ako kukurap. "Kaizen is still young kaya siguro soft features palang pero alam mo na kung ano ang magiging hitsura niya pag sobra nang naging mature!" Ngumisi siya sa akin. Nahipo ko ang aking noo. "Okay enough with the info's... Kanina mo pa pinagyayabang si Kaizen sa akin. Wala ba akong sched ngayon? Wala akong photoshoot?" Ginalaw ko na ang pagkain. Umiling siya. "Wala kang schedule ngayon pero ikaw ang main topic ng social media. You're getting lots of attention because of your so called 'boyfriend' Keyla." Sumubo ako. "So?" Napairap siya. "Di mo talaga gets! Nasa sa'yo na ang spotlight! Everyone's curious about you and Kaizen! The fans want some sweet interactions!" Naningkit agad ang aking mga mata roon. Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang aking bibig. "No! Raiden is jealous! He texted me at nagtatanong siya tungkol sa Kaizen na iyan! I need to stay away from him or at least avoid him!" Nalaglag ang panga ni Cholo. "You can't just dispose Kaizen, Keyla. You need to latch onto him more for the sake of your fame. Ang laki ng naitulong niya sa'yo at wala pang isang araw ay nagka crash na agad ang twitter dahil sa viral video niyo! This is the first time you earned good comments  so you can't just walk away from this. You need him-" "Oh God, Cholo! Mag-aaway kami ni Raiden pag humarot ako sa ibang lalake! I don't want him to get mad at me!" Nahipo ko na ang noo ko. He's stressing me out! "And the hell with good comments? Mas sanay na ako sa pangit na opinyon ng bashers sa akin dahil doon naman ako mas napapansin. I don't care if they hate me because I know they're just insecure for being not me." Umirap ako. Nakailang buntong hininga na si Cholo at halos magkasalubong na talaga ang kilay sa isa't isa. "Makinig ka nga muna ng mabuti, Keyla. Hindi mo naman literal na lalandiin si Kaizen. Just feed the fans! Upload some photos together... Make them see that you two are doing great just like what Raiden and Kaedy." Napairap na ako ng husto. Ayoko parin! Ayokong magselos si Raiden. Ayokong magalit siya sa akin. Ayokong may pag-awayan kami ng boyfriend ko. No. No. No! "No, Cholo." I sipped on my coffee as I eyed him. Dumaan agad ang inis sa kanyang mukha. Kunwari pa talaga ang baklang ito! I'm sure siya ang may mas pagnanasa sa Kaizen na iyon kaya he wants him around with me para palagi niya ring masilayan. Inilapag ko ang mug. Sumandal akong muli sa upuan at humalukipkip habang nagkokontrol pa si Cholo na h'wag sumabog. "I latched onto him last night to fix my issue, Cholo. And yes, I suceeded... Nakalimutan na nila iyong viral photos ko sa condo ni Raiden kaya tama na iyon. Papalabasin ko nalang na private ang relasyon namin ni Kaizen at ayokong nagpopost-" "Alam kong hindi ka nag-aral to pursue modelling pero h'wag naman masyadong bobohan, Keyla." His eyes sharped at me. "Hey! Aren't you aware of homeschool?!" At nastress narin ako. "And I'm not bobo." Natampal niya na ang kanyang noo. "Just this once... Stop being so bratty and think about your career! This is your chance, Keyla. The fans love Kaizen so you need to feed them more for your own popularity. Makukuha mo ang atensyon ng mga malalaking brands dito at dadami ang projects mo lalo na't the fans love you. Pag gusto ka ng fans, gusto rin nila ang bawat commercial mo. They will buy the products you're using and you will get more supports. Always remember... Fans can make you famous and a famous name will always make a good money." Napatitig ako kay Cholo. I get his logic but I'm really concerned with Raiden getting jealous right now. Pag kami nagbreak I'm surely going to quit on modelling! "Have you forgotten that we're rich, Cholo? And I don't need Kaizen to gain more popularity. Alam mo naman sigurong kaya ako nakapasok agad sa modelling dahil sa connections ni Mommy sa showbiz. And latching onto someone who's not my type is very..." Ngumiwi ako, hindi na halos maisatinig ang nasa isip. Sigurado akong puputok na ang ugat ni Cholo sa katigasan ng aking ulo. Umiling ako sa kanya. "Ewan ko talaga sa'yo Keyla! Hihintayin ko nalang siguro na ang Mommy mo ang kumausap sa'yo nang sumunod ka agad." Kinabahan ako roon. I don't know if Mom is agree with this. But I'm sure for her Cholo has a point... Nanatili akong nakahalukipkip. This is so stressing... Why do I need to feed the fans? I am already popular and I am not an actress to promote myself! Modelo ako. "Di mo talaga gets ang showbiz." "Gets ko, Cholo. If you have a good connection in showbiz then madali kang makakapasok. Remember Irah? That girl who became a model for being famous when she was little because of her Mom's viral photo with her on the airport? Nakuha ng Mommy niya ang atensyon ng media dahil anak siya ng isang politician at nasabit narin si Irah kaya nakilala at sumikat. But without her connections, I don't think it's going to be easy for her at ganoon rin sa akin, Cholo. I am the daughter of Lucille Rocales, the retired actress so people will still recognize me because of my Mom's legacy in showbiz." "Your Mom's 'legacy' not yours, Keyla. At baka nakakalimutan mong hindi ikaw si Kaedy. You don't even look like your Mom and you always cause issues in showbiz kaya mas gusto nila si Kaedy dahil iyon ang sumusunod sa yapak ng iyong ina." My shoulder loosened. He made me shut-up with that. Cholo stared at me. Ang baklang alam na alam ang kahinaan ko. "Kaedy gains attention because of her good acting skills while you gain attention because of issues. A bratty model... No wonder your Mom put you in this spot because she knows you're not good at-" "Stop." Mariin ko na siyang tiningnan. Tumayo siya at pinagkukuha ang mga pictures para ibalik doon sa folder. Tahimik ko siyang sinulyapan. "Tawagan mo nalang ako kung nagbago na ang isip mo. Alam ko namang sa akin ka parin tatakbo pag pinagalitan ka ulit ng Mommy mo," he said coldly. Hindi ako kumibo at tiningnan siyang naglalakad na palabas habang hinahatid ng kasambahay. Ibinaling ko ang aking mga mata sa kumikinang na tubig ng pool dahil sa pagtama ng init na araw roon. Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay pinapamukha sa akin ang mga bagay na alam kong hinding hindi ko makukuha. At alam kong ginagamit iyon ni Cholo sa tuwing masyado nang matigas ang ulo ko. I just hate it... I feel so... so outcast. I am aware Mom's favorite is Kaedy. Pumasok ako sa modelling dahil iyon ang gusto ni Mommy kahit ang gusto ko naman talaga ay mag ballerina nalang. She told me it's nonsense since wala naman akong mapapala roon unlike showbiz. I agreed with Mom since parte rin ng showbiz si Raiden. Kaedy wants to be a good actress like Mom since she was a kid kaya rin suportadong suportado niya ito. Siguro kung pinangarap ko ring sumunod sa yapak niya, makukuha ko rin ba ang buong suporta niya? I don't think so... Ipinahinga ko muna ang aking isipan sa pag-iisip ng kung ano-ano. Naligo ako para lumamig ang aking ulo at nagbrowse ulit sa internet. Keyla is spotted on a Bar kissing her rumored boyfriend named 'Kaizen.' The fans were getting crazy on her boyfriend's look. Read the full article on this link to know more. Iyon ang nakasulat sa nadaanan kong article. Hindi namamatay ang issue at sa bawat paglipas ng oras ay mas lalo lamang iyong nakakakuha ng maraming atensyon. The people are so hype about Kaizen and I'm sure they'll make him famous. If I were him I'm not going to enter showbiz. Para narin siyang pumasok sa isang magandang palasyo pero may digmaang nagaganap sa labas. Nagtext ulit ako kay Raiden. Ako: Galit ka ba? :( I sighed heavily. I don't care about my popularity and the hell I care with the fan's opinion. Cholo is just very insensitive. Hindi niya alam na mahirap sa akin ang ganoong bagay lalo na't ayokong magkaproblema kami ni Raiden. Kung alam ko lang na mangyayari ito, di ko nalang siya pinuntahan sa condo niya. Dapat ay naghintay nalang akong dalawin niya ako sa bahay lalo na't wala namang issue roon at mas lalo pang nagwawala ang fans niya sa kilig dahil sa pag-aakalang si Kaedy ang kanyang binibisita. Nagtipa ulit ako ng mensahe kay Raiden. Ako: Sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD