Curious
"I miss you!" sabi ko habang mahigpit na niyayakap si Raiden.
Dumako ang kanyang kamay sa aking beywang at pumulupot narin doon habang tumatawa.
"Miss you too..." sabi niya sa kalagitnaan ng tawa.
Parang nakalimutan ko na lahat lahat at ang nangingibabaw nalang ay ang nararamdamam kong saya. Amoy na amoy ko si Raiden at hindi mabura bura ang aking ngiti.
"Keyla... May bisita ka... Iniwan mo," ani Kaedy sanhi para mapabitaw ako sa pagkakayapos kay Raiden nang maalala ko si Kaizen.
Humiwalay ako. Ngumiti sa akin si Raiden at hinawakan ang kanyang buhok. Si Kaedy naman ay nag-iiwas ng tingin at nasa veranda ang mga mata.
"Nandito kana pala? Akala ko may shoot ka..." ani Kaedy.
Umiling ako. "Nope... Nagsign lang ako ng contract sa isang brand. May new project ako," sabi ko at tiningnan muli si Raiden.
He's wearing a leather jacket and black tshirt right now paired with some leather pants and boots. Sobrang gwapo niya sa aking paningin habang si Kaedy ay nakayapos ang buhok at naka dress. May napansin ako sa may parte niyang leeg pero agaran niyang hinaplos kaya natakpan.
"H'wag muna si Raiden ang asikasuhin mo, Keyla," aniya at seryoso akong tiningnan.
Nilingon ko si Kaizen sa veranda. Tanging likod niya lamang ang nakabalandra rito lalo na't nakatalikod siya. Well, he's aware about me and Raiden...
"Your sister is right. Asikasuhin mo muna and we'll talk again later," si Raiden naman.
Tumitig muna ako sa kanya. He smiled at me at hinawakan ang aking baba.
"Sige na." Tumawa siya.
Ngumuso ako at tumango.
"Okay..."
Pero bago pa man ako makabalik sa veranda ay napasinghap na si Kaedy. Kitang kita ko kung paano unti-unting lumaki ang kanyang mga mata kaya sinundan ko ang kanyang tingin.
Naglalakad na si Kaizen patungo sa aming dako dala-dala ang seryosong mukha.
"S-Siya ba iyong Kaizen?" si Kaedy na halos matulala nalang.
Tumango ako at ngumisi. I think nagwapuhan siya. Si Raiden naman ay nagkasalubong ang kilay at nakay Kaizen nalang ang tingin.
"Keyla," tawag ni Kaizen kaya lumingon ako ulit sa kanya.
"Hmm?"
"Aalis na ako. Gabi narin kasi..." sabi niya at hinaplos ang batok, hindi makatingin ng deritso.
"Oh... Okay! Wait. Kaizen... This is Raiden, my boyfriend... And Kaedy, my sister," pagpapakilala ko.
Dumako ang tingin ni Kaizen kay Raiden. Siya ang una niyang tiningnan kahit na naglahad na ng kamay si Kaedy.
"Hi..." ani Kaedy sa marahang boses.
Ngumiti ng tipid ni Kaizen sa aking kapatid at tinanggap iyon. Kaedy blushed, halos matulala na naman kakatitig sa mukha ni Kaizen habang nakaawang ng kaonti ang kanyang labi.
Si Kaizen ang unang bumitaw at ibinulsa ang kamay saka niya ulit inilipat ang tingin kay Raiden.
"Sup dude..." ani Raiden at inakbayan ako.
Napunta ang tingin ni Kaizen sa kamay ni Raiden.
"Balita ko ikaw ang ginagawang boyfriend ng girlfriend ko sa social media?" si Raiden.
Tiningala ko si Raiden. Nakakaloko ang kanyang ngisi at hindi in a friendly way.
"Mabait si Kaizen," sabi ko.
"Keyla... Alis na ako," tanging sabi ni Kaizen, hindi pinansin ang sinabi ni Raiden.
Tumango agad ako at nginitian siya.
"Bye..."
"Bye..." si Kaedy.
Tumango siya at binasa ang labi, ganoon rin ang lip piercing na natamaan saka naglakad patungo sa kanyang kotse. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan siyang nakapasok at nagstart na iyon.
"Yabang," galit na sabi ni Raiden kaya napatingala agad ako sa kanya.
"Huh?"
"Ang yabang niya. Baka ginagamit ka lang noon Keyla. Purket sumisikat sa social media kung makaasta..." Lumukot ang ekspresyon ni Raiden.
Tumawa ako at sinapak ang kanyang dibdib ng marahan.
"Kaizen isn't like that. You're just jealous!" Ngising aso na ako sa kanya.
Nagkakasalubong parin ang kilay ni Raiden, marahil ay naoffend lalo na't hindi pinansin ni Kaizen kanina. He's just shy, probably...
"And to tell you, ako ang gumagamit sa kanya, Raiden," sabi ko pa.
Nalihis rin naman ang tingin ni Kaedy na sinusundan rin ang kotse ni Kaizen saka napunta sa akin.
"Bagay siyang mag-artista," ani Kaedy.
Tumango ako, sumasang-ayon sa kanya.
"Kaso Kaizen is focus on his studies. Kanina nga tinanggihan niya iyong offer na contract sa kanya na modeling. He doesn't like showbiz." Nagkibit ako.
Nagulat si Kaedy roon.
"Tss... Ngayon lang 'yan. Hindi pa nga nagkakaproject parang yumayabang na paano nalang pag tuluyan nang lumaki ang ulo," si Raiden na nasa mukha parin ang galit.
Tumawa ako at hinaplos ang aking buhok.
"Will you stop judging him? He's nice..."
Inalis niya ang kamay niyang nakaakbay sa akin kanina at ibinulsa nalang.
"Uh, Rai... Bihis muna ako, Keyla..." si Kaedy.
Tumango ako sa aking kapatid hanggang sa nakita kong muli ang pantal sa kanyang leeg.
"What's that, Kaedy? Is that a hickey?" Itinuro ko ang kanyang leeg.
Nagulat siya at mabilis na hinaplos ang leeg.
"Ah... Ito ba?" Huminahon ang kanyang mukha. Si Raiden ay nakatitig narin sa kanya.
"Nasa scene kasi kanina... Make-up lang 'to. Nakalimutan kong burahin. Sige... Bihis muna ako."
Tumango ako sa kanya. Nagtungo rin si Kaedy saka sinalubong ng katulong at kinuha ang kanyang dalang bag at paperbag. Tiningala ko si Raiden na naka half-open ang labi habang nakatingin sa likod ni Kaedy.
"Nasaan si Mommy?" tanong ko kaya nalaglag ang tingin niya sa akin.
"Ah... May kakita siyang friend niya kaya nagdinner muna silang dalawa at pinauna na kami ni Kaedy rito," sabi niya.
Tumango ako at ngumisi rin naman. Niyakap ko siyang muli.
"You're not replying on my texts!"
Tumawa si Raiden.
"I'm busy. I'm sorry..." saka niya hinagkan ang aking pisngi.
Tumango rin naman agad ako, ayaw nang mag-inarte pa. Nagtungo kami sa veranda at doon pinagpatuloy ang pag-uusap. Umupo ako sa kanyang kandungan habang nakahawak naman siya sa aking beywang.
"May kissing scene kayo ni Kaedy?" tanong ko agad habang ang aking kamay ay nasa parte ng kanyang batok at hinahaplos pataas ang kanyang buhok.
Tumango siya.
"Yes... Are you..."
"Jealous?"
He licked his lip and nodded again. Umiling ako at tumawa.
"I'm cool with it, Raiden. You know me... Understanding ako."
Ngumisi siya. "Ang swerte ko naman at may understanding akong girlfriend," aniya at hinawakan ang aking baba.
I smiled cutely at him. Iyon nga lang, bigla nalang dumaan sa aking isipan ang sinabi ni Kaizen. He doesn't like understanding girlfriend. Gusto niya... Iyong selosa. Saan ba ang may mas magandang taste?
"Akala ko talaga galit ka," sabi ko.
"Bakit?"
Nagkibit ako. "You're not replying and... about the issue."
"Busy lang talaga ako, Keyla." Lumandas ang kanyang kamay sa aking likod. "Babawi rin naman ako."
Tumango ako. "I understand, okay? Ang mahalaga hindi ka galit sa akin." I kissed his cheek.
Ngumisi siya. Ngumiti rin ako.
Siguro tama si Kaizen. I am not Raiden's top priority. Career niya ang priority niya sa ngayon pero alam ko namang babawi rin siya. I want to support him because I am his girlfriend at alam kong masaya naman siya sa ginagawa niya. I don't want to be unfair. Ayokong masyadong maging clingy at ako pa mismo ang hihila sa kanya pababa dahil lamang sa pagseselos ko. And I trust my sister. I trust them both. Kaya rin siguro ganito ako kakampante. At wala ring maidudulot na maayos ang pagseselos. I don't want to upset Raiden.
Nakontento ako sa kaonting oras ng pag-uusap namin. Umalis rin naman siya pagdating ni Mommy. Gusto ko sanang makipagkwentuhan kay Kaedy kaso maaga rin itong natulog dahil may shoot ulit bukas.
"Pupunta ba ngayon si Kaizen?" tanong ni Cholo sa aking gilid habang mini-make-up-an ako ng make-up artist.
Tiningnan ko siya sa salamin.
"Not sure... But I can text him," sabi ko.
Noong umuwi rin kasi siya kahapon, hindi na nagtext. Hindi narin ako nagtext lalo masyado akong masaya sa pag-uusap namin ni Raiden. Naging occupied agad ang isip ko.
"Nakita ko 'yung video mo sa IG. Ang guwapo talaga ng batang 'yon..." ani Cholo, tila nagdidaydream na.
"Bumisita kagabi si Raiden sa bahay," pag-iiba ko ng topic.
Kumurap siya at umayos sa pagkakatayo. Ang mukha ay naging interesado agad.
"Oh? Anong sabi?"
"He's not mad. Iyon nga lang, mainit ang dugo niya kay Kaizen..." I chuckled. "Seloso..."
"Seloso ba si Raiden?" Tumaas ang kanyang kilay.
Tumango ako. "Oo. Seloso si Raiden pero hindi masyado? Sakto lang."
"Sabagay, hindi ka naman selosa..."
"Saan naman ako magseselos? Sa mga immature fangirls niyang inaangkin siyang kanila?"
Umiling siya. "Sa kanila ni Kaedy?"
Tumawa ako. Huminto pa ang make-up artist sa paglalagay ng lipstick sa akin dahil masyado akong malikot.
"I'm cool, Cholo. Ngayon pa ba ako magseselos?"
Cholo stared at me. Ngumisi lamang ako sa kanya at hindi na nagsalita para maipagpatuloy ang pagmi-make-up sa akin.
"Iyan ba ang nagagawa ng homeschooled?" pagpaparinig niya sa akin. "Dense."
Umirap ako. Whatever, gay.
Noong natapos na akong make-up-an at ang buhok ko naman ang inayos ay tumunganga na ako sa aking cellphone. I texted Kaizen.
Ako:
It's Sunday. Nasaan ka?
Hindi agad ito nagreply. Ilang minuto ata ang lumipas at nagawa ko pang humikab sa sobrang bored saka nagbeep ang aking cellphone. Binuksan ko ang text ni Kaizen.
Kaizen:
Church with family.
Oh... Nag-isip pa ako ng irereply nang magpop-out muli ang kanyang text.
Kaizen:
Bakit Keyla?
Nagtipa ako.
Ako:
Papupuntahin sana kita rito to bring some food.
Nagreply din naman agad siya.
Kaizen:
Okay. Pupunta ako.
Napangisi ako roon. Now I don't have to deal with Cholo's strict food policies. Pag ganitong may shoot ako at marami nang ganap ay pinagbabawalan niya na akong kumain ng heavy meals. I'm sure mamaya biskwit lang ang ibibigay niya sa akin but I'll sneak out. Hindi naman ako tataba agad kasi mabilis naman ang metabolism ko kaso ang strict talaga ng baklang ito. I'm going to use Kaizen nang hindi siya magalit ng husto.
Pinagsuot narin ako ng isa sa mga damit ng Sweet Collection. The clothes were fine at nagpose nalang ako ng maayos sa camera. I did some different angles.
"She's good at pictures... Napaka angelic ng mukha at fierce ang mga mata." Isa sa mga photographer ang narinig kong nagsabi noon.
Hindi nila masyadong tinakpan ang aking freckles at mas binigyan pa nila iyon ng highlight para mas maging malinaw sa camera. Si Cholo naman ay todo palakpak sa bawat naaachieve kong angle.
"Perfect, Keyla!" sigaw niya.
Itinapat sa akin ang hangin kaya sumabog ang wavy kong buhok na nilagyan nila ng clip sa gilid. I smiled and touched the side of my head habang sumasayaw rin ang suot kong dress. Everyone's clapping and shouting na maganda ang posture ko ganoon rin ang angle. Inilihis ko ang tingin kasabay ng pagsalubong ng mga mata namin ni Kaizen. Kakarating lang nito at kinakausap na agad ni Cholo ngunit nasa akin ang mga mata.
"Okay, good job, Keyla!" sigaw ng photographer at nagthumbs-up sa akin.
Naiwala ko ang aking mga mata kay Kaizen para ngitian ang photographer. May staff naman na lumapit sa akin at binigyan ako ng tubig.
"Just take a break. Mamaya ulit..."
Tumango ako at nagtungo rin naman sa dako ni Kaizen na may dalang paperbag suot ang isang dark jeans, button down shirt at sapatos. May kung anong tinatalak sa kanya si Cholo.
"H'wag kang masyadong magpabilog diyan kay Keyla dahil brat talaga iyan. H'wag mo masyadong sundin," ani Cholo.
"Stop brainwashing my boyfriend," pabiro akong nainis at hinila ang braso ni Kaizen palayo sa kanya.
Sumunod naman agad si Cholo. Pansin na pansin ko kung paano tinitingnan ng mga staff si Kaizen. Ang rami talagang nabibihag nito kahit saan siya ilagay. Ikaw ba naman biyayaan ng mukhang mala fanart na sa sobrang perpekto hindi ka ba pagtitinginan.
"Keyla may shoot ka pa mamaya at hindi ka pwedeng kumain ng—"
"Dala ito ni Kaizen. Hindi dapat ako ang pinapagalitan mo kundi siya," sabi ko pa pagkatapos kong ilapag sa mesa ang dalang paperbag ni Kaizen.
Sumulyap saglit si Cholo pero di nakayanan ang imahe ni Kaizen at inilipat muli sa akin. Sinilip ko ang loob at nagulat sa laman noon. They're all my favorite! Kinabisado niya pala talaga ang mga likes ko.
"Pag masyado mo siyang inispoil ay hindi mo na siya matatanggihan sa lahat ng kapritso niya, Kaizen," si Cholo.
"Okay lang po," ani Kaizen.
Ngising aso na ako kay Cholo. Masunurin sa akin si Kaizen at wala na siyang magagawa sa bagay na iyon.
"You heard him? Okay lang 'po'." Tumawa ako. "He sees you as an old..."
Pinandilatan niya agad ako ng mga mata bago ko pa masambit ang 'gay'. Ayaw niya rin kasi iyong masyadong magalang sa kanya dahil feeling niya ang tanda tanda niya na. But Kaizen is a well-mannered man so too bad for him.
Nagsimula akong kumain. Nagawa ko pang inggitin si Cholo noong fries na ikinailing niya at halos makunsimisyon na naman sa akin.
"Ba't ayaw niyang kumain ka ng marami eh ang payat mo nga?" tanong ni Kaizen nang lumayo-layo na si Cholo sa amin at humalo roon sa ilang staff na nagt-tsismisan.
"Ewan ko. Oa lang talaga." Nagkibit ako at kumuha ng panibagong fry.
Binalingan ko siya. Pasimple siyang nag-iwas ng tingin sa akin at iginala iyon sa ibang direksyon kaya tumagilid pa ang aking ulo para lang masilip ang kanyang mukha.
"Galing ka sa church?" tanong ko.
Tumango siya.
"Did you pray for me?" I chuckled cutely.
Tumango ulit siya. Kinagat ko ang aking labi.
"Like?" Hinawakan ko ang braso ni Kaizen para lang talaga lingunin niya ako na halos ikatalon niya pa dahil sa gulat.
Lumingon nga siya, seryoso ang mukha.
"Sa akin nalang 'yon," aniya.
My nose wrinkled. "Eh?"
Nag-iwas ulit siya ng tingin at hinaplos ang kanyang batok. Tinantanan ko nalang rin ito at nagconcentrate sa pagkain since nararamdaman ko rin ang talim ng tingin ni Cholo sa akin pero hindi makapag-inarte dahil nandito si Kaizen. I'm sure mamaya isusumbong na naman ako kay Mommy niyan pag napuno siya sa sobrang tigas ng ulo ko.
"Kumusta naman kayo ng boyfriend mo?" tanong niya bigla, ang mga mata ay wala parin sa akin.
"Hmm... We're fine. And he got mad at you..." Tumawa ako.
"Nagselos siya?"
Tumingala ako at nag-isip saglit. He didn't mention he's jealous pero wala rin naman siyang binanggit na ayaw niya sa ginagawa kong pananakip sa issue for having Kaizen as my fake boyfriend. Ang bukambibig niya lang ay mayabang si Kaizen at ginagamit ako for fame. Dumating kasi agad si Mommy at pinauwi na siya since may shooting pa sila bukas.
"Not really. Siguro konti?"
Nilingon niya ako. "Halata nga..." aniya.
"Huh?"
"Kasi hindi ako nasuntok."
Tumawa ako. "Raiden is not as badboy as you think, Kaizen. He may look like a badboy but he's not. Mabait naman iyon..." sabi ko at kumagat ng fry.
"Kahit na. Kasi pag ako ang tunay na boyfriend mo at may umaaligid na lalake sa'yo baka makasuntok ako."
Napa half-open ang aking labi. He seemed so serious at hindi ko man lang mahanap ang kaonting pagbibiro sa kanyang mukha.
"Hindi kasi masyadong seloso si Raiden," halos suminghap na ako.
Tumango siya at nag-iwas ng tingin.
"Oo at masyado akong seloso," he clarified without looking at me.
Ngumisi ako. Oh... Ganoon pala siya? I know he's possessive pero hindi ko naman naisip na masusuntok siya ni Raiden. Kaso si Kaizen, ang mabait na lalakeng ito at walang karanasan sa babae ay makakasuntok dahil lang sa pagseselos? He's really different! God!
"Buti hindi kita tunay na boyfriend." Tumawa nalang ako.
"Buti nga..." he sighed heavily.
Hindi ko alam kung para saan iyon, kung nakahinga ba siya ng maluwag na hindi ko siya tunay na boyfriend o ano... Whatever.
Nagsimula ulit ang shoot. Inayusan ako habang nanatili naman si Kaizen para panoorin ako. Si Cholo naman ay hindi makuha-kuha ang mga pagkain dahil pinabantayan ko kay Kaizen na h'wag niyang ibibigay kay Cholo cause I know he's going to dispose it.
"May contract na siya sa Sweet Collection?"
"Ano pa bang bago pagdating kay Keyla. She's using her Mom's name to make everything easy for her. Habang tayo ay naghihirap sa pagpasok at dumadaan pa sa mahahabang proseso."
"She's really ruining the fashion industry."
"Yes. She can't even walk properly. I watched her video onlines at sobrang awkward niyang maglakad. Walang ka dating-dating."
"She just get the netizen's attention due to her family's celebrity status. Kung wala ang pangalan ng Mommy niya sa industriya, I'm sure hinding-hindi makakapasok ang katulad niyang walang talento."
Nagtawanan ang kararating lamang na mga modelo sa set habang pinaparinggan ako lalo na't malapit lamang sila sa akin. They're mocking me for having the contract easily. Mainit naman talaga ang dugo ng mga co-models sa akin. I never had a friend in this industry. Kung meron man akong relate ay si Irah but we're not close either. Nagkita na kami sa isang brand kaso hindi rin kami nagpansinan. She doesn't give a f**k either.
Dumating rin naman si Kaizen, dala-dala ang isang softdrink na nasa can na iniutos ko. Kitang kita ko ang pagkatigil ng mga hitong modelo at naging malagkit agad ang tingin sa kanya.
Umupo ako ng kampante at humalukipkip sa aking upuan habang ang hita ay ipinatong ko sa isa pa. Kaizen went straight to me, nilagpasan ang dalawang modelo na hindi niya man lang nilingon. Mapang-uyam akong ngumisi at hinaplos ang aking buhok.
"Ganito kalamig?" tanong ni Kaizen at ibinigay iyon sa akin.
Tumango ako nang maramdaman ko ang lamig noon. Nang masulyapan na naman ako ni Cholo rito ay nailing na lamang siya.
Halos gabihin na kami. Hindi parin umuuwi si Kaizen. Hindi na ako sumabay kay Cholo lalo na't alam kong tatalak lang siya sa rami-rami ng pinaggagawa ko ngayon. Nasa front seat na ako ng kotse niya habang tahimik naman siyang nagmamaneho. Umalis agad ako pagkatapos ng huling shoot kahit na gusto pa sana akong ipakilala ni Jessica sa mga models kong makakasama sa Sweet Collection. The hell I care with them.
Nagtext pa si Cholo sa akin.
Cholo:
Pinaparinggan ka ng isa sa mga modelo sa Sweet collection.
Cholo:
Brat ka raw.
Tumawa ako. As expected. Ang ginawa ko ay nagpost ako sa IG ng simpleng picture ko kanina habang inaayusan. Nilagyan ko iyon ng caption na "Glad to be part of Sweet Collection. Thank you for the offer. Love you!" A simple diss to make them more angrier.
Binitiwan ko rin naman ang cellphone at hindi na nag-abalang istalk ang mga pagpaparinig noong models sa akin sa Sweet Collection. I'm sure they're going to stalk me and I'm not going to show them that I'm one of them. Cheap.
"May pasok ka bukas?" tanong ko nang balingan ko siya.
Nasinagan ng liwanag ang mukha niya nang dumaan na kami sa mga street lights. Mas lalo kong nakita ng malinaw ang kaguwapuhan niya, ang perpektong mukha, ang nakakaakit na lip piercing...
Tumango siya.
"Pupuntahan kita bukas pagkatapos ng klase ko."
Ngumisi agad ako. "Ganyan ka ba talaga ka..."
Nilingon niya ako saglit, kunot na ang noo.
"Ka?"
"Ka bait?" Mas lumawak ang aking ngisi.
"Hindi ko alam... Ano bang gusto mong pakikitungo ko sa'yo?" Namula agad siya habang ang mga mata ay nasa daan na.
Isinandal ko ang aking ulo sa upuan habang nakaharap sa kanya.
"Hmm... Not sure. But I want to know you more so mas mabuti kung maging ikaw ka lang." Humikab ako at pumikit.
Ilang sigundo siyang natahimik. I feel tired...
"Sige, Keyla," sagot niya na nagpangiti sa akin.
"Hmm... I'm really curious. Gusto kong makita lahat ng ugali na meron ka, Kaizen. You're so mysterious to me. Feeling ko may iba talaga eh." I muttered.
Hindi siya umimik. Nalalaglag ang iilang hibla ng aking buhok kaya isinabit ko na lamang iyon sa gilid ng aking tainga at hindi na dumilat pa.