Chapter 11: Surprise

1383 Words
Magnus' POV Maaga akong nagising ngayon para kitain sila Tito, at unang araw ko ito bilang boyfriend ni Margaret kaya dapat I should look nice "Wow anak, pormang porma ka ah! San lakad mo ngayon? May trabaho ka na ba agad?" "Oo Tay eh, yung tatay po kasi ng nililigawan, este girlfriend ko po eh mayroon daw pong ipapahiram sa'kin na pera makapag simula ako ng sarili kong kumpanya" "Aba aba! Napasagot mo na si Margaret? Ang galing talaga ng anak ko! Magaling na sa pag aaral, magaling pa dumiskarte sa babae. Oh galingan mo bukas ah kailangan mapa impress mo ang mga magulang nya para pahiramin ka muna ng pera" "Pero hindi lang naman yun ang habol ko Tay eh, gusto kong mapanatag sila sa'kin, na safe ang kinakabukasan ng anak nila, sa akin." "Balak mo na ba syang pakasalan anak?" "Eh Tay isang taon akong nanligaw sa kanya, tapos gusto ko na sya first year pa lang. Sapat na rason naman po siguro yun para gustuhin kong maging asawa sya hindi po ba?" "Sabagay, eh kami nga ng mama mo unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na na mabubuo kayo" "Ang OA mo naman dyan Tay pero ganun na nga po. Mararamdaman mo naman po yan hindi ba?" "Oo anak, susuportahan ka naman namin ng mama mo eh. Nag iisang anak ka lang din namin basta ba wag mo kaming kakalimutan" "Oo naman Tay, sige na po ipagpaalam nyo na lang po ako kay Nanay, mauuna na po ako" "Sige na mag ingat ka" Dinala ko ang kotse ko para hindi na ako madungisan pa kung may commute man. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mangyayari. Pwede kasing hindi naman ganun kung ano man ang iniisip ko ang mangyari. Pero bahala na haharapin ko pa din sila kahit anong mangyari. Nang makarating ako ng office ng Daddy ni Margaret ay wala namang tao sa loob "Sir, hintayin nyo na lang po sila Sir and Ma'am" "Ah okay po, salamat" Mga 30 minutes siguro akong naghintay bago sila dumating "Iho, welcome sa maliit kong office, pasensya ka na ah, may biglaang client lang. Upo ka" "Ah oo nga po eh, maganda po ang facilities nyo po dito Tito, advance po kayo masyado pala" "Oo naman, talagang pinasadya ko lahat ng mga bagay dito para na din sa kaligtasan ng mga manggagawa." "Ngayon kung bakit kita pinapunta dito dahil nga para pahiramin ka" "Pero mukhang hindi na lang hiram pero ibibigay ko na sa'yo. Naipon ito ni Margaret at balak nyang ibigay sa'yo. Yang batang yan kasi ang palaging sumasali sa mga bets and auction ng kumpanya, at palagi syang nanalo, kaya ngayon napag desisyunan nyang ibigay sa'yo, puntahan mo sya sa conference room nandun sya ngayon" "Maraming Salamat po dito Tito, Tita. Tatanawin ko po itong utang na loob habang buhay" "Huwag kami ang pasalamatan mo, nandun si Margaret, naghihintay sa'yo" Lakad takbo ang ginawa ko papuntang conference room. Pagbukas ko ng pinto ay nandun nga syang nag aantay sa akin. "Surprise! Haha hindi lang naman yun ang regalong matatanggap mo sa'kin, eto pa" Sabay lapit nya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Namula naman ako at niyakap sya. "Salamat Margaret, alam kong wala lang to sayo. Pero para sa'kin sobrang laking tulong na nito. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Salamat dahil binigyan mo ako ng bagay na pwede kong kapitan para makapag simula" "Alam mo deserve mo naman yan eh. Nag sikap ka naman na maiahon at mairaos ang sarili mong pag aaral. Nakita ko kung gaano ka mapagod araw araw pagkatapos ng nakakapagod na araw sa klase eh nasa training ka naman agad. Kaya deserve mo yan. Extra ko lang yan pero alam kong malaking tulong na yan sa'yo" Niyakap ko sya ng napaka higpit. "Hindi ko alam kung anong magandang ginawa ko noon para biyayaan ako ng isang katulad mo, pero sobrang swerte ko na lang talaga na binigay ka sa'kin. Salamat Margaret." "nagiging poetic ka pala kapag ganyan hahahaha tara na nga, umalis na tayo dito idaan mo na ako sa bahay, nandun ang maleta ko eh" "ay oo nga pala, okay lang ba na pag dumaan tayo sa inyo eh daanan din natin sa bahay yung mga gamit ko? sa sobrang excitement kasi hindi ko na naisip dalhin eh" "oo naman, tara na" "nandito na tayo" "wow, ang ganda din naman pala ng bahay nyo eh, malaki din naman" "eh walang walla naman yan sa bahay nyo ano, tara na sakto ipapakilala kita sa mga magulang ko pati kila lolo" "andyan ba sila? maayos ba ako?" "you're perfect" "bolero!" "Nay, Tay, Lo, La. Si Margaret po, girlfriend ko" "Nice to meet you all po!" "Nice to meet you din iha, naku napaka gandang bata naman nito anak!" "Iha, upo ka muna, kukuha kayo ng gamit ano?" "Ah opo, meron po kasing out of town, sa Boracay po ang punta namin." "Nabanggit nga ni Magnus. Mag ingat lang kayo don ah" "Ah opo mag iingat po kami" Nang mahakot ko na lahat ng gamit ko ay dumiretso na kami ng airport. Libre na din to sa'kin ng mga magulang ni Margaret. Malaki laki din talaga nag naitutulong nila kapag kasama ko si Margaret dahil nalilibre ako, pero sadyang mababait lang talaga ang mga magulang nya. Sandaling nakatulog si Margaret sa balikat ko kahit tatlong oras lang naman ang byahe papuntang Boracay. Nang makarating kami sa Isla ay nandun na ang halos lahat ng mga kaklase namin. Napansin kong wala si Rita, lagot! Hindi ko man lang sya nasabihan. "Margaret!!! Hello girl! Naku akala ko hindi ka makakasama eh!" "Pwede ba naman yun? Tapos na tayo oh! No more pressure sa acad! May gagawin ba dyan? Tulong na ako" "Ah Margaret, tatawagan ko lang si Rita ah, wala pa kasi sya dito eh" "Ah sige Magnus, go take your time" Agad naman akong naghanap ng may matinong signal. Ilang beses itong nag ring bago may sumagot. "Hi bro, this is Caleb, kasama ko ngayon si Rita, papunta na din kami ng airport." "Ah, Caleb, buti naman naisabay mo na si Rita. Sige mag ingat na lang kayo" "Sige bro" Rita's POV Magnus Calling "Caleb, ikaw na sumagot sa tawag nya. Gusto ko akalain nyang tulog ako kaya ikaw na muna ang sumagot. Saka para alam nyang tayo ang magkasama" Natapos na ang usapan nila pero parang hindi naman apektado si Magnus na si Caleb ang kasama ko. "Pano ba yan friend, mukhang hindi naman sya apektado?" "Hindi pa, pero mamaya pag nakita nya tayong over sweet sa isa't isa makakaramdam din yan" Akala siguro ni Magnus ay hindi ko na babalakin pang pumunta ng Boracay, hindi pwedeng silang dalawa lang ni Margaret ang masaya. Susulitin ko na din ang bakasyon na to dahil pagkabalik ng Manila ay saka ulit ako mag iisip ng panibagong plano para mapa sa'kin si Magnus. Nang makarating kami sa Boracay ay inis agad ang tumambad sa akin. "Oh Rita, pigilan mo yang selos mo, napaka OA mo na naman dyan" Hindi ba naman mag init ang dugo ko, nakikita kong naka akbay si Magnus kay Margaret at magkalapit ang mga mukha nila habang nagtatawanan. Kahit kailan ay hindi ako tinignan ng ganun ni Magnus. Imbis na lumapit sa kanila ay nag hanap na lang ulit ako ng lugar na pwede akong makapag yosi break. Margaret's POV Natanaw ko na sa malayo si Rita pero iwas na iwas lang ulit sya samin. Matagal ko ng alam na dinadaan nya sa stress ang pagsisigarilyo. Karamihan samin yun na din ang natutunang gawin para lang makalimutan ang stress nila. Pero hindi kami ni Magnus. Stress reliever lang namin ang kumain. "Magnus, pst pst!" "Yes madam baby ko? anong hanap? kiss?" "ang OA mo talaga! Puntahan mo nga muna si Rita, nasa likod sya nyang cottage, kausapin mo saka papuntahin mo na din sya dito at please lang wag mong sasabihin sa kanya na tayo na" "eh bakit naman? best friend ko naman sya, dapat nga kahapon ko pa sinabi eh!" "Ah basta papasukin mo na lang sya ang init init oh!" Agad namang sinunod ni Magnus ang sinabi ko pero tanaw ko sa kinatatayuan ko kung paano sila nagkaroon ng maliit na pagtatalo. Ano ba ang nangyayari talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD