Margaret's POV
6 MONTHS LATER
"CONGRATULATIONS BATCH 2029!!"
Sabay sabay naming bati sa isa't isa. Sa wakas ay natuldukan na din ang mga pangarap na matagal ng tina trabaho. Present sila Mommy at Daddy sa graduation ko at masaya akong nandito sila ngayon, hindi ko maipaliwanag pero napaka kumpleto ng araw na to. Nandyan si Mommy, si Daddy, ang mga kaibigan ko at si..
"Magnus!"
Tawag ko sakanya habang hawak hawak nya ang pinaghirapan nyang diploma. Tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit
"Graduate na tayo!"
Sabay naming sabi sa isa't isa, napatawa na lang kami at saka naman lumapit sila Mommy at Daddy
"Congratulations iho!Mabuti naman at nag tapos muna kayo Marga, is your parents here?"
"Ah opo Tita, Tito. Pero nauna na po silang umuwi eh. Kailangan pa po kasi sila sa bahay, yung mga Lola at Lolo ko po kasi kailangan ng magbabantay eh sila lang naman po pwedeng tumingin sa kanila."
"Ah ganun ba, sige edi ayain ka na lang namin kumain sa labas, celebration na ng graduation nyo"
"Ah talaga po? Nakakahiya naman po hehe"
"Ito naman nahiya ka pa eh nakasama mo na nga sila mommy sa Japan eh!"
Wala ng nagawa si Magnus kung hindi sumama, nagpa alam naman kami sa mga kaklase namin, bukas ay balak naming mag hold ng party para sa lahat. Out of town na din para naman masulit ang ilang taon na paghihirap.
Kumain na lang kami sa isang steak house.
"So ano ng plano ninyo after graduation?"
Hindi ako sumagot dahil alam na din naman nila Mommy ang gusto kong tahakin pagkatapos kong mag aral, at yun ay ang fashion school.
"Uhm ako po Tito? Balak ko pong mag venture sa isang kumpanya. Yung kaibigan ko po balak po nyang mag tayo kaya baka makikipag partnership na lang po ako"
"Ayaw mo bang humawak na lang ng sarili mo?"
"Hindi naman po kami ganun kayaman para magkaroon ng ganyan kalaking pera Tito eh"
"Well, I can lend you some, bayaran mo na lang kapag naging successful ka na"
"Appreciated ko po Tito. Pero nasa sainyo po yan"
"Okay sige bukas punta ka ng office ko. Pag usapan natin yan okay?"
"Okay po Tito."
Ngumiti naman sya sa akin. Alam kong masaya sya sa papasukin nya kahit na hindi ganun ka sigurado ang kakalabasan noon. May tiwala naman ako sakanya dahil nakita ko kung paano nya itinaguyod ang pag aaral nya ng apat na taon. Siguro, hindi masamang magbigay ng regalo ngayon hindi ba?
Pagkatapos naming kumain ay iniwan na kami ni Mommy at Daddy.
"Oh Iho pano ba yan, hindi pwedeng mapuyat ang mga matatanda kaya muuna na kami sainyo ha. Ingatan mo ang anak namin. Ikaw na bahalang mag hatid sa kanya"
"Opo Tito, Tita salamat po sa treat tonight"
"And don't forget na pumunta bukas sa office ha"
"Yes po Tito, makaka asa po kayo!"
Nang makaalis ang kotse nila Mommy ay agad syang humarap sa akin at may dinukot sya sa kanyang bulsa.
"I've been meaning to give you this. Binili ko yan sa Japan pero di ko pinakita sa'yo para surprise ngayong graduation natin"
He pulled out a ring. Gold yun kaya masasabi mong good quality. Sinuot nya iyon nang may pag iingat sa daliri ko. Bagay na bagay yun at kumikinang pa. Kahit na mayaman kami ay hindi ako sinanay ng mga magulang ko sa mga magagarbong mga bagay. Kaya sa simpleng ganito lang eh tuwang tuwa na ako.
"Wow, ang ganda Magnus, thank you dito ah. I really like it"
"Mabuti naman, nung pagkakita ko pa lang dyan naisip ko na agad na babagay yan sa'yo."
"Well, akala mo ba ikaw lang ang may regalo? Pwes ako din"
"Syempre, sige nga patingin ako."
I pulled out a small box galing sa bag ko.
"Ayan buksan mo"
"Hmm masyadong maliit naman to? Teka buksan ko na ah, curious ako kung anong magkakasya dito eh"
"Go ahead"
Nakangiti na ako at ready ng i-welcome sya sa mga bisig ko at nang pagbukas nya ay nakita nya ang isang salita,
YES.
"Yes? Anong yes Marga? May tinanong ba ko sa'yo? Teka nga alalahanin ko muna, ano ba yung tinanong ko say—, SHET! Di nga? Sinasagot mo na ako? Hala! Baka prank lang to ah!"
"Haha I now promote you from manliligaw to being my boyfriend, Magnus"
"I love you so much Margaret, ang tagal kong inabot to pero sobrang worth it. Ito na ata ang pinaka magandang regalo na nakuha ko. Salamat dito"
"Bukod dyan may isa pa akong regalo sa'yo. Pero bukas mo pa makukuha yun. Kaya surprise muna"
Niyakap nga ako ng napaka higpit, matagal na syang nakayakap nang maramdaman ko ng basa na ang likod ko.
"Magnus? Umiiyak ka ba? Okay ka lang?"
Ikinalas ko ang sarili ko sa pagkakayakap nya at umiiyak nga sya.Hindi ko alam na umiiyak din pala ang mga kagaya ni Magnus, matapang syang lalaki pero may tinatago din pala syang soft hearted na side
"Masaya lang kasi ako Margaret, salamat kasi nung huli lang, dinala kita sa clinic kasi natamaan ka ng bola, pero ngayon nandito ka sa tabi ko at matatawag pa kitang sa'kin, akin ka Margaret. Girlfriend kita"
Niyakap nya ako at nagkatitigan kami. Tinignan nya ako na para bang alam na alam nya na ang buong pagkatao ko. Unti unting bumagal ang mga galaw ng mga mukha namin papunta sa isa't isa. Mabagal hanggang sa panandaliang paghinto para siguraduhin na tama ba ang gagawin namin, isang segundo, kalahati, at nagtama na ang aming mga labi. First kiss ko yun at ramdam na ramdam ko ang kilig at excitement na pakiramdam na para bang lumulutang ako sa saya.
Pagkatapos ng halik ay hinawakan nya ang kamay ko at sabay na naglakad. Paminsan minsan ay tatanaw kami sa malayo at sabay na titingin sa isa't isa at iiwas. Para bang mga highschool na nagtatago sa mga magulang nila at minsan lang na nagkita. Ganun ko ilarawan ang gabing yun, isa sa gabing pinaka masaya sa buhay ko.
Nang lumalalim na ang gabi ay nag decide na kaming umuwi na, buti na lang at dala ni Magnus ang kotse nya. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok pa din sya para magpa alam kila Mommy and Daddy.
"Tito, Tita. Andito na po si Marga, mauna na po ako. Salamat po ulit ngayong gabi"
"Okay iho, drive safe ha"
Nang maka alis si Magnus ay tinignan ko sila Mommy na may halong pagdudududa.
"Hmm kayong dalawa ah, mukhang hindi pa naman matagal nung umuwi kayo mommy? Wala pa yung eye mask mo? Ikaw daddy? Hindi ka pa pumapasok sa kwarto, aminin nyo na ang ginawa nyo kanina"
"Oo na anak, we spied on you both, eh nakakakilig naman kasi kayo eh! First kiss mo yun anak ko! Naku masaya ako para sa'yo, kayo na diba?"
"Eh mommy obvious naman po eh, eh kayo daddy? Anong say nyo? Only daughter nyo lang po ako and i already have a boyfriend"
"Anak hindi ka na teenager, malapit ka ng mag 25, sa edad mong yan kasal na kami noon ng Mommy mo eh"
"Haha, we'll see that Dad. Nga po pala bukas luluwas kami ng City. We planned to have a vacation as celebration na din namin, kaming buong class lang po"
"Saan ba?"
"Boracay po Mommy"
"Oh okay, nandun naman si Magnus eh, basta mag iingat ka"
"So? Pano yung surprise?" Tanong naman ni Dad.
"May oras pa naman po tayo Daddy bukas eh. Hapon naman po kami aalis"
"Oh okay!"
Umakyat na ang dalawang matanda at ako naman ay hindi na mawala sa mukha ang mga ngiti. Finally, I can call Magnus Mine.